palagi na naka tambay si archer dito sa bahay kahit pag ka gising ko ay nakikita kong kumakain na siya ng almusal sa sala habang nakikipag kwentuhan kay ate linda.
"zel!" sumigaw ang loko sabay tapik ng upuan na nasa tabi niya. inirapan ko ito sabay upo roon.
ramdam kong may humawak sa buhok ko kaya napalingon ako sa salaming nasa gilid. naka tayo si archer habang kagat kagat ang ipit at sinasakop ang buhok ko para maipitan.
"para hindi mo makain buhok mo" tipid akong ngumiti bago kumagat sa tinapay.
lumingon ako kay archer habang pinapalamanan ang iba pang pandesal at inilalapag sa harapan ko. pinag timpla pa niya ako ng kape.
"kumain ka ng madami" matamis niya akong nginitian kaya wala ako sa sariling tumango na parang bata.
kumakain na rin siya ngayon habang nakikipag kwentuhan pa kay ate linda, nakita niya naman na nakatitig ako kaya naman kaagad akong umiwas ng tingin.
"pediatrician ka pala" unti unting tumango si archer.
"simula bata palang ako ate mahilig na talaga ako sa mga bata" ngumiti naman ito sabay higop ulit ng kape.
"done kana kumain?" muli naman akong tumango kaya iniligpit na niya ang nasa mesa. siya nalang daw ang mag huhugas dahil mamamalengke pa si ate linda para may laman ang ref.
he treat me like a princess, palagi siya ang gumagalaw dito sa bahay. never niya akong pinag linis at sasabihin niya lang maligo na ako dahil mainit o hindi kaya ay matulog o mahiga.
"shower kana muna.. vacuum lang ako dito" unti unti akong tumango bago mag lakad sa taas.
kinuha ko ang twalya ko at naligo. nag bihis din kaagad ako bago bumaba nakita ko naman itong napamaywang na sa pagod.
"inom ka muna" saad ko habang pababa ng hagdan. tumango ito sabay tingin saakin.
nang matapos niya ang ginagawa niya ay umakyat siya sa taas para maligo rin. binuksan ko na ang aircon para malamig ang buong bahay.
"hey" napaangat ang tingin ko kay archer na naka sabit ang twalya sa balikat niya at basa pa ang buhok.
itinuro ko ang upuan para maka upo siya doon. kinuha ko anh blower na nasa ilalim non bago isaksak samay gilid.
"grabe naman, ang alaga naman ng asawa ko" ngumisi ito sabay tingin saakin. inirapan ko lang ito sabay blower ng buhok niya.
ilang minuto lang ay natapos na iniligpit ko na iyon bago tumingin sakaniya.
"ayan nag mukha kang tao" asar ko. sinamaan naman niya ako ng tingin ng mas lalong nagpahalakhak saakin.
sa totoo lang mas gumwapo si archer ngayon. ibang iba ang itsura niya noong highschool kami.
"may nagugustuhan kana?" ako na ang nag open ng topic para may mapag usapan.
"meron" ngumisi pa ito habang naka tingin saakin, unti unti naman ako tumango bago umupo.
"gusto mo ba malaman kung sino?" humina ang boses niya ng sabihin niya ito.
"sino?" tumingin ito saakin sabay turo sa salamin. kunot noo akong patingin at nakita ang sarili ko roon.
"gustong gusto ko yan" mapait siyang ngumiti sabay tingin saakin.
"ha? saan?" patay malisiya kong saad sabay upo ulit. nakita ko naman ang ngising sumilay sa labi niya.
"gustong gusto kita capt." ngumiti ito saakin sabay tayo, akala ko ay iiwan na niya ako dahil lumabas ito ng bahay pero kaagad din siyang pumasok at may dalang box.
"here, open it" kinuha ko iyon at binuksan. iba't ibang klase ng papel ang naroon.
October 15, 20XX
Hi Heavenly,
the first time i saw u, i thought gusto lang kita I never realized na habang tumatagal mas nahuhulog ako sayo. gusto kitang bigyan ng flowers and chocolate katulad ng binibigay ng mga manliligaw mo pero i don't have enough money to buy that kind of stuff.
November 18, 20XX
Hi Heavenly!
akala ko sobrang sungit mo kasi kapag dumadaan ung mga lalaki sa harapan mo iniirapan mo lang ito. kapag dumadaan naman ako palagi ka nag tatago sa mga kaibigan mo na para habang natatakot ka saakin.
December 30, 20XX
Hi Izel!
hindi ko inakala na magugustuhan mo rin ako, akala ko binibiro lang ako ng mga kaibigan mo until umamin ka, sobrang saya ko non at napakwento pa ko kila mommy at daddy tungkol sayo.
January 9, 20XX
naging mag kaibigan tayong dalawa. naging mag kaibigan rin kami ng mga kaibigan mo, masaya ka kasama sobra. hanggang ngayon gustong gusto parin kita at hindi ko alam kung kelan matatapos to.
February 13, 20XX
nag confess ako ng nararamdaman ko sayo, akala ko ay babastedin mo ako pero hindi umamin ka rin saakin. we have a mutual understanding na pang saating dalawa lang.
March 9, 20XX
sobrang ganda mo kahit na walang make up, nakipag sayaw ako sayo at hindi ko akalain na sobra sobra pa akong nahulog sayo. we danced in slow mo like we have our own earth.
hindi ko na natuloy na basahin iyon marami at makapal pa, agaw pansin saakin ang isang green na envelope.
Dear Izel ko,
Hi Heavenly ko! sobrang miss kana namin balik kana pre, antagal tagal na kitang hinihintay dito. uhm sinulat ko tong letter para sabihin sayong sobra sobra na kitang namimiss hehe, miss ko na ung kaasaran at kakulitan mo yung kahit sa simpleng joke ko bigla bigla nalang ikaw natatawa.
kinausap ko nga pala yung ex mo, he sincerely sorry about what happened kaya napag bigyan na namin. sabi ko pa sakaniya mukha siyang gago kasi siya lang yung kauna unahang pinatulan mo tapos niloko ka pa. sinabi ko rin na ano.. ibalik ka niya saakin kapag ayaw niya sayo kasi sobrang sakit makita kang umiiyak. sobrang sakit kapag nakikitang nawawala sa sarili kapag kasama mo ung gagong yon. siguro kapag pinag patuloy ko pa na gustohin ka dati asawa mo na ko ngayon may anak pa tayong anim. hahaha jk
i miss you baby balik kana saakin/saamin.
Nalulumbay,
pogi si archer
nanlabo ang mata ko ng mabasa iyon wala rin ako sa sariling napatawa dahil sa huling sinabi niya. tumaas ang tingin ko kay archer habang nakatingin sa kung saan.
"bad ka! pinapaiyak moko" sinamaan ko to ng tingin sabay pabiro itong sinuntok.
"many letters for u mylove, para alam mo kung kelan at paano kita nagustuhan." ngumiti ito bago punasan ang luha sa mata ko.
"crush na crush mo nanaman ako archer!" ngumiti naman ito sabay halakhak.
"naman! ikaw yan e" ngumisi ito kaya napayakap ako sakaniya.
why do I deserve this? why do I deserve him? palagi ko iniisip yan he gaves me thousand of words and he do it. kung ano ang sinabi niya ginagawa niya.
"i love you heaven" hinalikan niya ang noo ko kaya pinalo ko ito. tumawa naman ito sabay upo sa tabi ko.
sumandal naman ako sakaniya habang tinitignan ang picture niya na naka display doon. dalawa na iyon yung isa naka uniform siya habang hawak hawak ang isang aso. may stethoscope pa ito na naka sabit sa leeg niya he look hot.
____________________________________________________