Chereads / Embracing the Sky / Chapter 23 - Epilogue: Archer I

Chapter 23 - Epilogue: Archer I

"Archer" tinignan ko ang isang babae na nasa harapan ko ngayon, hawak hawak nito ang isang box ng cookies sabay abot nito saakin.

"ah.. para sayo pala" nahihiya pa itong iabot. kinuha ko ito bago siya ngitian.

"salamat ayesha" tumalikod ako para pumunta sa room namin. nakita ko naman si celeste na kaagad nagtago ng mapatingin ako dito.

pilit niyang siniksik ang sarili niya sa mga kaibigan niya bago ito palihim na tumingin saakin. umiwas pa ito ng tingin ng makitang naka tingin ako.

"crush ka ata non e ni celeste" pang aasar pa ni Harvey na ngayon ay kumakain ng cookies na ibinigay ng babae kanina.

pumasok sila sa room at kaagad dumapo ang tingin niya saakin. nakita ko ang pamumula ng mukha nito kaya ngumiti ako.

"archer!" sumigaw ang kaibigan niyang si neiva na ngayon ay nasa harapan ko na. tumaas ang kilay ko sabay tingin dito.

"may sasabihin daw kaibigan ko" umalis ito kasama ang iba pa nilang kaibigan at naiwan si celeste ngayon sa harapan ko. nanginginig itong tumingin saakin habang pinag lalaruan ang daliri nito.

"gusto kita archer" kumalabog ang puso ko ng sabihin niya ito. maganda si celeste at halatang habulin ng mga lalaki.

nakita ko siya noon iniirapan lang ang mga lalaking madadaanan niya tsaka ung mga lalaking nag kakagusto sakaniya.

"uhm nahihiya tuloy ako" hinawi niya ang buhok niya para iipit sa likod ng tenga niya. lumapit ako samay tenga niya para bumulong.

"gusto rin kita Celeste" natigilan ito ng sabihin ko iyon. pumasok ang prof namin kaya kaagad siyang napatakbo papunta sa mga kaibigan niya.

ilang taon na rin ang nag daanan simula ng magustuhan namin ang isa't isa. naging close ko na siya at mga kaibigan niya kaya napag isip namin na maging mag kaibigan nalang.

"kilala mo si Ralph? feeling ko ambango bango non! nabasa ko sa libro" rinig kong bida ni celeste sa mga kaibigan niya.

minsan pa ay nakikita ko siyang nag babasa ng libro. napapangiti pa ito bago isara ang libro ng sasamahan niya ang mga kaibigan niya.

"gago archer wag mo galawin yan" saad pa saakin ni harvey na ngayon ay tinatawanan ako dahil nakikibasa ko sa librong binabasa ni celeste.

'I'm in love with you. And I love that I'm in love with you. I love the feeling. The happiness when I think of you, the butterflies when you text me, the excitement I get when I know I'll get to see you. It's amazing. And you're amazing, and I love you '

binabasa ko ang librong to kapag umaalis si celeste. kinukuha ko at tinatry kong basahin dahil hilig niya ito.

"amari.." tumingin ang babae saakin kaya lumapit ako.

"ano pala ang paboritong libro ni Celeste?" tanong ko. napaisip naman siya bago niya buksan ang phone niya bago dumiretsyosa gc nilang mag kakaibigan.

"Heavenly Love" ngumiti ako bago mag pasalamat sakaniya. tumalikod ako bago tignan ang wallet ko. nakapag ipon ako mga 500 pesos para bilhan siya ng paborito niyang libro na alam kong wala siya.

pumasok ako sa national bookstore at dumiretsyo sa mga libro. tinitigan ko isa isa at nakita ko na nga. bumaba ang tingin ko sa presyo niya at medyo may kamahalan pero binili ko na.

"Hi archer" kumaway saakin ang isang babae hindi siya pamilyar saakin kaya tinanguan ko nalang.

umuwi kaagad ako para makapag pahinga. iniisip ko kung ako ba ang mag bibigay nito sakaniya kaso baka isipin niya gusto ko pa siya o ipapaabot ko nalang sa kaibigan niya.

"tulala ka dyan anak ko" si mommy ay nakatingin saakin bago bumaba sa librong nasa harapan ko. naningkit ang mata niya bago kunin ito.

"Heavenly Love" basa niya bago tumango.

"para saan yan? may nililigawan kaba?" pang aasar ang boses niya ng sabihin ito. umiling kaagad ako bago kunin ang libro sa kamay niya.

"wala mommy, gift lang sa kaibigan" ngumisi ito saakin na parang nandududa pa sa sagot ko. ilang minuto pa ay lumabas na ito at iniwan ang gatas at cookies na nasa study table ko na.

________________________________________

"tulala ka dyan archer" siniko ako ni aeris kaya nagulantang ako. kinuha ko ang libro sa bag ko bago ibigay kay aeris.

"pabigay nga kay izel.. wag mo sabihin na ako may bigay" tumawa siya bago tumango. alam kong aasarin nila ko dahil hindi parin ako maka move on sakaniya.

"Celeste!!" sigaw ni aeris kaya nagulat na lumingon si izel sakaniya. nanlaki ang mata niya ng makita ang librong iyon kaagad itong nag tanong kung sino ang may bigay.

"secret admirer mo ate ko" tumawa ito sabay sulyap saakin.

kinuha ko ang notebook kung saan ako palagi nag susulat. simula ng makilala ko si celeste ay isinusulat ko na siya dito.

"may secret admirer ka pala ah" biro ko dito kaya naman tumawa lang ito. excited niyang buksan ang libro ay manghang mangha siya ng makita ang mga litratong nakalagay samay libro.

________________________________________

"Crush ko na ata si kaizen" nabingi ako sa sinabi niya. gulat din ang mga kaibigan niya bago sila kiligin.

ngumiti ako sakaniya ng mapadapo ang tingin nito saakin. simula ng naging close silang dalawa ay palaging sakaniya siya nag papasama.

"Dash.. samahan mo nga ako bumili mamaya" maliit ang boses niya ng sabihin niya ito. umalis kaagad ako sa pwesto bago ilabas ang phone para mag laro.

"neiva! aeris! amari! harvey! laro mga pre!" sumigaw ako para marinig nila ko. tumango naman sila at nakipag laro saakin.

ilang buwan din ng malaman kong sinagot na ni celeste si kaizen. hindi na rin ako lumalapit kay celeste kasi may respeto ako para sakanila.

"love, uhm pwede sa likod ka muna? dyan nalang muna si amari para mahinaan ko ung aircon dyan, masyado rin kasing malakas ung sa likod" hindi kaagad pumasok sa isipan ko ang sinabi ni dash. nakita ko ang sakit sa mga mata ni Celeste ng sabihin ito.

kinuha ko ang jacket ko sa bag bago ibigay ito kay celeste. tipid na ngumiti ito saakin kaya tinanguan ko. nanginginig ang kamay ni izel ng tignan ko ito. lumapit ako kay neiva para sabihing hawakan nito ang kamay ni izel.

"salamat sa pag hatid" tinanguan lang kami ni dash bago ako lumingon kay izel na ngayon ay nakatingin lang.

parang sinasaktan ang puso ko ng makita ang itsura niya. gusto ko siyang bawiin, gusto ko siyang ilayo kaso wala akong karapatan.

________________________________________

"k-kanina nung s-sumakay ako may l-lalaki tumabi t-tapos h-hinawakan yung h-hita ko" nang marinig ko ito ay kaagad nag init ang ulo ko.

kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ko lalo ng makita kong basang basa siya ng ulan. hindi man lang siya hinatid ng boyfriend niya. nakakaputangina yon.

"iuuwi na kita celeste.. tara na suotin mo na yan" ilang minuto din ay nakarating na kami sa bahay nila at sinabi kong painomin at paliguin siya.

dumiretsyo akong palengke para makahanap ng gulay para makapag luto ako ng sopas. kinuha ko ang bag bago ilagay doon yon.

"Archer" Saad ni tita ng makita akong nasa tapat ng bahay nila. ngumiti ako inilapag ang gulay sa lamesa.

"pag lulutuan ko po si celeste bukas" umamo ang mata nito bago ako yakapin.

"salamat archer" ngumiti ako bago kunin ang palanggana na nasa sahig. binuksan ko ang pinto bago isara ito.

nakita kong nanginginig na nakahiga si celeste sa kama niya habang balot na balot ang katawan niya. tinignan ko rin ang yakap yakap niyang stuffed toy.

"pinapabayaan mo sarili mo izel" bulong na saad ko habang pinupunasan ang braso niya.

"ayoko ng ganyan. babawiin kita kapag ginanyan ka pa niyan sige" pananakot ko habang hindi ko na mapigilan ang pag hikbi.

you're trying your best and I'm so proud of you.

bumukas ang pinto at nakita kong si tita iyon. pinunasan ko muna ang luha ko bago ako humarap sakaniya.

"mag palit ka muna at dito kana matulog.. gabi na at baka mapaano ka pa" ngumiti ako bago pumasok sa cr para mag bihis.

nakita kong naka upo si izel ngayon dahil pinainom ito ng gamot ni tita. napalingon ito at gulat na makita ako.

"Archer.." ngumiti ako bago tumabi sakaniya. hinawakan ko ang leeg at noo niya at nakakapaso parin ang init.

Pumasok si tita may dalang palangga may yelo na ito kaya kinuha ko na para ako nalang ang mag pupunas.

"wag kang umiyak dyan.. ginusto mo yan diba" masungit na saad ko. pinalo naman ako ni tita bago tumawa.

rinig ko ang pag sara ng pinto waring kalalabas lang ni tita. sumimangot naman si izel sa sinabi ko bago bawiin ang kamay niya na hawak ko.

"aba.. o ayan ikaw mag punas sa sarili mo" saad ko bago tumayo. lumunok ako bago tumalikod sakaniya.

"alagaan mo naman sarili mo... ayokong ganyan ka" saad ko bago ako lumabas ng pinto. nakita ko si tita nag lalatag ng higaan samay sala kaya tinulungan ko nalang ito.

________________________________________

nang pumasok ako sa kwarto ni izel gulat akong makita na naroon si kaizen.

"ipag pahinga mo muna girlfriend mo pre... masama pa pakiramdam" saad ko bago ibaba ang sopas na iniluto namin ni tita kanina.

masama ang tingin niya saakin bago ako sigawan. maski si celeste ay nagulat dahil sa ginawa niyang iyon.

lumabas ako bago tumingin sa mga kaibigan niya na nandito. nandito rin si harvey na ngayon ay kunot noong nakatingin saakin na para bang may ginawa akong kasalanan.

"sino ba naman kasing tanga ang iiwan ung girlfriend para ihatid ung ibang babae para maging safe lang?" parinig ko ng makitang lahat sila ay nasa kwarto na. nakatingin lang sila saakin ng sabihin ko iyon.

hindi mapinta ang mukha ng lalaki dahil sa sinabi ko. tumawa ako ng bahagya sa reaksyon niya.

"pre nabastos yang girlfriend mo, iniwan mo yan diba? hinatid mo yang si amari para lang maging safe pero pre putang ina mo lamig na lamig yan si celeste habang nag hihintay samay 7/11 at basang basa ng ulan!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya napasigaw din ako.

"tangina kaizen... y-yung girlfriend mo t-tinitiis lahat para lang m-maging maayos kayo pero ayan isusukli mo sakaniya!?"

nasasaktan ako sa mga words na nasasabi ko at kita kong nanggigilid na rin ang luha ng mga kaibigan niya. tumayo ako ng paulanan niya ako ng suntok. gulat si celeste ng gawin niya yon maski ako.

lumabas kami bago nila gamitin ang sugat ko. naiwan ang dalawa na magkausap sa kwarto. rinig na rinig namin ang sigaw ni celeste na waring pagod na pagod at mukhang sumabog na sa nararamdaman niya.

_____________________________________________________

last one (Archer II)