Chereads / Embracing the Sky / Chapter 10 - kabanata 8

Chapter 10 - kabanata 8

naka titig lang saakin si dash habang kumakain. kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak.

"excuse us" tumayo ako sabay hila kay aeris na ngayon ay kasama ko na mag lakad.

habol hininga ko siyang niyakap. ramdam ko naman ang yakap niya pabalik kaya ngumiti ako.

"hindi ko kaya ung ganito aeris" tumango siya bago tapikin ang likod ko. nang mahimasmasan ako ay bumalik din kami doon.

nakita kong nag tatawanan silang dalawa at kaagad na rin nawala iyon ng bumalik ako.

"love" tawag niya saakin. tinuloy ko ang pagkain bago uminom ng tubig.

"hmm?" hindi ko siya tinapunan ng tingin at direderetsyong kumain. ramdam ko naman ang yakap niya sa gilid ko.

"i love you" mas lalo kong kinagat ang ibabang labi ko ng sabihin niya iyon. gusto ko na umiyak.

"hmm? i love you more" sunod sunod ang subo ko bago tumaas ang tingin kay harvey na ngayon ay nakatingin saakin na parang naawa na.

kinuha ko ang gamit ko pag tapos para makapag bihis na. nakita ko naman ang tingin ni amari saakin kaya tinanguan ko nalang to.

"ang kulit ng boyfriend mo" natatawang saad niya kaya naman napatawa na rin ako ng mahina bago tumango.

"ganon naman yon" hindi na rin ito umimik ng sabihin ko iyon. nag shower at nag palit na ako ng damit bago lumabas ulit

"hindi kana liligo?" tanong ni archer ngayon sa tabi ko, umiling lang ako bago ibaba ang ulo sa lamesa.

"ayos ka lang ba?" pag aalala sa tono niya kaya umiling ako. hindi ko na mapigilan pero napailing parin ako.

tinignan ko si dash na nasa pool parin nandon din sa harvey ay inaakbayan to para malayo siya kay amari. tumango saakin si harvey kaya nginitian ko to.

"mag tiwala ka nalang muna sa boyfriend mo celeste" tumango ako bago uminom ng soft drinks.

ilang oras pa ang naka lipas ay iniligpit ko na ang gamit para makauwi na, ganon din ang ginawa ni dash ngayon sa tabi ko.

"ansaya pala maging kaibigan, kaibigan mo" tumango ako rito at hindi na nag salita pa.

"nag kwento si amari saakin" pag kukwento niya pa umupo ako sa upuan bago siya tignan.

"alam mo ba sabi niya noong hindi pa raw tayo ay crush na raw niya ako" pag bibida niya ngumisi pa to saakin.

"tapos sabi niya noong highschool pa to ah, sabi ni amari may crush daw siya kaso crush mo yon kaya hindi na siya humati sayo dahil kaibigan ka niya"

hindi ako umimik hanggang sa makasakay kami. nasa sasakyan din silang lahat habang ako ay nasa harapan.

"nilalamig ako, pwede ba pakitapat nalang ung aircon sainyo?" kaagad na nag reklamo ang iba kaya napatingin saakin si dash.

"love, uhm pwede sa likod ka muna? dyan nalang muna si amari para mahinaan ko ung aircon dyan, masyado rin kasing malakas ung sa likod" tumango ako bago lumabas ng sasakyan. lumabas din si amari at sumakay sa harapan.

hininaan niya ang aircon sabay tingin kay amari, nakita ko naman na nag jacket na si amari bago ngumiti kay dash.

"celeste" lumingon ako kay archer at harvey na ibinigay ang isa nilang hoodie saakin, alam nilang hindi rin ako sanay sa malamig.

kinuha ko iyon at sinuot ngumiti ako sakaniya bago isandal ang ulo sa balikat ni neiva sa sobrang lamig. nakita ko naman ang pag tingin ni dash sa salamin kaya pumikit na ako.

"salamat sa hatid kaizen..." unang bumaba si harvey at sumunod si aeris at archer.

lumingon ulit saakin si dash na ngayon ay sumisilip din sa babaeng katabi niya. umiwas ako ng tingin sabay tingin lang sa labas.

"uhm thank you sa pag hatid zen" ngumiti lang si dash sabay tango ng maka baba na ang dalawa. hindi parin ako lumilipat.

"love lipat kana dito" lumiit ang boses niya pero nag kunwari akong walang naririnig.

hindi ko minulat ang mata ko, alam kong hindi pa umaandar ang sasakyan kaya naman napamulat na ako.

"please love balik kana dito" tumango ako bago lumabas at sumakay sa harapan. sinuot ko ang seat belt bago tumingin sa daan.

hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang init noong kanya. kunot noo niyang hinawakan ang kamay ko dahil sobrang lamig noon.

"patayin ko muna aircon? anlamig mo sobra love" umiling lang ako bago pumikit.

ramdam ko parin ang init ng kamay niya ngumiti ako sakaniya ng itigil niya ito sa may café.

"uwi na tayo love" walang lakas kong sabi, umiling naman siya bago ako alalayan para bumaba. pumasok kami at ramdam ko na ang init.

"here" humigop ako ng kape bago tumingin sa langit. sobrang gabi na naka pajama nalang ako at jacket para tulog nalang mamaya.

"i love you so much" tumango ako bago sumimsim ulit ng kape.

"i love you more" ngumiti ako bago tumayo para pumasok na ulit sa sasakyan. tahimik lang buong byahe tanging tugtog lang ang nag papaingay.

"gusto mo ba malamig?" tanong niya para lakass at itapat saakin yon pero umiling lang ako.

"ayoko sa malamig" kaagad naman ito napatigil sabay lingon saakin. ngumiti ako bago pumikit ulit.

"lamigin din kasi ako.. kaya pinaheram din nila saakin ung jacket"

wala ng nag salita saamin hanggang sa tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay. bumaba na ako at hinintay siyang bumaba rin.

"love" tumaas ang tingin ko sakaniya bago siya yakapin ulit.

i miss my dash so much at alam kong hindi siya to. kumaway ako sakaniya bago ako tumakbo papasok ng bahay.

"okay ka lang ba anak ko?" malambing na tanong saakin ni mama, hindi ko mapigilan kaya umiling ako bago yumakap sakaniya.

"shhh maayos din yan kung anong problema mo ngayon... tahan na"

pumasok ako sa kwarto habang nanghihina ang katawang ibinagsak sa kama. nasa isip ko parin lahat ng nangyari kanina at hindi na ata mawawala.

"i miss you dash ko... balik kana" hagulgol akong umiyak ng hindi ko mapigilan ang sakit na naramdam ko at yumakap ng mahigpit sa stuffed toy namin.

"miss ko na si daddy mo" wala sa sarili kong sabi sabay yakap pa roon.

___________________________________________________________