Chereads / Embracing the Sky / Chapter 13 - kabanata 11

Chapter 13 - kabanata 11

minulat ko ang mata ko at napatingin sa lalaking kunot noo lang nakatingin saakin.

"maayos na ba ang pakiramdam mo?" malamig na saad ni dash saakin habang seryoso ang mga mata naka tingin saakin.

hindi ako umimik ng mag tanong siya. umupo ako ng maayos bago ituon ang tingin sa salaming nasa harap ko. namumutla parin ang balat ko bago tumayo.

"anong kailangan mo?" nanliit ang boses ko ng kausapin siya. hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako mag lakad.

tumaas ang tingin ko sakaniya at walang pinakitang kahit anong reaksyon. umamo na ang mata niya ng tignan ko ito.

"celeste oh!" nagulat si archer ng makita ang lalaki sa harapan ko. may hawak itong lugaw at tubig.

marahan niya itong ibinaba samay lamesa bago ngumisi sa lalaki. lumingon ako kay dash na kunot noo rin na tumingin habang naka ngisi lang si archer.

"ipag pahinga mo muna girlfriend mo pre... masama pa pakiramdam" tinapik ni archer ang balikat ni dash at kaagad naman hinawi ni dash iyon ng malakas.

"ano bang pakealam mo!?" tumaas ang boses ni dash kaya mas lalong napangisi si archer.

sinenyasan kong umalis muna si archer ng kwarto kaya kaagad naman din itong sumunod. kinuha ko ang lugaw at ang tubig.

"kausapin mo naman ako oh" parang nag mamakaawa na ang boses niya. inilapag ko iyon samay tapat ng PC at pumunta sa cr para mag hilamos.

umupo ako samay PC at kumain. inilabas ko na rin ang gamot at inilapag iyon sa tabi. nakita ko naman na tahimik lang si dash ngayon sa tabi ko.

"b-bakit ka nag kasakit?" hindi niya maiwasang mag tanong pero hindi ko parin ito inimik.

bumukas ang pinto at nilabasan ito ni amari na ngayon ay nag aalala na ang mukha. hinawakan niya ang mukha ko bago.

"celeste.." ngumiti ako ng tipid sakaniya bago kumain ulit.

walang umimik kahit na sino man sakanila. tahimik lang sila naka upo habang naka tingin saakin. bumukas muli ang pinto at pumasok si harvey at aeris na ngayon ay umaamo na ang mata.

"ayos ka lang?" tumango ako sakanila bago ako niyakap. nakita ko ang pag aalala sa mukha ni aeris at alam kong na kwento na ni archer sakanila.

"sino ba naman kasing tanga ang iiwan ung girlfriend para ihatid ung ibang babae para maging safe lang?"

natahimik ang lahat ng biglang sabihin iyon ni archer. tumawa pa ito sabay tingin kay dash na ngayon ay kunot noo lang.

"diba kaizen? natatanga kana pre" nag kuyom ang kamao ni dash habang naka yuko walang umimik sakanilang lahat.

nakita ko ang matalim na tingin ni dash kay archer na naka ngisi lang. kaagad naman tumayo si dash at inulanan ito ng suntok na kaagad naman ako napatayo.

"wala kang alam pre!" sigaw ni dash. yumakap naman ako sakaniya habang tinutulak palayo. nakita ko ang pag dugo ng labi ni archer.

"baka ikaw ang walang alam? hindi mo alam kung ano na nangyayari dyan sa girlfriend mo pre" galit na kaagad ang tono ni archer.

nanghina akong itinulak si dash at napaupo naman ito sa kama. hinawakan ni amari ang kamay niya para pigilan pa.

"pre nabastos yang girlfriend mo, iniwan mo yan diba? hinatid mo yang si amari para lang maging safe pero pre putang ina mo lamig na lamig yan si celeste habang nag hihintay samay 7/11 at basang basa ng ulan!" natahimik si dash at kaagad tumingin saakin at nang iwas naman ako ng tingin.

"oh? hindi mo alam diba?" tumawa si archer bago inis na tinignan si dash na ngayon ay naka tingin lang saakin.

"tangina kaizen... y-yung girlfriend mo t-tinitiis lahat para lang m-maging maayos kayo pero ayan isusukli mo sakaniya!?"

tumaas na rin ang tono ng mag salita si aeris na kanina lang ay tahimik.

"labas muna kayo... may kit doon sa baba paki gamot ung sugat ni archer, kakausapin ko lang to"

kaagad din silang sumunod pati na rin si amari ay naka yuko lang ngayon. isinara ko ang pinto bago tumingin kay dash.

"b-bakit hindi m-mo sinabi?" yuko nitong sabi.

"kaizen" seryoso na ang tono ko at puminta naman sa mukha niya ang sakit.

"p-pagod na ako.... mahal na mahal kita dash e pero p-putangina ginagawa mo na akong tanga" umigti ang panga niya habang naka yuko.

"g-gusto ko ipag laban y-yung relasyon natin kasi gusto k-ko dito ka lang" napahagulgol na ako.

"h-hinihintay ko n-na gawin mo yung p-pangako mo" naka yuko na ako ngayon habang tinitignan ang kamay ko.

"gabi gabi ko iniisip kung ano bang kulang ko? b-bakit hindi ka nalang tumingin saakin?" nanghina na ang boses ko ng dahil doon.

"palagi mo sinasabi na m-maganda naman ako pero b-bakit tumitingin ka parin sa iba? b-bakit pakiramdam ko a-ako nalang yung may gusto saatin?" nanghina na ako kaya napatakpan na ako ng mukha.

"napapagod din naman ako kaizen e, pagod na ako maging maayos sa harap mo, pagod na akong makita kang ganyan, pagod na ako sa pinaparamdam mo at pagod na pagod sa lahat."

hinayaan niya akong mag salita hanggang sa mawalan na akong ng gana mag salita dahil sa iyak.

"i'm sorry... i'm sorry love " umiling ako at tinabig ang kamay niya na humawak sa kamay ko.

"kaizen naman, hindi ka ba talaga naawa saakin!?" tumaas ang boses ko ng ikinagulat niya, hindi ako pala sigaw na tao.

"pagod na ako kaizen! ayoko na kaya please umalis kana" nanghina ako ng sabihin iyon.

kaagad naman siyang umiling at lumapit saakin. hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya.

"love... please wag ganito" umiiyak na siya ngayon sa harapan ko na parang bata umiwas ako ng tingin ng marinig ang hikbi niya.

"love promise promise.. isang pag kakataon ulit please babaguhin ko lahat ng mali ko... a-ayokong mawala ka saakin love"

umiling ako sakaniya at mapait siyang tinignan.

"kaizen.. sa lahat ng ginawa mo dun ako nawala sayo e, napagod na akong lumaban para saatin. pagod na akong hanapin ung pahinga ko kasi... kasi mismong pahinga ko nakakapagod na"

nakayakap lang to saakin habang umiiyak. hindi ko mapigilan ang tunog ng pagiyak ko habang hawak hawak ang balikat niya.

"h-hindi ko kaya m-mag isa... please love w-wag moko iiwan" tinapik ko ang braso niya bago iharap siya saakin.

"k-kaya mo mag isa kaizen... natatakot ka lang, nakikita ko naman na kaya mong wala ako, n-nandyan si amari oh" mapait akong napaiwas ng tingin ng dahil don.

"a-ayoko please" umiling siya at hindi na kumawala saakin. yumakap ako pabalik sakaniya ng kaya mas lalo akong umiyak.

I am learning to love the sound of my feet walking away from things that aren't meant for me.

_________________________________________________________