ilang buwan na rin ang naka lipas ng kausapin at kulitin ako ni dash.. hindi parin siya tumitigil saakin at halos araw araw ay kinukulit niya ako. nag jojoke siya at bumabanat kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya saakin.
"zel ko!" napalingon ako kay dash na ngayon ay nag hahabol hininga para lang maabutan ako.
hinawakan niya ang pulsuhan ko bago siya yumuko dahil sa hingal. tumaas ang tingin niya kaya napaayos siya ng tayo, inamoy amoy niya pa ang sarili niya bago ako ngitian.
"na late ako hehe" kunot noo ko naman itong tinignan, sakto lang naman siya hindi pa nga nag riring ang bell paanong late siya.
kinuha niya ang libro na hawak ko, ramdam ko rin na gumaan ang bag ko kaya benalewala ko nalang din iyon.
"here.." ibinaba niya sa mesa ang mga libro ko ngumiti naman ako kaya tumalikod na siya at nakipag apir pa sa kaibigan.
gumagaan na rin ang pakikitungo ko sakaniya. halos araw araw nasa akin ang atensyon niya.
"pre! codm" sigaw ng tropa niya umiling naman ito at umupo sa tabi ko.
"pass bebetime!" sumigaw niyang sabi napamura naman mga kaibigan niya sabay taas ng middle finger nila.
tumawa lang si dash sabay tingin saakin, nag pacute pa ito kaya napatawa ako. palagi siyang ganyan lalo na kapag may ginagawa ako.
"ganda mo"
napatigil ako sa ginagawa ako at napa ngiti ng palihim. araw araw na rin niya sinasabi yon kaya hindi ko rin alam kung maniniwala ako.
"pwede ba tayong mag usap?" seryoso na ang tono niya kaya napangiwi ako tsaka tumango.
"antagal ko ng nililihim to sayo celeste, sana... sana maging kaibigan mo parin ako.." lumiit ang boses niya sabay yuko.
hindi ako maka galaw dahil tinitignan ko lang siya nanginginig ang kamay niya at naka yuko lang.
"gustong gusto kita..." nag echo ang sinabi niya sa isip ko. hindi kaagad ako nakapag salita dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"wag... liligawan kita.. wag mo lang ako bastedin" tumawa naman ako kaya sumimangot ito. advance din pala ito mag isip.
"promise! hindi ako hahadlang sa gusto mo gawin. susuportahan kita sa lahat ng gusto mo mylove"
parang nalusaw ang puso ko dahil sa sinabi niya, hindi parin ako nakapag salita dahil don. hinawakan ko ang kamay niya para matigil sa nginig.
"sorry.. ganyan lang talaga ako kapag ano" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng tumingin ito saakin.
"kinakabahan.. kinakabahan ako sayo"
bumalik na siya sa upuan niya ng dumating ang teacher. ngumiti naman ako ng tumingin ito saakin.
pag tapos ng isang oras ay makipag kwentuhan lang ako sa kaibigan habang siya naman ay hawak hawak ang gitara at tumutugtog samay gilid. naka upo pa siya sa sabay kamay ng upuan.
"ma'am uwian na!" tumango ang guro ng sabihin iyon ng kaklase namin. buti nalang ay mabait ang teacher namin na yon kasi kung hindi nako iinit ulo non dahil sa sigaw na yon.
"okay okay.. excited niyo naman umuwi" biro pa nito. iniligpit ko ang gamit ko sabay ayos ng upuan.
"ako na.." kinuha niya ang bag at mga libro ko kaya tumango ako.
nag lakad na kami ng sabay papunta sa sakayan. bitbit parin niya ang gamit ko seryoso siyang naka upo samay gilid ko.
"akin na malapit lang naman na ako bumaba" ngumiti ako sakaniya. sumimangot ito sabay bigay saakin ng bag ko mga libro.
"mag ingat ka ha.." tumango naman ako bago iayos ang gamit ko. ilang minuto palang ay kumaway na ako kay dash na ngayon ay naka simangot bago ako bumaba.
"ingat ka" habol ko pa bago mag lakad, ngiti akong nag lakad papunta sa bahay.
kaizen valderama sent you a friend request.
inaccept ko kaagad iyon bago mag hubad ng uniform para makapag palit. inipit ko pa ang buhok ko at iniayos ang mga gamit sa study table.
kumuha ako ng bondpaper dahil may activity kami sa arts na hindi tinapos. binuksan ko ang PC na nasa harapan ko para makapag isip ng idea.
"helloo!"
tinignan ko ang message na iyon bago mag tipa ng irereply. kaagad naman itong sumagot.
"may naisip kana na iddrawing?"
"wala pa, kumukuha palang ng idea sa internet"
binaba ko ang phone bago mag scroll maraming magagandang arts ang nandito at alam kong hindi ko kayang gayahin.
"ako meron na... skl"
sinend niya ang picture ng nakita niya sa internet tinignan ko iyon. lalaking naka upo sa gilid ng dagat habang hawak hawak ang gitra at naka tingin sa langit na kulay asul. may babae rin don nasa likod ng lalaki naka tayo habang naka tingin din sa langit na kulay asul.
"heaven"
tumingin ako sa larawing iyon. maganda nga iyon kaya pinatay ko muna ang phone at humanap ulit.
"celeste means heavenly and dashiel means from heaven" saad niya pa.
"feeling ko ano kapag nag kaanak tayo ipapangalan natin heaven"
tumawa naman ako dahil sa naisip niya, hindi pa nga kami ay ganon na agad iniisip niya. pero sabagay maganda nga iyon.
"pwede ring caelestis kapag lalaki" chat niya pa.
"nako siguraduhin mong ako ang mapapangasawa mo" biniro ko na ito. matagal siya bago mag reply kaya tinuon ko muna ang sarili ko sa pc.
"ikaw at ikaw lang naman papakasalan ko celeste at sigurado ako don"
kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. titig na titig ako sa bawat letra sabay matamis na ngumiti.
"may nahanap na ko"
sinend ko sakaniya ang isang babae nasa dagat habang hawak hawak ang isang aso. naka talikod ito at mahaba ang buhok kaya natatakpan ang kutis nito sa likod. naka tingin din ito sa langit.
"gumawa na muna tayo zel..." hineart ko lang iyon at pinatay kinuha ko ang oil pastels at color pencil para makapag simula na.
ilang oras akong gumawa naka tatlong ulit ako dahil ambaboy ng gawa ko. 10:57 pm na nang matapos ako. niligpit ko ang gamit ko bago ko tignan ang art na ginawa ko.
"okay na to.." niligpit ko ang gamit ko bago ako pumasok sa cr para mag shower. nang matapos na ay humiga na ako sa kama at kinuha ang phone.
"goodnight heaven! sleep tight"
"goodnight dash, sleepwell"
pinatay ko ang phone at tumayo para patayin ang ilaw. kinuha ko ang isang unan bago yakapin ito.
__________________________________________________________