Chereads / My Star (Ren) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

SIMULA noon ay mas naging malapit si Jhin kina Jakub at Sasha, hindi nila magawang maglihim sa kaniya, kaya wala silang nagawa kundi magpaliwanag sa kaniya. Naintindihan naman niya ang situwasiyon ngunit hindi mawala ang galit niya, gusto man niyang mag sumbong ay hindi niya magawa.

'Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nilang isumbong 'yang Drew na 'yan! Hindi ba may valid reason sila para mag sumbong? Bakit hindi nila gawin?' Pag-hihimutok niya habang nagwawalis, nagmamadali siya sa gawain nang may sumilip sa pinto.

"Pahiram daw ng walis, okay lang ba?" tanong ni Andrew, hindi niya ito pinansin. "Seems like Ali have found some good friends, huh?" naka ngisi itong sumandal sa pinto.

Hindi niya napigilan ang galit, hinatak niya ang kuwelyo nito papasok. Sinara niya ang pinto,saka pagalit itong isinandal sa pader.

"Alam mo hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ganon na lang ang takot sayo ni Jhin, pero puwede bang huwag mo na ipapakita 'yang pagmumukha mo." pinipigil niya ang galit dahil ayaw niyang mapahamak si Jhin at ayaw niyang gumawa ng eksena.

"Hoho.. Katakot, ang talas ng dila mo sa liit mong 'yan." pang-aasar nito sa kaniya.

Galit na binitiwan niya ang kuwelyo nito, kinuha niya ang walis at saka tinapon sa harapan nito. "Ano bang problema mo at bakit mo 'yon nagagawa kay Jhin?"

"Why don't you mind your own business?" saka nito dinampot ang walis.

"Wala ka ba sa katinuan? Nababaliw ka na ba? Bakit ganiyan mo tratuhin si Jhin? " lumapit siya rito, "Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo ng matinong asal?" kinuyom niya ang kaniyang kamao.

"Anong sabi mo? Sino ka para sabihin 'yan?" humarap ito sa kanya habang seryosong nakatingin sa kanya. "Pwede ba huwag ka makialam dito. Baka naman gusto mong sayo ko gawin?" bakas ang galit sa mukha nito.

Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan, lumabas ito ng pinto samantalang siya ay nakatanga lang sa puwesto.

SIMULA noon ay iniwasan na ni Nick sina Sasha, hindi niya alam ang dahilan. Gusto nito mag sumbong ngunit pinakausapan niya na huwag na lang, dahil ayaw na niyang palakihin pa ang issue.

"Hayaan mo na lang siya, Jhin." sabi ni Sasha sa kaniya.

Napabuntong hininga siya, hindi niya inaasahang iiwasan siya nito. Mas mabuti siguro na bigyan niya ito ng oras, baka sakaling magiging okay din sila.

Hinatid uli siya nina Jakub at Sasha.

"Jhin, sama ka bukas? Pagtapos ng klase?" tanong ni Sasha.

"Saan?"

"Kala Jakub, nood uli tayo movie?"

"Manggugulo ka na naman sa bahay." pagbulong ni Jakub.

"Susubukan ko din kasing imbitahin si Nick, baka sakaling maging okay na kayo kapag nakausap mo siya."

"Ahm.. sige." sagot niya.

"Sige bukas sa kanto ng school, ah."

"Mmm, bye-bye." saka ito kumaway.

Pumasok siya sa bahay at saka nagpalit ng damit, nang buksan niya ang ilaw ay nakita niya ang anino sa beranda.

"Jhin, bukas pupunta kami sa *** mall, gusto mo sumama?" tanong ni Sasha.

"Sabado naman bukas, sige ba."

"Yes! Tara na."

Nakarating sila sa bahay ni Jakub at pinagbuksan naman agad sila ni Jakub, doon niya nakita si Nick. Iniwasan siya nito ng tingin, hindi niya alam ang sasabihin.

"Kayo muna Sha maghanda ng pagkain, pipili lang kami ng movie." saad ni Jakub.

"Lagay natin sa mangko itong fries, dito naman 'yung cracklings." sabi ni Sasha habang binubuksan ang mga snacks na binili nila.

"Sasha, pano ko kakausapin.. si Nick?" nagaalangan niyang tanong.

"Hmm.. Casual mo lang siyang kausapin, ibigay mo sa kaniya 'to, paborito niya 'yan kapag nanonood kami ng movie." saka nito inabot sa kaniya ang mangko ng marshmallow.

"Sigurado ka?"

"Hindi, hahaha. Pero pwede mo namang subukan, minsan narin sakin nagtampo si Nick, ilang araw niya akong hindi pinansin. Naging maayos naman kami, kasi maayos kaming nagusap." nakangiti nitong saad.

Tumango siya. "Sige... sabi mo eh."

Nahihiya niyang inabot ang mangko ng marshmallow kay Nick, "Nick, sorry kung hindi... ako pumayag na... magsumbong ka kahit alam kong nagaalala ka."

"May.. malalim bang dahilan kung bakit ayaw mo? Patatawarin mo na lang ginawa niya sayo?"

"Ahm.. malaki din kasi ang naitulong sakin ni Andrew, isa pa..."

"Malalim man o hindi ang rason ni Jhin, kailangan pa rin natin respetuhin ang desisyon niya. We know that she thought about it carefully." saad ni Jakub.

"Tanggapin mo na 'yung inaabot ni Jhin, ay hindi, kami na lang kakain nito." saka abot ni Sasha sa kamay niya.

"Sinabi ko bang hindi ko tatanggapin?" saka agaw ni Nick sa hawak niya. "Basta ayoko ng makikitang.. kasama mo 'yong lalaking 'yon." saka subo nito sa marshmallow.

"Sorry, alam kong.. napagalala kita, at.. salamat."

Masayang dumaan ang gabing iyon, masaya siya na nagkaayos sila ni Nick. Nang matapos ang pinapanood nila ay nagkuwentuhan ang mga ito nagpaalam siya na magpapahangin lang sa beranda.

Nagsindi siya ng sigarilyo at saka humithit, tiningnan niya ang sigarilyong hawak.

"Hindi ko alam na marunong ka niyan." nagulat siya nang marinig ang boses ni Jakub.

"Ah.. bawal ba?" tanong niya.

"Hindi naman." nakatingin ito sa kaniya habang nakasandal sa pinto.

Pag tapos niyang humithit ay diniin niya ito sa ashtray na nasa tabi, hindi pa man ito ubos.

Hinarap niya ito. "T-tara, pasok na tayo?" saka siya marahang ngumiti.

"Mm." pagka pasok nito ay sumunod siya.

"Oh, Jhin. San ka ba galing? Halika nga rito." hinatak siya ni Sasha at saka pinaupo. "Hindi ka ba umiinom? Kung ganon kailangan mo ng uminom, hehe." saka abot nito sa kaniya ng baso.

"J-jakub.. bakit may alak?"

"Ha?" bumuntong hininga ito. "Ang sabi ko kay Sasha 'wag buksan yung refrigerator."

"M-may alak ka sa refrigerator?" tanong niya habang panay ang kulit sa kaniya ni Sasha.

Bumuntong hininga uli ito, "Sa Papa ko 'yan hindi sakin."

Aha..ahaha...ahahahaha... panay ang kulit sa kaniya ni Sasha.

"Makakauwi.. pa kaya si Sasha? Sa lagay niya baka hindi na." naka akbay ito sa kaniya habang pinipigilan niya itong uminom.

"Nick makakauwi ka pa ba? O ihahatid ko na lang kayong dalawa?" tanong ni Jakub dito.

Hawak nito ang mangko at plastic ng marshmallow habang pumupungay ang mga mata. "Mm.." sagot lang nito habang sumusubo ng marshmallow kahit may laman pa ang bibig nito.

"I-ilang minuto lang ba tayo nawala? Bakit pagbalik natin ganito na?" tanong niya habang inaagaw ang bote ng alak kay Sasha.

Bumuntong hininga si Jakub. "Nick, tama na iyan. Kung hindi mo na kayang umuwi ihahatid na lang kita." at saka nito itinayo sa Nick.

"Kaya kong umuwi.. hindi mo ko.. kailangang ihatid." saka nito kinuha ang jacket at saka iyon sinuot.

"Nick sigurado ka ba?" tanong niya.

Ngumiti ito sa kaniya "Kaya ko.. Hoy Jakub! Siguraduhin mong ihahatid mo si Jhin hah? Anong oras na uuwi na ko, ihatid niyo si Sha. Bye!" saka ito lumabas.

G-ganon ba siya 'pag lasing?? "Sigurado ka bang ayos lang si Nick? Ihatid na lang din natin siya?"

"Hindi na.. siguro."

Siguro?!

"Sige, sasamahan na kitang ihatid si Sasha." tugon na lamang niya.

"Mm."

Naglakad sila pauwi matapos ihatid si Sasha, nang tignan niya ang oras ay 09:23 pm na.

"Gusto mong magpalipas oras?"

"Ahh.. sige." hindi pa din naman siya antok, umupo sila sa waiting shed na malapit.

"Anong gusto mong soft drinks?"

"Lemon na lang." inabot nito sa kaniya ang soda, saka ito umupo.

"Gusto kita." natigil siya sa pag inom.

"H-huh?"

"Alam kong narinig mo, 'wag mo na.. ipaulit."

"Ah-mm.." Bakit naman biglaan, isa pa.. pano?? Nagulat siya at nagtaka sa sinabi nito.

"Ano.. sorry kung nabigla ka. Pero baka kasi masayang yung.. lakas ng loob ko." Saka ito umiwas ng tingin. Bumuntong hininga ito, "Sobrang nagalit ako nung nakita ko kayo ni Drew sa storage room, at nung nalaman ko kay Cindy kung ano napagdaanan mo, nainis ako."

"Ahaha.." hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin.

"Nung nalaman ko 'yon, gusto kitang protektahan. Kasi ayoko na uling maranasan mo iyon, protektahan ka sa paraang kaya ko."

"Hindi mo naman kailangang.. gawin iyon."

"Ah.. sorry uli, alam kong nabigla ka."

"Ahm.. pwede ko ba malaman kung pano at kailan pa?"

"Ewan ko kung pano.. basta ang alam ko na lang gusto kitang nakikita."

"Pero alam mo naman.. kung ano ang past ko, sigurado kong ikaka-turn off mo iyon."

"Ano naman?" natigilan siya sa sagot nito. "Hindi naman nagbago nararamdaman ko nung nalaman ko iyon. At uulitin ko, naiintindihan kita at gusto ko baguhin iyon."

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, hindi niya naramdaman iyon noong si Andrew ang umamin sa kaniya.

"Pero.. hindi ko gagawin 'yon ng walang pahintulot mo. Ah- hindi ko sinasabing sagutin mo ko ngayon... Ano... Hihintayin kita. Jhin seryoso ako sayo." pagpapatuloy nito.

"Hindi ba mas okay kung pag isipan mo muna kung seryoso ka talaga." tugon niya.

"I did, iisa lang nagiging sagot ko."

"Sorry pero, hindi ako tumatanggap ng customer sa loob ng school. Isa yon sa mga rules ko sa sarili ko." saka siya tumayo.

"Alam mo kung ano ibig sabihin ko nung sinabi kong seryoso ko, 'di ba?" tugon nito.

"Jakub, magkaibigan ba tayo?" tanong niya rito ng may marahang ngiti sa labi.

"Higit pa ang gusto ko, Jhin."

Napabuntong hininga siya. "Then, let's stop being friends."

Tumayo ito.

"'Wag na din tayo mag usap simula ngayon, kunwari na lang di tayo magkakilala." tugon niya bago pa ito maka lapit.

"Kailangan ba maging customer mo ko para lang mapalapit sayo, o hanggang kaibigan lang talaga?"

"Naririnig mo ba sarili mo? Hhaa... Huwag kang gagawa ng pagsisisihan mo." tugon niya at saka tumalikod rito.

"Jhin -"

"'Uwi na ko, ingat and thanks." putol niya rito saka naglakad palayo.

I don't need unnecessary feelings.

Nagising siya sa tunog ng door bell at katok sa pinto, akala niya si Cindy iyon ngunit ng buksan niya ang pinto ay hindi si Cindy ang napag buksan niya.

"Jhin, kamusta ka na?" bungad ng kaniyang ina.

"Ma, pasok ka." saka niya ito pinapasok.

"Kamusta ka na, ang tagal mo ng hindi bumibisita ha?" pinaupo niya ito.

"Pasensya na, Ma. Busy na kasi ako sa school at trabaho." tumingin siya sa refrigerator kung may mahahain.

"Talaga? Akala ko kinakalimutan mo na ko dahil nakakaluwag-luwag ka na, baka naman iwanan mo din ako ng malaking utang pag umalis ka diyan sa pugad mo." pagtukoy nito sa Esclaves kung saan siya nagtatrabaho.

"Hindi ko kayo iiwan, Ma. Inuunti-unti ko rin naman po ang utang natin kaya 'wag po kayo mag alala." saka niya inihanda ang tinapay at palaman sa mesa.

"Huwag ka mag alala may salusyon pa naman kung sakaling hindi mo mabayaran 'yang utang na iyan, isa pa sa laki ng utang ng tatay mo mababayaran mo agad yan? Ang liit lang naman ng sahod mo, isa pa mga cheap lang na matatanda minsan ang customer mo, iilan lang yata iyung mayayaman mong customer." patuloy nito.

"Iilan lang po ang mayayaman kong customer kaya hindi ko alam kung anong solusyon ang sinasabi mo, Ma." binigyan niya ito ng tinapay na may palaman, saka ulit nagpalaman ng panibago.

"Ah basta, malalaman mo din sa susunod 'yan." tugon nito habang patuloy ang pagkain.

"Aalis ako ngayon, Ma. Kung gusto mo pa mag-stay dito may pagkain diyan sa refrigerator." pagtapos niya sumubo ng tinapay dumiretso siya sa banyo para maligo.

Pagtapos niya mag asikaso ay nag chat siya kay Sasha kung tuloy ang pag punta sa *** mall at kung nasaan na ito.

"Alis na ko, Ma."

"'Yung pera ko?" binigyan niya ito ng sampong libo. "Ito lang?" sambit nito.

"Pero..." napabuntong hininga na lamang siya saka dinagdagan iyon.