Tinakpan ni Jhin ang sinag ng araw sa kaniyang mata, nasa hindi kalayuan sina Sasha.
"Jhin!" tawag ni Cindy sa kaniya.
"Namimili kami ng unang pupuntahan, ikaw Jhin saan mo gusto?" sabi ni Sasha habang palapit ang mga ito.
"Gusto ko na agad mag shopping." sabi naman ni Nick.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Cindy.
"Tara sa JollyJoy!"
Pag tapos nilang kumain at magpahinga ay pumunta sila ng karaoke.
"Sine?" pag aya ni Jakub sa kanila.
"Ano bang magandang palabas ngayon?" tanong ni Sasha rito.
"Ah! May bagong palabas ngayon horror panoorin natin." tugon ni Nick.
"Are you a fan of horror, Nick?"
"Paalala mo nga sa kaniya Cindy, kung anong nangyari nung nanood tayo ng horror." pangasar ni Sasha sabay tawa.
"Let's check na lang kung anong palabas ang mga bago ngayon." tugon ni Nick.
Nagtungo sila sa sinehan at saka pumili, romance na lamang ang pinili nila dahil ayaw ni Sasha at Nick ng horror na palabas. Nilibre siya ni Cindy ng ticket at ang katabi niya ay si Cindy at Jakub. Habang nanonood ramdam niya ang pag vibrate ng cellphone niya sa kaniyang bulsa, naisipan niyang mamaya na lang ito tingnan.
Tutok siya sa panonood ng makaramdam siya ng lamig sa kanang braso, inabot sa kaniya ni Cindy ang dalawang inumin. Iaabot niya na sana kay Jakub ang inumin nito nang naramdaman uli niya ang cellphone sa kaniyang bulsa, nagpaalam siya sa mga kasama na mag-babanyo. Hindi niya alam kung ang ina niya ang kumukontak sa kaniya o si Andrew.
Nang nasa comfort room na siya ng sinehan ay kunot-noo siyang naka tingin sa cellphone, mensahe mula sa email niya na nagsasaad na thirty-five percent ng kaniyang utang ay nabayaran. Agad niyang kinumpirma sa numero at email kung ito ba ay spam message lamang, ngunit galing mismo ang confirmation sa pinag-kakautangan niya, naka saad pa roon ang transaction. Imposible naman na ang ina niya ang nagbayad nito, imposible din na siya dahil wala sa Esclaves si Saavedra nung huling nagtungo siya roon. Bakas pa rin ang pagtataka sa kaniyang mukha nang nag vibrate uli ang kaniyang cellphone, mensahe mula sa kaniyang ina.
"Anak, kinausap ko si sir Saavedra siya na daw ang bahala sa utang natin. Dahil ang bagal mo kumilos, gumawa na ko ng paraan. Magpasalamat ka at nandito ako para tulungan ka." naka saad sa mensahe nito.
Nanlulumong napa-upo siya sa stool, ano naman kaya ang pinagusapan ng kaniyang ina at ni Saavedra, anong kondisyon o kapalit? Ito pa naman ang taong humihingi ng kapalit sa mga naibibigay nito, isa pa hindi biro ang halaga ng utang nila rito kaya panigurado ay hindi rin maliit na bagay ang hihingin nitong kapalit. Kahit pa yata magtrabaho siya buong buhay niya sa Esclaves hindi pa rin niya mababayaran ng buo ang iniwang utang ng kaniyang tatay, isa pa at magastos din ang kaniyang ina.
Kahit maraming tumatakbo sa isip niya ay pinilit niyang kumalma upang hindi ito makita nina Cindy, ayaw na niya itong idamay sa problema niya at mag-aalala lang ito. Nang kumalma siya at makalabas sa banyo ay naka abang si Jakub sa hallway.
"May problema?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"W-wala."tugon na lamang niya.
"Balik na tayo."
"Mm." nahihiya niyang tugon.
Nang makabalik sila ay ramdam niya ang tingin na binibigay sa kaniya ni Jakub, hindi niya malaman kung hindi ba nito gusto ang palabas at sa kaniya lang ito naka tingin. Pinukaw na lang niya ang atensiyon sa pagkain ng popcorn na hawak.
"Ayoko ng ganong ending." saad ni Nick ng makalabas sila sa sinehan.
"Ang bobo ng male lead, kung ako 'yon magta-take ako ng risk para makasama 'yong babae." dagdag ni Sasha.
"But it's better than pushing yourself too much and crossing the line, right?" sabi ni Cindy.
"'Sa tingin mo, Jakub?" tanong ni Nick.
"'Naku, iyan pa tinanong mo. Bente na 'yan pero inosente pa rin." patawang sabi ni Sasha.
"Want me to lend you CD's?" dagdag ni Nick sabay tawa.
"How about me, Nick? 'Di mo ko papahiramin?"
"Saan naman gusto niyong pumunta?" tanong ni Cindy.
"Bili na tayo damit, may nagustuhan ako dun sa kabilang stall puntahan natin." sagot ni Nick.
"Tara. Sama ka samin Jhin."
"Wala naman akong damit na bibilhin."
"Ayaw mo sumama?" pangungulit ni Cindy sa kaniya.
"Hintayin ko na lang kayo sa ice cream stall." sagot niya.
"Sige, sige." saka hinila ni Nick si Cindy, sumunod naman si Sasha.
"Ice cream tayo?" tanong niya kay Jakub.
"Do you like sweet foods?" tanong nito sa kaniya nang nasa stall na sila.
"Mm. I like cold foods."
"I like it.... knowing what you likes." sabi nito.
She can't help it but to feel uncomfortable, having feelings for her is just a waste.
Pagtapos nila pumuntang *** mall nag prisinta ang mga ito na mag over night sa bahay ni Jakub, nagulat sila nang mawala si Sasha sandali at may dala ng alak pag balik. Wala man sa plano ay napagkasunduan nila na uminom sa bahay ni Jakub habang wala ang tatay nito.
"Sasha, huwag kang papasobra, ha?" paalala ni Nick rito.
"Hindi ko alam na umiinom pala kayo." sabi ni Cindy.
"Last time nauna kang umuwi, uminom kami ni Nick sayang di ka kasama." saad ni Sasha sabay tawa.
"'Wag mo na ulit bubuksan 'yung refrigerator, Sasha." sabi ni Jakub rito.
Hindi pa man siya nagtatagal sa kinauupuan ay tumunog ang kaniyang cellphone, tawag mula kay Andrew. Nagpaalam siya sa mga ito na sasagutin ang tawag, saka pumunta sa veranda.
"Hello." sagot niya.
"How are you, Ali?" tugon ni Andrew sa kabilang linya.
"Can you tell me straight what is it?"
"Old shit wants me to come home."
"Then?"
"With you." pagkasabi nito iyon ay kumabog ang dibdib niya. "You know what? Hindi ko alam kung ano balak ni tanda, pero hindi ko gusto kutob ko. Mas maganda siguro kung pupunta ka ng malaman natin pareho."
"Dahil ba 'to kay Mama?"
"Hindi ko rin alam, pumunta ka na lang."
Nilabas niya ang kahon ng sigarilyo sa bulsa, nag-ipit siya ng isa sa bibig at saka binalik iyon sa bulsa. Sisindihan na niya sana iyon ng may nag abot sa kaniya ng lighter.
"Also... I miss you." dagdag nito.
"Mhm. Bukas ng tanghali, kay Kuya Peng." pagkasabi noon ay pinutol na niya ang linya. "Thanks." sabi niya kay Jakub na nagsindi ng sigarilyo niya.
"May lakad ka bukas?" tanong nito.
"Mhm." sagot niya.
"May problema ba?" may bakas ng pag-aalala sa mukha nito.
"Wala naman." 'Such a quick-witted.' sa isip niya.
"Kung aalis ka bukas hatid na kita, aalis din ako eh."
Tumingin siya rito. "Hindi na kailangan."
Ramdam niya ang pag-pupumilit nito, ngunit hindi niya makumbinsi ang sarili kung totoo ba ang nararamdaman nito sa kaniya.
Kaliwa't kanan ang mga marshmallow na lumilipad dahil kay Nick at Sasha, nag babatuhan ang mga ito habang tawa ng tawa.
"What a complete chaos.." pabuntong hininga na saad ni Jakub.
"Jhin!" tawag sa kaniya ni Cindy sabay lapit sa kaniya, niyakap siya nito.
"Cindy?" nagtaka siya sa kundisyon nito, niyakap niya ito.
"Lightweight pala sa alak si Cindy? Ang cute niya kanina hinahanap ka habang umiiyak." sabay tawa ni Sasha, sinalo nito ang marshmallow mula kay Nick at kinain iyon.
"Galing 'yan sa lapag." sabay hagalpak ng tawa ni Nick.
"'Tangina mo!" saka nito binato ng chips si Nick.
"Jhin, malakas ka ba uminom?" tumigil si Nick at Sasha sa ginagawa saka umupo sa harap nila.
"Hindi." sagot niya.
"Pa-humble." patutsada ni Sasha.
"Nakikita ko na importante ka talaga kay Cindy, ikaw hinahanap niya kahit lasing siya." saad ni Nick.
"You really have a strong bond." marahang nakangiting sabi ni Jakub.
"Well, matagal na rin kaming magkakilala eh."
"Ikaw na." abot ni Sasha ng baso kay Jakub.
Patuloy silang nagkuwentuhan hanggang sa umabot na ng hating gabi.
Kunot-noo siyang nakatitig sa kisame.
Bakit nag-iba kisame ng kwarto ko? Isip-isip niya.
Napagtanto niya ang nangyari kagabi, saka tumungin sa paligid. Tulog pa sa tabi niya si Cindy, sina Nick at Sasha naman ay tulog din sa bandang paahan niya. Nakarinig siya ng tunog sa pinto, nang lumabas siya sa pinto ay naamoy niya ang pagkain.
"Gising ka na?" naghahain si Jakub sa mesa nang makita niya. "Good morning." saka nito inabot ang tasa ng kape.
"Salamat."
"Kumain ka muna." abot nito ng pagkain sa kaniya.
Hinipan niya ang kape saka humihop.
"San kita ihahatid mamaya?"
"Hindi mo na nga ko kailangan ihatid."
"Still, sana hayaan mo kong gawin kahit maliit na bagay lang." ngumiti ito.
And what? To get your hopes up? "Hindi talaga kita maintindihan. I mean, in what way mo ako nagustuhan?" tanong niya rito ng may bakas ng pagkalito sa kaniyang mukha.
"I don't know.. In every way?" seryoso nitong sagot.
Napabuntong hininga siya. What do you mean 'In every way.'?
"Sorry Jakub, hindi kita natulungan sa paghanda ng almusal." sabi ni Sasha pagkalabas nito ng pinto. "Ugh, sakit ng ulo ko."
"Husband material Jakub, ah? Nagluluto ng almusal sa umaga." patutsada ni Nick paglabas nito ng pinto kasunod si Cindy.
"Ikaw lang naman 'tong tamad." sabi ni Sasha saka umupo.
"Aga-aga nag aasaran kayo." umupo na rin si Cindy sa tabi niya.
"Jakub samahan mo ako, mamaya."
"Ihahatid ko si Jhin, Nick. Hindi kita masasamahan."
"Saan kayo pupunta?" sabay na tanong nina Cindy at Sasha.
"Pupunta ko sa café, ikaw muna ang bahala sa bahay Cindy." sagot niya rito.
"'No gagawin mo doon?" tanong ni Nick.
"Pupuntahan ko si Andrew." pagkasabi niya nito ay natahimik sila.
"Susunduin ka niya? Sama." sagot ni Cindy.
"Pero uuwi ka ah?"
"Samahan mo na lang ako Jakub, kapag tapos natin ihatid si Jhin." dagdag ni Nick.
"Hindi niyo naman kailan sumama lahat... Mas maganda siguro kung ako na lang." nahihiya niyang sabi sa mga ito.
"Hindi."
"Ihahatid kita." sabay na sambit nina Jakub at Nick.
"Mga kaibigan mo overprotective, ako na lang sasama sayo, Nick." sabi ni Sasha.
"Bakit 'di na lang natin samahan si Jhin." dagdag pa ni Cindy.
Mas ayoko nun, Cindy. Isip-isip niya. "Ako na la-"
"Ihahatid ki-"putol ni Jakub sa kaniya.
"Aahh! Basta sasama kami. Period." putol naman ni Nick kay Jakub.
Tumingin siya kay Cindy, ngumiti lang ito sa kaniya kaya wala na siyang nagawa sa pamimilit ng mga ito.
Nang makarating sila sa café ay naroon na agad si Andrew.
"Anong meron at sinama mo pa angkan mo?" bungad nito sa kanila.
"Oh, shut up." sagot ni Sasha rito.
"Andiyan ba si Kuya Peng?" tanong niya.
"Sumunod ka na lang." saka ito tumayo at naglakad patungo sa counter.
"Sabihin mo kay Kuya Peng siya na bahala sa bill." pahabol ni Cindy rito, diretso lang itong nagtungo sa counter.
"Alis na muna ko." sabi niya sa mga ito.
" Sige." sagot ni Sasha.
"Tawagan mo kami, kapag may nangyari." sagot ni Nick.
"Wala namang mangyayari." tugon niya rito at marahang napabuntong hininga.
"Bilisan mo lang ah." sagot naman ni Cindy.
"Mhm." iyon lang ang sinabi ni Jakub saka ito tumango.
Umupo ang mga ito sa isang table, at kumaway sa kaniya.
"Took you so long." sabi ni Andrew sa kaniya, nakaupo ito sa sofa na mahaba paharap kung saan naka upo ang may ari ng café.
"Take a seat, Ali." sabi ni Kuya Peng sa kaniya.
"Salamat." saka siya umupo sa tabi ni Andrew.
"Then? Any news kay tanda?" tanong ni Andrew kay Kuya Peng.
"Proof ng medical record, transactions and more." sabi nito sabay lapag ng envelope sa mesa.
"What does that have to do with me bringing Ali?" tanong ni Andrew rito.
"I think he will do the same old thing he did with your father, is this really nothing to do with you?" mariin nitong tanong kay Andrew.