Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 18 - Chapter 18: Pag Atake sa Baryo Pasil

Chapter 18 - Chapter 18: Pag Atake sa Baryo Pasil

"Maging alisto kayo, huwag niyong hahayaang magapi kayo ng mga demonyong iyan." Paalala ni Tandang Karyo habang pinagmamasdan nila ang unti-unting paglapit ng mga aswang sa baryo. Naririnig pa nilang naghahagikgikan ang mga ito na tila ba tuwang-tuwa itong nakakapaghasik sila ng lagim at kilabot sa mga tao roon.

Ang grupo naman nila Poldo ay kasama si Tandang Ipo at Obet upang kahit papaano ay magabayan ang mga ito sa kanilang unang digmaan. Hindi kasi nila pwedeng ipagpawalang bahala ang mga ito dahil maaring malupig ang mga ito ng mga aswang na higit na mas may malalim na aral sa kanila.

Tulad ng dati ay magkasama pa din sa iisang grupo sila Mina, Sinag at Isagani. Mas madali kasi sa kanila ang magsama dahil na din sa mga gabay nila. Sa kanilang patuloy na pagmamasid ay tuluyan na ngang nakapasok ang mga aswang sa baryo. Higit na marami ang bilang ng mga ito kesa sa una nilang naging digmaan. Tulad ng inaasahan ay naroroon pa din ang mga maranhig at mangilan ngilan na mga wakwak.

"Hanggang diyan na lamang kayo." halos pasigaw na wika ni Sinag. Nakatayo sila gilid ng daan habang mabagal na ngalalakad papalapit sa grupo ng mga aswang. Nawala ang saya sa mga labi ng mga aswang at nagsimula na silang mag angil. Hindi ito natutuwa sa biglaan nilang pagsulpot, ramdam ng mga aswang ang mga kumakawalang presensya galing sa grupo nila Sinag. Si Mina at Isagani ay tahimik lamang na nagmamasid sa maaaring maganap ng hindi inaasahan. Sa paglipas pa ng ilang segundo ay doon lamang nahinuha ng isang aswang na ang grupo nila ay ang unang grupo ng mga antinggero na lumipol sa iba nilang kasamahan sa unang baryo na kanilang inatake.

"Kayo na naman?" galit na sigaw ng isang maranhig. Butot-balat ang pangangatawan nito, wala din itong buhok at napakaitim pangil nito at wala utong patid sa paglalaway. Nanlilisik din ang mga mata nito na halos lumuwa na sa kanyang bungo. Mahahaba din ang mga braso nito na halos sumayad na sa lupa. Punit-punit naman ang damit nito na animo'y nanggaling pa sa ilalim ng hukay na napaglumaan na ng panahon. Kasunod nito ang iba pang maranhig na halos ang iba ay gumagapang na sa lupa.

"Hindi pa rin ba kayo nadadala sa inyong sinapit sa mga kamay ng aming panginoon?" nag-aangil na wika nito habang iwinawakli ang mga braso nitong sumasayad na sa lupa.

"Kayo yata ang tila walang kadalaan. Hindi kami makakapayag sa mga baluktot ninyong paniniwala. Ang mga tao dito ay nasa ilalim na ngayon ng aming poder, at hindi na kami makakapayag na inyo silang gambalain." wika naman ni Tandang Ipo.

"Talaga ba tanda? Tingnan natin." Wika naman nito at agad na naghudyat sa mga kasamang aswang na sumalakay. Pagkakita ng ibang aswang sa hudyat na iyon ay tila mga baliw itong umatake sa kanila. Mabilis namang naghanda nag grupo ng mga antinggero para salagin ang mga atake ng mga ito.

Hindi naman magkamayaw sa kakaiyak ang mga taong nagkukubli sa loob ng bahay dahil sa mga nakakatakot na tunog na naririnig nila sa labas. Pakiramdam nila ya katapusan na ng mundo nila dahil sa kanilang mga nararamdamang takot.

Lumipas pa ang mga minuto ay patuloy lang sa pakikipaglaban ang mga ito sa mga aswang. Paunti-unti ay nababawasan nila ang bilang nito ngunit sa hindi maintindihang pangayayari ay tila ba patuloy din ang pagdami ng mga ito. Hindi nila mawari kung saan ito nanggagaling dahil bigla-bigla nalang nagsisisulputan ang mga ito sa gitna ng digmaan. Ganunpaman ay hindi ngpatinag ang mga antinggero at patuloy na lumaban sa lupon ng mga aswang.

Sa kalagitnaan ng laban ay muling naramdaman ni Mina nag presensya ng demonyong minsang nilang nakalaban. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit hindi niya ito makita. Hindi din siya maaring magkamali dahil nakatatak na sa puso niya ang masam nitong presensya. Dahil sa naramdaman ay nag-ukit siya sa lupa ng kakaibang simbolo na hindi mawari ng kanyang mga kasama. Nang makita ng iilan antinggero ang ginagawa ng dalaga ay agad nila itong pinalibutang upang hindi ito maantala sa kung anu man ang pinaplano nito. Batid nilang malaki ang maitutulong ng ginagawa ni Mina , kung kaya't walang pagdadalawang isip nila itong hinatirang ng kinakailangan nitong proteksyon.

Nang matapos ni MIna ang pag-ukit sa kaukulang simbolo ay agad siya nag-usal ng pantawag.

Nang magliwanag ang simbolo sa lupa ay doon lamang naintindihan ng dalawang ermetanyo ang nais gawin ng dalaga. Ang simbolong iniukit ni MIna ay ang simbolo upang matawag sa lupa ang diwata ng panahon na si Mapulon. Patuloy lamang sa pag-uusal si Mina hanggang sa bigla silang nakaramdam ng pagyanig sa lupa. Walang anu-ano'y biglang nabiyak ang lupa sa kung saan nakaukit ang simbolo ng diwata at lumitaw doon ang naglalakihang baging na halos kasing-laki na nag isang matandang puno. Buhay na buhay ang baging na iyon dahil sa mala-ahas nitong pag galaw. Tila din may sariling buhay ang mga ito dahil sa bawat pagkumpas ng kamay ng dalaga ay agad na sumusunod ang mga baging at walang awa nitong hinahambalos ang mga aswang sa paligid na agad nilang ikinamamatay.

Habang ginagawa iyon ni Mina, si Isagani naman ay tuluyan nang nagpalit ng kanyang anyo. Isang aswang na lupad na noon ang kaanyuan ng binata. At walang pag-aatubili nitong dinadagit ang mga maranhig sa lupa at dinadala ito sa ere upang doon kitilan ng buhay bago ito hayaang mahulog sa lupa. Gutay-gutay na ang katawan ng maranhig na nadadakip ni Isagani sa oras na lumapat ito sa lupa. Nakakatakot din ang anyo ni Isagani.

Nanlilisik ang mga mata nito na halos hindi mo makikitaan ng puti. Itim na itim kasi ito kagaya ng kulay ng kanyang balat. Puti din ang buhok nito na animo'y kumikinang sa tuwing nasisinagan ito ng buwan. Malalapad din ang mga pakpak nito na may patulis na dulo. May nag-iisang sungay din ang binata na nakausli sa kanyang noo. Hindi pa nuon nakikipag-isa sa kanyanang diwatang si adlaw kung kaya't malademonyo pa ang anyo nito.

Ngunit sa oras na tuluyang nakiisa si adlaw sa katawan ng binata ay bigla-bigla din nagbago ang anyo nito na halos ikamangha ng kanyang mga kasama.

Dahil sa biglaang pakikisali ng diwata ng araw sa laban ay kahit si ISagani ay nagulat sa presensya nito. Walang pag-aatubili nitong sinakop ang buong pagkatao ang binata at ang dating malademonyong anyo nito ay napalita ng isang nilalang na kakaiba. Naroroon pa din ang pagiging aswang ni Isagani ngunit ibang-iba na ito. Ang dating nangingitim niton mga balat ay tila nahaluhan ng mga ukit na tila ba nagniningas. Ang puting buhok naman nito ay naging malaginto ang kulay na namumula ang dulo na tila isang apoy. ang mga pakpak naman niya ay biglang nagkaroon ng mga balahibo na kahawig ng sa kalapati ngunit itim ito na may halong pula.

Nang masipat ng mga aswang ang anyo ni Isagani ay napaatras ang mga ito dahil hindi nila batid kung anong uri ito.

"Ako si Adlaw at naririto ako upang ibigay sa inyo ang hatol ng kamatayan." wika ni Adlaw sa katauhan ni Isagani. Tila ba ang huwesyo noon ni Isagani ay tuluyan nang naglaho at pinalitan na iyon ng diwata.

Mabilis na lumipad si ISagani sa mga maranhig at walang kahirap-hirap nitong tinapyas ang mga ulo nito gamit lamang ang matutulis niyang kuko. Sa bawat pagkatapyas ng mga ulo nito ay siya namang agarang pagliyab ng mga katawan ng mga maranhig. Ang iba sa kanila ay pilit pang nagsitakbo upang makatakas ngunit hindi iyong pinahintulutang ni Isagani at ng diwata. Dahil sa bilis ni Isagani ay wala ni isa man sa umatakeng aswang ang nakatakas sa mga kamay nila.

"Grabe, parang wala tayong ginawa ah." nagkakamot na wika Kuryo habang manghang-mangha ito sa panonod kay Isagani habang isa-isa nitong pinapatay ang kaninang mga kalaban nila.

"Tuluyan na ngang nakipag-isa ang diwatang gabay ni Isagani sa kanya. Patunay lamang ang pinapakita niyang kalakasan upang masabi kong iisa na sila ng diwatang si Adlaw." nakangiting wika ni Tandang Karyo. "Siguradong ipagmamalaki siya ni Alejandro at Karina kung nakikita nila ito." maluha-luha pang dagdag ng matanda.

Patuloy nilang pinagmasdan si Mina at Isagani habang nakikipaglaban sa mga natitirang aswang. Naroroon din si Sinag na noo'y nakikipag-unahan pa sa binatang si Isagani sa pakikipagpatayan sa mga aswang. Tila mga bata itong nakikipag-agawan ng laruan habang walang namang magawa ang mga aswang na nasasakop ng kanilang mga atake.

"Si Sinag talaga, Oo. Nagawa pang makipagkompetensya sa mas nakakabata sa kanya." umiiling na wika ni Tandang Ipo.

Ilang sandali pa ay tuluyan na nga nilang naubos ang mga aswang sa paligid.

Huminto na sa pakikipagbangayan si Sinag at Isagani at napatda ang tingin nila sa lugar na noon ay tinititigan din ng dalaga.

"Isabay na natin ang paglilinis sa gubat." wika ng dalaga na agad naman sinunod ng dalawa. Nagulat pa ang mga kasama nila nang bigla-bigla na lamang silang naglaho nang parang bula. pagtingin nila sa kagubatan ay doon nila napansin ang tatlong tila hanging dumaraan sa mga puno.

"Ang mga batang yun talaga. Tara na mga kasama, hayaan na natin nag tatlong iyon. Ayusin na lamang natin ang mga nasira upang kahit papaano ay hindi naman ito maging dahilan ng pagkatakot ng mga tao dito." Mungkahe ni Tandang Ipo na agad di naman nilang sinunod. Wala na din kasi silang magagawa dahil kung susunod pa sila sa tatlo ay paniguradong makakabigat lamang sila sa grupo nito. Bukod kasi sa tatlong iyon ay wala ni isa man sa kanila ang mga gabay na diwata. Tanging Si Sinag lamang sa grupo nila ang nagkaroon ng gabay na diwata dahil na din sa misyon nitong gabayan si Mina.