Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 10 - Chapter 10: Parusa ng Kasalanan

Chapter 10 - Chapter 10: Parusa ng Kasalanan

Paisa- isa na silang nagtaas ng kanilang poder at bakod sa katawan habang ikinukubli ang kanilang mga presensya. Iyon kasi ang napag-usapan nila upang maging kampante ang kanilang kalaban at hindi makapaghanda.

Nang tuluyan na ngang nakalapit ang mga ito sa harapan ng bakuran ay doon nila nasipat ang mga anyo nitong tila normal lamang na tao.

"Kayo lang ba? Ang akala ba ng matandang si Teresa ay mapipigilan niya kami para kunin ang buhay ng kanyang anak sa pamamagitan nyo?" May pangungutyang wika ng isang lalaki na sa pakiwari nila ay siyang tumatayomg leader ng grupo. Ito lang din kasi ang may maayos na kasuotan sa kanilang lahat. Ang iba nito mga kasama ay butas butas ang mga damit na animo'y mga pulubi sa daan. Madudungis din ang buong katawan nito na tila ba ilang linggo nang hindi naliligo. Kapansin pansin din ang masangsang nilang amoy na humahalo sa hangin. Ito ang amoy na tila pinaghalong dumi ng manok at nabubulok na laman ng hayop.

"Ano pa ba ang kailangan nyo sa pamilyang ito?" Tanong ni Tandang Ipo habang hinihimas nito ang kanyang balbas.

"Wala naman gaano, ang buhay lang ng anak ni Teresa ang kailangan namin. " Sagot naman ng lalaki at nagtawanan ang mga ito ng nakakaloko.

"Paano kung hindi kami pumayag?" Tanong ni Mina habang isa-isang pinagmamasdan ang mga nilalang.

"Mamamatay kayong lahat." Sagot nito bago umatras ng bahagya. Sabay-sabay na nag usal ang mga ito ng engkantasyon upang makapagpalit ng anyo. Hindi nila batid kung anong lenguahe ang gamit ng mga ito. Isa lang ang alam nila, naghahanda na ang mga ito para umatake. Walang anu-ano'y nagsimula ng dumipa sa lupa ang ibang nilala at ang iba naman ay nakatuwad na habang ang ulo nila ay nasa pagitan ng kanilang mga hita.

Unti-unting nagbabago ang anyo ng mga ito. Ang kaninang normal na anyo nila ay napalitan ng maiitim na balat na animoy naligo ang mga ito sa grasa. Nangingintab ang balat ng mga ito na nababalot ng makakapal at maiitim na balahibo. Nagsimula na ring magsihabaan ang mga matutulis nitong kuko sa kamay at mga paa. Maging ang mga pangil nito at nagsi-uslian  na din. Nagsimula na din itong mag -angil sa kanila na tila mga hayop.

Mabilis na binunot ni Mina ang kayang punyal at nag-usal doon. Itinarak niya ito sa entradang bukana upang magsilbing harang dito. Hangga't nakatarak ang punyal na iyon ay walang makakapasok na kahit anong nilalang sa bahay mg matanda.

"Kuya Sinag, sa tingin mo kakayanin ba nila ang mga ito?" Tanong ni Mina habang hindi iniaalis ang paningin sa mga aswang.

"Oo naman." Siguradongbsagot ni Sinag. Napangiti naman si Mina at tinapik ang binata.

"Wala sa mga ito ang ugat ng problema. Pero malapit lang sila at nagmamasid. Naghihintay na masukol tayo upang magkaroon sila ng pagkakataong mapasok anng bahay at mapatay ang mag-ina. " Wika ni Mina habang idinidetalye sa binata ang mga impormasyong ibinigay ng kaibigan niyang  aghoy.

"Ganun ba, sige, sasabihan ko lang si Tandang Ipo upang malaman nila ang plano natin." Wika ni Sinag at mabilis na lumapit sa matanda upang ilahad ang pagbabago sa plano nila. Agad namang sumang-ayon ito. Itinaas ng matanda ang kanyang kamay, hudyat upang atakihin nila ang mga aswang sa kanilang harapan. Nagsimula na ang laban sa pagitan ng mga antinggero at mga aswang. Gamit gamit ang kanilang mga pisikal na armas ay nakipagbuno sila sa mga nilalang.

Hindi pa nila ginagamit ang kanilang mga karga kaya naman ay medyo hirap ang mga itong sugatan ang mga aswang dahil na din sa dulas ng mga balat nito.

Muling itinaas ni Tandang ipo ang kanyang kamay at doon na nga nagsimula ang totoong laban. Isa-isa nilang pinakawalan ang kanilang nagwawalang presensya, dahilan upang bahagyang mapaatras ang mga ito. Galit na galit na umangil ang mga ito sa kanila na ikinatawa naman ng mga binata.

"Hindi lang aswang ang mapanlinlang." Wika ni Obet habang inuusalan ang kanyang tabak ng mga buhay na salita. Pagkuway' agad niya itong inihampas sa ulo ng aswang. Isang hampas lamang iyon ngunit tila papel na napunit ang ulo nito sa katawan ng aswang. Nang makita ng mga aswang ang pagkakapaslang sa kanilang kapatid ay lalong nagwala ang mga ito. Hindi naman natinag ang grupo ni Tandang ipo at tila ba natutuwa pa sila sa mga nangyayari.

Samantala habang nagkakagulo ang mga aswang at mga antinggero pasimple namang lumabas sa daan ang magkapatid. Tinungo nila ang dalawang nilalang na nakamasid malapit lamang sa kaguluhan.

Nanlilisik ang mga mata ng lalaking kasama ni Salome at tulad ng ibang aswang ay nagsisihabaan din ang mga matatalas nitong kuko. May kakaibang sungay din itong tumubo sa gitna ng noo nito. Nakakakilabot ang anyo nito dahil kung iyo itong sisipating mabuti, malademonyo na ang itsura nito. Hindi pa man din sila nakakalapit ay agad nang umatake ang aswang sa kanilang dalawa. Sa sobrang lakas ng pag atake nito ay napaatras sila pareho.

Nagulat pa si Mina dahil napakalakas ng pwersa nito na halos ikabuwal niya sa lupa. Maging si Sinag ay nagbigla din dahil dalawa na sila ni Mina ang sumalag sa atake nito ngunit nagawa pa rin silang maitulak paatras ng nilalang.

Tumalon papalayo ang dalawa upang magbigay distansya sa nilalang. Nag usal na sila pareho at sabay na tinigalpo ang aswang ngunit nakawala pa rin ito sa pagkakatigalpo.

Muli nitong inatake si Mina at agad naman iyong sinalag ng dalaga gamit ang buntot pagi na ibinigay sa kanya ni Tandang Ipo. Muli siyang lumayo ng bahagya sa nilalang at mabilis na hinapas ng buntot pagi. Tinamaan iyon sa dibdib at tila nagbaga ang dibdib nito. Ganunpaman ay tila wala itong nararamdaman sakit.

Nag-aangil lamang ang nilalang na iyon na animo'y hindi ito nakakapagsalita. Muli na naman itong umataki at inundayan ng kagat ang dalaga na mabilis naman nitong naiwasan.

Hindi umubra sa nilalang ang buntot pagi kaya naman ay itinali niya ito sa kanyang beywang at nag-usal ng taimtim. Habang ginagawa ito ng dalaga ay si Sinag naman ang nakipagbuno sa nilalang. Ilang sandali pa ay natapos na ni Mina ang pag-uusal, dahan-dahan niyang itinaas sa ere ang kanyang kamay na animo'y may kinukuha sa kalangitan.  Nang biglang lumiwanag ang kamay ng dalaga at lumitaw doon ang isang malagintong tabak na may patulis na dulo. Gawa din sa ginto ang hawakan nito at may nakatali doong pulang bato na animo'y nagbabaga. Nang tuluyan nang mahawakan ni Mina ang tabak ay agad naman itong nag-apo kasama ang mga kamay nito ngunit ni hindi man lang ito napapaso o nasasaktan man lang. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan ng nilalang at mabilis na itinarak ang nag-aapoy na tabak sa likod nito. Napalingon naman ang aswang sa kanya at nag-angil ito ng malakas na tila isang malaking baboy ramo na malapit nang mamatay.

Pansamantalang kinalimutan ng nilalang si Sinag at mabilis na sinunggaban si Mina. Hindi naman nabahala si Mina, gamit ang buntot pagi sa kaliwang kamay ay ipinulupot niya ito sa leeg ng nilalang . Inusalan niya ito ng malakas na tigalpo at pinaluhod ito sa lupa. Dahil sa lubha ng tama nito ay napaluhod naman ng nilalang. Muling nag-usal si Mina upang ikulong ang kaluluwa nito sa kanyang katawan. Binitawan niya ang tabak at itinarak iyon sa harapan ng aswang. Napasigaw naman ito sa sakit at pagkasilaw sa sandatang iyon. Hindi ordinaryo ang tabak na iyon. Dahil isa iyon sa tabak na pagmamay-ari ng diwatang si Mapulon. Ang pulang bato naman na nakatali sa dulo ng hawakan nito ay galing sa diwata ng araw na si Adlaw.

"Inaani nyo lang ang itinanim nyong kasamaan. Ikaw sampo ng iyong mga uri ay hinahatulan ko ng kamatayan sa ngalan ni bathala at ng Amang may likha. " Wika ni Mina. Muli siyang nag usal upang tawagin ang isang makapangyarihang sibat ng kalangitan. Nang mahawakan na niya ito ay agad niya itong itinarak sa puso ng aswang dahilan upang ang kaluluwa nito ay matupok sa kailaliman ng impyero. Ang katawang lupa naman nito at biglang naging abo. Muli niyang ikinumpas ang kamay sa ere at biglang nagliwanag ang kalangitan. Natigilan ang mga aswang na naroroon at napatingala ang mga ito sa langit. Ngunit bago pa man sila magkaroon ng reaksiyon ay tumarak na si kanila ang mga sibat na animo'y isang ulan na bumababa sa lupa.

Nang maging tahimik na ang lahat ay ibinaling na ni Mina ang pansin sa mangkukulam na si Salome na noo'y gulat na gulat at tila naestatwa sa kinatatayuan nito.

"S-sino ka?" Takot na takot na tanong nito ngunit hindi nito magawang makagalaw .

"Hindi na mahalaga akong sino ako, Ginang, hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit ganoon na lamang ang galit mo sa mag-inang humingi sa amin ng tulong. Ngunit kahit ano pa man ito ay hindi iyon rason upang iligtas kita sa parusa ng may likha sayo. " Wika ni Mina at nagkumpas ng kamay niya. Ang punyal na itinarak niya sa lupa kanina ay muling nagbalik sa kanyang kamay.

Inusalan niya ito at agad naman itong lumutang sa hangin.

"Hindi ako makakapayag. Hindi ako mamamatay hanggat hindi namamatay ang babaeng yun at ang anak niya. Dahil sa kaniya ay nasira ang buhay ko." Sigaw ng babae. Umiiyak ito habang tumatawa na tila ba tuluyang ng nasiraan ng bait.

"Sa huling sandali ay iyan pa rin ang nasa isip mo. Bakit hindi ka magnilay at humingi ng tawad sa Ama? Baka sakaling mapatawad ka niya at hindi maging kalunos-lunos ang kahihinatnan mo sa baba. " Malumanay na wika ni Mina. Sinubukan pa niyang kausapin ito upang humingi ng kapatawaran ngunit hanggang huli ay nagmatigas ito. Tuluyan ng nilamon ng kasamaan ang puso nito kaya wala nang nagawa si Mina kundi ang ipataw ang nararapat n kaparusahan dito.

Napabuntong-hininga lang si Mina ng matapos na ang lahat. Muling namayani ang katahimikan sa buong lugar. Unti-unting napapapikit ng mata ang dalaga hanggang sa tuluyan itong makatulog at matumba. Agad naman itong nasalo ni Sinag at napailing naman ang binata nang makitang mahimbing na itong nakatulog.