Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 5 - Chapter 5: Tamawo

Chapter 5 - Chapter 5: Tamawo

Pagkatapos ng mga kaganapan sa bahay ng kanilang pasyente ay minabuti na muna nilang bumalik sa kubo ni Mang Ben. Hindi kasi sila maaring umalis nang walang paalam, paniguradong magagalit ang Ama ni Mina pag nagkataon. Sumang-ayon naman si Mina dahil ayaw din niyang mapagalitan ng kanyang ama. Pagdating nila sa kubo ay  agad nilang inilahad ang mga pangyayari kanina at ang hangad nilang maglakbay patungo sa lugar na pinuntahan ng kanilang pasyente.

Hindi naman tumutol ang dalawa na lubha namnag ikinatuwa ni Mina. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataong makakalabas sila ng baryo at masisilayan niya ang mga lugar sa labas nito.

Maigting naman silang pinaalalahanan ni Mang Ben sa mga panganib na maari nilang makasalubong sa daan. Hindi naman gaanong nag-aalala si Lando dahil kasama naman nito si Sinag at alam niyang hindi pababayaan ng mga gabay ng kalikasan ang kaniyang anak.

Hindi paman din sumisikat ang araw ay naghahanda na sila Sinag para sa gagawin nilang paglalakbay. Hindi naman gaanong kalayuan ang lugar na iyon at nasa karatig baryo lamang, ngunit aabutin pa din sila ng hapon bago dumating doon dahil puro lakad lamang ang kanilang gagawin. Nag-iisa lang kasi ang kanilang kalabaw at ginagamit din iyon si Lando sa pagsasaka.

Nang sumikat na ang araw, kasalukuyan na silang nasa daan patungo sa kabilng baryo. Manghang-mangha naman si Mina sa mga bagong tanawing kanyang nasisilayan sa daan. Halos pasapit na ang hapon nang ma-asok na nila ang kagubatan sa baryong kanilang tinungo. Napakasukal ng gubat na iyon na halatang hindi gaanong pinapasok ng mga tao. Ayon pa sa mga taong napagtanungan nila ay hindi talaga pianpasok iyon ng mga tao dahil sa takot sa mga nilalang na nakatira doon.

"Ano po ba ang nakatira doon?" tanong ni Mina sa matandang kanilang kausap.

"Mga Tamawo." pabulong na wika ng matanda sabay hindi ng tawad at nagdasal na animoy iyon ang magliligtas sa kanya dahil sa pagsambit ng mga katagang iyon. "Hindi namin basta-basta binabanggit ang mga uri nila dahil nakikinig lang sila." dagdag pa nito habang iniikot ang paningin sa paligis. Nagkatinginan naman si Sinag at Mina at minabuti na nilang magpaalam dito.

Nasa loob na sila ng gubat, sobrang tahimik ng lugar at wala namang kakaiba doon. Ordinaryong gubat lamang iyon na napakatahimik. Naglalakihan ang mga puno na halos panirahan na ng lumot ang bawat katawan ng mga ito. Tunay ngang hindi ito pinapasok ng mga tao dahil walang ibang bakas doon kundi galing lamang sa mga hayop. Pagsapit ng hapon, doon na unit-unting nagbago ang presensya ng buong paligid. Hindi naman iyon alintana ng dalawa at nagpatuloy lamang sila sa pagpasok sa gubat hanggang sa tuluyang na ngang nilukob ng kadilim ang buong kagubatan.

Nagsimula na silang makarinig ng mga kakaibang huni sa paligid na humahalo sa mga natural na huni ng mga insekto tuwing gabi.

"Mina, alisto ka, maraming nagmamasid sa atin." wika ni Sinag habang itinataas nito ang bakod sa kanyang katawan, Nag-usal na din sila ng usal pampoder at mga pang kombate na paniguradong kakailanganin nila.

"Ramdam ko din sila Kuya." tugon naman ni Mina habang nakahawak sa kanyang medalyon. Bigla namang naudlot ang kanilang paglalakad nang harangin sila ng mga itim na duwede sa kanilang daraanan.

"At anong ginagawa ng mga tagalupa dito nang ganitong oras? Hindi niyo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtungtong ng mga tagalupa dito o sadyang mapangahas lang kayo?" Angil nito sa matinis nitong boses. Napatingin lamang si Sinag sa mga ito habang si Mina naman ay mabuting pinag-aaralan ang wangis ng mga ito.

Napakaliit ng mga duwendeng iyon na halos nasa tatlo o limang pulgada lamang ang taas ng mga ito. May suot-suot din silang itim na salakot na animoy sa hugis ng kabute habng ang mga damit nila ay tila gutay-gutay na telang itim sa unang tingin, ngunit kapag maigi mo itong tititigan ay mapapansin mong gawa iyon sa kung anong dahon.

"May hinahanap kami sa lugar na ito, kung inyong mararapatin nais namin malaman ang saktong kinaroroonan ng pinakamatandang puno ng balete dito." wika ni Mina. Buhat nang mamaulat siya sa mga nilalang na kakaiba sa paningin ng ibang mga tao ay hindi na niya ikinakabahala ang mga tulad nito.

Tiwala din siya sa kanyang mga gabay na nakamasid at nagbabantay sa kanya at nariyan din naman si Sinag sa tabi niya.

"Ang Puno na pinangangalagaan ng mga tamawo?" At ano ang pakay niyo doon?" angil ulit ng duwende.

"May itatanong lamang kami tungkol sa babaeng ginagambala ng mga nakatira doon." sagot ni Mina. Napabungisngis lamang ang duwende pati na ang mga kasama nito. 

"Babae ba kamo? Wala na kayong magagawa, minarkahan na ng mga tamawo ang babaeng iyon.  At kapag namarkahan na nag isang tamawo ang isang tao, araw nalang ang itatagal nito sa  mundo." Wika ng duwende at tuwang-tuwa itong napahalakhak.

Ngpanting naman ang tenga ni MIna kay mabilis niyang iniangat ang kamay at itinuro ang duwende. Napatigil naman ito sa pagtawa nang maramdaman nito ang mainit na presenyang nakasakal sa kaniyang leeg.

"Anong ginagawa mo sakin? S-sino ka?" Tanong nito, bakas sa mukha nito ang takot ang pagkabahala. Ang ibang kasamahan naman nito ay nagsipulasan ant nagtago na sa mga katawan ng puno na naroroon.

"Sasabihin mo ba o isa-isa kung tatanggalin ang parte ng iyong katawan?" tanong ni MIna na may kasamang gigil sa nilalang.

Napaiyak naman ang nilalang habang nagpupumiglas sa kanyang pagkakasakal.

"Ssa-sasabihin ko na basta bitawan mo 'ko." sigaw ng duwende at agad naman itong pinakawalan ni MIna. Nang maramdaman ng duwende ang pagkawala ng pwersa na sumasakala sa kanya ay dagli naman itong nagtatatakbo palayo, ngunit bago pa man ito makalayo ay tumarak na sa likod nito ang punyal ni Mina na balot na balot ng dasal na pangwasak sa kahit ano man nilalang ng kaliwa.

Bumagsak ang nilalang sa lupa at unti-unting nalusaw ang katawan nito na tila ba tinutupok ng apoy. Nagmistula itong papel na unti-unting kinakain ng baga hanggang sa tuluyan itong maabo.

"Ang awa ay iginagawad lang namin sa mga nilalang na karapatdapat. Kung ayaw niyong matulad sa isang iyon ay mas mabuting huwag kayong makialam at magtago na lamang. Hindi kayo ang aming pakay dito. Hanggat wala kayong ginagambalang tao, ay hindi din namin kayo gagambalain." Wika ni Mina at ipinakalat niya sa buong paligid ang kanyang mapangwasak na presensya. Napailing lamang si Sinag at tinapik ang balikat nito at nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakad.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nga nila ang kinaroroonan ng puno ng Balete. Napakalaki nito at hindi hadlang ang kadiliman upang masilayan nila ang kakaibang kagandahan ng punong iyon. Maigi nila itong pinagmasdan at bakas sa punong ito ang katandaan at ang mga nilalang na namamahay dito. Kung hindi sila nagkakamali ang punong ito ay hindi lang basta tahanan ng mga engkanto, isa rin itong lagusan patungo sa lugar nga mga ito. 

"Ito na nga 'yun Mina, handa ka na ba?" tanong ni Sinag habang inilalabas ang kanyang talibong sa sisidlan nito. Tumango lamang si Mina at tumayo sa harapan ng puno, mabilis siyang nag-usal ng pantawag upang palabasin ang sino mang nakabantay o nakatira sa punong iyon. Hindi man sigurado sa kahihinatnan ay ipinagpatuloy pa din nila ang una nilang planong pagkausap sa mga ito ng mahinahon. Ibig nilang tuklasin muna ang dahilan kung bakit nagawa nilang saktan ang dalaga. Kung meron man silang malalim na dahilan ay susubukan nilang maayos ito at magawan ng paraan, ngunit kapag ang nais lng ng mga nilalang ay makapanakit ay wals silang magagawa kundi ang wakasan ang buhay ng mga ito.

Ilang sandali pa ay bahagya nang nagbago ang presensya sa paligid, ang kaninang malamig na simoy ng hangin ay naging maalinsangan. Nanatiling nakapikit si Mina habang nagdadasal habang nakadipa ang dalawa niyang kamay. Lumipas pa ang ilang minuto nang mawala ang maalinsangan pakiramdam nila. Napamulat naman si MIna habang nakatuon sa puno ang kanyang paningin.

"Nandito na sila." sambit pa nag dalaga at tumayo na ito sa kinaluluhurang lupa.

isa-isang nagsilitawan ang mga nilalang na namamahay sa punong iyon at tumambad sa kanila ang mga matatangkad na nilalang na may mapuputing buhok na nagsisihabaan. Maputi di ang balat nito na animoy kumikinang sa bawat pagtama dito ng  liwanag ng buwan.

Napakunot naman ang noo ni Sinag dahil sa ang pagkakaalam niya ay hindi sa mga puno nakatira ang mga Tamawo bagkus ay naninirahan ang mga ito sa kung saan meron tubig tulad ng mga ilog at talon.

"Hindi na dapat kayo nagpunta." Wika ng isang tamawo at sinundan naman iyon ng isa na nagsasabi...

"Kapahamakan lamang ang makukuha niyo sa pagpunta dito."

"Kung nagawa nilang alipinin ang mga tulad namin, mas lalong madali para sa kanila ang wasakin kayo." Dagdag naman ng isang nilalang. Napakaraming nagsasalita na halos saby-sabay. Ngunit isa lang ang napatunayan nila. Hindi kalaban ang mga tamawo at ibang nilalang ang may gawa ng panggagambala sa dalaga.

"Kung hindi kayo sino?" tanong ni Mina na nooy naguguluhan sa mga nangyayari.

"Umalis na kayo."

"Huwag na kayong mangialam."

"Umalis na kayo."

Halos sabay-sabay na naman itong nagsasalita na ang tanging nais ng mga ito ay ang pag-alis nila. Nang walang anu-ano'y tumalsik ang isang tamawo sa harapan nila Mina, paglapag nito sa lupa ay wala na itong buhay. Nag-aangil ang mga nilalang at napalayo ang mga ito sa puno ng Balete.

"Mga lapastangang mabababang uri. At sino kayo para paalisin ang aking mga panauhin?" wika ng isang nilalang na bigla na lamang lumitaw sa kanilang harapan.