Bryan's Point of View
Payapa akong naglalakad papasok ng Building-2 matapos kong asarin si Luna. I told her that it was a prank- ang paglipat namin ng bahay sa Japan. Gustuhin ko mang magpaalam nang maayos kay Luna, but I can't. I can't leave her. I'll miss her, and her everything. She became my world. At malamang sa malamang, ang pagiging martyr ko na ito ang magdadala sa'kin sa masalimuot na buhay.
No Bryan. Let her have her life. Wag kang masyadong sumingit.
Ngayong araw, kukuhanin ko na ang withdrawal slip ko sa school na ito. Kailangan ko rin itong gawin dahil may nakitang opportunity ang parents ko sa Japan. Do'n nila itutuloy ang naiwang business ng pamilya ni papa. Since, I supported them all of my life, why not? This can be a chance for me to get rid of my feelings to Luna.
Halos masubsob ako sa sahig nang may pumatid sa akin.
"What the heck, Zoe?"
Nakatayo si Zoe sa harapan ko. Hindi na ako nakapag reklamo pa nang bigla niya akong hatakin sa art studio.
My brows furrowed. "Ano ginagawa natin dito?"
"Ba't mo tinigil panliligaw mo sa akin? I waited, Bryan. Tapos makikita ko na lang nasa daan kayo ni Luna naghahalikan?" Aniya.
"I stopped because you're being rude to me! Simula no'ng niligawan kita, I became a pest to you. Sagabal ba ako sa buhay mo?" Inis na saad ko.
"I know. I'm sorry. Sinusubukan ko lang naman kung desido kang ligawan mo ako," She sighed.
She bit her lower lip and looked at me. "At kung nililigawan mo ako 'di dahil sa gusto mo mag move on kay luna."
Unti-unti siyang tumingkayad at hinarap ang mukha ko.
"I like you. Sorry for being stupid." She whispered.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang labi niya sa labi ko.
I responded to her kiss.
Ba't gano'n? Parang may kulang sa halik na ginagawa niya. Nagtagal ng limang minuto ang halik niya sa akin. Napahawak ako sa bewang niya dahil sa masyado siyang maliit para tumingkayad nang matagal sa akin.
Tinulak ko si Zoe para matapos na ang ganap na ito. Tila ayaw niya kasi tumigil.
She confusedly looked at me.
"Why?"
"Ang galing mong humalik," ani ko.
"Move on na, Bryan. Please."
"Tutulungan kitang kalimutan siya." Dugtong pa niya.
No way. Ayoko. Kung kalilimutan ko siya, what about our friendship? Kalilimutan ko na lang nang gano'n-gano'n 'yon?
"Correction. My feelings for her not her," diin ko.
This felt wrong. Umamin ako kay Luna, then ito? Naguguluhan na ako. Gusto kong mag move on, pero hindi ko magawa dahil magkaibigan kami.
With our friendship, magpapatuloy lang ang pagkagusto ko kay Luna. I tried to court Zoe para makalimot. Damn! This is driving me insane.
Mananatiling magulo ang puso ko at ang buhay namin kung ipagpatuloy ko pa ang pakikipagusap kay Luna. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.
***
Buong maghapon ay tumambay ako sa loob ng cafeteria. Hihintayin ko ang uwian at kakausapin si Luna para magpaalam nang maayos. Hindi ako nagkaroon ng maayos na pagkakataon na makausap si Luna about sa paglipat ko. Ano ba kasi ang pinaggagawa ko.
Nag-ring na ang bell at nagsimula nang dumami ang mga estudyanteng lumalabas ng kani-kanilang room. Maya-maya pa, nahagip na ng mata ko si Luna na walang buhay na naglalakad palabas.
Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Luna!" Sigaw ko. Lumingon siya sa direksyon ko.
"About kanina, I'm so—"
Isang malutong na sampal ang dumampi sa kaliwa kong pisngi.
Tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha. Nanatiling salubong ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa akin.
"How dare you?! Kung magpapaalam ka, magpaalam ka, pwede bang dalian mo na."
"Look, Luna I didn't---hindi naman talaga ganon ang pinlano k—"
Isang malakas na sampal ang muling dumapo sa kaliwang pisngi ko.
"Pinaglalaruan mo na rin ako? Tangina Bryan. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo."
"I'm sorry." Yumuko ako.
"Hindi ko na kaya ang friendship na ito. Ayoko na maging martyr, tanga, bulag, at panakip-butas," wika ko sa nanginginig na boses.
"Goodbye, Luna. Forget about me."
Tumalikod na ako at naglakad na palayo. Hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Hindi ito ang pinlano ko. But, this is for my own good. Our own good. Matatahimik na ang buhay niya pati na buhay ko.
Kahit masakit, I need to let you go, our friendship go.Para ito sa ikabubuti naming dalawa. If we keep spending time with each other, lalo lang lalala ang pagiging tanga ko pagdating sa kanya. After what I did, I know na hindi na ito magiging tulad ng dati.
Kahit aning gawin ko, ako lang yung ultimate sidekick niya. Kaibigan lang ako sa kanya. Hindi na mababago 'yon, dahil ilang beses na niya itong napatunayan sa akin.
Goodbye for now, Luna. Kapag nagkita tayo soon, okay na ako. Tanggap ko na at nakapag move on na ako non. Salamat sa nine years of friendship.
Goodbye, my first love.