Chereads / My Star (Ren) / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Kinabahan siya sa narinig hindi niya mapigilan ang bugso ng takot sa kaniyang dibdib.

"I think i did a good job gathering news to you." saad ni Kuya Peng kay Andrew.

"I'll send you someone else, we'll visit that Gramps tonight." pagkasabi ni Andrew nito ay kinuha nito ang envelope at saka siya hinawakan sa kamay palabas.

Dumiretso sila sa labas ng café, natigilan siya sa paglakad kaya natigil din ito.

"What?" tanong nito sa kaniya.

"Pwede ba natin puntahan si Mama?" hindi niya maiwasang manginig sa takot dala ng balitang natanggap niya.

"Bakit?" saka ito humarap sa kaniya.

"Gusto ko lang malaman kung nakipag-kasundo ba talaga si Mama." napahigpit ang hawak niya sa kamay nito.

"Is it important to know if there's already the answer?"

"Still...." pilit niya rito.

Pabuntong hininga nitong tinanggal ang sumbrero, at sinuot iyon sa kaniya.

"Don't worry, I'll do something." sabi nito at marahan siyang tinapik sa ulo.

"Jhin!" tawag ni Cindy sa kaniya habang palabas ito ng café.

"Andrew..." hinawakan niya ang manggas ng jacket nito.

Niyuko siya nito. "I know."

"Aalis na kayo? Kami rin, sabay na tayo?" saka siya hinawakan sa kamay ni Cindy.

"Stop kidnapping our friend, bro." saad ni Sasha rito.

"Pasensya na, Cindy. Baka hindi ako makauwi ngayong gabi." sabi niya rito ng pilit tinatago ang emosiyon at may pilit na ngiti sa labi.

"Jhin, ingat ka." malamig na sabi ni Jakub sa kaniya.

"Tara na." sabi ni Andrew sa kaniya saka hawak-kamay silang nag tungo sa nakaparada nitong motor.

Nang makarating sila ni Andrew sa dati niyang bahay ay magulo iyon, puno ito ng bote ng alak at puno ng dumi ang sahig. Sumalubong sa kanila ang kaniyang ina.

"Oh, anak andiyan ka pala, kasama mo pa si Andrew? Hindi kayo nagsabi na pupunta kayo, sana napag handaan ko kayo ng makakain." sabi nito. Magulo ang buhok nito, may hawak na bote ng alak sa kaliwang kamay at hindi ito mapakali kung ano ang uunahing ligpitin.

"Ma, hindi po ba nakipagusap kayo kay Sir Saavedra?" bakas ng bahagya ang panginginig sa boses niya.

"Ay, oo anak. Nakuha mo na ba yung mensahe? Binayaran na niya ang mahigit trenta pursiyento ng utang natin." nakangisi nitong sabi.

"Ganon po ba? Ano pong... napagkasunduan niyo, Ma?" nanlalabo ang mga matang tanong niya rito.

"Hindi ba nasabi sayo ni Andrew? Ang sabi ni sir titira ka na daw sa kanila, kapag doon ka tumira magara na titirhan at mga magiging gamit mo at buwan buwan ka pa bibigyan ng pera. Alam mo ba anak binigyan niya pa ko ng twenty thousand bago siya umalis?" ngingisi-ngisi nitong saad.

"M-ma... Bakit ka pumayag?" patuloy ang agos ng luha niya. "Ginawa ko naman ang lahat, ah? Inako ko ang utang ni Papa, maaga akong nagtrabaho para satin. Pinasok k-ko... 'yung trabahong hindi ko gusto. Binaboy ko sarili ko, para sayo. Pero basta mo na lang ako pinaubaya sa iba, hindi pa ba sapat lahat 'yon?" sumikip ng sobra ang kaniyang dibdib na parang hindi siya maka hinga.

"Aba sinusumbatan mo ba ko? Ang kapal naman ng mukha mo! Wala kang karapatan dahil nanay mo ako! Pinalaki lang ba kita para maging bastos? Wala kang utang na loob! Kung pinabayaan kita nung sanggol ka pa lang at iniwan tayo ng tatay mo, sa tingin mo mararanasan mo 'yang buhay mo ngayon?" nanggagalaiting sinampal siya nito."Palibhasa kasi nakatikim ka ng yaman sa mga taong tumikim sayo." puno ng galit nang winagayway nito ang buhok niya. "Ang taas na ng tingin mo sa sarili m-"

"Shut your mouth, old hag." dinakma ni Andrew ang bibig ng kaniyang ina at mariing hinawakan ang mukha nito.

Napaatras ang ina niya sa puwersa nito, at napaupo ang kaniyang ina nang itinulak ito ni Andrew. Pakiramdam niya ay mahihimatay siya sa halo-halong emosiyon na nadarama.

"Don't ever lay your hands on your daughter, if you don't want them to be cut." mariin na sabi ni Andrew sa kaniyang ina na natigilan sa sahig, madilim ang ekspresiyon nitong dinampot ang sumbrero at lumapit sa kaniya.

"A-andrew.." hinawakan siya nito sa braso at iginayak palabas ng bahay.

Nang nasa labas na sila ay tumigil ito upang ayusin ang buhok niya, pinunasan nito ang luha niya.

Niyuko siya nito. "Sshh.. Stay at my place tonight, matulog ka muna bago tayo umalis uli, huh?" sabi nito habang hawak siya sa mag kabilang pisngi, tumango siya rito.

Sinuot nito ang helmet sa kaniya, sinuot nito ang sumbrerong suot niya kanina at saka siya inalalayan sa pag sakay.

"Hold me tight." anito at saka pinaandar ang motor.

Nakarating sila sa tinutuluyan ni Andrew, nang makapasok sila ng pinto ay hinubad nito ang sumbrero at saka siya hinalikan.

"Be strong, Ali. Be strong for me. I promise you, I'll do something." niyakap siya nito, at tahimik siyang umiyak sa braso nito.

Nang kumalma siya ay iginayak siya ni Andrew patungong kwarto nito, ito naman ay naligo sa banyo. Nakaramdam siya ng pagod, at dahil sa malambot ang kaniyang hinihagaan ay nakaramdam siya ng antok. Pinikit niya ang mga mata, tinuluyan na siyang nakatulog.

"Do you have them stand by?" tanong ni Andrew kay Kuya Peng, nasa tapat sila ng sasakyan ni Andrew na nasa tawid ng kalsada.

"Ako pa ba?" sagot ni Kuya Peng.

"Ali, if ever na may mangyari sumunod ka lang kay Kuya Peng. Siya na bahala sayo." sabi ni Andrew sa kaniya.

"Paano ka?" tanong niya rito.

"Susubukan kong sumunod sayo, kung hindi ako makasunod... si Kuya Peng na ang bahala para ma-contact ako." sagot nito.

"Jhin?" nilingon niya ang tawag sa kaniyang likod.

"Jakub?" nabigla siya dahil hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganong klaseng lugar.

"Saan ang punta niyo?" mapanuri itong tumingin sa kanila.

"Ikaw bakit narito ka? Saan ka galing?" pag iwas niya sa tanong nito.

"Galing ako kay Papa, bakit ganyan suot mo?" lumapit ito sa kanila.

"Mind your own business, pre. We're busy." sagot ni Andrew sabay akbay sa kaniya. "We should go now, Ali."

"Jakub, dito na kami." nasabi na lamang niya.

"Tawagan mo ko kapag pauwi ka na, nag-aaya sila Sasha." pahabol nito habang tinatangay siya ni Andrew patungong sasakyan.

"S-sige." sagot niya rito.

"Isa ba 'yon sa mga batang bumisita sa shop ko?" tanong ni Kuya Peng nang makapasok sila ng sasakyan.

"Mhm." sagot ni Andrew rito.

"Bagay kayo, Ali." baling nito sa kaniya.

"Oh, shut up." saka tiningnan ito ng masama ni Andrew.

"If stares can kill, patay na siguro ako." sabay tawa nito.

"Ali, isuot mo 'to." sabi ni Andrew habang nagmamaneho ito, may inabot itong hikaw.

"Para saan 'to?" tanong niya.

"Huwag mong tatanggalin 'yan kahit makalabas tayo ng building." tugon ni Andrew sa kaniya.

"Para ma-track ko kayo kung sakaling hindi kayo makabalik." saad ni Kuya Peng.

Saka niya napansin ang hikaw na suot ni Andrew, kapareho iyon ng madalas nitong suotin ngunit malaki ng kaunti ang bilog nito. Sinuot na din niya ang hikaw na binigay nito.

"Peng, make sure to follow what I told you if I didn't make it back." mariing saad ni Andrew kay Kuya Peng, saka nito pinatulin ang takbo ng sasakyan.

"Yeah, yeah." marahang tumaas ang gilid ng labi nito.

Tumunog ang elevator pag bukas nito, may dalawang lalaki naka abang sa kanila. Ginabayan sila nito patungong silid kung saan naroon si Saavedra.

"Boss, andito na sina Drew." tawag ng isang lalaki sa kabilang panig ng pinto.

"Come in." tugon ni Saavedra.

Nang makapasok sila ay nakaupo ito at may naka latag na papel sa mesa nito, saka naman labas ng mga taong nasa silid nito maliban sa isang lalaki na nasa tabi nito.

"How are you my grandchild?" tanong nito kay Andrew.

"I'm doing fine, Gramps." sagot ni Andrew na nagpadilim ng ekspresiyon nito.

"I called you here to offer you something, something that will benefits you."

"Will benefits me, or will benefits you?" tugon ni Andrew rito.

"Sabihin nating may benefits tayo pareho dito." sagot nito.

"Then, tell me."

"You and that girl will have to get married, I will raise your child. Of course you will get what you want, I'm gonna give you back your card. I'm gonna give you twenty percent of the company's money and my private land."

"Same old shit, tanda. You know what? You talk too much. It's making me tired and I want to go home and rest. 'Wag mo na sayangin ang oras namin gramps, hindi kami papatol sa wala mong kwentang offer." sagot ni Andrew ng may madilim na ekspresiyon.

"How about you Miss Molina?" baling nito sa kaniya saka marahang ngumiti. "Oh, is it worth calling you miss?" natigilan siya sa binibigay nitong tingin.

"We don't need your dirty money, gramps. Let's go, Ali." saka tayo ni Andrew at hawak sa kaniyang kamay.

"Think about it, Molina. I only need your womb, after one year of raising the baby you're free to go. Without any of your father's DEPT." nakangising mariin nitong sambit.

"Stop putting your shits on us." galit ang ekspresiyon ni Andrew saka siya ginayak patungong pinto.

"I'll be waiting." narinig niyang pahabol ni Saavedra ng makalabas sila ni Andrew sa pinto.

"Don't think too much about it. I'll handle this, akong bahala sayo, Ali." mahigpit na hinawakan ni Andrew ang kamay niya habang pababa ng elevator.

"Mhm." tumango siya rito kahit may bigat siyang nararamdaman sa dibdib.

Nang makababa sila ay naka abang sa di kalayuan si Kuya Peng gamit ang sasakyan ni Andrew.

"Congrats, nakabalik ka." sabi nito ng makapasok sila ng sasakyan.

"Hindi ko inexpect na magiging malambot si tanda. Ali, simula ngayon masanay ka ng may kasama ka lagi. Keep your stand by Peng." sabi ni Andrew habang nagmamaneho ito.

"I know. Magmemenor lang 'yan sa una si tanda, kaya Jhin, expect the unexpected." saka ito tumawa.

"Ali, I'm sorry. If I didn't show interest in you, hindi ka madadamay sa ganitong sitwasiyon." bakas sa boses ni Andrew ang pag-aalala.

Napabuntong hininga siya. "No, choice ko 'to Andrew nung pumasok ako sa ganitong trabaho. Kung hindi ako pumasok sa ganitong trabaho hindi kita makikilala, kaya 'wag ka na mag sorry." ayaw na niya sana ito pagalalahanin lalo na at malaki nanamang tulong ang maibibigay nito.

"Still...." sagot nito.

"Then, inom na lang tayo sa bahay?" pag aya niya rito at baka sakaling gumaan ang pakiramdam nito.

"Sama ko?" tanong ni Kuya Peng.

"HELL NO!" sagot ni Andrew, tumawa naman ng malakas si Kuya Peng.

Binuksan niya ang ilaw at nilapag sa mesa ang biniling alak, si Andrew naman ay kumuha ng baso at inilapag sa mesa.

"How will you handle this Andrew?" tanong niya habang umiinom sila.

"That's up to me, Ali." saka nito hinubad ang neck tie.

"May maitutulong ba ko? Gusto kita tulungan in a way na kaya ko." puno ng pag-aalalang sambit niya.

"No, I don't want you to get involve any further."

"Pero kung may maitutulong ako kahit maliit na bagay sabihin mo sakin, ha?" pagpupumilit niya.

Ngumiti ito at bakas ang saya sa mukha. "Tama na 'yung nag-aalala ka sakin, magaan na pakiramdam ko."

"Dito ka na matulog, magmamaneho ka pa kung uuwi ka ngayong gabi." pag-iba niya sa usapan.

"Ali... Can I kiss you?" puno ng pagnanasa ang mga mata nito.

"Andrew, lasing ka na ba?" napansin niya ang pagpungay ng mata nito.

"A bit." sagot nito.

"Kung lasing ka na magpahinga ka na sa kwarto." aniya saka nagsindi ng sigarilyo.

"Sabi ko sayo 'di ba tumigil ka na sa paninigarilyo?" tumayo ito para agawin ang sigarilyo.

"Kaya nga binab-" natigil siya nang halikan siya nito.

"Humh.." tinulak niya ito nang umungol ito.

Hinubad niya ang damit nito at hirap na iginayak ito sa banyo, rinig pa niya sa banyo ang pag suka nito.

Tsk, what a pain. Iinom 'di kaya sarili. Naiiritang iniwan niya ito at nag tungo sa kwarto.