Chapter 8 - 3.4 Unsugar Coated

"Mabuti at naisipan mo akong dalawin. Ano nga pala ang pinunta mo dito besh?" usisang tanong ni Kim kay Nikki habang naghihiwa ng gulay.

"I need to unwind. You know naman kaming mga teachers, kahit bakasyon na wala pa ding pahinga." walang ganang tugon naman ni Nikki na ngayo'y nag-uunat para mabawasan ang stress.

"I see, so kamusta nga pala kayo ng jowa mo?" tanong ni Kim na walang pakundangan.

Biglang naging moody ang atmosphere sa loob ng kusina. "Don't forget the word EX kung itatanong mo sa akin iyong cheat- er na si Harry." inis na turan ni Nikki. Ang expression ni Nikki ang nagpapahiwatig na hindi niya gustong pag-usapan ang nakaraan niya.

"So may bago na bang pumalit?" ani Kim sa kanya.

"Heck no. Single muna ang status ko ngayon at hindi ga- noon kadaling magtiwala sa iba." katwiran naman ni Nikki.

"Sabagay nakakaloka naman kasi. May asawa na pala iyon sa ibang lahi tapos ikaw pa ang napagdiskitahan." puna ni Kim sa nangyari kay Nikki.

Matalim niyang tinitigan si Kim at sabay nagwikang, "Namemersonal ka na ata besh?"

"Hindi naman sa gano'n. I'm just only stating the facts." kinakabahang sabi ni Kim kay Nikki.

"Alam ko namang hindi natin kayang pilitin ang tadhana na umayon lahat sa plano na magkaroon ng magandang buhay. To tell you the truth, gusto talaga kitang konsultahin tungkol sa problema ko kaso lang narealized kong wala ka pa ding boy- friend hanggang ngayon." napapakamot na lang si Nikki sa sintido.

"Iyan ang namemersonal teh!" naiinis na sabi ni Kim saman- talang natatawa si Nikki sa reaksyon niya.

"Sorry na po." paumanhing saad ni Nikki sabay yakap kay Kim upang mapakalma ito.

"Ate, eh paano kaya kung katayin ko iyong alaga niyo? May konting pampabuenas ba akong matatanggap?" nakiusap pa si Sendoh na tila nangungulit pa sa kanya.

"Mautak ka talaga eh noh! Wala din naman akong choice kaya sige go ahead lang." sabi na lang ni Kim sa kanya at tinulungan siyang maghanda ng pagkain sa pananghalian.

Makalipas ang ilang sandali ay agad binigay ni Sendoh ang kanyang finished product mula sa dirty kitchen ng Kiyota's resi- dence matapos niyang maalis ang natitirang lamang loob ng manok.

"Ito tapos na ako." sabi niya na kararating lang sa loob. Ha- los naliligo siya sa sariling pawis dahil na din sa init ng panahon. He was shirtless at that time kaya nahiya naman si Nikki para sa kanya.

"A-Ayusin mo nga iyang itsura mo. Magbihis ka nga, para kang sinapak ng mga tambay sa kanto eh." nauutal na komento ni Nikki kay Sendoh na tila namumula sa nakikita niya.

"Mukha na pala akong tambay sa itsura kong ito? Dati pinya lang ang kinukutya mo sa akin, ngayon naman... Hayyss! Aminin mo na kasi ate Nikki nagagwapuhan ka din sa akin noh?!" pagmamayabang ni Sendoh habang papalapit sa kanila.

Dahil sa sobrang pagkainis ay agad siyang hinagisan ni Nikki ng pamalit ng damit. "Bastos! Nasa ibang bahay ka kaya umayos ka gunggong." Galit niyang sinabihan si Sendoh sa kanyang child- ish acts samantalang napabuntong hininga na lang Kim sa asaran ng dalawa.

"Hindi pa ata nakakapag-almusal simula kanina si ate kaya ganyan na naman siya sa akin." bulong ni Sendoh sa kanyang sarili. Natutuwa naman si Kim sa nakikitang progress sa buhay ng kanyang bestfriend unlike in their case na nagsisimula pa lang ang kalbaryo nilang dalawa ni Nobunaga mula sa mga bayarin ng bahay pati na din ang extra expenses na kailangan nilang asikasuhin.

"Before I forget, inextend hanggang next week ang pagbabayad ng tuition fee for Summer Classes. Sana maipasa na ni Kiyota ang mga back subjects niya kundi mapipilitan ang school na idrop out sila." nag-aalalang sabi ni Nikki kay Kim.

"Oo nga pala." bulalas na tugon ni Kim. Pinilit niyang mag- ing kalmado kahit dismayado siya sa nangyari kay Kiyota. "Dibale, kailangan ko ding pagsabihan iyon. Lumalaki na naman ang sun- gay niya at gumagrabe na ang pagiging suwail sa akin." naiinis na si Kim dahil kay Nobunaga.

"Basta andito lang ako pag kailangan niyo ng tulong. Wag kang mahihiyang magsabi sa akin ah?!" paninigurong sabi naman ni Nikki.

"Naku… Maraming Salamat talaga." Halos maluha si Kim sa pagiging considerate ni Nikki. Napigilan lang iyon nang natuon ang kanilang pansin sa naririnig na welga sa sala.

"Anong ginagawa mo dito pre?" gulat na sabi ni Kiyota nang makita si Sendoh na nakahilata sa sofa.

"Mukhang nag-enjoy kayong naglaro ah. Musta na?" Ngiting sabi ni Sendoh sa kanila at kinawayan niya ang mga ito.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Diba ngayon ang appointment mo sa interview niyo for validation ng college entrance ex- ams?" naiinis na sabi ni Nikki sa katamaran ni Sendoh.

"Putek na iyan! malelate na naman ako." Agad napaba- likwas si Sendoh sa sofa noong marealize niya kung ilang oras ang nasayang niya at nagmadali na siyang umalis pauwi ng Tokyo kung saan niya napiling magpatuloy ng kolehiyo.

Samantala, natigilan naman sina Renz, Gian, at Dominic sa nakita nila sa kusina. "Hi Ma'am." Nahihiyang sabi nila kay Nikki.

"Hey! Good job at nasurvive niyo ang previous semester." masayang bati ni Nikki sa kanila na naging estudyante rin niya sa panahong iyon.

"Chicken lang iyon Ma'am. Ang galing niyo po kasing mag- turo eh." sabi naman ni Renz na tila Malaki ang tiwala sa kanyang sarili.

"Binola pa talaga eh kahit parang nangangain na siya ng oras namin sa sobrang dami ng pinapagawa." bulong ni Dominic sa kanyang sarili na pangiti ngiti lang sa kanila.

"Hoy! Saluhan niyo na kami bago pa magbago ang isip ko." mataray na tinitigan ni Kim ang tatlo habang nag-aayos ng ta- ble set at lubos nilang ikinatuwa ang imbitasyon.

"Anong ulam niyo ate?" sobrang excited ang tatlo dahil madalang lang sila imbitahan ni Kim sa bahay para kumain.

"Sinampalukang manok." tugon naman ni Kim sa tanong nila.

"Hindi ka pa din nagbabago Manang Sita." birong sabi ni Gian at Renz.

"Huwag niyo nga akong tatawaging ganyan. Isasampal ko sa inyo itong kaldero kapag hindi niyo ako tinigilan." galit na hinabol ni Kim ang mga pasaway samantalang tahimik nang naupo si Kiyota para kumuha ng pagkain.

[Nobunaga Kiyota…]

Hay naku naman... Kahit kailan talaga ay hindi talaga marunong mahiya ang tatlong hibang na ito. I just secretly eat my lunch at pinili ko na lang manahimik sa sulok dahil sa hiya. Isa din kasi sa mga subject na naibagsak ko ay ang tinuturo sa amin ni Ma'am Nikki noong online class.

"Hey! Kamusta ka naman iho?" nag-aalalang sabi ni Ma'am Nikki sa akin na parang minamata na ako kahit hindi pa nagsisimu- la ang klase namin.

"Ayos lang naman po ako Ma'am." tipid kong sabi sa kanya na parang wala na din akong gana makipag-usap sa kahit kanino.

"Hmmmpp... To tell you honestly ay medyo hindi ako natuwa sa naging academic performance mo noong last semester natin. Aware ka naman sa consequences diba?" paalala sa akin ulit ni Ma'am Nikki na parang inaatribida na ako sa policy ng school para magsummer class.

"Alam ko po ang ibig niyong sabihin. Dibale po, pag- iigihan ko pong mapasa ang mga backsubjects ko. Thank you din po pala sa pagbisita niyo sa amin." bati ko na lang sa teacher at saka na lang ako humanap ng ibang pagkakataon para magkulong ulit sa kwarto ko.

"Nobunaga, hindi ko ugali ang magsugar coat sa mga estudyante. I know that my words are bit too harsh sa pangangaral sa inyo pero huwag mo sanang isipin na gusto ko kayong pinaparusahan lalo na kapag hindi niyo ginagawa ang best niyo pagdating sa klase ko." Ma'am Nikki added na parang ayaw niya akong tantanan sa gusto niyang mangyari.

Hindi naman siya terror na teacher na gaya ng iniisip niyo pero sadyang mataas lang ang expectations niya sa mga estudyanteng gaya namin ng mga barkada ko. "Sanay na din po sa ganyan at halata naman po iyon sa ikinikilos ngayon ni ate Kim na sobrang disappointed siya." Sidecomment ko sa naging asaran nilang apat nina Renz habang naghahabulan sila sa loob ng bahay namin.