Chereads / My Star (Ren) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Nagising siya sa alarm ng cellphone, pagkatapos maghilamos at kumain ay nagbihis siya.

"Aalis ka na?" tanong ni Max.

"Nauna na ba si Cindy?"

"Oo, hindi ka ba isasama ni Cindy?"

"Kung papayag si Manager, hindi muna."

"Good." pabulong nitong sabi.

"Ha?" akala siguro nito ay hindi niya narinig.

"Nevermind." saka ito humigop ng kape.

Lunch break at nasa library siya dahil kakatapos lang niya kumain nang makita si Jakub, hindi na niya ito nilapitan dahil ayaw niyang makaistorbo. Naisip niya bigla, si Jakub lang ang hindi masyadong maingay bukod kay Nick at Sasha. Para itong mannequin na laging walang ekspresyon. Para itong may sariling mundo, pero hindi naman ito masasabing introvert dahil madami din itong kakilala sa buong school. Kung ano lang ang itanong dito ay iyon lang ang sasagutin nito, walang malalim na paliwanag. Ano kaya ang itsura nito kapag tumatawa ng malakas? Ano kayang itsura nito kapag masaya? Ano kayang itsura nito kapag galit o umiiyak? Napakurap siya sa isipin, mas mabuti pang isipin niya ang sarili kaysa sa iba.

Biglang nagdilim ang ekspresyon niya nang mag vibrate ang kaniyang cellphone, text message mula kay Andrew.

Tumatakbo ito habang hinahabol ng hindi maipaliwanag na nilalang, hawak nito ang putol na ulo ng kasama nito. Kahit na dumudugo ang paa ay patuloy lang itong tumatakbo, tumumba ito ng humangin ng malakas at natabig ang malaking kahoy. Lumingon ito sa likod ngunit wala na ang nilalang, nang lumingon ito sa harap ay katabi na nito ang hindi mapaliwanag na nilalang.

"Hhaampp!" nagulat si Sasha at tinakpan ang mata.

Nanlaki ang mata niya at napaurong ng bahagya sa gulat, muntik ng lumabas ang sigaw sa kaniyang bibig.

"Bakit kasi horror ang pinanood natin!" maluha-luhang sabi ni Sasha habang nakalubog ang mukha sa unan.

"Hahahahaha, kung ayaw mo manood tulungan mo na lang kami dito, Sha." sigaw ni Nick mula sa kusina, hinahanda nito ang pagkain na binili nila.

"Ang tagal niyo naman ni Cindy gusto ko na kumain." saka ito pumuntang kusina.

"Hm? Hindi ka ba mahilig sa horror?" tanong ni Andrew kahit alam nitong ayaw niya sa horror.

"Gusto mo ba palitan natin?" tanong ni Jakub, hindi man lang niya itong nakitang nagulat kahit isang beses.

"Ah, 'wag na, hehe. Okay lang ako."

"Okay na ang pagkain, heya!" inihanda ni Sasha at Nick ang pagkain sa maliit na mesa.

"Ito popcorn mo." abot ni Cindy sa kaniya.

"Ang alam ko mag-sisine tayo." tanong ni Andrew.

"Mas mura kapag sa bahay lang 'no!" si Sasha.

"Bago mag pasko sine tayo, ano?" si Nick.

"Hmm. Oo nga makakapag ipon pa tayo."

"Ah, Cindy sabay ba kayo uuwi ni Jhin?" tanong ni Nick.

"Oo, bakit?"

"Gusto ko sana ipakita ang props at costume na susuotin natin bukas."

"May props pa, Nick? Sasayaw lang naman tayo, eh." tanong ni Sasha.

"Kaya nga ipapakita ko sa inyo ang susuotin natin."

"May pa-costume pa hindi naman drama ipe-present natin." sabi ni Sasha habang may nginunguya.

"'Wag mo nga sirain effort ko! Pinaghandaan ko 'yon kahit hindi sobrang ganda." nakangusong sabi ni Nick.

"Hehe, tingnan na lang natin kung anong gamit ang kailangan at hindi, nag handa si Nick para dito, eh." si Andrew.

Pag tapos nila kumain at mag kwentuhan pumunta sila sa bahay ni Nick, doon nila pinili ang damit sa susuotin kinabukasan para sa sayaw.

Bitbit ni Nick ang mga naka paper bag na damit, pagkapasok nito sa pinto.

"Ha! Jakub ang sama mo! Sabi ko hati tayo sa damit na dadalhin eh." panguso nitong nilapag ang mga paper bag sa harap ni Jakub.

"Sorry, hindi ko kayang magbitbit ng mabigat." sabay lingon sa kawalan.

"Ang sabihin mo tinatamad ka lang, hmp." saka galit na inabot ni Nick ang bag kay Jakub.

"Hindi naman mabigat 'yan, 'no? Wala namang bakal na props diyan, hindi rin naman tayo gumamit ng props, eh." sabi ni Sasha habang nakaupo sa desk at kumakain.

"Hmph! Sino may sabing kainin mo snacks ko?"

"Hindi mo snacks 'to, binili ko to. Maniwala ka, nakita ko si Jakub sumilip sa ilalim ng desk mo, baka siya ang kumuha." nilayo nito ang pagkain.

"Wala kong kinukuha 'no."

"Ha?!" sigaw nito kay Jakub.

Para itong mga aso at pusa kung magtalo, bigla niyang nalala si Cindy. Hindi niya maiwasang mainggit, marahan siyang umiling. Hindi ito ang oras para maisip ang mga ganong bagay - na sana ay naranasan nila ni Cindy ang ganitong simpleng relasiyon bilang magkaibigan.

Mabuti na lang ay lunch break ang kasunod nang matapos ang kanilang sayaw, may oras sila para makapag pahinga. Pagkatapos niya kunin ang damit na pamalit ay sumunod siya kay Cindy papuntang restroom, malapit na siya sa restroom nang makita si Andrew.

"Pwede bang magpasama?" tanong nito.

"Hindi ako lalaki para samahan ka sa male restroom, kung gusto mo magpalit nasa harap mo 'yung pinto." saka niya ito nilagpasan.

"Ah.. hindi naman ako magpapasama sa restroom, gusto mo bang sumama?"

"Saan naman?" saka niya uli ito nilingon.

"Ahh, sabi kasi ni prof palitan ko yung walis sira na kasi, kaso hindi ko alam kung saan yung library." napakamot ito sa ulo, saka niya napansin ang walis sa tabi nito.

"Hindi rin naman bagay sayong maglagi sa library, sasamahan kita hanggang library." napabuntong hininga siya.

"Thanks." saka ito sumunod sa kaniya.

"Diyan sa kaliwa ng library 'yung storage, aalis na ko magpapalit pa ko."

"Nandito ka na din lang bakit di mo na ko samahan hanggang storage, nakakatakot kung ako lang mag-isa." putol nito sa pag hakbang niya.

"Huh?! Kailan ka pa natakot mag-isa?" nagbibiro ba ito?

"Pano 'yan mahina lang ang liwanag sa loob, natatakot ako."

Iritable niya itong tiningnan. "Bilisan mo lang, sa unahan ka na kumuha para mabilis." hindi siya komportable na matagal siyang nakasuot ng maikli. "Tsk."

"Did you just clicked your tongue at me?" nakangiti nitong tanong.

"Pwede bang bil-" naputol ang sasabihin niya nang hatakin siya nito sa kamay papasok. "Wait And-  saglit sabi, wai-"

"Imbis na kukuha lang ako ng walis, bigla kong may gustong gawin. Ano sa tingin mo?" he hold both her hands upward and the other hand is on her waist.

"A-Andrew, sa bahay na lang.. natin 'to ituloy..." kinakabahan siyang baka may makakita sa kanila.

"Sshhh.. Nasa tabi tayo ng library gusto mo bang marinig tayo?" kumuha ito ng tali na nasa tabi ng box.

"Andrew, huwag dito please. Kung gusto mo itu-" hinalikan siya nito upang hindi siya makapag salita habang tinatali ang kaniyang kamay.

"Natatakot ka ba na baka makita tayo?" tumango siya rito dahil nanunuyo ang lalamunan niya sa takot. "Hindi ka na matatakot kung hindi ka makikita 'di ba?"

Huh?! Dinukot nito ang panyo sa bulsa, pilit siyang nagmakawa rito na tumigil hanggang sa napiringan siya nito.

Hinihingal siya sa kaba at takot na makita sila, naiyak siya dahil sa halo halong emosiyon. Ramdam niya ang bawat haplos nito sa binti at likod niya, ang bawat dampi ng labi nito sa labi at leeg niya. Nabasa ang panyo sa mata niya dahil sa puno na ito ng luha, hindi niya kayang mag ingay dahil baka marinig sila sa library. Ang tanging naririnig niya ay ang pag halik ni Andrew at pag hinga niya, nanghihina na siya kakaiyak. Maya-maya ay may narinig siyang mga yapak.

"J-Jhin!" narinig niyang boses ni Sasha.

Ahh.. Alam na nila, hindi ko na sila kayang harapin nito. May narinig siyang yapak at kalabog, ngunit wala na siyang pakialam kung ano ang nangyari dahil wala siyang lakas. Naramdaman niya ang paglapit ng mga ito, kinakalagan nito ang kamay niya. Nang matanggal ang piring niya ay hindi niya nakilala ang nasa harap niya, nanlabo ang mata niya dahil puno ito ng luha. Lumutang ang mga paa niya at may mga kamay na nakahawak sa kaniya, hindi niya kilala kung sino ang nagbubuhat sa kaniya.

Mahalaga pa ba 'yon? Hindi ko na kaya, inaantok ako. Tuluyan na siyang nakatulog sa isiping iyon.

Nagising siya sa infirmary ng school at naalala ang mga nangyari, dahil sa hindi niya kayang harapin si Sasha, nagtalukbong na lang siya ng kumot.

"Jhin, gising ka na? Gusto mo tubig?" narinig niyang boses ni Cindy.

"M-mamaya.. na lang.." mahina niyang tugon. N-nakakahiya!! Paano kung hindi niya kayanin ang pressure kapag kumalat sa buong school ang nangyari sa kaniya?

"Jhin, si Sasha at Jakub lang ang nandito, okay lang ba kung itanong ko sayo 'to?" tanong ni Cindy.

Bahagya siyang lumingon at saka tumango.

"Bakit sumobra nanaman si Andrew?"

"N-nanaman?" gulat na tanong ni Sasha.

"Kahit sabihin niyang... hindi na niya uulitin... gagawin pa din niya." mahina niya tugon.

"Ali... Magda-drop out ka ba?"

Cindy naman, tanungin mo ko niyan 'pag tayong dalawa na lang. Isa pa bat tayo nag-uusap tungkol dito nang may kasama tayo? Ugh. Tumango lang siya dito.

"Hindi mo kailangang mag drop out kung kami ni Sasha ang dahilan." sabi ni Jakub.

"Ahhm, actually Ali. Nagusap kami kanina habang tulog ka." nag-aalangang sabi ni Cindy.

"H-hindi mo naman kailangang sabihin bawat detalye, tapusin lang natin 'tong issue na ito, tapos... aalis ako." napuno siya ng takot. Cindy! Huwag mo sabihing sinabi mo sa kanila?

"Huwag ka magalala, nangako naman kami ni Jakub na mananahimik kami bago sabihin ni Cindy ang totoo."

"Cindy?!" Pwede namang sabihin mo na lang na ex ko si Andrew tapos, tapos na. Bakit?

"Sorry Jhin, mapilit kasi silang dalawa."  Lalo na si Jakub, your 'Knight in shining armor!'

"We know you have a reason why you have this kind of ... lifestyle, pero hindi mo naman kailangan tumakbo samin, Jhin." puno ng pagalala ang boses ni Sasha.

"Hindi kami klase ng taong tulad ng mga nakilala mo, hindi ka namin huhusgahan kaya hindi mo kami kailangang iwasan." si Jakub.

"Pero gusto namin humingi ng pasensya, Jhin. Pinilit namin magsalita si Cindy ng walang pahintulot mo."

"Gusto lang namin na mas maintindihan kung bakit pumapayag ka na gawin sayo ni Andrew ang ganong bagay."

Hindi niya namalayan ang pag tulo ng luha, natulala siya at biglang may bumugsong emosiyon sa kaniyang dibdib. Madilim ang ekspresyon ni Cindy nang umiwas ng tingin, niyakap siya ni Cindy. Mahigpit niyang niyakap ito at tahimik na umiyak.

Hindi niya gustong pumasok pero pinilit siya ni Sasha, sinundo pa siya nito.

"Hindi mo naman ako kailangang sunduin, nag sayang ka lang ng pamasahe.."

"Okay lang 'yon, hindi ka kasi masusundo ni Jakub kaya ako muna, hehe" saka ito ngumiti.

"H-hindi naman 'yun kailangan."

"Nag-aalala lang kami ni Jakub, baka guluhin ka ni Andrew."

"Hehe.... Kung ganon.. s-salamat." nahihiya siya pero masaya siya, masaya siya kasi nakilala niya ang mga ito. At dahil nasa Esclaves si Cindy mag-isa lang siya na uuwi.

Hindi niya kinamumuhian si Andrew, hindi lang talaga niya kaya kung pano siya tratuhin nito sa harap ng ibang tao, hindi naman niya alam ang rason nito dahil pag tinatanong niya ito, wala siyang matinong sagot na natatanggap.

Natapos ang klase, nang tawagin siya ni Sasha. Nagpumilit ito na ihatid siya, ganon din si Jakub.

"Huh? Hindi kayo sabay uuwi ni Cindy?" tanong ni Nick.

"Oo, eh.. Uuwi muna kasi ako sa Tita ko." sagot ni Cindy habang inaayos ang bag.

"Bakit? Malayo ba doon?"

"Nick, ang dami mong tanong, bakit sasama ka ba kay Cindy?" si Sasha.

"Anong sasama? Baka ikaw, hmp. Jakub pupunta ko sa inyo mamaya ah, manghihiram ako Manga." si Nick.

Nagpaalam sila at saka umalis.

"Pano, dito na lang?"

"Sige, bye-bye."

"Mag-isa ka lang diba?" tanong ni Jakub.

"Huh? Ah, mm." tumango siya, inabot nito ang cellphone sa kaniya.

"Kung sakaling may mangyari pwede mo kaming kontakin." saad nito.

"Ha!" dinukot ni Sasha ang cellphone saka inabot. "Ako din!"

"T-thanks..." saka niya binalik ang cellphone ng mga ito.

"Dito na kami bye-bye!!" kumakaway si Sasha habang papalayo ang mga ito.

Masaya siyang pumasok sa loob ng bahay.