Sky's Point of View
Hindi ako makapaniwalang nahalikan kong muli si Luna. Sa pagkakataong iyon, nagpaalam ako at hindi naman siya pumalag.
Nagpasya akong lumabas na ng classroom nang maubos na ang estudyante sa classroom para maiwasan ang pagkikita namin ni Ms. Alonzo. Ayoko na mg utos. Gusto ko na matulog.
Paglabas ko ng campus, binuklat ko ang dala kong payong dahil sa lakas ng ulan. Natanaw ko ang isang babaeng nakatayo sa tabi ng garden. Nababasa ng ulan.
Why the heck?
Tinakbo ko ang babae nang matanaw kong si Luna ang nakatayo. Bakit nagpapaulan at tila tulala ang isang ito? Gusto ba niya magkasakit?
"Luna, bakit?" Sinilong ko siya sa payong ko.
Tumingin ako sa suot niya. Kitang kita na ang undergarments niya dahil wala siyang suot na vest ngayon.
Fuck. Mata mo, Sky!
"Luna, malamig. Uwi ka na." Tinapik ko siya sa balikat, ngunit bigo ako dahil hindi niya ako kinikibo.
Tinanggal ko ang vest ko at pinatong sa balikat niya. Inalalayan ko na siya palabas ng campus. Mukhang walang sundo ang isang ito dahil walang sumasalubong na sasakyan. Nakalabas na kami ng campus hindi pa rin kumikibo si Luna. Nanatiling tikom ang kanyang bibig pati na ang kanyang mga kamay. Pumara ako ng tricycle para maisakay na siya pauwi.
"Ayoko umuwi," dinig kong sambit niya.
"Why?"
"Ayoko umuwi," aniya sa nanginginig na boses.
Hindi ko siya madadala sa bahay dahil wala si Kuya sa bahay at nasa kanya ang susi. Sinabihan na niya ako na makikitulog ako sa bahay ng pinsan ko na si Kyle pansamantala.
"Wala tayong pupuntahan." Tumingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya. Hindi ko matuloy kung umiiyak ba siya o hindi dahil sa ulan.
"Sige. Isasama kita sa'kin." Pumara na ako ng tricycle palabas ng Gil Puyat St.
Dinala ko siya sa motel para mag stay siya roon buong gabi kung nais niya na hindi umuwi. Isang room lang ang kinuha ko, para sa kanya.
"Iiwan mo ako?" Bigla niyang tanong habang nasa counter kami hinihintay ang susi ng kwarto.
I'm so screwed.
"No. Rerenta na lang din ako ng room ko." Tinanong ko ang cashier kung may available pa bang room.
"Wala na pong room. Last na po iyan." Mukhang wala akong choice. Sasamahan ko si Luna sa isang kwarto.
Pagpasok namin ng motel, binukan ko agad ang heater dahil kita ko na sa kanya na sobrang nilalamig na siya. Umupo siya sa sahig at tumingin lang sa pader.
"Ano ba kasi pumasok sa isipan mo at ayaw mo umuwi?" Iritang tanong ko. Marami pa akong gagawin sa bahay ng pinsan ko. Baka hahanapin ako ni Kyle don at sabihing wala ako sa bahay.
"Si Bryan..." Mahinang tugon niya.
Tumingin siya sa'kin. "Aalis papuntang Japan. Aalis na hindi kami okay."
Huh?
Umupo ako sa tabi niya. Nararamdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Kahit ako ay giniginaw dahil nabasa ako sa ulan.
"Hubarin mo muna 'yang damit mo. Lalabas na lang muna ako." Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinila paupo sa tabi niya.
"Dito ka lang pakiusap." Bulong niya.
How this girl is so comfortable with me. Lalaki ako. Nasa iisang kwarto kami. Kaming dalawa lang walang iba. May kama...at
Sky! Stop it.
Hinubad ko ang suot kong polo shirt. May sando naman ako sa loob kaya ayos lang. Tinanggal ko na rin ang suot kong slacks dahil sobrang basa at nakakadagdag lamig.
Tumingin ako kay Luna na nangangatog na sa lamig. Matagal siguro siyang nabasa ng ulan.
"Luna," tawag ko sa kanya at saka siya hinila para maupo sa harapan ko.
Kinuha ko ang kumot ang sinukob sa likod ko.
"Hubarin mo yang damit mo. Magkakasakit ka niyan."
Lumingon siya sa akin at umiling.
"Di kita gagalawin wag kang mag alala." I smiled.
Tumango siya at tumalikod sa akin. Pumikit ako para hindi ko makita ang kanyang ginagawa. Ayos lang sakin makakita ng babaeng naka undergarments lang dahil common na sila sa beach at resorts.
Naramdaman kong umupo siya sa pagitan ng hita ko. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at naramdaman ko nang bigla niyang ipayakap ang sarili ko sa kanya.
"L-Luna, huwag." Naiilang kong saad.
"Malamig. Yakapin mo ako."
Kagaya ng nasabi niya, umurong akong kaunti at dinikit ang dibdib ko sa kanya. Damang dama ko ang sobrang pangangatog niya. Dinamay ko na siya sa nakasukob na kumot sa likuran ko para sa dagdag init.
"Nililigawan mo ako, 'di ba?" Bigla niyang tanong sa gita ng katahimikan.
"Hm."
"Willing ka bang mag hintay?"
"Oo." Tugon ko. Naamoy ko ang buhok niya. Kakaiba ang amoy ni Luna. Tila rosas na haluan ng sampaguita.
"I like you, Luna," bulong ko.
Hinihintay ko siyang tumugon, pero wala na akong narinig na boses matapos kong sabihin iyon. Tumingin ako sa kanya at nakita kong tulog na tulog na siya. Binuhat ko siya pahiga sa kama para makatulog na siya nang maayos.
Kinumutan ko siya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang balat.
Isang babae at lalaki sa kwarto. May kama. Ako, walang polo at slacks...
At si Luna...
Walang suot na sando...
Katabi ko siya
All defenseless.
Umiling ako sa mga naiisip ko. Himiga na ako at tumalikod sa kanya. Bukas na bukas ay aalis ako agad dito. Malilintikan ako sa kuya ko. Lalo na si Luna na hindi umuuwi sa bahay nila.
Napatingin ako sa phone ko nang umilaw at mag vibrate ito. Nag message sa akin si Bryan.
"Take care of her. Ikaw muna humandle ng stress ng taong yan. See yah!"
Stress? Bakit? Ano meron sa'yo. Iniwan ka ng best friend mo for nine years, at heto ka ngayon - defenseless at katabi ako.
Sumulyap akong muli sa kanya. Nanlaki ang mga mata ki nang bigla siyang dumilat.
"Gawin mo na gusto mong gawin sa'kin, Sky." What the fuck? Are you that naive?
"Okay. Goodnight." Ani ko at tumalikod. Gusto ko nang matulog. Wala akong ibang maramdaman kundi pagod at pagkabalisa dahil ilang gabi na akong walang tulog. Ayoko na mapansin ni Ms. Alonzo. Puro na papel ginagawa ko.
Nanatiling bukas ang mga mata ko buong gabi. May pagkakataong tumititingin ako sa phone ko para magpa-antok, pero kahit kaunti hindi ako nadapuan ng antok.
Bumaling ako ng pwesto sa harapan ni Luna. Mahimbing siyang natutulog. Sa ganitong angulo, kitang kita ang details ng kanyang mukha. Meron siyang makinis na mukha, mahahabang pilik-mata, at mapupulang labi. Bahagya akong napangiti nang makita siyang nagising dahil sa paghaplos ko sa kanyang buhok.
"Why?" Tanong niya. Kinusot-kusot niya ang namumungay niyang mata.
"You're beautiful." I smiled.
Ngumiti lamang siya at pumikit nang muli.
Pumikit na rin ako at bumaling sa kabilang side. Sa pagkakataong iyon, naka ramdam na ako ng antok.
Bigla na lang akong nanghihina kapag kasama ka.
Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, maayos mo rin 'yan.