Chereads / Embracing the Sky / Chapter 12 - kabanata 10

Chapter 12 - kabanata 10

hindi ko na rin mapigilan isipin lahat ng galaw niya, hindi na rin ako makatulog sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. ibinigay ko sakaniya lahat ng tiwala ko sa ngayon.

bumaba ako ng sasakyan bago pumasok at nakita ko namang nag aabang ang mga kaibigan ko kaya napatakbo ako sabay yakap sakanila.

"miss mo nanaman kami... tatlong linggo lang hindi nag kita" si archer naman ang nang aasar.

tumingin ako kay dash na patagong sumulyap kay amari na ngayon ay nasa kabilang tabi niya. kinuha ko naman ang kamay niya kaya napatuon saakin ang tingin niya at hinila ko naman siya papasok ng chowking.

"laro na kasi zen" itinulak ni amari si dash kaya nahulog ito sa upuan na inuupuan niya. tumayo naman ako bago siya tulungan.

"ayos ka lang?" pag aalala ko kaya kaagad naman ito tumayo at bumaling kay amari bago rin to pabirong itinulak.

"love" seryoso na ang boses ko kaya tumaas ang tingin niya saakin. kaagad din ito umiwas ng tingin at seryoso na ang tingin sa mesa.

"par kaizen! palit muna tayo tabihan mo na girlfriend mo" matigas na saad ni archer bago lumingon saakin.

kaagad naman tumayo si dash bago umupo sa tabi ko. sinusulyapan naman nito si amari na na tahimik dahil don.

"celeste" tumaas ang tingin ko kay harvey ng ilapag niya ang tubig sa harapan ko. tumango ako bago siya tumabi saakin.

"ilang araw nalang hiwa hiwalay na tayo guys" naiiyak na saad ni neiva na ngayon ay nakasandal na kay aeris.

kumain lang kami ulit saglit bago na rin umuwi. nauna ng umuwi si archer, harvey at aeris. naiwan naman si neiva at amari na ngayon ay nasa tabi.

"sabay na kayo amari" lumingon silang dalawa ng mag salita si dash. tumango ako ng tumingin silang dalawa.

papasok palang sana ako ng sasakyan ng sumakay na kaagad sa harapan si amari. kunot na ang noo ko habang tumingin sakaniya.

"malamig ngayon celeste... ayoko sa malamig diba? pwede dun ka nalang sa likod?"

mapait akong ngumisi ng sinabi niya iyon. nakita ko ang pag sulyap ni dash saakin at wala man lang itong ginawa.

"mauna na muna kayo... may bibilhin lang ulit ako saglit "

hindi ko na mapigilan ng tumakbo na ulit ako papasok ng mall. wala akong dalang payong at bag lang ang meron.

pumasok ako ng cr bago punasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. nang mahimasmasan ako ay lumabas na ako at pumuntang mini so.

"cute" natatawang saad ko habang kinuha ang isang baboy na medyo malaki kaso naisip ko meron na sabay kaya umalis na rin ako don.

nag lakad lakad lang ako para mag lipas ng oras bago lumabas at tumawag kay dash.

"[dash.. pwede bang pasundo dito ulit?]"

"[i'm sorry love pero hindi ko kasi maibaba si amari dito e.. sobrang lakas ng ulan ihahatid ko nalang sa tapat ng bahay nila para maging safe din siya]"

sunod sunod sa sabi niya kaya hindi kaagad ako sumagot hanggang sa mamatay ito. tumakbo ako hanggang sa sakayan dahil wala akong dalang payong.

"bayad po" ibinigay ko sakaniya ang pera at kinuha naman niya ito.

"naka sakay na ako wag mo na akong sunduin" saad ko sa chat at inilagay ulit sa bag iyon. nakita ko ang pag silip ng lalaki pababa sa hita ko, lumipat din ito sa tabi ko kaya napalunok ako. dumampi ang palad nito samay hita ko.

hindi ko na mapigilan at napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. tumayo na ako para bumaba at kaagad naman ito huminto kaya tumakbo na ako papuntang 7/11.

"[archer...]" nanghina ang boses ko ng tawagin ko ang pangalan non.

"[celeste, bakit ano problema?]" sunod sunod na tanong niya. hindi ko na mapigilan ang pag iyak.

"[naka uwi kana ba? bakit ano nangyari!?]" lumakas ang boses niya sa pag aalala. kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan pa ang pag hikbi.

"[nasa 7/11 ako cher sabay mall... pwede pasundo?]" namatay kaagad ang tawag kaya ibinaba ko na ang phone. bumili lang ako ng kape bago umupo ulit.

tumaas ang tingin ko kay archer na may hawak ng sweater. nag aalala ang mata niya ng tumingin ito saakin.

"celeste ano nangyari? bakit nandito ka?"

sunod sunod na tanong niya kaya naman umiling ako. humigop ako ng kape at ramdam naman ang kamay niyang pumupunas sa ulo ko.

"basang basa ka. pumasok ka sa cr kunin ko lang ang extra t shirt ko don at isuot mo rin to" hinintay ko siyang bumalik at dala dala na niya ang t shirt. ibinigay niya naman saakin yon at pumasok sa cr.

"punasan ko buhok mo ah" tumango ako bago hayaan siya.

"akala ko sumabay ka sa boyfriend mo?" seryoso pa ang tingin niya habang sinusuklay na ngayon ang buhok ko.

"h-hindi ko na kaya cher.." nanginig ang boses ko ng ikinatigil niya.

"a-akala ko tapos na, i-ilang buwan na rin nung k-kinausap ko siya pero h-hindi parin niya ginawa ung p-pangako niya"

"kausapin mo ulit celeste.. hindi iniiyakan yung ganon" mas lalong lumakas ang hikbi ko dahil sa sinabi niya.

"n-nahipuan ako k-kanina cher.." barag barag ang boses ko ng sabihin ko iyon. malakas niyang ibinaba ang suklay at kunot noong tumingin saakin.

"ano!?" nakita ko ang galit sa mata niya, ganyan naman sila kapag nagagalit. masayahin si archer pero kapag may nalaman sa kaibigan siya din ang unang magagalit.

"k-kanina nung s-sumakay ako may l-lalaki tumabi t-tapos h-hinawakan yung h-hita ko" maiyak iyak akong nag kwento sakaniya.

"tangina non ah.. ano itsura putangina ipapahuli ko yong gago na yon" galit na galit na sigaw niya.

"iuuwi na kita celeste.. tara na suotin mo na yan" isinuot ko ang sweater bago kunin ang payong na hawal niya.

"tangina non" ulit ulit sa sabi niya hindi niya binuksan ang aircon ng sasakyan dahil malamig naman na.

nasa tapat na kami ng bahay bago ako bumaba nakita ko naman si mama na nakatingin saakin at hinihintay akong mag lakad.

"tita... painomin niyo po muna gamot at sabihin maligo nabasa po ng ulan" sumigaw si archer bago ipaandar ulit ang sasakyan niya.

pumasok ako at dumeretsyong cr para maligo. ipinatuyo ko ang buhok ko at sakto naman ang pagpasok ni mama may dala itong sopas at gamot.

"kumain ka muna anak at uminom ng gamot" tumango ako sakaniya. hinawakan naman niya ang noo at leeg ko.

"ang init mo.. kumain ka muna at mapunasan kita maya maya."

inubos ko ang sopas at kaagad din uminom ng gamot bago humiga. kinumutan ang sarili dahil sa lamig. ramdam ko rin ang lamig ng punasan ako ni mama.

"kung hindi mo na kaya, mag pahinga ka anak.. wag mo ipilit ang sarili mo ha" bulong nito nanggilid naman ang luha ko doon

__________________________________________________________