Napalunok siya sa kaba, pikit mata siyang naghintay sandali. Kumabog ang dibdib niya sa resulta nito.
"Jhin? Ano resulta?" tanong ni Cindy sa kabilang panig ng pinto.
Binuksan niya ang pinto. "Cindy..." inabot niya rito ang pregnancy test.
"Jhin... P-p-p-positive!" nanlalaki ang mga mata nito.
"A-anong gagawin ko, Cindy?" tanong niya rito.
"Hindi ba ang sabi mo lagi kayong gumagamit ni Andrew ng condom?" balik tanong nito.
"O-oo." sagot niya habang namumula.
"Paanong may nabuo?" kunot noong tanong nito.
"M-may nangyari samin one time ni.. Jakub." naitakip niya ang mga palad sa mukha.
"W-what? Hindi kayo... gumamit ng.." lumapit ito sa kaniya, "condom?" pabulong na bigkas nito.
"Hindi, iyon yung time na natulog ako sa... kuwarto niya." nahihiya niyang sagot rito.
"One time lang pero may nabuo?" saka ito humagalpak ng tawa.
"Huy... anong gagawin ko?" hinawakan niya ito sa braso.
"It's okay, lilipat naman na tayo bukas eh. Pag lipat na lang natin pagusapan 'yan." sagot nito.
"Anong... gagawin natin?" tanong pa din niya.
Niyakap siya ni Cindy. "Relax Jhin, nandito naman ako. Mas makakapag usap tayo ng maayos bukas kung ano magiging plano natin." kumalas ito ng yakap at ngumiti sa kaniya. "But first, you need to tell Jakub about this pagkalipat na pagkalipat natin, ha?"
"S-sige." nag aalangan na nasasabik siya, hindi niya maisip ang magiging reaksiyon ni Jakub.
"Pero Jhin, pano nauwi sa sex? Sino umamin sa inyo?" tinapik siya nito sa balikat habang nakangisi.
"Ano... Siya." hindi niya mapigilan ang kilig nang magbalik tanaw sa kaniya ang pag amin ni Jakub.
"And?" tanong ni Cindy.
"Well, ang sabi ko hindi kami bagay." pag kuwento niya rito.
"What? Hindi siya sumuko?"
"Yeah, he's so stubborn. Humingi siya ng chance to show... his feelings."
"Kuuu!!! Even after he knew your past, he insist?" Ngingisi- ngisi ito habang nakikinig.
"Well... Hindi ko alam kung ganon niya talaga ako ka-gusto."
"Ahh.. I think he's the one!" Natutuwa siya sa nakikitang suporta ni Cindy para sa kaniya.
Napangiti siya sa reaksiyon nito. "Sa tingin mo magiging kamukha niya 'yung baby?" Natunaw ang pangangamba at negatibong nararamdaman niya sa kaniyang dibdib.
"Ninang ako, ha?" nagtawanan sila ni Cindy.
Nasa banyo si Cindy habang siya ay nakaupo sa sala, bumisita si Kuya Peng sa kanila upang kunin ang gamit kung sakaling marami silang dadalhin bukas. Narinig niya na may pababa sa hagdan, nang lumingon siya ay nakita niya si Sasha. Kasunod nito si Jakub, nanlulumo na umupo si Sasha sa tapat niya.
"'Buti pa kayo Jhin, kaunti lang ang gamit niyo. Si Nick ang daming gamit pero tulog pa din hanggang ngayon."
"Kanino 'yung gamit na binigay mo kay Kuya Peng?" tanong niya.
"Sakin. Para tutulungan ko na lang mamaya 'yung isa diyan pag gising." bumuntong-hininga ito at pasalampak na sumandal sa upuan.
"Hanggang ngayon hindi pa kayo tapos mag impake?"
"Ako tapos na." sagot ni Jakub.
"Yeah, good for you." sabi ni Sasha habang nakasandal patingala sa upuan.
"How about you Jhin?" tanong ni Jakub.
"Okay na kami ni Cindy sa pag iimpake." humiga siya sa sofa, para siyang nakaramdam ng antok.
"Napaka soft spoken mo talaga Jhin, parang nawawala pagod ko sa boses mo." patawang sabi ni Sasha.
"Pangit ba 'yon?" marahan siyang tumawa, humina pa lalo ang boses niya dahil sa antok.
"Hindi, hindi. Gusto ko nga naririnig eh." saka tumawa si Sasha. "Aray!" nabaling ang tingin nito kay Jakub.
"Inaantok ka ba Jhin?" tanong ni Jakub.
"Mmm." sagot niya habang nakapikit.
"Malapit na mag gabihan baka wala ka ng itulog mamaya?"
"Idlip lang ako saglit." sagot niya rito sa mahinang boses.
"Gisingin ka na lang namin pag kakain na." narinig niyang sagot ni Sasha, saka siya tuluyang nakatulog.
Pamulat na ang mata niya nang marinig niya ang tunog ng kaniyang cellphone, inilibot niya ang tingin at natagpuang natutulog si Jakub sa tabing sofa ng tinutulugan niya. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang cellphone, tumambad sa kaniya ang mensahe na naka pangalan kay Andrew, binuksan niya iyon.
"Ali, I'm at the end of the island right now. Meet me here at the boat, it's too dark and I can't see. Don't tell the others yet, I want to see you first. I really miss you." ang nilalaman ng mensahe.
Biglaan siyang napatayo, malapit na mag alas nuwebe ng gabi. Sumagi sa isip niya kung anong lagay ni Andrew mag-isa sa dilim at malamig na gabi, dali-dali siyang pumanhik sa kuwarto at kinuha ang jacket sa kwarto nila ni Cindy. Sinusuot niya ang jacket habang patungo sa pinto, hindi niya lubos maisip kung ano na ang kalagayan nito. Ayaw man niyang isipin ngunit may posibilidad na pinahirapan ito ng lubos ni Matthew, at kahit na ganon ay pinuntahan pa rin siya nito.
"Jhin?" sambit ni Jakub nang magising ito, ngunit hindi niya iyon narinig.
Hindi kalayuan ang dulo ng isla dahil hindi naman iyon kalakihan, patulak niyang sinara ang pinto at saka naglakad sa kadiliman. May kaunting liwanag na nagmumula sa buwan kaya alam niya ang daan, nang malapit na siya sa dulo ay nakita niya ang aninong nakatayo. Lalapitan na niya sana ito nang may maaninag siyang malaking bagay sa pangpang sa di kalayuan, bumagal siya sa paglakad upang mas malinaw niya itong makita. Napatigil siya sa paglakad nang mapagtanto kung ano iyon, nilingon niya ang anino na nakatayo sa kaniyang harapan.
"That's a wise choice, Miss Molina." ani Matthew sa kaniya.
Napako siya sa kinatatayuan, hindi niya lubos maisip na nalinlang siya ni Matthew. Ang bilis niyang naniwala sa mensaheng natanggap niya, nabalot siya ng sobrang pag-aalala para kay Andrew at hindi na siya nakapag-isip ng tama. Gusto niyang sampalin ang sarili sa sobra niyang katangahan, napahigpit siya ng hawak sa kaniyang cellphone.
"You think you can run, Molina? You still have debt, right?" lumapit ito sa kaniya.
"A-ang akala ko, nag... usap na tayo.. na babayaran ko ang utang ko. Pagkatapos, tapos na... 'di ba?" napuno ng takot ang kaniyang dibdib.
"Yeah, but the thing is... Your mom doesn't want that, and since... I gave her the money she wants... ang ibig sabihin ba niyon madadagdagan lang ang utang mo? Your debt will not be paid if you can't follow what the deal is." anito habang nakatingin sa kaniya at humahakbang patungo sa likuran niya.
"Kung... kung gusto mo kakausapin ko ho uli si mama... Tungkol dito, sir Matthew." ramdam niya ang pagtulo ng kaniyang luha.
"But.. does she want that? Will she agree with you? Hm? Miss Molina?" hinawakan siya nito sa balikat, "I think I already told you this, I don't care about you or your debt. I only need you to carry my bloodline, in your womb." sabi nito malapit sa kaniyang tainga.
"I-i refused already, didn't I?" umiiyak na sagot niya.
"Well, do you have the position to refuse?" direkta siya nitong tiningnan.
"T-then, what am-"
"Oh, i have an idea!" putol nito sa kaniya, tumawa ito ng marahan. "Hindi ba ayaw rin pumayag ni Andrew sa kondisyon ko? If he can't do that, then I can."
Sumikip ang dibdib niya at nanlaki ang mata niya sa sinabi nito, para siyang hindi makahinga. Napako siya sa kinakatayuan, bumuhos ang luha niya nang maalala ang usapan nila ni Cindy kaninang umaga.
"How about that miss Molina? I can breed you myself."
"H-hindi ako s-sang-ayon sir, I'm... sorry." tumalikod siya, at naghakbang pabalik sa bahay.
Ayaw niyang mailagay sa piligro ang buhay na dala niya, nakaka ilang hakbang pa lamang siya nang maramdaman niya ang paghawak sa balikat niya. Nilingon niya si Matthew, bakas ang galit sa mukha nito.
"I can't have that, you can't run away now." gumapang ang kamay nito sa likod ng kaniyang ulo at saka itinakip ang panyo sa kaniyang bibig at ilong.
Nanlaki ang mata niya nang maamoy ang panyo, "Hmmh! Mmpp!" pagpupumiglas niya.
"You can meet Andrew now, I'm sure he already miss you." after he said that she hear the sound of the helicopter, her tears running when she lose her consciousness.
"HA?!" GULAT na may galit na sabi ni Cindy.
"Look, Cindy. Hindi ko alam kung bakit siya nagmamadaling lumabas, pero nung lumabas ako hindi ko na siya naabutan kahit sa dulo ng isla." pagpapaliwanag niya.
"Jakub, bakit hinayaan mo siyang lumabas?" tanong pa din ni Cindy sa kaniya.
"Like I said Cindy, she rushed at the door that's why I didn't get the chance to follow her or see where she went." napuno ang sala ng boses nilang dalawa ni Cindy.
"Huy, ba't ba ang ingay niyo?" saad ni Sasha sa dulo ng hagdan, nagising ito sa pagtatalo nila.
"Si Jhin, lumabas siya and ngayon hindi namin siya mahanap." sagot ni Cindy.
"Huh?!"
"Ano?!" sabay na sagot ni Sasha at Nick, nasa likod ni Sasha si Nick.
"Cindy, I'm sorry okay? Hindi ko sinasadyang malingat." napuno siya ng pag-aalala nang malaman niya na wala na si Jhin.
"Teka nga, teka! Kumalma muna kayong dalawa, ang maganda tawagan niyo si Kuya Peng. Pag dating rito ni Kuya Peng i-explain niyo kung anong nangyari, then mas makakapag desisyon tayo kung anong gagawin." mahabang saad ni Sasha.
"Cindy, may number ka ni Kuya Peng 'di ba?" bakas rin ang pag-aalala sa boses ni Nick.
Hindi niya maiwasang magalit sa sarili, hindi lang si Cindy ang sumisisi sa kaniya kundi ang sarili niya mismo. Kung hindi siya natulog ay mas mababantayan niya kung ano ang nangyari kay Jhin at kung bakit ito nagmamadali nang umalis, kung mas nauna lang siyang nagising napigilan niya sana ang pag alis ni Jhin.
PUNO ng pasa at sugat ang kaniyang katawan, nakatali ang kaniyang mag kabilang kamay habang nakaluhod. Hindi niya alam kung ano na ang balita kay Ali at kay Peng, ngunit kaya niyang tiisin ang ginagawa sa kaniya ni Matthew basta't nasa mabuting lagay si Ali.
Narinig niya ang pag bukas ng pinto, bumungad sa kaniya si Matthew.
"How are you?" tanong nito.
"Do I look fine to you?" pabalang na sagot niya.
"Kung tinanggap mo lang sana ang kondisyon ko, hindi tayo hahantong sa ganito." lumapit ito sa harapan niya.
"So this is my fault now?" walang ganang tanong niya.
"Andrew Saavedra and Ethan Saavedra, you and your father are both nuisance in me."
"Hehe, really?"
"Do you like to see her now?" natigil siya sa tanong nito. "You still have a chance to accept my deal, what do you say?"
Aakma sana siya ngunit nakatali ang kaniyang mga kamay, "Hah! Don't you ever lay a hand on her, gramps!" galit ang mga tinging ibinato niya rito.
"What? Anong gagawin mo if I lay a finger on her? You? Who's tied up in here and can't do anything? Anong gagawin mo?" pasarkastiko nitong sagot.
"Papalampasin ko kung anong ginagawa mo sakin, pero huwag na huwag mong idadamay si Jhin dito!"
"Anyway, you want to see her now right?" lumayo ito ng ilang hakbang palayo sa kaniya at saka tumigil, "You'll see her soon." dumukot ito sa bulsa at saka may ibinato sa harap niya.
"Y-you..." napuno ng galit ang kaniyang dibdib nang makita niya ang cellphone ni Ali sa kaniyang harapan. "Fuck you, geezer! Tandaan mo 'to! 'Wag mo antaying makalabas ako dito! Y-you fucking old shit! You'll rot in hell!" puno ng galit na sigaw niya rito.
"I know you can't wait to see her, but don't worry, I'll let you see her soon." saad nito habang naglalakad patungong pinto.
"You stupid old shit! I'm gonna make you regret this!" nanggagalaiti at puno ng galit na sigaw niya rito.
Napuno ng tunog ng bakal at kadena ang silid dahil sa pagpupumiglas niya, nang kumalma siya ay napalitan ang galit sa kaniyang dibdib ng pag-aalala.