Chereads / Embracing the Sky / Chapter 24 - Archer II

Chapter 24 - Archer II

I want to see you achieve everything you've ever told me, even if I am not there.

"Congratulations archer!" pumapalakpak si harvey ng makababa ako sa stage. hawak hawak niya ang isang bouquet na bulaklak.

"gago.. taken na ko sir" pag bibiro ko sabay abot ng alak at bouquet ng bulaklak. tumawa naman ito sabay akbay saakin.

simula nung umalis si celeste saamin na parang bula nawalan na rin kami ng contact sakaniya. hindi namin alam kung nasaan siya at paano na siya ngayon.

"Congrats archer!" sumigaw sila neiva saakin sabay yakap. niyakap ko naman sila pabalik at nag pasalamat.

kumain kami sa isang resto kung saan ito ang place na gustong gusto puntahan ni celeste noon. maganda nga ito at parang nakakawala ng problema.

"may namimiss siya" ngumisi ako kay harvey sabay nguya ng pagkain na nasa harapan ko. tinanaw ko ang dagat bago tumingin sa mga kaibigan ko.

lumipas ang ilang araw ay nakapasa ako bilang isang pediatrician at nagkaroon pa ng ibang trabaho. nag tatrabaho din ako bilang isang doctor at pharmacist.

"kukunin ko na sir" ngumiti ako sa lalaki habang ibinigay saakin ang susi. kinuha ko ito at ngumiti sakaniya.

pinalinis ko lahat ng buhangin dito sa resto bago palinisan din ng kaonti ang dagat. Pina renovated ko rin ang restaurant na nasa loob at ginawa ko itong modern. nag patayo rin ako ng isang malaking mansion sa gilid ng dagat.

"Hidden Oasis" typically refers to a secluded or secret place that offers a peaceful and refreshing environment, much like an oasis in a desert. It suggests a retreat or sanctuary away from the usual chaos or noise, where one can find relaxation, tranquility, and rejuvenation.

Marami na ang nag punta dito. masaya ang bawat tao na pumupunta rito at waring relax na relax.

pumunta kong manila upang samahan ang mga pinsan ko. gagala din daw para naman malibang sila. pumasok ako sa isang coffee shop at napalingon ako sa pamilyar na tao.

"celeste" tumaas ang tingin nito saakin at gulat ko naman itong tinignan. kunot noo siyang tumingin saakin.

"who are you?" napalunok ako ng titigan ko ang mata niya. lalo siyang gumanda ngayon at mukhang hindi na niya ko kilala.

"uhm, archer? naalala mo pa ko?" napalunok naman ako habang tinitignan ito at umiwas ito ng tingin at nakita ko ang ngising lumabas sa mga labi niya.

"I don't know you, sorry" bumagsak ang balikat ko ng sabihin niya ito. nawala rin ang ngiti sa mga labi ko ng tingin ito saakin.

"kidding... hey archer" napamura ako ng sabihin niya ito. tumayo siya at niyakap ako.

mabango siya at mas tumangkad. nag iba rin ang hubog ng katawan niya at mas humaba ang buhok kesa noon. nag mature na rin ang mukha niya at alam kong marami ang manliligaw nito.

"kasama ko pinsan ko" Saad ko dahil inaaya niya akong pumunta sa magulang niya.

nag paalam ako at paasar naman nila akong tinukso dito. ngumisi lang ako bago puntahan si izel.

"sugar momma ko" pang aasar ko ngumisi lang din ito bago paandarin ang sasakyan. huminto ito sa bahay nila.

ilang saglit lang ay nakauwi na rin kami. inaya ko siyang pumunta sa reunion naming mag kakaibigan kasama ang mga magulang namin.

"amoy canada" pang aasar ko. tawang tawa naman ito sabay iling pa.

nang makapasok na kami ay kaagad nag sitakbuhan ang mga kaibigan namin. yumakap sila kay celeste. tumakbo si caelestis kay celeste at naka tayo naman sa likod ni amari si kaizen.

"mag anak kana rin kasi zel.." saad ko ng makita kong nilalaro niya ang anak ni neiva at amari.

"basta ikaw magiging tatay ng magiging anak ko." biro nito kaagad naman akong nasamid sa iniinom kong juice.

"hala gago..." gulat kong saad dahil sa sinabi nito. "ilan ba gusto mo"

tumawa sila sa biro ko dahil akala nila ay nag bibiro ako pero tunay yon. tumawa lang si celeste bago kargahin ang anak ni neiva.

isinayaw ko siya pag tapos ay namahinga na kami. umuwi na at nag pahinga pag tapos ay pumunta ko sa bahay niya para bisitahin siya.

"mag bra ka miss" panunuya ko ng makita ko ang design ng kaniyang damit. tumawa naman ito pero patuloy parin sa pag baba.

"sus pinangarap mo rin naman makita yan" biro niya kaya mag make face ako sabay tapik ng upuang nasa tabi ko para doon siya umupo. hindi ko maiwasang tumingin sa damit niya.

"celeste palit ka doon, ayaw ko nyang damit mo" sumimangot ako sabay turo sa damit niya na may boobs na design. tumawa naman ito at tumayo bago umakyat sa taas.

ilang minuto pa ay bumaba na ito naka suot ng isang t-shirt na mahaba.

"masarap yang pandesal ko" kinindatan ko ito sabay bigay sakaniya ng pandesal na hawak ko.

"sarap nga ng pandesal mo" natawa naman kami dahil sa sinabi namin bago kami kumain ulit.

"nangnang! tita ninang" sumigaw ang mga bata habang tumatakbo palapit saamin. kinuha naman ni zel si caelestis bago ibigay saakin at buhat naman niya si nori ngayon.

sunod sunod ang pasok nila at nakita ko pang naka ngisi si harvey habang hawak hawak ang picture frame ko na kalalagay ko lang kanina.

"aba sino to?" natatawang humagalpak si gagi habang itinaas ang hawak niya na picture frame ko.

"tanong mo kay celeste siya nag lagay nyan pre! ganyan talaga kapag advance pinapaframe na agad picture ng future asawa niya" patay malisya na saad ko sabay lingon kay zel na ngayon ay nakangiti.

"pag bigyan mo na ko minsan lang oh" ngumuso ako kaya napatango naman ito.

"aga aga mo naman dito!" saad ni amari sabay upo sa hapagkainan

"ganda ng bahay" saad ni neiva habang pinasada ang buong tingin sa bahay.

"ilan kwarto dito?" tanong ni aeris sabay tingin sa bahay.

"4 sa taas dalawa dito sa baba" tumingin ako kay zel habang nag sasalita ito. tipid niya kong nginitian.

"gandang ganda ka nanaman saakin..." ngumisi ako bago tumango. uminom ako ng kape habang tinitignan si dash na binuksan ang sliding door.

"gago may pool" tuwang tuwa na saan ni harvey kaya inaya ko itong maligo ng makapunta kami samay pool.

"tara maligo" aya ko bago itulak si harvey ngunit ihinila niya ako kaya nahulog na rin ako.

sumunod na tumalon si neiva at sunod sunod na rin sila naki swimming.

"wag kj mga pre" binasa ni harvey si aeris kaya naman walang nagawa ito kundi tumalon din.

"zel! zel! zel!" parang bata kong hinihila ni zel kaya naman sumusunod naman ito. tinapik ko ang balikat ko habang naka talikod sakaniya at sinenyasan na umupo roon.

"hala may nag haharutan na agad" saad ni aeris na ngayon ay naka tingin saamin.

"baba na cher" saad nito kaya naman ginawa ko yon. naalala ko ang water gun na dala ni harvey noon kaya kaagad ko itong itinutok kay zel.

"guys guys look! babarilin ko siya ng pag mamahal!" pinisil ko ito ng dahan dahan para hindi ito masaktan. hinapas naman niya ko kaya napatawa ako.

"aevey!" sigaw namin ng ikinatigil ng dalawa, inis ang mukha ni aeris ng dahil doon kaya naman tumikom ang bibig ni harvey ng ikinatawa naman namin ni zel.

"guys si ate linda taga pag alaga at linis ng bahay" ngumiti ito ng ipakilala ni zel sa mga kaibigan.

"ate linda yan e" sigaw ko nakita ko ang pamumula ng mukha ni ate sa kahihiyan.

kumain muna kami bago ako sumunod umakyat sa kwarto niya. humiga ako don.

"ganda ng kwarto" bumaba na agad si zel dala dala ang kahon ng sapatos. alam kong pasalubong ito para saamin.

"grabe naman!" sigawan nila ng makita ito. mabait talaga si zel at gusto palang may inuuwing pasalubong.

"harvey oh" ibinigay ni zel ang isang kahon ng sapatos. hinihintay ko rin ang akin.

"kawawa naman si archer" pang aasar ni neiva kaya bumusangot ako. nakita ko ang isang box na hawak ni ate Linda baka saakin na yon ngunit kaagad niyang ibinigay kay ace yon.

"okay na? nabigyan na lahat?" seryoso ang boses niya kaya napabusangot ako. mag tatampo na sana ko ng ilapag niya ang dalawang box na sapatos sa kandungan ko

"hala hala" gulat kong saad ng makita ang sapatos.

kinabukasan ay pumunta kami sa isang resort.

"goodmorning sir sepehr" saad ni maliah na ngayon ay naka tayo sinenyasan ko itong wag maingay kaya tumango naman ito.

"goodmorning morning ma'am and sir welcome to hidden oasis to find a oasis of love" ngumiti ako bago yumuko sakanila nag thumbs up pa ko dahil magaling sila.

"At the end of the day, love is searching for a way to sweetly awaken in our hearts. The oasis of love is there, a place that will always be there in our lovely hearts, a place that will be secure in the face of any calamity, and a place that is pleasing to our minds."

"you liked it?" lumingon ako kay zel na ngayon pinapasadahan ng tingin ang buong isla. hinatak ako nito kaya napatakbo kami sa buhangin.

"carefull izel" inalalayan ko ito at napatigil ito ng makita ang isang malaking bahay.

"do you want to go there?" malambing na saad ko kaagad itong tumango dahil curious din sa kung anong meron sa loob. manghang mangha itong ilibot ang tingin sa loob.

"yaman siguro nakatira dito" napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. napatingin ito saakin kaya umiwas ako ng tingin.

"bihis na" bulong ko dito kaya napatango kaagad ito saakin.

sinuot ko ang short na pink light ito para partneran ang swimsuit na suot ni zel.

"puti!" sipol ni aeris kaya napatingin ako kay zel.

"ganda baka asawa ko yan!" ngumisi si ako sabay lapit papunta sakaniya. humawak ako sa bewang niya bago ngumiti sakaniya.

"pogi naman ng first crush ko noong highschool" bulong nito saakin kaya namula ako dahil doon.

"tigil mo yan btw first crush din kita" binaliktad ko iyon at ngayon siya naman ang hindi nakapag salita.

"tatlong taon mo nga akong crush" tukso ko dito bago ako irapan nito.

what did you feel about him, why did you like or love him?" kaagad na tanong ni amari sakaniya kahit hindi pa siya nag tanong ng truth or dare.

"I love him when he looked at me like I was the answer to everything, the way he makes me smile, how every jokes he tells me is hilarious. How he can annoy me in just one second and make me feel like someone special the next. The way he says my name make's me weak at the knees. I start catching myself looking at him way more often. Then I start getting nervous whenever I talk to him, his instant messages become more meaningful to me, even if I can't remember what he was talking about and that's makes me know that I love him."

parang may paruparong nag lalaro sa tyan ko ng sabihin niya ito. hindi ko mapigilan ang pag ngiti ng makita ko ang ngiti niya habang naka tingin saakin. hindi ako maka galaw at walang boses na naririnig ko sa paligid.

araw araw na akong dumadalaw sa bahay ni zel kaya naman welcome na welcome naman din ako ni ate Linda.

"may nagugustuhan kana?" tanong niya saakin na para bang curious siya at gustong malaman ang sagot.

"meron" ngumisi ako kaya napatango naman ito na parang alam na.

"gusto mo ba malaman kung sino?" humina ang boses ko ng sabihin ko ito.

"sino?" tinuro ko ang salamin na nasa harapan namin at kunot noo niya itong tinignan ng makita ang sarili niya.

"gustong gusto ko yan" mapait akong ngumiti sabay tingin sakaniya.

"ha? saan?" patay malisiya nitong saad sabay upo ulit. ngumisi naman ako dito.

"gustong gusto kita capt." ngumiti ako bago ako lumabas para kunin ang box na dapat matagal ko ng ibinigay sakaniya.

"here, open it" binuksan niya ito at gulat ng makita ang mga letter doon.

tinitigan ko ang itsura niya habang binabasa isa isa ang letter na ginawa ko. ngumiti din ito saakin bago ako yakapin.

"bad ka! pinapaiyak moko" pabiro niya akong sinuntok. hinawakan ko ang mukha niya para tanggalin ang mga luha na hindi na niya mapigilan.

"many letters for u mylove, para alam mo kung kelan at paano kita nagustuhan." ngumiti ako dito.

"crush na crush mo nanaman ako archer!" tumawa ito sabay irap saakin.

"naman! ikaw yan e" ngumisi ako kaya napayakap naman sakaniya.

"i love you heaven" hinalikan ko ang noo niya kaya pinalo ako ito. tumawa naman ako sabay upo sa tabi niya.

sumandal naman siya habang tinitignan ang picture kong na naka display doon. titig na titig ito kaya tinakpan ko ang mata niya.

" want mo makita ang mansion ni seperh?" natatawang saad ko sabay tango naman ito.

"wow" gulat ang mga mata niyang inilibot ito. tumawa ako dahil sa itsura niya. gustong gusto ko siyang dalhin dito dati pa.

"oi bat meron yan dito" nag kibit balikat ako ng ituro niya ang picture niya na pinapaint ko pa.

"gusto ko dito tayo tumira at mag simula ulit" binuksan ko ang pinto para makalabas kami. mahangin kasi dito at tanaw na tanaw ang dagat.

"pangarap ko mag kape dyan habang tinatanaw ang dagat" ngumiti ako sakaniya bago umupo.

"tangina mo ikaw pala mayaman dito e" hinahampas ako nito sabay tingin sa dagat.

"hoy hindi ah ikaw nga ang sugar moma ko" tumawa naman ako ng makita ang itsura niya.

"ang lamig dito at sobrang gandang ganda rin ako ng matapos itong bahay na to. ako lang nakatira at wala akong pinapapasok kahit sino man" tinitigan ko si zel na ngayong naka tingin saakin.

"pero lang sayo baby" kinindatan ko ito ng ikinatawa niya.

"i promise ibibigay ko lahat sayo maging masaya at mafeel mo lang na kamahal mahal ka"

"I have something to tell you baby, I can't promise to fix all your problems. but I can promise you won't have to face it all alone." ngumiti naman ito bago tumango.

"will you be my girlfriend?" inilabas ko ang singsing at lumuhod sa harapan niya. tumango ito bago ko isuot.

"bakit ka naman lumuhod?" niya ako ng tingin kaya napatawa ako. yumakap ako sakaniya sa sobrang saya ng puso ko.

"kneeling is a show of respect for a future bride and the act also signifies loyalty and devotion" sunod sunod kong sabi.

"i respect you so much baby that's why lumuhod ako, i respect you as my girlfriend and my future wife" ngumiti ako bago patakan siya ng halik.

kinabukasan habang nag lilinis ay inaya ko siyang sumayaw. nag patugtog ng musika habang kaming dalawa lang ang naririto.

"grabeng lakas naman ng tibok ng puso mo miss" pang aasar ko kahit alam ko namang saakin yon.

"kumakawala na ata puso mo dyan sir" matamis niya akong nginitian kaya niyakap ko nalang ito.

"i love you so much my wife" ngumiti naman ako at ramdam ko rin ang hawak niya na niyayakap ako ng mahigpit.

"i love you more baby" hindi pa ko nahulog ng gantong katagal.

ikaw simula una at ikaw hanggang dulo zel ko..

"She was beautiful, but not like those girls in the magazines. She was beautiful, for the way she thought. She was beautiful, for the sparkle in her eyes when she talked about something she loved. She was beautiful, for her ability to make other people smile, even if she was sad. No, she wasn't beautiful for something as temporary as her looks. She was beautiful, deep down to her soul." - Unknown

____________________________________________________________