Chereads / Embracing the Sky / Chapter 17 - kabanata 15

Chapter 17 - kabanata 15

lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala, 9:45 am na at nakita kong nag aalmusal na si archer ngayon sa baba. tumaas ang kilay niya ng makita ako.

"mag bra ka miss" umiwas naman ito ng tingin kaya napahalakhak naman ako. tignan ko ang damit ko na may design na boobs.

uminit ang mukha niya ng makita to kaya mas lalo akong napahagalpak ng tawa sa itsura niya.

"sus pinangarap mo rin naman makita yan" biro ko kaya mag make face naman ito sabay tapik ng upuang nasa tabi niya.

umupo ako don at nakita ko ang mata niyang hindi maiwasang tumingin sa damit ko. sabay busangot.

"celeste palit ka doon, ayaw ko nyang damit mo" sumimangot ito sabay turo sa damit ko na may boobs. tumawa naman ako at tumayo dahil sa sinabi niya.

nag t shirt nalang ako ng mahaba bago bumaba ulit sa sala. ngayon naman at nag thumbs up na siya saakin sabay bigay ng tinapay.

"masarap yang pandesal ko" kumindat pa to kaya natawa ako lalo, hindi ko alam kung ano ba minimean niya.

"sarap nga ng pandesal mo" tumawa kami dahil sa sinabi namin. simula highschool ay close na talaga kaming dalawa.

maalaga din si archer lalo na saakin, kapag nag kakasakit ako siya mismo nag luluto ng sopas o lugaw mainitan lang ako. kapag tumawag naman sakaniya kahit anong oras pa ay pupunta kaagad siya sayo para tulungan ka.

"nangnang! tita ninang" sumigaw si caelestis at nori habang tumatakbo palapit saamin. kinuha ko naman si caelestis bago ibigay kay archer at buhat ko si nori ngayon.

sunod sunod silang pumasok habang nililibot ang tingin nila sa buong bahay. nag lakad si harvey at tinignan ang isang picture frame na ngayon ko lang din napansin.

"aba sino to?" natatawang humagalpak si harvey habang itinaas ang hawak niyang frame si archer iyon.

"tanong mo kay celeste siya nag lagay nyan pre! ganyan talaga kapag advance pinapaframe na agad picture ng future asawa niya" sunod sunod na saad nito.

"pag bigyan mo na ko minsan lang oh" ngumuso to kaya tumango na ako. tumawa naman sila caelestis kahit hindi pa nila alam kung ano pinag uusapan namin.

"aga aga mo naman dito!" si amari na ang nag salita. umupo sila sa hapagkainan at tumingin saamin.

"ganda ng bahay" saad ni neiva habang pinasada ang buong tingin sa bahay. tumango ako tingin din sa bahay.

"ilan kwarto dito?" tanong ni aeris sabay tingin sa bahay.

"4 sa taas dalawa dito sa baba" saad ko kaya naman tumango sila. tinignan ko si archer na nakatingin saakin.

"gandang ganda ka nanaman saakin..." ngumisi akong sabihin ito sakaniya. tumango naman ito sabay higop ng kape niya.

binuksan ni dash ang sliding door doon at lumabas, sumunod naman si amari at manghang tumingin sa paligid.

"gago may pool" saad ni harvey na ngayon ay lumabas din. ibinigay ko kay ace ang anak nila bago nag lakad din palabas.

"tara maligo" aya ni archer bago itulak si harvey at natumba naman sila pareho dahil hinatak din nito si archer.

sumunod na tumalon ay si neiva at kinuha ko si nori para makatalon din si ace bago ibigay ito sakaniya para makaligo din. tumalon ako at sumunod si amari.

"wag kj mga pre" binasa ni harvey si aeris kaya naman walang nagawa ito kundi tumalon din. kinuha ni amari si caelestis kaya tumalon din si kaizen.

"zel! zel! zel!" parang bata akong hinihila ni archer kaya naman sumusunod naman ako. tinapik niya ang balikat niya habang naka talikod ito sinenyasan akong umupo roon.

"hala may nag haharutan na agad" saad ni aeris na ngayon ay naka tingin saamin. sinamaan ito ng tingin ni archer bago lumayo doon at pumuntang gilid.

"baba na cher" saan ko kaya naman ginawa niya yon. may kinapa pa ito sa pulsa niya bago itapat saakin ang baril na dala ni harvey noong nag swimming kami noon.

"guys guys look! babarilin ko siya ng pag mamahal!" pinisil niya iyon at napupunta naman saakin ang tubig. hinampas ko ang tubig kaya naman nabasa din siya.

saakin lang ang tuon ni archer na para bang may sarili kaming mundo. umupo kami samay hagdan at tinuro ko naman si aeris na kanina pa hinaharot ni harvey.

"aevey!" sigaw namin ng ikinatigil ng dalawa, inis ang mukha ni aeris ng dahil doon kaya naman tumikom ang bibig ni harvey ng ikinahagalpak naman namin ni archer.

pag tapos mag babad ay kaagad din nag bihis para kumain ng tanghalian. si ate linda ang nag luto kaya ngumiti ako.

"guys si ate linda taga pag alaga at linis ng bahay" ngumiti ito sakaniya at mas lakas na sigaw ay nanggaling sa tropa niyang si archer.

"ate linda yan e" sigaw nito kaya hiyang hiya na ang mukha ni ate linda dahil sa kahihiyan.

kumain na kami at pagtapos ay nag hugas na sila. kinuha ko ang sapatos sa kwarto ko habang naka sunod saakin si archer.

"ganda ng kwarto" humiga naman ito sa kama kaya umiling ako. binigyan ko sakaniya ang sapatos para maibaba na niya sa sala.

"grabe naman!" sigawan nila ng makita ito. kinuha ko tin ang isang paper bag naman perfume.

binuksan ko ang sapatos jordan ito kulay green panlalaki. nakita ko naman na gustong gusto ito ni archer kaya itinabi ko muna.

"harvey oh" ibinigay ko ang isang rubber shoes na itim kaya naman lumapad ang ngiti nito.

binuksan ko ang box at nilabas nito ang yellow na sapatos tumaas ang tingin ko kay dash na hawak hawak si caelestis ngayon.

"kaizen" first name na niya ang tinawa ko simula nung nag hiwalay kami. kinuha niya namin ito at nag thank you.

binuksan ko naman ang isa pang jordan kulay puti ito at sobrang mahal pero itinabi ko nalang ulit.

ibinigay ko ang isang sapatos kay aeris ang kulay beige, kulay red naman kay amari at violet kay neiva at ang natitirang kulay pink ay saakin.

"kawawa naman si archer" saad ni neiva na ngayon ay ibinigay iyon sa asawa niya. may hawak hawak pang box ng sapatos si ate linda kaya namungay ang mata ni archer na baka sakaniya iyon.

kulay orange iyon at alam kong hindi tipo ni archer kaya ibinigay ko nalang kay ace ng ikinalaki ng mata niya.

"okay na? nabigyan na lahat?" seryoso ang boses ko na pabiro dahil sumimangot si archer sa tabi ko. kinuha ko ang dalawang box bago ilapag sa kandungan niya ng ikinalaki ng mata nito.

"hala hala" gulat na saad nito sabat tingin sa sapatos.

kinuha ko ang pabango at hinayaan nalang sila. may dalawa akong itinago tag isa kami ni archer.

"gago wala ka nanaman pre" lumingon ito saakin bago sumimangot.

"baby labas mo na... wag kana mahiya" tumaas ang kilay ko nang tawagin niya akong ganon.

inilapag ko sa mesa iyon. kinuha niya naman ito kaagad sabay amoy.

"hala gago alam na alam mo pala taste sa amoy ng lalaki ah" tinaasan ko naman ito ng kilay dahil nag mura nanaman siya.

"ay sorry po, nabigla lang ang future husband mo" inirapan ko naman ito sabay punta sa ref para kumuha ng chocolate.

___________________________________________________________