Chereads / My Star (Ren) / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Lumipas ang gabi na magulo ang isip niya, anong oras na ngunit hindi siya makatulog. Lumabas siya ng kwarto upang magpahangin sa beranda, nakita niya roon si Jakub. May kausap ito sa cellphone nito, sumandal siya sa pinto.

"Sige 'Pa, tatawag na lang ako uli." paalam nito sa kausap nang makita siya sa pinto.

"Hindi makatulog?" tanong niya rito.

"Ikaw?" balik tanong nito.

"Mhm." sinandal niya ang braso sa beranda at nagsindi ng sigarilyo.

"Jhin, tigilan mo na ang paninigarilyo mo."

Pasarkastiko siyang natawa. "Bakit? Kasi gusto mong makitang perpekto 'yung taong gusto mo?"

"Jhin?" bakas ang pagkalito sa mukha nito.

"Ah, sorry. Pero madumi akong babae eh, hindi ko deserve 'yang feelings mo." saka siya ngumiti pagkabaling rito.

"Jhin!" nagulat siya nang hawakan siya nito sa dalawang balikat.

Puno ng emosiyon ang mga mata nito, "A-ano?" utal na naitanong niya.

"Hindi ako titigil iparamdam sayo, kung ano nararamdaman ko. Kaya please, 'wag ka na mag salita ng ganiyan!"

Puno ng despirasiyon ang boses nito, "Pero totoo naman 'diba? Useless ang effort mo kung ibubuhos mo sa isang tulad ko, mas magiging useful ako kung susuklian ko 'yung mga nagawa ni Andrew para sakin. Atleast... makabalik si Andrew kahit hindi na ako." saad niya.

Kumabog ang dibdib niya nang yakapin siya nito. "Stop saying that... Puro ka Andrew! Andrew! Pansinin mo naman ako... Then let me do something for you too, in return... let me show you what I feel. Just... let me in, in your heart."

Sinakop siya ng hindi pamilyar na emosiyon, hindi niya alam kung pano sumagot rito. Bigla siyang nakaramdam ng luha sa kaniyang pisngi.

"Huh?" mahina niyang sambit.

Puno ng pagtataka ang isip niya, hindi niya maipaliwanag ang ekspresiyon ni Jakub nang kumalas ito sa yakap. Naramdaman niya uli ang hindi pamilyar na emosiyong nagpapasikip ng dibdib niya. Puno man ng pagtataka ay patuloy pa din ang pagtulo ng luha niya, hinawakan siya ni Jakub sa ulo at pinagdikit ang kanilang noo.

"Can... can I.. kiss you?" mahina nitong sambit.

Hindi siya nakasagot dahil sa alam niyang basag ang kaniyang boses.

"I'll take that as a yes." pagkasabi nito ay hinawakan siya nito sa likod ng kaniyang ulo at saka pinaglapat ang kanilang labi.

Hindi niya alam kung ano ang nananaig sa kaniyang dibdib, ang saya dahil sa may isang taong gusto siya kung sino siya, ang kaba dahil sa ito ang kauna-unahang may nag trato sa kaniya ng ganoon o ang sakit dahil sa alam niyang hindi siya karapat-dapat sa isang tulad ni Jakub.

Hinarang niya ang kaniyang braso sa mga mata, "I.. don't need this gentle.. treatment." Mahina niyang sambit habang nakahiga. "You.. deserves better."  patuloy niya sa mahinang boses.

"Hindi, I only need you." sambit ni Jakub na nakaibabaw sa kaniya.

Puno ng ingat ang bawat hawak at haplos nito sa kaniya. Hawak at haplos na hindi siya pamilyar, ngunit masarap sa pakiramdam niya. Hindi niya mapigilang maluha uli, marahang hinawi nito ang braso niya at hinalikan siya ni Jakub sa mata.

"Hawakan mo ko, Jhin." bulong nito sa kaniyang tainga.

"S-sorry." sambit niya sa pagitan ng kaniyang pag iyak.

"You can push me.. if you want me to stop." sambit nito.

Umiling siya at ngumiti. "Make sure... to treat me well."

Alam niya at nakikita niya ang sinseridad nito, puno ng pagmamahal ang mga mata ni Jakub. "I'll be gentle."

Dumaan ang mainit na gabing iyon, walang hawak o haplos ang dumaan na hindi ito maingat, kung tratuhin siya nito ay para siyang babasagin. Hinding hindi niya makakalimutan ang mga mata ni Jakub na puno ng emosiyon, ang mga malalalim nitong tingin. Bagong karanasan iyon para sa kaniya, at masasabi niya sa sariling masaya siyang maranasan iyon.

Nang bumangon siya ay wala na sa kwarto si Jakub, lumabas siya at nagtungo sa sala. Nakarinig siya ng ingay sa kusina kaya pumunta siya roon, nakita niya si Nick at Sasha naghahanda ng almusal.

"Morning!" sabi ni Sasha nang makita siya nito.

"Jhin, pagising naman si Cindy, oh?" sabi naman ni Nick.

"Mhm. Nasaan si Jakub?"

"Nasa labas kausap si Kuya Peng." sagot ni Sasha sa kaniya.

"Sige, gigisingin ko na si Cindy." saka siya uli nagtungo sa taas.

"Cindy, bangon na. Pinapagising ka na sakin ni Nick." yugyog niya rito.

"Hmhm." Inimulat nito ang mata. "Jhin bakit hindi ka dito natulog? Hinihintay kita kagabi." pumupungay ang matang bumangon ito.

"Ayaw ko kasing istorbohin ka kagabi, nagtagal pa kasi ako sa beranda, eh... kaya pinahiram na lang sakin... ni Jakub 'yung kwarto niya."

"Haa?" mapanuri siya nitong tiningnan.

"Walang ganon, Cindy."

"Ahh.. Sabi mo, eh." sagot nito saka lumabas ng pinto.

Nang magbalik tanaw sa kaniya ang nangyari kagabi ay naramdaman niya ang pag init ng kaniyang pisngi. Napasampal siya sa kaniyang noo, para hindi na magbalik tanaw ang alaalang iyon. Hmp!

Bumaba siya at sumunod kay Cindy sa kusina, hinahain na ng mga ito ang pagkain.

"Sila Jakub?" tanong niya kina Sasha at Nick.

"Aah oo, tawagin ko lang sila." sagot ni Nick saka lumabas, pagbalik nito ay kasama na si Jakub at Kuya Peng.

"Kain!" aya ni Sasha sa mga ito.

"Salamat." sagot naman ni Jakub, nabaling ang tingin nito sa kaniya.

"Ah! May pupuntahan pa ako, eh. Maiwan ko muna kayo, and Jakub, use my phone when we call your dad. It's tomorrow or tonight." pagkasabi nito ay nagpaalam at umalis na si Kuya Peng.

"Anong meron sa papa mo?" tanong ni Nick sa pagitan ng pagkain nito.

"Remeber, Sha? I told you that my father is a prosecutor right? Nag request ako kay papa na tumulong sa case ni Matthew Saavedra." tugon nito.

"Eh?" sambit ni Nick.

"Hindi ba nasa ibang bansa papa mo?" tanong ni Sasha rito.

"Mhm, pero may kilala siyang prosecutor na nandito sa pinas."

"Wow, napapayag mo papa mo?" sabi ni Nick.

"Yes." bumaling ito sa kaniya. "I'll do what I can to help, of course." saka ito ngumiti.

"Hindi ko alam na big catch ka pala. Alam ko na sa government or something law related nagtatrabaho papa mo, pero hindi ko alam na prosecutor pala siya."sabi ni Nick rito.

Hindi niya maiwasang kiligin sa ngiti nito, ngumingiti naman ito dati ngunit mas maaliwalas ang ngiti na ibinigay nito ngayon. Naramdaman niya na uminit ng kaunti ang kaniyang pisngi.

"Tapusin niyo na 'yang pagkain niyo." sabi naman ni Cindy.

Nang matapos sila kumain ay niligpit niya ang mga pinggan para mag hugas.

"Tulungan na kita?" sabi ni Jakub pagka-abot nito ng pinggan.

"Thanks." sagot niya.

"Then? Sa tingin mo anong oras babalik si Kuya Peng?" tanong ni Nick kay Cindy.

"Maybe lunch time?" pagkasabi ni Cindy ay lumabas na ang mga ito sa kusina.

"Anong napag-usapan niyo ni Kuya Peng kanina?" tanong niya kay Jakub, habang naghuhugas sila.

"Well, ang sabi ni Kuya Peng hindi madali ang balak ko, dahil isa din siya sa customer mo at biktima ka ng human trafficking. May tendency na madamay si Kuya Peng sa kaso."

"Dahil ba sa... trabaho ko?"

"Mhm.. pero hindi natin maiiwasan 'yon. But I'll try to convince my dad not to involve Kuya Peng, kung tutulong siya. And I'm gonna do what I can to help." saka ito ngumiti sa kaniya.

"Thanks." saka siya marahang ngumiti.

"I'd rather accept a kiss as a thanks." ngumiti ito at kita niya ang pamumula ng tainga nito.

"T-that is.." tinuon niya ang atensiyon sa paghuhugas.

"Just kidding." mahina itong tumawa. "Ang sabi din ni Kuya Peng, he's gonna contact someone first. Hindi ko alam kung sino, pero iyon ang sabi niya bago namin tawagan si papa."

"Baka taong marunong sa computer, may kumpanya si Saavedra kaya normal lang na may technology security siya." nag babanlaw na lang ito ng pinggan at siya ay nagpapatuyo.

"Siguro nga." sagot nito.

Nang matapos sila sa gawain ay nagtungo sila sa sala, naroon sina Sasha at Nick.

"Nasaan si Cindy?" tanong niya.

"Nasa beranda." Sagot ni Sasha.

"Jakub, may dala 'kong cd, nood?" narinig niyang sabi ni Nick habang patungo siya sa beranda.

"Gusto mo?" alok ni Cindy ng sigarilyo nito.

"Lighter na lang." saka siya naglabas ng sigarilyo sa kahon na nasa bulsa niya.

"Jhin, tutuloy ka ba?" inabot niya rito ang lighter pagkatapos mag sindi.

"I want to, but I don't think Kuya

Peng will allow me."

"Well, Andrew want you to be safe." saka ito bumuga ng usok.

"I just want to pay you on what you did for me, both you and Andrew." sagot niya.

"Maiintindihan ko pa 'yong kay Andrew, pero ako?... Wala naman akong nagawa para sayo, sa totoo lang."

"'Wag mo sabihin 'yan. Kung hindi kita nakilala, hindi ako magiging ganito kung sino ako ngayon."

"Nag-aalala ako sayo, Jhin."

"See? Pag-aalala mo pa lang malaking bagay na para sakin. Actually Cindy, noong nakilala kita mas naging positibo ako mag-isip." ngumisi siya at tumingin rito. "Na impluwesiyahan mo ko, eh. Thirteen ears old pa lang yata ako noon, pero suko na ko sa buhay. And then nakilala kita, kaya 'wag mo sabihing wala kang nagawa para sakin." saad niya.

"Thanks kasi na-appreciate mo ko, alam mo bang ikaw lang ang naging close ko sa Esclaves." saka ito tumawa.

"Sa laki kasi ng hinaharap mo marami kang kakumpitensiya, kaya naiintindihan kong wala kang close, eh." nagtawanan sila ni Cindy.

"Pero Cindy, sorry. Dahil nadamay ka sa issue namin ni Andrew, sigurado akong hinahanap ka na ni Manager."

"Naiintindihan ko, Jhin. Pero hindi lang ako ang hahanapin ni Manager, ikaw rin. Panigurado mainit ang ulo niya kasi wala siyang kita." tumawa si Cindy.

"Sira. Pasok na nga tayo, ma-aangihan tayo sa ambon." aya niya rito.

Nang makapasok sila sa sala ay naroon pa sina Jakub, nagkukwentuhan ang mga ito.

"Hindi kaya, nako Nick." sabi ni Sasha.

"A-ano..." nabaling ang mga atensiyon nito sa kaniya. "Sorry kasi nadamay kayo sa issue, and kinailangan niyo pang mag stay dito dahil sakin. Sorry kasi imbis na pumapasok kayo o nasa bahay lang kayo, dinamay ko pa kayo sa issue namin ni Andrew. Sorry talaga." hindi niya sinayang ang lakas ng loob na sabihin ito sa kanila, nagi-guilty siya sa pangdadamay sa mga ito.

"Hayy nako Jhin, ilang beses namin sasabihing naiintindihan namin ang sitwasyon." sagot ni Nick.

"Isa pa maganda din namang nagsama sama tayo, may bonding tayo. Nakakasawa din kung pagmumukha lang ni Nick ang lagi kong nakikita." sabi ni Sasha.

"Bakit ba ako laging trip mo? Bakit hindi naman si Jakub?" nakangusong sabi ni Nick, ngumisi lang si Sasha.

"Mas maganda na din na nandito kami, tutulungan namin kayo sa paraang kaya namin." sagot naman ni Jakub.

"Oo nga! Para hindi na maulit." dugtong ni Nick.

"Ang lakas mo sumang-ayon ikaw naman 'tong walang naitulong." tumawa ng malakas si Sasha.

"Thanks sa pagintindi." nasagot na lamang niya, habang pigil ang luha.

Pumatak sa alas diyes ang orasan nang makabalik si Kuya Peng, may kasama itong babae.

"This is Kassy, professional hacker siya, tutulong siya satin na mabawi si Andrew at the same time kukuha tayo ng proof para panglaban kay Matthew."

"I don't know who is Matthew or Andrew. But you said this Andrew guy wants to protect a prostitute? Who's that girl among them?" diretsyang sabi nito.

"HUH?!" bakas ang inis sa boses ni Sasha.

"Sha." sabi ni Jakub rito.

"May... katalasan nga lang ang dila niya." marahang tumawa si Kuya Peng. "Then, let's proceed and make a plan."

"I'm a prostitute but that doesn't mean na walang na akong kayang gawin para mga sa taong mahalaga sakin." sabi niya rito.

"HA! You don't even say for the someone you love?! Poor guy..." Kumunot-noo ito saglit. "Ah, 'ge, 'ge.. I'll do this job." saka ito umupo.