summer na at nag aaya ang mga kaibigan kong mag swimming dahil sobrang init na raw at minsan lang naman kami mag sama sama ulit.
"mag iingat ha" tumango ako kay mama ng ibigay niya saakin ang gamit ko. nakita ko naman si dash na ngayon ay nasa harap na ng pinto.
"akin na" kinuha niya ang bag na dala ko bago mag bless kay mama.
"mag iingat kayo ha... dash alagaan mo yan" paalala naman ni mama sakaniya.
"opo mama, iingatan ko po ang prinsesa niyo!" tumawa naman si mama sabay palo sakaniya.
"hi ganda!" inirapan ko ito sabay bigay pa sakaniya ng mga gamit. binuhat niya naman iyon at inilagay sa likod ng sasakyan.
inalalayan niya pa akong sumakay bago ko iniayos ang damit ko. ngumiti naman ito sabay suot ng salamin niya.
"i missed you so much" hinalikan niya ang likod ng kamay ko habang hawak hawak niya iyon. isa o dalawang linggo kaming hindi nag kita dahil sobrang busy din dahil mag eenroll na para sa college.
"i missed you more" hindi ako nag patalo kaya ngisihan niya ako. hindi parin niya binibitawan ang kamay ko kaya lumilingon ako sakaniya.
ilang oras na rin ay naka rating na kami sa venue, nakita kong nag lalatag na sa mesa si harvey habang si neiva at amari ay inaayos ang mga upuan. si aeris at archer naman ay wala pa.
"oh celeste, kaizen" tumaas ang tingin nilang dalawa kaya kumaway ako. ibinaba ni dash ang gamit ko sa lamesa. may mga luto ni mama na nandon kaya hinalungkat ko.
"wow! luto ba to ni tita?"
binuksan ni amari ang lalagyan bago amuyin. lumingon naman to kay dash kaya ngumiti ito.
"grabeng bagal neto ni archer" inis na saan ni aeris na ngayon ay hingal na.
"ayan pa ba, palagi naman yan late" ngising sabi ko kaya tumawa sila. umupo si dash sa tabi ko.
"kaizen tara dito pre mag iihaw tayo" aya sakaniya ni harvey kaya tumango ito at nag lakad papunta don.
"mag bihis na muna para makapag swimming na!" si archer ang mag sabi.
tumayo na ako at kinuha ang damit ko. naka spaghetti strap lang ako na pink at short, si dash naman ay naka sando at naka short din.
"tara swimming swimming!" unang tumalon sa pool ay si neiva at sinundan ito ni archer.
tumatawa lang si aeris at amari sa gilid habang ako naman at si dash ay nasa isa pang gilid.
"ang hot naman ni papi kaizen!" lumingon ako dito ng mapagtantong wala na itong suot pang taas.
nang tumalon ito ay kaagad din siya lumapit saakin. itinaas niya ang dalawang kamay na parang kakargahin niya ako.
"ulok bawal sweet dito!" sigaw ni neiva na ngayon ay natatawang binabasa ang dalawa.
si harvey naman ay kaagad na rin sumulpot sa pool ng ikinagulat ng lahat. ibinasa niya lahat gamit ang baril na hawak niya.
"putangina may batang nakawala" lahat kami ay napaligo na kaya naman ay tumingin ako kay dash na ngayon ay nandon na rin sa mga kaibigan ko at nag aasaran.
inihila niya pabiro ang paa ni amari kaya naman pabiro din siya nitong hinahampas.
"baba kana dyan amari!" ibinasa pa ni dash ito kaya napahiyaw ng mahulog ito.
tumawa naman sila dahil don kaya napailing ako. tumingin saakin si aeris na ngayon ay nasa harapan ko.
"alam ko yang tingin na yan" tumaas ang kilay ko sakaniya kaya naman napailing ako.
"ano?" biniro ko itong basain kaya naman umupo siya sa tabi ko.
"friendly lang talaga yan" saad ko kaya naman tumango ito. nakita ko pang himeram ni dash ung baril sabay tutok kay amari na umiiwas sakaniya.
tumayo ako para umupo sa upuan. kinuha ko rin ang tuwalya bago kunin ang phone.
"love!" lumingon ako ng tawagin ako ni dash. tumango ako sakaniya sabay taas ng kamay.
nag lakad ako papunta sakanila at umupo ulit sa gilid. nakita nila ang itsura ko kaya ako naman ang trip netong dalawa.
"tigil niyo yan!" basang basa na ang damit ko kaya lumubog na ako sa pool. hindi ako marunong lumangoy kaya sa gilid lang ako.
nakita kong umahon si dash kasi umahon na rin si amari pabiro parin niya itong itinulak ng bigla talaga ito nahulog.
"amari, sorry" nag aalala ang boses niya kaya napaiwas ako ng tingin. napatahimik kaagad ako sabay tingin sa tubig at pinag laruan yon.
"pst! sorry" sinitsitan pa ito ni dash na ngayon ay hindi na kinausap ni amari. kinukulit niya pa ito para kausapin siya.
"pre ung girlfriend mo" si harvey na ang nag sabi, nakayuko parin ako kaya hindi ko alam ang reaksyon niya.
"miming tayo love" hinila niya ang kamay ko kaya naman wala akong nagawa kundi ay ngumiti nalang at hinawakan siya.
lumublob ako sa tubig habang nakatingin sakaniya. nag aalala parin ang mukha niyang naka tingin kay amari na ngayon ay nasa lamesa na.
"si amari love galit" itinuro niya ang babae kaya napatango ako. gusto ko na rin umahon kaya mag lakad na ako.
nag lakad kami pabalik at ipinatong niya saakin ang twalya bago umupo sa tabi ko habang nasa isang tabi niya ngayon si amari.
"okay ka lang?" rinig kong tanong nito sa babae napalunok ako para pigilan ang iyak.
tumaas ang tingin ko kay aeris na ngayon ay nasa tabi ko. rinig ko pang nag uusap ang dalawa kaya hinayaan ko muna. pansin rin ni harvey ang galaw ko kaya nginitian ko nalang ito.
"paabot nga ng karne celeste" saad ni amari akmang kukunin ko na ito ng biglang kunin ni dash ito sabay bigay sakaniya.
tumango ako sabay upo ulit. nakita kong nakatingin saakin si harvey kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"paabot nga ng tubig" ako naman ang nag utos akala ko ay kukunan ako ni dash ngunit ang tuon lang niya ay nasa babae lang.
wala sa sarili kong mabitawan ang sandok at napalakas siguro ang baba ko ng mapatigil sila.
"i'm sorry" tumayo ako pero bago pa man ako makalagad ay nag salita na si harvey.
"pre gusto daw ng tubig ng girlfriend mo" seryoso na ang tono nito kaya napataas ang tingin nito saakin. hindi ko siya tinignan at nag lakad na para kumuha sa sarili ko.
_____________________________________________________