Chereads / My Star (Ren) / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Tanging tunog lamang ng pag pindot sa kompyuter ang naririnig niya, tutok si Kassy sa ginagawa nito sa kompyuter. Si Kuya Peng ay tutok rin sa mga papel na nasa harap nito, lumapit siya dala ang isang tasa ng kape.

"Kuya Peng, pasensiya na wala kong maitulong sa inyo." saka niya inabot rito ang tasa na hawak niya.

"It's okay, ayoko din naman dagdagan pa ang isipin mo. Mas maigi na ma-secure ko ang safety ninyo, just focus on how you can calm yourself." saad nito.

"Good for you miss, why don't you print out the files and give it to Peng?" pang-aasar ni Kassy sa kaniya.

Napabuntong hininga ito. "Stop it, Kassy. Ako na ang gagawa Jhin." baling nito sa kaniya.

"Tawagin mo lang ako Kuya Peng, kung may kailangan kayo, ah?" paalam niya rito at saka iniwan ang mga ito.

"How's going there?" tanong ni Cindy sa kaniya.

"Marami silang gawain, gusto ko tumulong kaso wala kong alam sa ganon eh.." umupo siya sa tabi ni Cindy.

"Kung may alam ako sa ganon hindi na natin kailangan 'yang babaeng marumi ang bunganga." sabi naman ni Sasha.

"Pero maganda na din na may kasama tayong tulad niya, mas mapapadali ang trabaho ni Kuya Peng." sagot ni Jakub.

"Isn't cool? Being a hacker?" tila nagniningning ang mga matang tanong ni Nick.

"Right? I'd like to learn someday too." sagot ni Jakub rito.

"Itong dalawang 'to! Sino ba kaibigan niyo? Isa pa hindi nga kayo tumatagal na libro ang hawak niyo sa isang buwan, computer pa kaya?" iritableng sabi ni Sasha sa mga ito, malakas na inilapag niya ang basong ininuman.

"Yeah, yeah. Bakit hindi niyo siya puntahan at magpaturo sa kaniya." bakas ang pagkagulat ng mga ito sa lakas ng pagkakasabi niya.

Tumawa ng malakas si Sasha, "See? Kahit si Jhin sumasangayon sakin."

"Jhin? Okay ka lang? Bakit bigla kang nagalit?" tanong ni Cindy sa kaniya.

"H-hindi ako galit." nahihiyang sagot niya rito, hindi niya maiwasang mainis sa sagot ni Jakub kay Nick.

"Wala namang masama sa sinabi namin ah? Ang cool kaya maging hacker." patuloy ni Nick.

"Then you two can go ahead and ask her to teach you." pabulong niyang sabi.

"Hindi naman ibig sabihin niyon, hindi na tayo magkaibigan." nakangusong sagot ni Nick.

"Lagi naman kam-"

"Yeah, yeah. Like I care." putol niya sa sasabihin ni Jakub.

"Jhin?" nag-aalangan si Cindy kung ano ang sasabihin sa kaniya.

"'Yosi lang ako." saka siya tumayo.

"May nasabi ba kong 'di maganda?" rinig niyang sabi ni Jakub habang patungo siya sa beranda.

Tumawa si Sasha, "Hindi ka niya pinatapos."

Pagkasara niya ng pinto ay iritableng dinukot niya ang sigarilyo at lighter sa bulsa.

You say you like me, pero tipo mo pala 'yung matabil ang bunganga.

"Magpractice ba kong ganon magsalita?" bulong niya sa sarili.

"Panong ganon magsalita?" boses ni Jakub ang narinig niyang nasa likod.

"Hng!" gulat na nilingon niya ito.

"Anong iniisip mo para hindi marinig ang pagbukas ko ng pinto?" lumapit ito.

"Wala naman." sagot niya rito.

"Sorry Jhin, pero may nasabi ba kong hindi mo nagustuhan?"

"Nevermind." pabulong na sagot niya rito.

"Come on Jhin, tell me."

"Sabi ko, nevermind."

"Pano ko malalaman kung ano kasalanan ko, kung hindi mo sasabihin?" nang lingunin niya ito ay mukha itong nag-mamakaawang tuta.

"Y-you told me you l-like me, so why are you praising someone in f-front of me?" natigilan ito sandali, abot tainga na ngumiti ito at biglang namula ang tainga nito dahil sa sinabi niya.

"Nagseselos ka ba? Sorry hindi ko na uulitin." ramdam niya ang pag init ng kaniyang pisngi, tinakpan niya ang bibig nito.

"Stop making that face." pabulong na sabi niya. Kumunot-noo ito, "Y-you look too g-good when you smile." ramdam niya ang pag ngiti nito sa kaniyang palad.

Tinanggal nito ang kamay niya, at saka sumadal malapit sa kaniya. "Can I hug you?" bulong nito.

Ramdam niya ang kabog ng kaniyang dibdib, "Uhm." sagot niya saka tumango, niyakap siya nito patalikod, pakiramdam niya ay matutunaw siya.

"I could kiss you right now." bulong nito sa kaniya.

"Yeah, please don't." natawa ito sa sagot niya at binaon ang mukha nito sa kaniyang balikat.

Kumalas ito ng yakap at hinarap siya, nagulat siya ng mabilis siya nitong hinalikan sa labi. "Pasok na tayo, malamig." pag-aya nito sa kaniya.

You can't... hold your urge. "Susunod ako." tugon niya rito sa mahinang boses.

Pinatong niya ang mga braso sa bakal ng beranda, ramdam niya ang kabog ng dibdib at init ng kaniyang pisngi. Nang kumalma siya ay pinatay na niya ang sigarilyo na hawak hindi pa man iyon ubos, saka pumasok sa loob.

"So, ang plano ay kikilos tayo next week. Nakakuha si Kassy ng evidence that Matthew is running a dirty business, malaking tulong 'yon para makakuha tayo ng warrant sa polisya and it will be easy to confront Matthew. Luckily may isang employee sa kumpanya ni Matthew na handang tumulong satin, he's doing this because of unfair service that he gets from Matthew. That gives us a big advantage, and dahil rin dito hindi mo na kailangang tumayo bilang bait, Jhin." paliwanag ni Kuya Peng sa kanila.

"And regarding to that friend of yours, we have the fifty percent chance that your friend is in the company or not. Hindi alam ng apprentice natin kung naroon sa opisina ang beloved friend mo, there's one room that Matthew frequently visiting in his office. But of course, no one in that company knows about what's inside that room." dagdag ni Kassy.

"Kassy got their cctv footage, and his schedule for the whole 2 months. So we decided na kumilos next week, mas maaga mas maganda. May kaunti pa kaming kulang na impormasiyon and rest is up to that prosecutor that Jakub's father mention." patuloy ni Kuya Peng.

"And of course hindi kayo dapat mag stay ng matagal sa lugar na 'to. This place isn't under your friends name, it his grandfather. The day after tomorrow we will leave, may oras kayo bukas para mag pack ng gamit. I don't know what that friend of yours do to be able to hide you all in here, but we need to move." patuloy ni Kassy.

"Okay sa ngayon babalik na kami sa trabaho, you can start gathering your things in one place para hindi na kayo mahirapan mag pack bukas." sabi ni Kuya Peng saka ito tumayo.

"Bye, bye." saka sumunod si Kassy rito.

"Ang cool ni Kassy, sabi sayo cool maging hacker eh." baling ni Nick kay Sasha.

"Ano ka? Na head over heals?" sagot nito.

"'Di ba, Jakub?" baling naman ni Nick.

"Nagbago isip ko eh." sagot nito.

"Cool kaya, paturo kaya 'ko?"

"Ew, as if naman tatagal ka." sagot ni Sasha rito.

"I can teach you to bake a cake, Nick." saad ni Cindy.

"G-gusto ko din 'yun, pero.."

"Itong lalaking 'to. 'Di kayo bagay pandak ka." pang-asar ni Sasha rito.

Hindi niya mapigilang matawa sa asaran ng mga ito.

"Grabe kayo sakin ah." nakangusong sabi ni Nick.

Hindi siya makatulog sa gutom na nararamdaman, nang lingunin niya si Cindy ay tulog na ito. Alas dos na ng madaling araw, tumayo siya at lumabas ng silid. Pumupungay ang mga matang bumaba siya patungong kusina, nag gabihan siya ngunit galit parin ang tiyan niya. Binuksan niya ang ilaw sa kusina at tumingin sa refrigerator, may narinig siyang papalapit mula sa hagdan. Nang makarating ito sa kusina ay tumambad sa kaniya si Jakub, magulo ang buhok at nakatingin sa kaniya ang mapupungay nitong mata.

"Ah?"

"Oh?" sabay silang natigilan.

"Hindi ka makatulog?" tanong nito sa kaniya.

"Nagutom ako eh, ikaw?" dahil sa kakagising lang niya ay mediyo mahina ang boses niya.

"Magba-banyo lang." saka ito pumasok sa banyo.

"Alam mo kung saan nakalagay 'yung tinapay?" tanong niya rito pag labas nito.

"Nasa taas ng ref." sagot nito.

"Thanks." tiningala niya kung saan nakalagay ang tinapay, sinubukan niya itong abutin ngunit masiyado itong mataas.

"Let me help you." lumapit ito sa kaniya, saka inabot sa kaniya ang tinapay pagka kuha nito sa taas.

"Thanks." baling niya rito saka ngumiti.

"Don't eat too much, baka 'di ka tuluyang makatulog."

"Uhm." saka siya umupo at nag lagay ng palaman sa tinapay.

"Are you.. half asleep?" nagtaka siya sa tanong nito.

"Bakit?" balik tanong niya.

"Peanut butter 'yang nilalagay mo sa gatas." nakangiting sabi nito, napabaling siya sa hawak.

"Ah." natigilan siya nang makita ang kaniyang hawak, hindi pala iyon tinapay kundi ang gatas.

"Hindi ka ba makapag decide kung iinom ka ng gatas o kakain muna?" nakangisi itong lumapit sa kaniya.

"Sorry." nahiya siya sa ginawa, hindi niya namalayan na gatas ang hawak niya.

Nasa isip niya na maglagay ng palaman sa tinapay ngunit nasa kamay niya ang gatas, hindi niya alam na mali na pala ang ginagawa niya. Kinuha nito ang nasa kamay niya.

"Just sit there, ipagtitimpla uli kita ng gatas. Ako na ang maglalagay ng palaman, hinatayin mo na lang ako." saka nito tinapon ang gatas na may peanut butter.

"Sorry and thanks." parang gusto niyang magpalamon sa kinauupuan dahil sa kahihiyan.

"It's okay." naka ngiti nitong binigay sa kaniya ang bagong timpla na gatas, umupo ito sa harap niya at nag palaman ng tinapay. "Here."

"Gusto mo?" aya niya rito.

"Nah, okay lang ako. I like this..." inabot nito uli ang isa pang tinapay, "Taking care of you." patuloy nito.

Hindi niya maiwasang masulyapan ang tainga nito, cute para sa kaniya ang pamumula ng mga iyon. "I-i like it, too." naramdaman niya ang pag init ng pisngi pagkasabi niyon.

"Stop, baka.. mahalikan kita."

"Titigil na nga." sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Matulog ka na pag tapos mo diyan, ah?" tumayo ito.

"Sige."

"Antok na ko, eh. Una na ko sa taas." sabi nito at saka yinuko siya, hinalikan siya nito sa pisngi. "Goodnight." ngumiti ito at nag tungo paakyat ng hagdan.

Natigilan siya sa pag kain, ramdam niya na mas lalo pang uminit ang kaniyang pisngi.

Nagising siya sa ingay ni Cindy, pag dilat niya ay sumasayaw ito habang nagkalat ang mga gamit nito.

"Good morning!" bati nito nang makita siya nakaupo at magulo ang buhok.

Kahit kailan talaga ang kalat ng babaeng 'to. "Ang aga-aga Cindy." tumayo siya at tinupi ang pinaghigaan.

"May Milky ako dito, oh? Say, aahh." saka nito tinapat ang candy sa kaniyang bibig.

"Aahh.." alam talaga nito kung ano ang paborito niya, madalas siyang kumain ng Milky candy sa umaga dahil gusto niya ang flavor nito, nakakagaan ng mood para sa kaniya kapag kumakain siya nito.

"Aga-aga kasi nakakunot noo mo eh." saka ito ngumisi.

"Ang ingay mo nanaman kasi." pagkasabi nito ay napakunot noo siya dahil sa kakaibang lasa, nailuwa niya ang candy at muntikang maduwal sa kumot.

"Jhin?" nagulat si Cindy sa naging reaksiyon niya, maging siya ay nagulat rin.

"Milky ba talaga 'yung binigay mo?" tanong niya rito.

Bakas ang pag-aalala sa mukha nito, may kinuha ito sandali. "Ito 'yung balat oh? Saka wala naman akong ibang candy na binibili bukod sa Milky at Fresh."

"Eh, bakit ganon 'yung lasa?" kunot noong tanong niya rito.

Natigilan ito. "Jhin... Noong huling nagsama kayo ni Andrew may nangyari ba sa inyo?"

"Ha?! Wala, w-we always use protection." kinabahan siya sa gustong iparating ni Cindy.

May kinalkal ito sa gamit nito at saka hinila siya papasok sa lababo na nasa loob ng kanilang kuwarto.

"W-wait lang anong gagawin mo?" takang tanong niya rito.

"Hindi ka pwedeng mag test sa baba, may makakakita satin kapag 'yung banyo sa baba ang ginamit mo." sabi nito.

"Test ng ano?" kumakabog ang dibdib niya dahil alam niya kung anong ipapagawa sa kaniya ni Cindy.

"Pregnancy test, basta gawin mo na lang. Kapag isa lang lumabas negative, kapag dalawa positive."

"Pero.. natatakot ako." tinulak siya nito papasok.

"Just do it." saka nito sinarado ang pinto.

Napalunok siya sa kaba, pikit mata siyang naghintay sandali. Kumabog ang dibdib niya sa resulta nito.