nag bihis lang ako ng plain black na t shirt bago ito i tuck-in sa trouser ko na itim din. kinuha ko ang belt ko at nag heels na kulay puti naman. isinuklay ko naman ang buhok ko at kinuha ang shoulder bag na itim bago isukbit ito sa balikat ko.
"ate linda may pupuntahan lang..." tumango naman sila kaya nag lakad na ako palabas, inistart ko ang sasakyan lamborghini ko kaya mas maangas tignan, isinuot ko pa ang shade ko.
maraming tao ang tumitingin sa sasakyan na dinadrive ko, pag tapos ng bahay eto naman ang pinag ipunan ko. todo trabaho ako para ma spoiled naman ang sarili ko.
"Matcha Crème Frappuccino" binigay ko sa lalaki ang card ko bago ako tignan ulit ako.
"name po ma'am?" he asked. nakatitig lang ito saakin at nag hihintay na mag salita ako.
"zel" kinuha ko ang card bago tumalikod at umupo samay gilid. inayos ko ang damit ko bago alisin ang shade na suot ko. kinuha ko ang lagayan bago ilagay iyon sa bag ko. umayos naman ako ng upo habang nag hihintay.
"celeste" tumaas ang tingin ko ng makita ko si archer gulat itong naka tingin saakin na ngayon ay nasa harapan ko.
"who are you?" biglang pumasok sa utak ko na lokohin ang lalaking to. namiss ko siya sobra gustong gusto ko na siya ihug.
"uhm, archer? naalala mo pa ko?" nakita ko pa ang pag lunok niya. umiwas ako ng tingin para pigilan ang tawa dahil parang nagugulugan na siya saakin.
"I don't know you, sorry" nakita ko ang pag baba ng balikat niya na waring na disappoint sa sinabi ko.
"kidding... hey archer" tumayo ako bago yakapin siya. rinig ko naman ang mura niya bago ako yakapin ulit.
"tangina... ibang iba ka ngayon" tumawa ito habang tinititigan ako. rinig ko naman ang pag tawag sa pangalan ko kaya napalingon ako.
"umorder kana? tara treat kita" hinila ko siya papunta sa counter bago ko kunin ang order ko. kinuha ko na ang card ko at ibinigay ulit sa lalaki ng sabihin na ni archer ang kaniya.
"kamusta?" siya na ang nag simula ng topic ng kunin na rin niya ang order niya.
"ayos lang..." ngumiti ako bago sumimsim sa hawak ko. nakita ko naman siyang nakatingin lang saakin kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"uhm... aayain sana kita mamaya may reunion tayo mamaya, hindi ko alam kung nabasa mo ba next namin"
tumango sakaniya bago siya tignan, sa totoo hindi ko na ganon binubuksan ang phone ko kaya hindi ko na rin alam ang ganap sakanila.
"pupunta ka?" bumaba na ang boses niya kaya nag kibit balikat ako. hindi ako sure kung makakapunta at ayokong mag expect naman sila.
"nandon naman ako... ako kausapin mo" tumango ako kaya naman lumapad ang ngisi nito.
"manila girl kana pala miss" tumawa naman ako ng sabihin niya ito.
"syempre, ikaw ba bakit ka napadaan dito?" tanong ko naman ngumiti lang siya ng tipid.
"may tinignan lang dyan sa mall nandon din kasi mga pinsan ko.." tumango ako bago sumimsim ulit sa iniinom. ilang oras pa kami ng kwentuhan kaya napatayo na ako.
"bibisita ako kila mama... sama ka?" aya ko sakaniya nag dalawang isip pa to bago tumango.
"paalam lang ako sa mga pinsan ko.. hinatid lang nila ako dito pero nasa sm sila, hindi ko dala ang sasakyan" tumango ako, lumabas kami at gulantang naman siya ng makita ang sasakyan ko.
"pwede kana mag sugar mommy celeste" tumawa naman ako bago sumakay. sumakay rin siya at dahan dahan lang ako mag maneho dahil umiinom siya.
ibiniba ko muna siya sa sm para makapag paalam sa pinsan niya. nakipag usap siya sa isang lalaki bago ituro ang sasakyan ko. ibang iba sa archer ngayon.
malaki na ang katawan niya at mas matangkad saakin kahit na naka heels ako. mahaba na ang buhok niya at maganda ang kilay, matangos ang ilong at maputi ang balat, kamukha niya si zheng huada.
"tara..." ngumiti ito saakin ng makapasok siya. binilisan ko na ang takbo ng sasakyan at nagulat naman to.
apat na oras lang ang takbo namin at nakarating na agad sa tapat ng bahay. nakita ko naman nag wawalis si mama habang si papa naman ay may hawak ng sako.
"ma.. pa" napatigil sila at kaagad na tumingin saakin. tumkbo ako palapit at yumakap. rinig ko naman ang iyak nila kaya napaiyak na rin ako.
"namiss ko kayo" yumakap ulit ako sakanilang dalawa bago humiwalay.
"antagal tagal mong n-nawalay saamin" tumango ako sakanila bago yumakap ulit.
"archer ikaw pala" nag pano si archer kila mama at papa bago kami pumasok. nakatingin saakin si mama at parang ayaw na kumawala.
bumaling naman ako kay archer na naka upo lang sa tabi at tahimik. ibang iba na rin ito ngayon.
"cher... kunin mo nga ung gamit dun sa likod ng sasakyan" bulong ko tumango naman ito sabay tayo bago lumabas.
bitbit na niya ang mga chocolates at sapatos na binili ko pa sa ibang bansa. natuwa naman si mama dahil don.
iniayos naman ni archer yon sa ref bago tumingin saakin dahil nag bulsa pa siya ng dalawa at kunwari wala siyang ginawa.
"ang ganda ganda mo" si mama ang nag sabi sabay tingin saakin. hinawakan niya pa ang mukha ko.
kumain muna kami at nag usap usap, napabaling ang kwentuhan kay archer dahil nag iba na raw siya.
"pedia tita..." ngumiti naman ako ng sabihin niya iyon. naging pangarap ko rin yon noong highschool kami.
"bakit hindi ka pa mag anak?" nabulunan naman siya sabay kuha ng baso natawa naman kami sa itsura niya.
"tita naman... bata pa ko" yumakap pa to sa sarili niya ng ikinatawa ko pa.
"si celeste maganda naman oh bakit hindi mo ligawan?" pareho kami natahimik ni archer sabay tawa ng malakas at nag apir pa. kunot lang ang noo ng tumingin kami kila mama at papa.
"soon tita" biro nito kaya napatawa na ulit si mama. ilang oras din ay tumayo na ako para mag paalam. kumaway ako kila mama bago ako alalayan ni archer papasok ng sasakyan.
"tara sa bahay" aya ko sakaniya kaya tumango naman siya. bumaba lang kami saglit samay sm para bumili ng susuotin mamaya.
kinuha ko ang silk dress na bumabagsak sa sahig at ang heels na kumikinang pati na ang bag. siya na ang nag buhat ng pinamili namin.
"ate linda" nakita kong nag hahain na siya ng hapunan bago tumingin kay archer na gulat ang tingin niya.
"boyfriend mo celeste?" ngiting tanong niya nakita ko naman ang marahang tango ni archer.
"archer po pala... boyfriend ni celeste, sugar mommy ko" napahalakhak naman sila bago mag apir.
mga baliw! umakyat kami at itinuro ko ang kwartong isa dulo. tumango ito sabay bigay saakin ng paper bag.
ilang oras na ay bumaba na kami at pumuntang venue dito rin sa manila.
__________________________________________________________