Chereads / Embracing the Sky / Chapter 16 - kabanta 14

Chapter 16 - kabanta 14

tumayo ako ng makita sila tita at tito dito, nag mano ako ng makita si tita melody at tito virgilo ngayon sa harap ko.

"celeste!" yumakap sila at bumeso pa, ngumiti naman ako.

"kamusta po?" masayang tanong ko. ngumiti sila bago hawakan ang kamay ko.

"ayos naman hija... ikaw ba?" lumungkot ang bawat titig nila saakin kaya ngumiti nalang ako bago hawakan din ang kamay nila.

"ayos na ayos tita" ngumiti ako bago tumingin kay tita jenny na naka tingin din saakin, ang mommy ni archer.

"tita jenny!" masaya ko itong isinalubong ng yakap at tumawa naman ito tsaka yumakap pabalik.

ganon din ang ginawa ko sa magulang ni aeris, harvey, amari at neiva. kumaway ako kay caelestis ng tumingin ito saakin.

"may tampo pa kami sayo celeste" ramdam ko ang pag tatampo sa boses ni aeris ng bumalik ako sa lamesa namin.

sinuyo ko naman ito sa pamamagitan ng pasalubong at chocolates para sa anak at sakanila.

"ehem hongkong! ehem!" lumingon ako kay neiva ng bigla niya iyon sinabi, ngumiti lang ako sakaniya bago tumawa.

"harvey! abutan mo ng tubig dali baka mapaano" inirapan naman ako ni neiva kaya tumawa ako.

umupo sila amari sa harapan ko habang si dash naman ay nasa tabi niya. ramdam ko ang akbay ni archer na ngayon ay nasa tabi ko na.

"antagal ng walang paramdam ah" si amari naman ang nag salita. napatigil naman ang iba dahil sa sinabi niya.

"i'm sorry nabusy sa pag aaral want ko rin ituon sarili ko sa pangarap ko" ngumiti ako ng tipid sakaniya sabay lingon kay archer na ngayon ay naka titig saakin.

"tahimik niyo naman, bago yan ah" ako na mismo ang nag sabi. nag kwentuhan na rin sila sa mga sarili nila. ngumiti lang ako bago tumango.

"babe.." rinig kong nag salita si ace sa likod ni neiva, kumunot naman ang noo ko don at bilang humahagikgik si aeris sa harap ko.

"mag asawa na yan" natatawang saad ni aeris na ngayon ay nasa harapan ko. ngumiti lang ako bago tumango andami na rin palang nag bago ngayon.

"wala ka pang boyfriend?" lumingon ako kay harvey ng tanungin niya iyon, sasagot na sana ako ng sumabat si archer.

"ako boyfriend nyan... tanongin niyo pa sila tita at si ate linda" ngumisi pa ito kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"ship ship" parang highschool na saad nila kaya napailing nalang ako.

"baka mamayang pag uwi niyo may baby na agad to ah.." kami ang trip nila kaya natatawa nalang ako, may nag serve na ng pagkain kaya sinimulan ko na ring kumain.

ramdam ko ang mata na lumilingon saakin kaya kunwari kong iginala ang mata ko at napahinto kay dash ng tumama ang tingin namin.

"juice?" itinaas ni archer ang pitsel kaya tumango ako at tipid na ngumiti sakaniya.

ilang oras din kaming nag kwentuhang lahat at parang bumalik ang pagka highschool naming lahat. tumugtog ang music parang cotillion naman.

"sumasayaw si tita jenny at tito thoper" natatawang bulong ko kay archer tumawa lang to sabay tingin sa magulang niyang sumasayaw.

inilahad ni tito thoper ang kamay niya sa harap ko at ibinigay ang asawa sa anak niya. ngumiti naman ako bago siya isayaw.

"nako baka mahulog ang anak ko neto" tumawa naman siya ng sabihin niya ito.

"mukha nga po" biro ko sabay tingin kay tito na natatawa dahil sa tingin ng anak niya.

lumapit kami sa pwesto nila tita at nag titigan pa si tito thoper at archer bago tumango at bigla naman ako inikot ni tito at bahagyang bumaliktad dahil si archer na ang may hawak saakin ngayon.

"Itong awiting ito

Ay alay sayo

Sintunado man tong

Mga pangako sayo

Ang gusto ko lamang

Kasama kang tumanda ~

ipinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at dahan dahang hawakan ang baywang ko.

Patatawanin kita

Pag hindi ka masaya

Bubuhatin kita

Pag nirayuma ka na

O kay sarap isipin

Kasama kang tumanda ~

ngumiti ito sabay hawak sa ilong ko kaya sumimangot ako. sumabay naman siya sa kanta sabay tingin saakin.

Ibibili ng balot pag mahinang tuhod

Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod

O kay sarap isipin

Kasama kang tumanda ~

pinipitik niya pa ang darili niya habang dahan dahan akong isinasayaw ng mabagal.

Sasamahan kahit kailanman

Humigit kumulang di mabilang

Tatlumpung araw sa isang buwan

Umabot man tayo sa three thousand one ~

ngayon naman ay kinuha na niya ang kamay ko pero sumasayaw parin, tito vibes yan e.

Magmukha mang bruha

Paggising sa umaga

Pupunasan ko pa ang muta mo sa mata

O kay sarap isipin

Kasama kang tumanda ~

tinaas baba niya ang kilay niya sabay ngisi saakin at pinatong ulit ang kamay sa balikat niya.

Paglalaba pa kita

Matapos mamalantsa

Kahit abot abutin

Man ako ng pasma

O kay sarap isipin

Kasama kang tumanda ~

pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya kaya naman yumakap na ito saakin. ginagalaw parin niya ang katawan at ang ulo niya habang kumakanta.

Sasamahan kahit kailanman

Mahitin kumulang di mabilang

Tatlumpung araw sa isang buwan

Umabot man tayo sa three thousand one ~

ngayon naman ay nag hip hop dance na ang sinasayaw niya sa harapan ko, wala ako sa sariling tumawa dahil sa pinag gagagawa niya.

Loves na loves parin kita

Kahit bungi bungi ka na

Para sa akin ikaw parin

Ang pinakagwapong papa

O kay sarap isipin

Kasama kang tumanda~

ako naman ang sumunod sakaniya, sumayaw rin ako sabay turo sakaniya. natawa naman kami sa pinag gagagawa namin dahil ang ibang tao ay nanonood lang saamin.

At nangangako sayo

Pag sinagot mong oo

Iaalay sayo buong puso ko

Sumangayon ka lamang

Kasama kang tumanda ~"

ngayon at ngumiti ito saakin sabay yakap, yumakap naman ako sakaniya sabay alog ng ikinatawa naman nito.

"grabe yon tito thoper nag mana talaga" natatawang sabi ni aeris na ngayon ay humahagalpak na sa tawa at hawak hawak ni harvey.

"tanginang yan" bulong ni harvey kaya natawa ako.

"nako mommy masaya na saakin ang future asawa ng anak mo oh"

ngumiti lang ako sabay upo dahil sa pagod. uminom naman ng tubig si archer sabay lingon saakin.

___________________________________________________________