Chereads / Embracing the Sky / Chapter 11 - kabanata 9

Chapter 11 - kabanata 9

ilang araw ko rin nilalayuan si dash dahil sa nangyari. palagi siyang pumupunta dito sa bahay dala dala ang mga rosas at iba't iba pang bulaklak.

"love.. may problema ba tayo?" lumiit ang boses niya habang tinitignan ako. iniiwasan ko ang pag hawak niya habang nililigpit ang gamit dito sa kwarto ko.

"kausapin mo naman ako... may problema ba tayo?" seryoso na ang boses niya at konti nalang ay iiyak na.

hindi ko parin siya pinansin at kagat labi ako nag lalakad. iniayos ko ang kama kahit naka upo siya doon at naka tingin lang saakin.

"tayo ka muna, papagpagin ko lang" kaagad naman to sumunod kaya pinagpag ko na at itinupi ang kumot at iniayos si caelestis.

inayos ko ang mga libro sa shelves at pinagpag ang mga dumi. nakita ko ang sakit sa mata niya pero hindi ko iyon pinansin. winalis ko ang kalat bago ilabas iyon. nag spary pako para bumango ang kwarto.

"pwede na ba tayo mag usa-" tumayo ako bago kumuha ng damit para dumeretsyo na sa cr. pikit akong tumingin sa salamin at maiyak iyak na sa nagiging galaw ko sakaniya.

akala ko ay umalis na siya pero naka upo lang ito habang hawak hawak ang stuffed toy. nakatingin na siya saakin kaya umiwas ako ng tingin.

"love.." tinignan ko siya kaya napalunok siya. lumapit siya saakin bago humarap.

"please love mababaliw na ako... ano bang problema?" nanginig na ang boses niya at waring iiyak na kapag nag salita pa.

"wala naman" rinig ko na ang hikbi niya kaya napalingon ako. unti unting nahulog ang puso ko dahil sa nangyayari.

"love... please sabihin mo na" yumakap ako sakaniya kaya naman mas lalo siyang napahagulgol.

"okay..." simpleng sagot ko bago umiwas ng tingin sakaniya. nanginig din ang kamay ko nang hawakan niya iyon.

lumunok ako bago pahidan ang luha niya, ngumiti ako ng mapait bago yakapin ulit.

"ansakit love..." nanghina ang tono ko dahil doon hindi ko na kaagad mapigilan ang pag iyak. sinisipon na ako ngayon.

"ansakit makitang ganon ka sa iba.. h-hindi ko gustong ipagkait ka sa m-mga kaibigan ko pero s-sobra na love e" nanginig ang boses ko bago pahidan ang luha.

"kapag wala si a-amari hinahanap mo, l-lagi kayong nag aasaran pati sa harap ng iba. palagi nalang kayo mag kasama kaya hindi ko alam saan ako lulugar bilang girlfriend mo"

lumingon ako sakaniya ng makitang naka titig lang ito sa isang tabi. hindi siya lumilingon saakin.

"i'm sorry! i'm sorry love babawi ako promise" yumakap ito saakin habang pareho kaming umiiyak.

naluluha parin akong tumango bago tumayo. kinuha ko ang blower para iblower ang buhok ko. ramdam ko naman ang kamay ni dash na humawak don.

"ako na." tumango ako bago ibigay sakaniya ang blower. pinatuyo niya ang buhok ko bago ako mag pulbo.

umalis si mama ngayon dahil may dadaanan daw siya kila tita geni kaya kami nalang muna ang naiwan dito.

"okay na.." tumango ako bago tumayo umupo ito sa kama kaya umupo na rin ako. walang imik kami pareho ngayon.

"i'm sorry if sobra na ung action ko sa iba, hindi ko gusto love na ma op ka. girlfriend kita love pwede moko pag sabihin kung saan ako sumosobra kasi pwede ko naman mabago yon" seryoso siya bago ako tignan bumaba ang tingin siya sa labi ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"ayaw mong lumapit ako masyado kay amari? I can do that love mas mahalaga ka kesa sa iba at mas may pake ako sayo"

"can i kiss u?" yumuko pa ito at hinila ang pulsuhan ko ng tumayo ako. yumuko ako para bigyan siya ng halik ng hawakan niya ang likod ng ulo ko para dumiin ang halik.

nanghina ang tuhod ko bago maupo sa kandungan niya. nang umawang ang labi ko ay kaagad din niya ipinasok ang dila niya. napapikit ako ng mariin ng bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"celeste! kaizen! lumabas na kayo dyan at kumain na muna" napatayo kaagad ako at iniayos ang damit ng sumigaw si mama.

namumutla kaagad si dash dahil doon. natawa kami pareho at kaagad ding lumabas ng kwarto. kunot noo kaming tinignan ni mama ng parehas kami mapamura sa isa't isa.

"kumain na kayo..." tumango ako bago kumuha ng pagkain at kumain.

----------------☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。-----------------------

ilang araw na ang lumipas monthsary na ulit namin. inaya ako ni dash lumabas sa palagi namin pinag kakainin tuwing monthsary at kung saan kami nag celebrate ng graduation.

"upo na love" hinila niya ang upuang uupuan ko para maka upo ako. sumimsim naman kaagad ako ng tubig bago siya tignan na nasa harapan ko.

iniabon niya ang bulaklak kaya naman kinuha ko iyon. inilabas ko rin ang necklace isa ring bulaklak bago tumayo at isinuot sakaniya.

"ganda love" lumapad ang ngiti niya nang hawakan niya ang necklace na ibinigay ko.

"happy monthsary mylove" bulong ko bago siya tapunan ng halik. umupo na rin ako kaagad ng iserve na ung pagkain namin.

sinimulan naming kumain at ng matapos ay napag planuhan naming mag lakad ulit sa tabing dagat.

"kapag naging mayaman ako... bibilhin ko to, sobrang ganda dito e"

ngumiti naman ako bago tumango, ganun din ang nasa isip ko. maganda ang tanawin at malinaw ang tubig dagat. masarap ang simoy ng hangin.

"sobrang ganda dito love... ewan ba kung bakit hindi ito pinupuntahan ng mga tao" ngumisi naman siya bago higitin ang bewang ko.

"gusto ko na mag trabaho para saating dalawa. gusto ko na tumira sa iisang bahay kasama ka celeste"

tumango ako bago siya yakapin. ngumuso naman ako sakaniya kaya pinatakan niya ako ng isang halik.

"gusto palang nang kiss ng misis ko" tumawa naman si dash doon kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"gusto ko lahat ng gusto mo mabibigay ko... gusto ko na alagaan ang magiging anak at gusto ko na maramdaman ung yakap at halik mo sa tuwing napapagod ako galing trabaho" ngumiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"gusto ko rin naman yan... gusto ko nakasama ka sa lahat dash, gusto ko nandito kalang"

"dito lang naman ako sayo" hinalikan niya ang pisngi ko bago tumingin sa langit.

"kung hindi ikaw mapapangasawa ko... ayoko na mag pakasal" tumawa ito sabay yakap saakin.

_____________________________________________________________