"liligawan kita" saad niya seryoso ang tingin niya kaya napatawa ako.
ngumiti naman ako sa kaniya bago pabirong hinampas ang pwet niya dahil naka dapa ito sa kama ko.
"pwede ba manligaw asawa ko?" tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. nag kibit balikat naman ako kaya sumimangot ito.
kinuha niya ang paborito kong libro at ibinasa. nilakas ko naman ang aircon dahil sobrang init na talaga.
"eto ung favorite mo diba? binasa ko rin to dati e kasi alam kong gusto mo to" ngumiti naman ito saakin sabay tingin sa libro.
"kinukuha ko yan kapag umaalis kayo nila amari tapos tsaka ko lang mababasa kapag naiiwan sa room" kwento niya pa.
"ayokong heramin baka sabihin mo bakla ako kasi nag babasa ako ng mga ganon" natawa naman ako bago tumango.
"kapag nakikipag kwentuhan ka kila aeris tapos kinikilig ka sa mga frictional men's bigla bigla pumapasok sa utak ko.. oo nga no ibang iba yung nasa libro at yung mga lalaki sa totoong buhay"
"tapos kapag uuwi na tapos naalala ko lahat ng lines ng lalaki" bigla siya tumawa ako naman ay naka ngiti lang. "itatry ko katulad nung ano 'damn baby'" tumawa ulit ito at ako naman ay naka tingin lang sakaniya.
"tapos kapag may naiwan akong baon o kaya hindi ako kakain para lang makabili ng books na ganyan kasi alam kong gusto mo... ibibigay ko kay aeris at sasabihin wag sabihin na binigay ko sayo ang excuse niya pala may secret admirer ka" hindi ako kumibo sa sinabi niya. bigla natunaw ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"naalala mo yon? yung inaasar kita kahit ako naman yung nag bigay sayo non" tumawa ito sabay tingin saakin tipid ko lang ito nginitian.
"tapos lumbay na lumbay ako nung nalaman ko may boyfriend kana, sabi ko non sa sarili ko hindi na ako lalapit sayo katulad nung highschool kasi nirerespect ko kayo nasa iisang relationship na kayo" may pahid na lungkot na ang boses neto.
"nung nalaman ko na umiiyak kana gabi gabi at nag ooverthink sa mga ginagawa niya sobrang sakit non saakin gusto na kita bawiin sakaniya pero hindi ko ginawa kasi alam kong siya yung gustong gusto mo" tumango naman ito.
"one time nag kwento ka saakin sabi mo gusto mo yung place sa hidden oasis... maganda at malamig ang simoy ng hangin." tumango naman ako dahil naalala niya lahat.
"tapos nung nag hiwalay kayo nawala ka na parang bula saamin, hindi kana namin ma contact palagi ko nga inaabangan yung phone ko kahit nasa trabaho o kahit nung college tumunog lang saglit binubuksan ko na kahit mag didiscuss pa teacher" tumawa naman ito.
"gumaan din yung pakiramdam ko nung pumunta akong isla pakiramdam ko na don ang presenya mo" ngumiti ito saakin bago hawakan ang kamay ko.
"lahat ng trabaho pinasukan ko hindi lang pedia" tumawa naman ulit siya bago pisilin ang ilong ko.
"para lang mabili at mapaayos ang Isla na yon" namilog ang mata ko nga marinig iyon.
"i-ikaw ang may ari non?" tumawa naman siya sa reaksyon ko bago tumango.
"2M ang halaga non nung binili ko ang sabi ng may ari kapos na raw siya kaya binenta niya ng mas mababa kaya kinuha ko na" ngumiti naman ito sabay tingin saakin.
"pinalinis ko lahat, pinaayos para mas mukhang elegante. marami na rin ang nag cecelebrate don ng monthsary or kahit wedding meron na rin don e" ngumiti naman siya kaya napatango ako.
"kaya nga ganon ang tawag" mangha akong tumingin sakaniya. ganyan pala siya mag mahal.
"you make me feel special" ngumisi naman siya sabay iling. umupo ako sa kama para tumabi sakaniya.
"pinangarap ko rin na makasama ka sa iisang bahay at akala ko hindi ma tutupad iyon" yumakap ako sakaniya.
"madaldal na ba ako?" nahihiya nyang tanong kaya naman napailing kaagad ako.
"no, gusto ko nga mag kwento you para alam ko kung paano at kung gaano ako kamahal mahal" ngumiti naman ito sabay taklob ng unan.
"huy wag ka kiligin dyan" tumawa naman ako bago siya sikuhin.
tumawa naman ito. sabay yakap saakin, archer made me realized na kamahal mahal ako. i found someone who pay attention on me more than anyone.
" want mo makita ang mansion ni seperh?" tumawa siya kaya kaagad akong tumango.
pumunta kaming hidden oasis, ginreet naman niya ang mga nag tatrabaho at pinakilala ako bilang asawa daw niya. sumilip ako sa malaking bahay.
may malaking pool din sa loob sobrang laki at may mga mamahaling sasakyan na naka parada sa gilid. nakita ko naman ang kulay ginto nitong pihitan ng pinto kaya namangha ako.
"wow" gulat akong napatingin sa loob ng bahay, maluwag din ang sala niya at kumikinang ang mga ginto na naka display sa harapan. picture niya katulad nung nasa bahay malaki ito at naka display sa gilid at katabi naman non ang akin.
"oi bat meron yan dito" ngumiti ako bago ituro ang picture ko. nag kibit balikat naman ito.
maganda ang bahay at halos mamahalin bilyon bilyon ata ang presyo e o kaya milyon ang bawal gamit.
"gusto ko dito tayo tumira at mag simula ulit" ngumiti ako sabay tingin sakaniya. nag lakad ako sa hagdan bago buksan ang pintong nasa gitna. kitang kita ang dagat doon at may upuan at lamesa pa.
"pangarap ko mag kape dyan habang tinatanaw ang dagat" ngumiti ito saakin kaya naman napamangha ako.
"tangina mo ikaw pala mayaman dito e" tumawa ito ng hampasin ko.
"hoy hindi ah ikaw nga ang sugar moma ko" tumawa naman ako bago umupo roon.
"ang lamig dito at sobrang gandang ganda rin ako ng matapos itong bahay na to. ako lang nakatira at wala akong pinapapasok kahit sino man" ngumiti ito sabay tingin saakin.
"pero lang sayo baby" kumindat pa to kaya natawa ako.
"i promise ibibigay ko lahat sayo maging masaya at mafeel mo lang na kamahal mahal ka"
"I have something to tell you baby, I can't promise to fix all your problems. but I can promise you won't have to face it all alone." ngumiti naman ako bago tumango.
____________________________________________________