kinuha ko ang swimsuit ko at inilagay ang mga damit sa isang bag. nang aaya sila na mag swimming sa dagat at kumain sa isang resto.
"akin na bag mo.. ayos na ba lahat? wala ka ng nakalimutan?" tanong ni archer na ngayon ay nakatingin saakin. inisip ko lahat at ang sunscreen ang nakalimutan ko.
"ayos na" ngumiti ako sakaniya at kinuha naman na niya yon. nasa sala na sila habang ang mga bata ay naka bihis na.
kinuha ni ace ang ibinigay ni ate linda para sa pagkain namin. sasakyan nila amari ang ginamit dahil malaki iyon ngunit hindi parin kasiya.
"dalawa baba at maiwan na kayo" natatawang saad ni harvey habang itinulak palabas si archer.
"gago mo pre" pinakyuhan ni archer si harvey at ng lumingon ito ay kaagad ng nag peace sign.
bumaba na rin ako at tumingin sa Mercedes Benz na naka park sa tabi ng bahay ko. kulay puti ito at sobrang ganda ng kulay sa loob, inaalog alog ni archer ang susi kaya ngumisi naman ako.
ipinasok ko lahat ng gamit sa sasakyan bago sumakay.
"yabang mo naman pre" natatawang saad ko habang pinipindot ang kung ano sa sasakyan.
pinark niya ang sasakyan sa tapat ng isang familiar na resto. 'Hidden Oasis' na ang pangalan neto.
"goodmorning sir sepehr" saad ng babae ng makapasok kami sa resto.
kunot noo ko naman itong tinignan dahil sa sinenyasan niya pa ito. chicks niya ba yon? bata pa yon ah.
"goodmorning morning ma'am and sir welcome to hidden oasis to find a oasis of love" yumuko sila kaya naman napayuko rin kami.
"At the end of the day, love is searching for a way to sweetly awaken in our hearts. The oasis of love is there, a place that will always be there in our lovely hearts, a place that will be secure in the face of any calamity, and a place that is pleasing to our minds."
sabay sabay nilang saad kaya ngumiti naman ako. ibang iba na ito hinawakan ko ang lamesa. modern na modern na ang galawan.
"you liked it?" napalingon ako kay archer ng mag salita ito. ibang iba na ang hidden oasis dati ay pa vintage ito at medyo makalat pa ang paligid ngunit ngayon ay maganda at maayos na malinis pa ang kulay puting buhangin at sobrang malinaw ang tubig.
napatingin ako sa langit bago bumaba ang tingin sa basong ibinaba ni archer. ngumiti ako sakaniya bago uminom. hinatak ko ang kamay ni archer para tumakbo sa buhangin.
"carefull izel" inalalayan niya ako bago humawak sa kamay ko. napadungaw naman ako ng makitang may naka tayong malaking bahay doon. sobrang laking bahay mansion na ata yon.
"do you want to go there?" malambing na saad niya ng makitang nakatingin ako doon. unti unti akong tumango dahil na curious ako kung ano ba talaga iyon.
nang marating namin ang bahay ay sobrang laki noon hindi na kami pumasok dahil baka pagalitan kami ng may ari. iisa lang itong bahay na ito dito sa islang ito.
"yaman siguro nakatira dito" rinig ko naman ang mahinang tawa niya bago sumangayon sa sinabi ko.
bumalik kami sa resto bago makitang nakabihis na sila. hindi man lang ako hinintay.
"bihis na" bulong niya kaya tumango ako.
suot ko na ang two pieces bikini ko kulay light pink ito kaya mas maganda at bagay sa kutis ko. nakita ko naman na kulay pink din ang short na suot ni archer na bumabagay sa suot ko.
"puti!" sumipol pa si aeris kaya napalingon naman sila saakin. nakita kong nakatitig si archer saakin bago ibaba ang tingin at itinaas muli. .
"ganda baka asawa ko yan!" ngumisi si archer ng sabihin niya iyon. lumapit din to sabay hawak sa bewang ko.
"chansing yan par" natatawang saad ni ace ng gawin iyon ni archer.
inalalayan niya ako hanggang sa makalakad na ko sa tubig. ibinilog ko ang kamay ko sa balikat niya sabay titig sakaniya.
"pogi naman ng first crush ko noong highschool" bulong ko sakaniya at namula naman ito.
"tigil mo yan btw first crush din kita" bumaliktad ang sitwasyon ako naman ngayon ang hindi makapag salita dahil sa sinabi niya.
"tatlong taon mo nga akong crush" tukso niya saakin kaya inirapan ko naman ito.
natitig lang ito saakin habang ako naman ay nakatitig sa mga kaibigan ko. may sari sarili na rin silang partner sa buhay.
"truth or date!" aya ni harvey habang nandito kami sa loob ng kubo. naka balot saakin ang twalya na ibinigay ni archer kanina dahil malamig, nakapag bihis na rin kami.
pinaikot nila ang bote at kung sino ang natapat sa butas siya ang tatanongin. tumapat ito kay harvey kaya naman nag tawanan sila.
"truth or dare pare" si archer na ang nag tanong kaya naman napalunok kaagad si harvey.
"dare!" ngumisi ng malawak si archer na may binabalak.
"isigaw mo sa islang ito yung taong gusto mo" umupo naman si archer kaya umakbay ma ako sakaniya.
napalunok naman si harvey sabay takbo palabas ng kubo ay sumigaw.
"gusto kita aeris!" nakita ko naman ang pag pula ng pisngi ni aeris ng isigaw ito ni harvey.
inikot ulit ang bote at kaagad naman itong tumapat kay archer. si amari naman ang nag tanong sakaniya.
"truth or dare?" bumaling ang tingin ni archer kay amari.
"truth" walang alinlangang saad niya sabay tingin saakin.
"how would you describe the person you like right now?" ngumiti naman si archer sa tanong ni amari bago tumingin sa baso.
"she looked like art with a bit of poetry and a touch of magic, everything that made you feel something. she's a simple complicated perfectly flawed mess." sunod sunod na saad niya.
nakita ko naman laglag panga nilang tinignan so archer na ngayon ay nakatingin lang sa baso.
"she is water, powerful enough to drown you soft, enough to cleanse you and deep enough to save you" ngumiti ito ng tipid bago itaas ang tingin.
"huy ako lang to ano ba kayo" tumawa ito bago lumingon saakin.
"grabe pala kapag naiinlove umeenglish bigla" saad naman ni aeris.
pinaikot naman niya iyon sabay tapat saakin. si aeris naman ang mag tatanong. kunot noo ko itong tinignan sabay irap.
"what did you feel about him, why did you like or love him?" kaagad na tanong niya kahit hindi pa siya nag tanong ng truth or dare at napatingin lahat kay aeris na para bang may nasabi siyang mali.
"I love him when he looked at me like I was the answer to everything, the way he makes me smile, how every jokes he tells me is hilarious. How he can annoy me in just one second and make me feel like someone special the next. The way he says my name make's me weak at the knees. I start catching myself looking at him way more often. Then I start getting nervous whenever I talk to him, his instant messages become more meaningful to me, even if I can't remember what he was talking about and that's makes me know that I love him."
tipid akong ngumiti kay archer na ngayon ay naka tingin saakin. umiwas naman ito ng tingin sabay tingin sa langit.
_____________________________________________________