Chereads / My Star (Ren) / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Nakasandal siya sa beranda habang naka tingin sa labas, iniisip niya kung anong buhay niya ngayon kung sakaling maayos ang naging pamilya niya. Dinukot niya ang kahon ng sigarilyo sa bulsa, at saka nag sindi. Malaki ang utang na loob niya kay Andrew, kung hindi ito pinakilala sa kaniya ng kanilng Manager malamang ay hindi ito papayag na mag-enroll siya sa kolehiyo. Simula bata pa lang problema na niya ang pera at dahil walang paki alam ang kaniyang ina, magisa siyang naghanap ng trabaho sa bata niyang edad. Sampung taon siya nag simulang maghanap ng trabaho habang nag-aaral siya para may mauwing pagkain sa bahay, ngunit hindi iyon sapat kaya naghanap siya ng trabahong mas malaki ang kita, doon niya nakilala ang kanilang Manager. First year high school siya nagsimula sa kaniyang trabaho, lumipas ang dalawang taon nang pinakilala sa kaniya ng kaniyang Manager si Andrew. Tinulungan siya nito simula noon at kahit anong gusto niya mabibigay nito, pero may kapalit iyon.

Pinatong niya ang braso sa bakal ng beranda habang humihithit ng sigarilyo, lumabas si Andrew sa pinto at niyakap siya sa likod. Kinuha nito ang sigarilyo sa kaniyang bibig at pag tapos humithit ay binalik iyon sa kaniya.

Si Andrew ang tumulong sa kaniya noong panahong lugmok siya, kung dati ay tipid ang pagkain niya ngayon ay nakakain na siya ng tatlong beses sa isang araw. Napaayos niya ang bahay nilang dati ay kalahati lang ang sementado, kung tutuusin ay nasa kaniya na lahat ng kailangan niya pero pakiramdam niya ay may kulang. Minsan nang umamin si Andrew sa kaniya na gusto siya nito, sinubukan nilang dalawa na pumasok sa relasyon at baka sakaling maging kontento sila doon. Ngunit alam niya na alam ni Andrew na wala talaga siyang nararamdaman para dito, kaya naghiwalay rin sila. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero naiisip niya kung iyon ba talaga ang kulang sa kaniya, ang magmahal at mahalin. Naiirita lamang siya sa sarili sa tuwing maiisip iyon, sino ba naman kasi ang magkakagusto sa tulad niyang maduming babae. Kapag sinabi niya kasi sa lalaking gusto niya ang nararamdaman niya at malaman nito kung ano talaga siya, pandidirian lamang siya nito.

"Haayy, ang tagal naman ni Nick at Jakub." pasalumbabang sabi ni Sasha.

"Ah.. malapit na daw si Cindy."

"Anong kayang klaseng tao si Drew? Pogi kaya siya? Matalino kaya siya?" nae-excite nitong tanong sa kaniya.

"Hindi ko rin alam eh.." lagi na lang itong masigla, hindi kaya ng power niya.

"Oh! Nagtxt si Nick, kasama niya daw si Cindy malapit na sila." maya-maya lang ay tumunog na ang doorbell.

"Oh! Si Jakub na lang kulang, pasok kayo."

"Makumbinsi kaya ni Jakub si Drew?" tanong ni Nick pagtapos nito umupo.

"Iniisip ko nga din 'yun, eh. Pumayag man si prof na humiram ng member sa ibang section, pumayag kaya si Drew kahit wala siyang makukuhang grade?" nakanguso pa ito habang naka salumbaba.

"Hahaha si Jakub na ang bahala diyan." tugon ni Nick. "Ah, Jhin may tanong ako. Paano kayo nagkakilala ni Cindy?"

"Oo nga kuwento naman kayo." tugon ni Sasha.

"Magkaklase kami ni Cindy simula high school."

"Wow, ang tagal niyo nang magkakilala." sabi ni Sasha.

"Magkapit-bahay din kami nung bata pero hindi pa kami magkakilala noon." tugon ni Cindy.

"Oh.." patuloy ang kuwentuhan nila nang maya-maya ay marinig nila ang pagbukas ng pinto.

"Ah! Kasama kaya niya si Drew?" bulong ni Sasha at saka ito tumayo. "Jakub!"

"Sorry, medyo natagalan kami."

Narinig lang niya ang boses nito dahil nakatalikod silang nakaupo ni Cindy sa may pinto, nilingon niya si Cindy at nagtaka siya nang bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Lumingon siya sa likod at laking gulat niya ng makita si Andrew.

"Yo!" nakangisi nitong sabi.

Lahat sila ay nakaupo at nag-uusap, samantalang silang dalawa ni Cindy ay tahimik lamang. Hinawakan siya nito sa kamay, alam niyang nagaalala ito lalo na sa bawat salitang lalabas sa bibig ni Andrew. Minsan na niyang nakita na nakababa ang buhok ni Andrew at walang hikaw, hindi siya nagkakamali.

"Sa totoo lang akala namin hindi ka makukumbinsi ni Jakub." saad ni Sasha.

"Hindi naman ako ganon ka-busy bukod sa school, kaya pumayag na din ako." nakangiting sagot ni Andrew.

"So, may partner na si Jhin, makakapag practice na tayo ng tuloy-tuloy." sabi ni Jakub, nilingon niya si Cindy at ngumiti lang ito.

"Ah, hindi pa yata ako nagpapakilala ng maayos." sabi nito habang kumakamot sa batok. "Andrew nga pala, tawagin niyo na lang akong Drew." nakangiti itong kinamayan ni Nick at Sasha.

"Cindy nga pala." pagpapakilala ni Cindy.

"Ah, ako si Jhin." kinamayan siya nito at marahan lamang ngumiti.

"Jakub pwede pa ba nating palitan yung music? Sa tingin ko kasi mas mahirap gawan ng step kung ballad song pipiliin natin." tugon ni Nick.

"Ah, may suggestion ako."

"Whoa, pakinggan natin suggestion ni Drew." tugon ni Sasha.

"Since pair ang sayaw natin, bakit hindi na lang pop song piliin natin? Pwede naman diba ang foreign song?"

"Hmm.. Pwede din, common din sa pair dance ang ballad song." si Jakub.

"Ohh, hindi ko naisip yun ah." si Sasha.

"Okay, pili na lang tayo kung anong genre at song." si Nick.

Nakapili sila ng music at nanood ng mga video sa internet para makakuha ng ideya, madilim na nang matapos sila.

"Haaa... Bakit kailangan pa natin ulitin yung step?" malungkot na saad ni Nick.

"Hayaan mo na, kompleto na tayo ng member at nakapali na tayo ng kanta." sabi ni Jakub dito.

"Gusto ko yung step natin nung una."

"Hahahaha Nick 'wag ka nang umasa na mapuwesto ka sa harap." saad naman ni Sasha.

"Naeexcite ako 'pag nasa harap ako 'pag intro." pag buntong hininga ni Nick.

"Jhin, sabay ba tayo uuwi?" tanong ni Cindy sa kaniya.

"Ah.. Si-"

"Ahh, Cindy.. Okay lang ba magpasama sayo?" putol ni Nick sa sasabihin niya.

"Hmm?" si Cindy.

"Ahh! Kung okay lang naman."

Tumingin si Cindy sa kaniya, tumango na lamang siya.

"Sige ba."sagot ni Cindy kay Nick.

"Pano Jakub una na ko?" saad ni Sasha. "Bye-bye" pagkaway nito sa kanila.

"Gusto mo ba ihatid kita, Jhin?" tanong ni Jakub.

"Ah, nakakahiya naman hindi na." tugon niya.

"Ako na lang maghahatid sayo hanggang sa kanto? Baka kasi magkaiba tayo ng daan pauwi." sabi ni Andrew.

"Ahh.. sige..." hindi niya alam kung pano tumanggi dito.

"Kung ganon una na ko, ah?" si Jakub. "Ingat sa pag-uwi."

"Sige... Bye."

Malapit na ito sa pinto nang magulat siya dahil hinawakan siya sa kamay ni Andrew hindi pa man nakakapasok ng tuluyan si Jakub sa bahay, hindi niya magawang mabawi ang kamay dahil mahigpit ang pagkakahawak nito.

Nakalabas na sila ng kanto nang pakawalan ni Andrew ang kamay niya, saka siya nito hinarap.

"Alam mo ba ginagawa mo?" tanong niya rito habang nagpipigil ng galit.

"Exciting ba?" tanong nito sa kaniya.

"Pano kung nakita tayo ni Jakub? Anong balak mong isagot sa mga pwede niyang itanong?" pigil parin siya sa kaniyang galit.

"Huwag ka magalala wala kong balak sabihin ang totoo, mawawala excitement ko kapag ganon."

"S-siguraduhin mo lang."

"Pero depende 'yan sayo." pilyo itong ngumiti.

"Huh?!"

"Hindi ko na pala kailangan mag-isip kung pano makakalapit sayo sa school, isa pa dapat kong parusahan ang pagala-galang pusa." saad nito habang nagsusuot ng helmet.

"H-ha?! Anong bang punishment ang gusto mo?" malapit na siyang maluha dahil sa gusto nitong iparating.

"Ah! ah! Edi boring na 'pag sinabi ko sayo, suot!" inabot nito sa kaniya ang helmet, napahinga siya ng malalim saka inabot at sinuot ang helmet.

"Ihahatid kita, magpahinga ka na muna." nakasakay na siya nang napahinto ito saglit. "Ah! Sabi ni Max papuntahin mo si Cindy sa Esclaves, okay?" saka nito pinaandar ang motor.

Tumatakbo parin sa isip niya kung ano ang binabalak ni Andrew, sana naman hindi ito gagawa ng nakakasagabal sa pag-aaral niya. Ayaw niyang sayangin ang tiyansang binigay sa kaniya ng Manager nila na makapagtapos, gusto niyang makapagtapos nang walang isyu kapag umalis na siya sa school.

Umupo si Cindy sa tabi niya hawak ang tray ng pagkain.

"Kamusta, wala naman bang ginawa si Andrew?" saka subo ng pagkain.

"Muntik na kaming makita ni Jakub na magkahawak kamay, hindi ko alam kung anong balak niya, sabi niya pinapapunta ka ni Max sa Esclaves." saka siya sumipsip sa straw ng juice.

"Max?..."

Tumango siya.

"Huu... Ayoko sana, kaso wala kong madadahilan." sabi nito habang tinutusok ng tinidor ang patatas.

"Hhaa... Hindi ka naman pwedeng humindi baka magalit si Manager."

"Hhuu.. hhuu.. So, anong plano mo kay Andrew?"

"Ang balak ko sana lagi kitang kasama para wala akong oras na magsolo kaming dalawa, kaso mukhang ilang araw ka nanaman pupunta sa Esclaves." nakangiti ngunit nanlulumo niyang sabi.

"Oh! Si Sasha at Nick, sasabihin ko na lang na lagi kang samahan."

"Huh?"

"Halimbawa may stalker ka, ganun?"

"Seryoso ba 'yan?"

"Hahaha, bakit? Atleast, maliit na ang tiyansa na masolo ka ni Andrew."

"Hhaaa?"

"Maliit na tiyansa lang 'yon, pero pwede natin subukan."

Kunot noo niya itong tiningnan habang kumakain. 'Wala kong maintindihan sa plano mo, sa tingin mo gagana 'to? Aghh..'

Dumaan ang dalawang araw ng kanilang practice, hindi niya ito kayang basta na lang iwasan dahil nasa iisang grupo at iisang school sila. Sa tuwing kasama niya ito ay tumitingin at ngumingiti ito paminsan-minsan, natatakot siya dahil hindi niya alam ang nasa isip nito.

"Ha? May stalker ka Jhin?" si Sasha.

"Kaya gusto ko na samahan niyo muna siya. Ahh... Kung okay lang? Magiging busy kasi ako sa trabaho ko baka hindi ko siya masamahan." si Cindy.

"Sige ba, 'wag ka magalala Jhin sasamahan ka namin." nakangiting sagot ni Nick.

"Ganun ba? Hehe, salamat." sagot na lamang niya.

Nagpaalam na si Andrew at si Cindy saka umalis.

"Sige una na kami, bye!" Paalam ni Sasha kay Jakub.

"Then? Anong ginawa ng stalker mo sayo? Sinaktan ka ba niya? Nako! Makita ko lang siya babalian ko braso niya." tanong ni Sasha habang palabas sila ng kanto.

"Hindi ba natin pwede i-report sa barangay, o sa pulis kung hindi mo pa sila nakikita at kilala." si Nick.

"H-hindi naman sa ganun, hindi kasi ako komportable mga nakaraang araw. P-parang may sumusunod sakin." 'Patawarin niyo po ko sa pagsisinungaling ko.'

"Hmm.. 'Wag ka magalala andito lang kami, i-message o tawagan mo kami pag may nangyari."

"Grrr.. Makita ko lang 'yang stalker na 'yan, babaliin ko binti niya para di siya makasunod." mainit na ulong sabi ni Sasha.

Nagpaalam na ang mga ito nang nasa gate na sila, hinintay siya ng mga itong makapasok sa pinto bago umalis. Siguro nga mas okay nang iwasan niya na muna si Andrew, kapag tapos ng kanilang presentation ay hindi na niya ito makikita ng madalas.

Nakapasok na siya at nakapag bihis nang maya-maya ay tumunog ang pinto, siguro ay naka uwi ng maaga si Cindy. Binuksan niya ang pinto at nagulat ng makita si Andrew sa harapan niya, tinulak siya nito upang makapasok at sinara ang pinto.

"Hindi mo ko maiiwasan bukod sa school, ito ba plano mo? Ang dumikit sa kanila para hindi kita malapitan?" nakangisi pa ito habang hawak siya sa magkabilang balikat.

"D-dahil alam kong may balak kang gawin k-kapag malapit ka sakin.. A-andrew okay lang gawin mo gusto mo sakin, pero please lang ayoko masira image ko bago ko makapag tapos." nawalan siya ng lakas dahil sa tingin nito.

"Then, from now on don't avoid me."

"Huh? Kung hindi kita iiwasan malalaman nila.."

"Hindi naman ako magsasalita, pano nila malalaman?" hinawakan nito ang buhok niya. "Ang exciting nga ng laro na 'to eh.. Hindi mo kailangang matakot."

Pumunta ito sa likuran niya at sinandal nito ang ulo sa kaniyang balikat, hinawakan nito ang kamay niya.

"Ali.. Kaya mo na bang lumaban?" bulong nito. "If you can fight now, I also want to see how you fight in bed."

Napalunok siya dahil pakiramdam niya ay natutuyo ang kaniyang lalamunan.