Chereads / The Perfect Melody / Chapter 14 - CHAPTER 12: Make it sure

Chapter 14 - CHAPTER 12: Make it sure

Luna's Point of View

"What is this, Luna?"

Binagsak ni mama ang isang long envelope sa study table ko. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman.

Ano pa bang ine-expect ko?

Nakita ko ang mga grades ko sa lahat ng subjects. Below 85 lahat ng grades ko---not to mention, may mga line of seven. I did my best, pero hindi talaga kaya ng braincells ko ang gano'n kahirap na uri ng pagtuturo.

"You're a disgrace in our family. Pinapahiya mo ako sa mga kamag-anak nating matatalino ang mga anak."

"But, Ma, grades are just numbers. Ginawa ko best ko at may natutunan naman ako. Sadyang bagsak lang ako sa mga tests." Wika ko at pinasok sa loob ang card.

Isang malutong na sampal ang dumampi sa mukha ko.

Yep. Sanay na ako. Hindi naman talaga ako nakatanggap ng kahit anong papuri sa mama ko. Nawalan na siya ng expectations sa akin dahil isa naman daw kasi akong failure ng pamilya.

"Bunganga mo, Luna. Hindi kita pinalaking kahihiyan sa pamilya. Sumasalamin ang grades mo sa kung gaano ka katamad at ka irresponsible na tao!"

Napayuko na lamang ako sa mga masasakit na salitang binato sa'kin ni mama. Taon -taon na lang siyang ganito sa'kin. Never ko na achieve matataas na grades. Laging nasa below average ang mga nakukuha ko.

I just can't. Okay. I admit it. Bobo ako. I'm too pressured. Hindi ganito ang buhay ma gusto ko. I want to learn base sa mga gusto ko at kung saan talaga ako magaling.

It's my fault din naman.  Di ako gumagawa ng assignment at heto pa, iniintindi ko pa ang pag ma-minecraft ko gabi-gabi.

"Hindi ka muna papasok ngayon. Foundation week naman ngayon at wala namang gagawin do'n. Spend your lazy days sa pag a-advance study kasi starting tomorrow, grounded ka sa lahat ng gadgets na meron ka."

Binagsak niya ang pinto sa kanyang paglabas. Ngayong araw na last day ng foundation day. Niyaya pa naman ako ni Jude na panoorin ang performance niya.

Kailangan kong sabihan si Bryan para kuhanan ng video si Jude.

Tinawagan ko ang number ni Bryan, pero hindi niya ako sinasagot. Hindi ko rin ma message ang messenger niya dahil offline naman siya.

Naihagis ko ang phone ko sa dulong parte ng kama nang biglang pumasok si Bryan sa kwarto ko. Di pumasok ang mokong na ito?

"Heheh. Mukhang may grounded na bata rito ah." Nakangising niyang sambit.

"Ano ginagawa mo rito?!" Bulalas ko.

Umupo siya sa tabi ng mesa. "Kanina pa kita hinihintay sa tapat ng bahay niyo."

Weh ba? Pinapasok siya ni mama kahit badtrip siya sa'kin? First time 'to ha.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko. Foundation week ngayon. Sayang naman kung hindi niya makikita ang mga performance nila kung hindi.

"Ayoko. Wala ka naman do'n." Ngumuso siya.

"Luh. First time 'yan ha. Pumasok ka na."

"Sige. Babalitaan kita sa mga magaganap. Vivideohan ko mga performance nila kasama si Jude." Nakangising wika niya.

"Sige. Bahala ka." Shoot! Grounded pala ako ngayon. Pero kailangan hindi ako tumanggi sa kumag na ito dahil baka mag stay pa 'yan rito at kung ano pa gawin sa'kin.

"Una na ako! Bye!" Aniya at lumabas.

Ayoko talaga ng ganito eh. Tuwing kuhaan na lang ng card. Ano kaya gagawin ko para tumaas grades ko? Manonood na ba ako ng mga motivational series ng mga students at mga study tips nila? Palibhasa kasi sa kanila lang effective 'yon. Kailangan ko ng tutor. 'Yong matalino at magaling sa pagtuturo.

Sino kaya pwede?

Si Jude?

Si Sky?

Fuck! Gusto ko sana kay Sky kaso nakakailang naman kung sa kanya after niyang mag confess. Baka hindi ako makapag focus non! Gano'n din kay Jude. Madaldal si Jude at baka hindi rin kami makapag-aral.

Buong araw akong nagbabasa ng mga notes ko sa class no'ng first grading. Kunwari na lang iniintindi ko kasi pasilip-silip si mama sa kwarto. Dinadalhan naman ako ni papa ng mga snacks para naman daw hindi ako masyadong ma-stress.

Tapos na kaya ang performance nila?

***

Maaga akong pumasok ng school para maiwasang makasabay sila mama at papa sa pagsakay sa sasakyan namin. Ayoko masigawan ni mama habang nasa byahe. Para pa namang kaldero bunganga non. Pft!

Bakit ako kinakabahan ngayon? Tapos na ang foundation week at balik klase na naman.

Pagpasok ko ng classroom, bumungad sa'kin ang Sky na nakayuko sa mesa niya. Siya pa lang mag-isa dahil 5:30 pa lang ng umaga. Lumapit pa ako kaunti para makita kung ano ang ganap niya. Bakit ganito naman ka aga pumasok ang isang 'to? Halos lahat ng mga classmates namin, quarter to 7 na pumapasok. Pwede naman siyang pumasok ng 6:00.

Nakita ko siyang nakapikit at mukhang mahimbing na natutulog. Naka earphones na naman ang kumag. Umupo na ako at inayos ang laman ng bag ko. Ilalapag ko pa lang ang bag ko nang bigla niya akong hawakan sa braso.

Wow bilis.

"What?" Takang tumingin ako sa kanya.

"Hindi ka pumasok. Hindi mo ako pinanood mag perform. Iniiwasan mo ako dahil nag confess ako sa'yo?"

Huwaaaaaaat? Masyado siyang advance mag-isip. Tyaka, performer din siya kahapon?! Sayang!

Pumiglas ako sa pagkakahawak niya.

"Baliw! Nagkasakit ako kahapon."

Umayos siya ng upo at nag earphones muli.

Hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to. Nagiging tensed tapos mamaya babalik sa dati.

Nagulat ako nang bigla siyang naglapag ng papel sa mesa ko at lumabas.

"Tara sa garden."

Ano? Pwede naman niya sabihin sakin. Ano ito, pa suspense? Masyado ka Sky ha. Hindi kita maintindihan. Ang weird mo.

Gaya ng nasabi sa papel, pumunta ako sa garden at hinanap siya ron.

Wala akong nakitang Sky. Sa sobrang inis, umupo na lang ako sa bench at pinagmasdan ang paligid. Ang cinematic ng view rito sa garden. Madilim, tapos tanging maliliit na modern lantern lang ang nagpapaliwanag sa paligid. Malamig din ang simoy ng hangin.

Teka ano 'yong naririnig ko?

Napalingon ako sa narinig kong tunog ng gitara. Nanlaki ang mata ko nang makita kong tumutugtog siya ng gitara papalapit sa akin.

Manliligaw na ba ang isang 'to? Taena! Hindi pa siya kumakanta, nagwawala na mga organs ko mula ulo hanggang baba. Tangina.

"Ano'ng pakulo ito Sky?" Kunwaring tinasaan ko siya ng kilay.

Nagsimula siyang kumanta.

"I'm so sorry I can't stop myself from staring at you.."

Ang ganda ng boses niya.

Kumawala na ang mga paruparu na nagwawala s loob ng tiyan ko. Tangina ano na naman ba kasi ito Sky?

"When you're tired in blue, my dear..."

Tumayo ako at hinanda ang sarili ko.

"Ano bang trip 'to?" Bulalas ko.

Napahinto siya sa pagkanta at takang tumingin sa'kin. Noon ko lang narealize na sinigaw ko pala ang laman ng utak ko. Napatakip ako ng bibig at tumalikod sa kanya dahil sa kahihiyan.

"Pft!" Narinig kong pigil niyang tawa.

"Walang nakakatawa do'n, Sky! Nakakahiya potek." Lalo ko pang tinakpan ang mukha ko gamit ang panyo na dala ko.

Ang ganda na eh. Ang epal naman ng bunganga ko.

Naramdaman kong naglakad na siya paalis sa pwesto niya. Nakakahiya ako! Baka isipin non assuming ako sobra! Nakakahiya gagi.

"Harana sana eh." Narinig kong bulong niya bago umalis.

Naiwan akong tulala sa garden habang iniisip kung tama ba ang narinig ko bago siya umalis. Nakakahiya! Gusto kong lumubog sa lupa kahihiyan.  Nang haharana pala siya. Sana nagsabi muna siya para naman hindi ako masyadong nabibigla.

Sky! Ayoko na!

Ayokong mapunta ka sa iba.