"anak! may bisita ka dito" sumigaw si mama kaya napa bangonn kaagad ako. tinignan ko ang oras pero sabi ay wala naman daw pasok ngayon.
kinuha ko lang ang tuwalyang naka sabit bago takpan ang damit ko dahil wala akong brang suot. binuksan ko ang pinto at gulat kong tinignan si dash na naka upo.
"celeste" ngumiti ito ng makita ako. tinaasan ko lang ito ng kilay bago tumakbo papasok sa loob.
bakit nandito siya? walang pasok ah, bakit alam niya kung saan ako naka tira.
"wag mo pinag hihintay ang bisita celeste izel" alam kong galit na ang tono ni mama kapag ganon kaya pumasok na agad ako ng cr para maka ligo.
dadalhin ko na rin ang ipapasa kay mr. opina ngayon ung art na ginawa namin kagabi. inilabas ko iyon bago kunin ang maliit na bag.
"kumain ka muna hijo..." saad ni mama sabay aya kay dash na ngayon ay naka tingin lang saakin.
pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower at nag blower na ko sa harapan ni dash. naka suot ito ng polo na itim at short din na itim halos lahat ay itim pati ata sapatos niya e. may necklace pa ito.
"kumain kana muna dash" natauhan naman ito ng mag salita ako. tumango siya bago tulungan si mama mag hain ng pagkain.
"nako ambait mo naman hijo" ngumiti naman ito sabay tulong ulit kay mama.
kumindat pa ito saakin bago kunin ang platong hawak ni mama at iniayos sa hapagkainan. itim din naman suot ko ngayon pero puti sapatos ko.
"ilang taon kana hijo?" si mama ang nag tanong mag katabi kami ni dash ngayon habang nasa tapat niya si mama.
"18 po ma'am turning 19 sa june" tumango naman si mama bago sumubo ulit ng pagkain niya. tahimik lang akong kumain hanggang sa matapos na.
gusto sana ni dash na siya na ang mag hugas kaso pinapagalitan na siya ni mama dahil daw mababasa pa ang damit nito. ngumiti naman si dash at tinulungan nalang mag linis ito.
"ano ginagawa mo dito?" nanliit ang mata ko habang tinitignan siya.
itinaas niya naman ang dalawang kamay niya na waring susuko na. tumabas siya at kinuha ang isang bouquet ng bulaklak at ibinigay saakin.
"manliligaw..." dalawa yon at ibinigay niya naman kay mama ang isa. nagulat pa si mama don bago yumakap kay dash.
"hijo ang pinag usapan natin ha" tumango si dash bago ako ngitian. hawak hawak ko ang malaking bouquet ng bulaklak, pulang pula ang rosas na iyon.
"ang ganda mo" tumaas ang kilay ko bago irapan at pumasok sa kwarto. inilapag ko roon ang bulaklak at chocolates na ibinigay niya.
"let's go..." bigla akong nanghina ng hawakan niya ang baywang ko. mainit ang haplos nito kaya nanghina ako.
"okay ka lang?" pag aalala niya bago siya kumapit ng maraham. tumango ako bago lumabas ng gate nakita ko naman ang malaking sasakyan na nakaparada sa harapan namin.
"sakay na" pinag buksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako. tahimik lang ako buong byahe hanggang sa maka rating ng school.
maraming estudyante ang nandito at nag papasa ng lahat ng ipapasa. kinuha ko ang art ko. nakita ko naman ang kay dash, sobrang ganda at ang linis.
"ganda.." puro ko rito. napa taas naman ang sulok ng labi niya bago tumingin sa art niya.
"mas maganda ka naman dito... walang tatalo sa ganda mo"
pinalo ko ito sabay labas ng sasakyan niya. hinintay ko pa siya na makababa bago pumasok sa gate ng school.
"mr. opina" kinuha ni dash ang art ko bago pareho itong ibigay kay mr. opina na ngayon ay nasa harapan namin tumango ito sabay kuha at bumaba ang tingin nito saakin.
"bagay kayo" uminit ang pisngi ko roon bago tumaas ang tingin ko kay dash na ngayon ay nakikipag biruan sa teacher.
"alis tayo... time zone" yaya niya pa sabay hawak sa pulsuhan ko para ayain ako pumayag.
"dali na zel..." pag pupumilit niya pa kaya wala naman akong magawa kundi tumango sayang din naman outfit ko kung uuwi kaagad ako.
sumakaya na ulit kami sa sasakyan at nag maneho na siya. nag patugtog pa ito kaya napatingin ako sakaniya.
"Never thought about a day that I'll be needin' more
Of this feelin' I can't hide it to you anymore
The way you look the way you move you heatin' up the floor
Babe you got that somethin' special knockin' on my door
Oh woah~
"Baby you know
Know I can't control
Can't handle this feelin' babe
Stop teasin' me
No I ain't playin' games~"
he was vibing to that song. ginalaw din niya ang katawan niya habang nag ddrive, maski ako hindi ko maiwasan ang sarili kong mamangha dahil sa ganda ng boses niya.
"See I just wanna let you know that I don't wanna see you go
Go ahead and leave me hangin' wishin' yearnin' for some more~
I don't wanna lie gustong mahawakan palagi mga kamay (yeah)
Ang makasama ka 'di ko na mahihintay
So I should go I should go to you~"
"Baby you know
Know I can't control
Can't handle this feelin' babe
Stop teasin' me
No I ain't playin' games ~
Lately I can't go to sleep
Thinking 'bout you at night but honestly
Baby you're my remedy
For all the pain that's hurtin' me~"
nakatitig lang ko sa mukha niya at sa kamay niya pumipitik. ngayon ay naka shade na ito na itim na sobrang bumabagay sa porma niya.
"Baby you know
Know I can't control hey
Can't handle this feelin' babe
Stop teasin' me
No I ain't playin' games ~
Baby you know
Oh I can't control
Can't handle this feelin' babe
Stop teasin' me~"
ngumiti ito saakin ng matapos niya ang kanta. napangiti rin ako bago ituon ang tingin sa harap.
"baba na baba na!" he announced.
iniayos ko ang damit na suot ko at isinuot ang bag na nasa kandungan ko na. una siyang bumaba at pumunta sa gilid ko para alalayan akong bumaba.
"let's go.."
kumapit ako sa kamay niya at bumaba na. bumitaw na rin ako nang maka baba na ko, tumingin ako sa paligid bago tumingin sakaniya na inaalis na ang shades na suot nito.
"they keep looking at you.." ngumuso ito sabay tingin sa tatlong lalaki na kanina pa naka tingin saakin.
"huh?" patay malisiya ko. ramdam ko naman ang kamay niya na pumulupot sa baywang ko at hinatak na ko para mag lakad.
"check the label.." ngisi siya sa sinabi niya bago tumingin sa kung saan. pumasok kami sa loob ng time zone.
may iilang babae ring naka tingin saakin ngunit ang mata lang niya ay nasa daan. hinatak niya ako samay photo booth inilabas niya ang card sabay pasok.
iniayos ko ang sarili ko bago ngumiti sa camera na nasa harapan. sa pangalawa naman ay naka akbay na ito saakin habang titig na titig saakin. sa pangatlo ay nag make kami ng heart gamit ang kamay. sa pangapat ay pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ngumuso naman ako. sa pang lima ay parehas namin pinilik ang isang maya siya ay naka naka nguso at ako naman ay naka dila. sa pang anim ay naka titig lang sa isa't isa.
"akin na to ha...." ngumiti ito bago naman ako tumango. gusto ko rin sana non kaso siya naman nag bayad kaya napatango nalang ako.
"tahimik mo palagi... salita ka naman dyan oh" pag pupumilit niya kaya inirapan ko lang ito.
"laro tayo..." pang aaya ko pa sabay hawak sa kamay niya para hatakin. dinala ko ito samay basketball.
nakita ko naman ang parang bata lang ito sumusunod saakin. ibinigay niya saakin ang card kaya kinuha ko iyon. nang bumaba na ang bola ay ibinalik ko rin kaagad sakaniya iyon.
"go babe.." pag susuport niya saakin. ngumisi naman ako sabay shoot ng mga bola, marami rin akong na shoot bago ngumiti sakaniya.
"baka girlfriend ko yan!" sumigaw pa ito na hindi man lang nahihiya at pumapalak pak pa kapag nakaka shoot ako.
"galing galing mo mylove"
nang matapos ay hinakan ko ang mukha niya ng isang buong palad ko bago ako mag lakad sa likod niya.
"aray naman.. love kasi!" pag mamaktol niya sabay simangot saakin. naka tingin saamin ang ibang tao.
sinamaan ko naman ito ng tingin kaya bumusangot ito. nakakahiya naman sa mga taong naka tingin saamin dahil sakaniya.
"i love you hehe" inirapan ko lang ito sabay lakad pa. sumunod naman ito kaya umupo nalang ako sabay bench at tinitignan ito.
"laro ka" sabi ko kaya tumango ito. hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako sa kung saan.
_______________________________________________________