Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 7 - 3.3 Breadwinner's Fate

Chapter 7 - 3.3 Breadwinner's Fate

[Kim Kiyota…]

Nakakabanas ang araw na ito dahil na din sa pagiging sutil ng kapatid ko. Mantakin niyong ako pa talaga ang itotoka niyang mangatay sa tandang iyon eh samantalang kaya naman niyang gawin iyon. Ang hindi ko maintindihan ay bakit palagi na lang ako ang napag-uutusan? Ang sabi nila special daw ang mga first born pero hindi sa ganitong sitwasyon.

Wala sa usapan na ako ang personal alalay ng mga taong nakatira sa pamamahay na ito and I hate those kind of chores lalo na kung malalagyan ng mantsa ang mga damit ko. Kung makakaya ko pa ang kadugyotan ng unggoy na iyon, pwes ibahin niyo ang manok ni Coach. People may interpret my features as a bitchy sister kay Nobunaga pero I simply cannot do it.

*cock-a-doodle-doo...*

"Gusto mo bang lumabas dyan?" sabi ko sa manok. Lumuhod ako sandali para tingnan ang kalagayan ng tandang. Mukha na akong baliw sa ginagawa ko dahil kinakausap ko ang ayudang ibinigay sa amin. Huwag na kayong kumontra dahil sa lahat naman ng kasama ko ngayon, ito lang ang hindi nagbabalak ng masama sa akin.

Isa akong regular employee sa architectural firm specifically sa building designs. Kahit sabihin pang ako ang boss sa department na iyon, wala namang silbi ang status kong iyon laban sa kalokohan ng mga barkada niyang parasites.

And speaking of parasites, nakakainis malaman na napunta lang pala sa luho ang binibigay kong shares sa magulang ko. Hindi ako tutol sa gusto nilang gawin sa buhay nila kahit magpakalunod sila sa alak o magdamag na tumaya sa lotto pero ibang usapan na kung ginalaw na ang accounts mo na wala kang kaalam-alam.

⏱Flashback⏱ ►

Before lockdown ay dumating ang ilang notice letter mula sa bangko at nakapangalan sa akin ang mga sulat na iyon. My goodness! akala ko may update sila tungkol sa insurance or sa sweldo ko pero ibang klaseng problema pala ang gumimbal sa simpleng buhay ko.

"Seryoso ba kayo Dad? Paanong nangyaring nakasangla itong bahay natin?" Galit na galit ako noong panahong nagkabunyagan ng sikreto. I'm just lucky na hindi pa nakakauwi ang unggoy na iyon mula sa achool. Mahirap kasing ipaliwanag sa kanya ang bagay na ito lalo na't musmos pa ang pag-iisip niya sa ganitong klase ng isyu.

"Eh pasensya ka na iha. Masyado kasi kaming nalibang sa sugal kaya pati iyong iba mong assets, nabenta na namin para may pambayad ng utang." mangiyak-ngiyak nila akong tinigan na parang humihingi ng awa.

"Hindi lang pala bank account ang ginalaw niyo. Hay naku! Gaano naman po ba kakonti iyong utang na iyan at dumating pa tayo sa puntong isinangla niyo pa ang bahay na pinaghirapan kong ipundar para sa atin?" sarkastikong tono ang pagkakasabi ko sa kanila. Pasalamat sila at magulang pa ang turing ko sa kanila at may natitira pa akong katiting na respetong mabibigay sa kanila.

"I'm sorry Kim kung nagawa namin sa iyo 'to. Kung abala lang kami ng papa mo sa'yo aalis na lang kami." Hindi iyan ang gusto kong marinig na sagot Ma! At kahit nahihighblood na ako sa pinagsasabi nila, I don't have any choice kundi magpakamature sa harap nila.

"Andyan na po yang problema eh, so ano pong balak ni- yong gawin ngayon?!" Kalma ka lang self, walang mangyayari kung isusumbat mo pa ang obvious.

"Tutulungan ka namin ng papa mo na matubos ang bahay. Hindi mo na kailangang intindihin ang basic needs namin dahil nagdecide kaming magpasama sa Home for the Aged para hindi ka na maabala." Ilang araw na lang pala ang nalalabi bago ang retirement day nila sa work. Magpapaluto sana ako ng handa sa araw na iyon pero wala eh, mas malaki pa ang utang kaysa sa sweldong matatanggap ko sa mga susunod na buwan.

"Sige po kayo ang bahala." walang gana ko silang sinagot at nag-impake pa talaga sa harap ko. Sa totoo lang, hindi naman nila kailangang gawin iyon pero dahil mahirap iproseso ang nangyari sa akin, wala na akong nasabi sa kanila at hinayaan na lang sila sa piniling desisyon.

◄ ⏱End of Flashback⏱

*Beep... beep... beep... ang sabi ng jeep.*

Wala naman akong inaasahang bwisita pero nawala ang sama ng loob ko kahit papano nang makita ko sina Nikki at Sendoh na papunta sa bahay namin.

"Besh musta na?" hindi talaga nagpadaig si bes sa social dis- tancing. Halos masakal na ako nung niyakap ako ni Nikki. We were highschool elites sa Ryonan at kahit 30 minutes by car lang ang layo ng bahay nila sa amin, ilang taon na din ang nagdaan mula nang magmeet kami ng ganito.

"Ito, maglulupasay na sa kakaisip kung paano ko iluluto iyan." walang gana kong kwento sa kanila at itinuro ang manok.

"Big Time ata kayo ngayon ate." komento naman ni Sendoh.

"Ang cute naman niya. Kanino galing?" Nikki was curious noong tinanong niya ako.

"Ewan ko kay Kiyota pero at least may pakinabang din iyan kung makakatay ko diba?!" birong saad ko sa kanila at natawa na- man ang lokong Sendoh na 'to. Tinatawag ko lang ang first name ng unggoy na iyon lalo na sa harap ng best friend ko for good impression purposes din.

"Pasok muna kayo." Inimbita ko sila sa loob ng bahay kaysa naman mag sunbathing kami sa katirikan ng araw. Lumapit sa gawi ko si Sendoh at inabot niya sa akin bayad sa commission ko sa kanya.

"Salamat sa video outputs na iyon ate." binulong niya sa akin at masayang-masaya kong tinanggap iyon dahi malapit na naman ang petsa de peligro.

"Akala ko hindi mo na ako babayaran." sabi ko sa kanya at mukhang walang alam si Nikki sa usapan namin dahil nakataas ang kilay niya kay Sendoh.

"Anong ganap dito? Huwag mong sabihing may crush ka sa best friend ko?!" I mean seryoso ka ba talaga sa tinatanong mo bes. Ibang klase talaga ang imagination niya na parang out of context na. Natawa naman kaming pareho ni Sendoh sa sinabi ni Nikki.

"Imposible iyang sinasabi mo ate. Nasa iyo lang naman ang loyalty ko hangga't wala pa ang college diploma ko." wika ni Sendoh at kumindat pa ang mokong.

"Nagpapalakas ka lang sa akin eh. Sorry ka pero wala akong ibibigay na pampakarga ng gas sa kotse. Full tank pa iyon." Straightforward ang reply ni Nikki at nalungkot tuloy bigla si Sendoh.