Luna's Point of View
Hingal na hingal akong nagpunta sa classroom namin para kuhanin ang bag ko dahil oras na para lumipat ng section dahil chemistry na next subject namin. Pag-upo ko sa proper seat ko, katabi ko ang nakangising Bryan.
"What the fuck?" iritang bulalas ko nang bigla niya akong hinawakan sa kamay.
Umirap lang siya. Napakasarap mo talagang ihampas sa pader Bryan no? Paminsan sinisira mo araw ko.
"Nabasa mo na?"
Kumunot ang noo ko. Pinitik ko ang noo ko nang maalala ko ang nobelang binili ko kay Bryan. Nabasa ko at tapos ko na. Maganda ang story. Nakakatawa at medyo nakaka-relate ako kasi parang ako ang protagonist doon.
"Yep. Maganda 10/10." Nag thumbs up ako. Nakita kong yumuko siya at ngumiti. Ang weird mo talaga Bryan.
"So nabasa mo na confession ko?" Aniya.
W-wait..ANO?!
"Confession?" Kinuha ko sa bag ang libro niya at hinanap ss likuran ang sinabi niyang confession. Pumukaw ng pansin ko ang 'Author's Note'. May naka italicized na sentence dito ah.
You mean the world to me.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano naman 'to?"
"Duh. Confession. Love confession." Iritang tugon pa niya.
"Para sa'kin ba?"
"Oo. 8 years kitang naging best friend, imposible na hindi ako na fall sa'yo no. Ang ganda mo kaya."
Tangina. Ba't ba napaka straight forward ng isang 'to?
"Marupok lang ako Bryan. Tigil tigilan mo ako." Pinasok ko na sa bag ko Libro at umayos ng upo.
"Sus. Halikan kaya kita para maniwala ka." Nakangising sambit niya.
I smirked, "Sige nga!" Pumikit ako.
Naramdaman kong hinaplos niya ng malalaki niyang kamay ang kabilang pisngi ko. Naramdaman kong hinawi niya konti ang buhok na naka harang sa mukha ko.
"Hey!" Napalingon kami nang sabay.
"Ano ginagawa mo?" Lumapit sa'min si Jude.
"Nah. May challenge lang ako sa kanya. You know best friend stuff."
"Pft! Kala mo naman talaga gagawin ko sa'yo 'yon Luna?" Natatawang sambit niya.
Yeah. Never naman nagpakita ng weird signals sa'kin 'tong si Bryan. Di pa siya nagpakita kailanman ng mga sensyales na gusto niya ako. Yung confession niya hindi convincing. Baka nang aasar lang 'yon.
Sinamaan lang kami ng tingin ni Jude at saka bumalik sa upuan niya. Umalis na rin si Bryan sa tabi ko dahil dumating na rin ang subject teacher namin.
Natapos ang buong araw nang hindi ako pinapansin ni Jude. May pagkakataon kasing tumatabi ako sa kanya pero hindi niya ako kinakausap. Luh. Tampo yarn?
Maaga nag dismiss ang last subject namin. Subukan ko kayang kausapin si Jude? Nagseselos ba siya dahil sa ginawa ni Bryan sa'kin kanina?
Napatalon ako nang bigla akong tinapik ni Bryan sa balikat.
"Una na ako. Bukas dalhin ko 'yong volume 2 ng story na dala mo ngayon." What the fuck? May volume 2 pa? Hala siya. Sabagay. Maganda naman story. No wonder kung bakit sobrang sikat niya sa wattpad.
Nilapitan ko si Jude na nagaayos ng gamit niya.
"Jude, galit ka sa'kin? I mean, sa'min ni Bryan actually." Wika ko.
Umiling-iling siya. Mukhang ayos naman ang isang 'to.
"Look, Luna. I risked my own feelings kasi ayoko masira friendship natin at mawala ka sa'kin. Nakakasama lang ng loob na makikita ka ginaganon ng iba."
"Sorry. Gano'n lang talaga kami ni Bryan. Mukhang ngayon mo lang ata napansin. Sanay na kasi ako sa isang 'yon." Ngumiti ako.
"Sorry Luna, pero kung gano'n lang din ang sitwasyon, mabuti pang ligawan na kita." Seryosong wika niya.
Ligawan? Parang ako pa ata ang nahiya kasi wala naman akong binatbat sa isang 'to. Tyaka, may isa pa. Pa'no kung nanliligaw talaga si Sky? Sinubukan niya akong haranahin kanina, pero hindi niya nagawa dahil nag overreact ako.
"Wait Jude. Masyado kang mabilis mag desisyon."
"And what? Let Sky na ligawan ka at unahan ako sayo?" Inis na wika niya.
"Ano tingin niyo sa'kin ha? Laruan? Unahan kayo sa pagkuha gano'n?" Inis na sinukbit ko ang bag ko at lumabas agad ng classroom. Narinig kong tinatawag niya ako habang tumatakbo. Tumakbo na ako nang mabilis.
Natumba ako nang bigla akong nabunggo sa kung sino. Nakita ko siyang napaupo rin.
Si Sky. Of course.
"Bakit ka tumatakbo?" Hinawakan niya ako sa braso.
Pumiglas ako. "Bitiwan mo ako. Tigilan mo na rin ako kung pwede."
"Tigilan?"
"Luna sandali!" Habol-hiningang tawag niya sa'kin.
"Ikaw na naman?!" Narinig kong wika ni Sky.
"Bida-bida. Pareho kaming nangliligaw sa'yo, Luna. Sino pipiliin mo sa amin?" Tanong naman ni Jude.
"Wag mo siyang pilitin Jude. Di mo siya makukuha na tulad ng mga babae mo."
"Tigilan niyo na akong dalawa pakiusap. Wala akong panahon sa inyo." Tumalikod ako at naglakad na palayo. Nakita ko si Bryan sa malayo kaya hinabol ko na siya.
Ayoko muna isipin ang mga ganyang bagay. Disappointed pa rin parents ko sa grades ko at kailangan kong bumawi. Kung hindi baka tuluyan na akong mag aral sa bahay kasama ang boring na teacher ko noon na si Ma'am Cina.
"Bryaaaaan~"
Lumingon siya sa'kin at ngumisi.
"Kailangan mo na ba ng kiss?"
"Hindi tanga! Yung dalawang kumag kasi tila pinag-aagawan ako." Inayos ko ang kwelyo ko.
"Haba ng buhok. Alam mo ano magandang solusyon diyan?"
Kumunot ang noo ko, "Ano?"
"Jowain mo ako."
Hinampas-hampas ko siya sa balikat. Nakakainis talaga kausap ang isang 'to.
"Kadiri. Bahala ka nga diyan, hmp!" Iritang sambit ko.
Nakita ko sa malayo si Sky na naglalakad na palabas ng gate. Takang tumingin siya sa'kin.
Nagulat ako nang biglang nilagay ni Bryan ang mukha ko sa dibdib niya. Tangina kelan ka pa ganito ka bango ha?
"Wag mo nang tignan." Nadinig kong sambit ni Bryan.
Hinila niya ako palabas ng campus. Saktong paglabas namin, nasalubong namin ang sundo ko. Sinabay ko na si Bryan. Sa bahay muna kami ni Bryan.
***
"Ikaw bakla ka kung anu ano'ng mga paandar mo!" Binato ko siya ng maliit na unan.
Narito kami ngayon sa guestroom ng bahay namin. Wala kasi parents ko. Ang guestroom ng bahay namin ang naging ultimate tambayan namin ni Bryan since elementary. Marami kaming tinagong mga gamit dito para kapag dito siya makikitulog, meron kaming malalaro gaya ng mga uno cards, chess, snake and ladders, tyaka monopoly. Kapitbahay lang kasi namin si Bryan at parehong friends ang mga parents namin.
"Yung confession pala kanina...totoo 'yon. Para sa'yo talaga." Aniya at yumuko.
"Luh parang gago ka. Weh ba?"
"Oo nga. Laltely parang kakaiba na 'yong tingin ko sa'yo. Parang naging babae ka na sa'kin, hindi tulad ng dati na lalaki ka rin tulad ko." Umupo siya at nagtakip ng mukha gamit ang unan.
Tumabi ako sa kanya, "Gago ka! Crush kita dati, eh. Kaso diring-diri ka pa sa'kin no'n."
"Si Zoe, akala ko ba nililigawan mo 'yon?" Tanong ko.
"Ewan. Ayoko sa kanya. Ang arte. 'Di tulad mo di ka maarte. Maganda pa." Ngumiti siya.
Gago ka Bryan wag kang ganyan.
"Kaso, alam ko namang si Sky type mo." Dugtong pa niya.
"Parang nga eh. Mixed signal kasi pinapakita sa'kin no'n. Eto namang Jude, nakakatakot. Kanina nawala yung pagiging comfortable ko sa kanya," wika ko.
"Support na lang kita."
Tumingin siya sa'kin at hinawi ang buhok sa pisngi ko, "Weird. Hindi ka naman ganito kaganda sa paningin ko noon ah?"
Tumayo ako, "Baliw. Nakakakaba ginagawa mo."
"S-Sorry. Nadala lang. Pero wag kang mag-alala, hindi ko ipipilit sa'yo feelings ko."
"Dapat lang. Napaka biglaan naman kasi niyan. Hindi ka naman nagpapakita ng mga signs na type mo na pala ako eh." Natatawang sambit ko.
"Pero, at least alam ko. Salamat kasi na appreciate mo pagiging maganda ko." I beamed.
"Sus! Tanga ang corny mo 'di bagay sa'yo."
***
Sky's Point of View
"Ano sabi mo? Ikaw pipiliin ni Luna?"
Isang malakas na suntok ang lumipad sa mukha ko. Natumba ako at napahawak sa pisngi ko.
"Ayoko ng away, Jude. Kung gusto mong mapasa'yo si Luna, siguraduhin mo lang." Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Wala ng umaawat sa'min dito dahil wala na ring masyadong estudyante.
"Pathetic." Narinig kong sambit ng isang babae sa likuran ko.
Lumingon ako, "Porsche?"
"Ano kaya kung, ikalat natin 'tong video ni Sky na inedit ni James para masira siya kay Luna?" Aniya habang winawagayway ang kanyang cellphone sa harapan ko.
"Don't you fucking dare!" Sigaw ko.
"Buti na sa'yo pa 'yan?" Lumapit si Jude kay Porsche.
Try me Jude. Hindi pa kita nagantihan buong buhay ko. Kung ano man kasalanan ko sa'yo, labas na ito kapag nalaman ni Luna ang tungkol dito.
"Sa susunod na makita kong kasama mo si Luna, isang pindot ko lang ng share, masisira na pangalan mo." Gigil na wika niya.
"Ano ba nagawa ko sa'yo ha?"
"Di mo alam? Ha! Kasi manhid kang kupal ka."
Kinwelyuhan ko siya sa sobrang inis ko.
"Kung hindi ka lang nagpabida, ako na sana ang pinaka magaling na musikero ng campus. Ako na sana ang kinililala ng lahat at ako na lang sana ang naging tutor ni Luna. MAS MAGALING AKO SA'YO TANDAAN MO 'YAN!" Aniya.
"Right. Ikaw ang pinakamahusay
." Tumango ako. 'Yon lang pala. He wanted fame. Hindi ko naman intensyon na kuhanin ang bagay na hindi naman talaga dapat inaangkin.
"Kaya pala umalis ka sa banda natin, Jude."
"Sana sinabi mo sa'kin noon pa para nagawan ko ng paraan." Dugtong ko.
Tumalikod ako. "Galit ka sa'kin dahil sa nakuha kong hindi ko naman ginusto, samantala binawi mo naman ang friendship na pinanghawakan ko bago mo ako pagtripan two years ago."
Hindi na ako nakarinig pa ng imik mula sa kanina. Iniwan ko silang tameme. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong pagdaanan ang ganito. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng kaibigan na iniibig ko, mawawala pa sa'kin.
Si Luna ang nagpasaya ng malungkot kong buhay. Minulat niya ang mga mata ko sa mga bagay-bagay. Nang dahil sa kanya, nagkaroon ako ng dahilan kung bakit ako pumapasok araw-araw at nag aaral nang mabuti para matuloy ko ang pangarap ng ina namin na maging Engineer ako. Si Luna ang nag-ahon sa'kin sa pagkalubog ko sa nakaraan.
Tignan na lang natin kung sinong pipiliin niya.
Tinginan ko ang phone ko kung nagreply na ba si Luna sa mga messages ko. Mukhang hindi niya pa nakikita. Puntahan ko kaya sa bahay nila?
***
Nagpunta ako sa bahay ni Luna para iabot ang dala kong mga orange at mga mansanas. Wala akong budget kaya eto lang muna.
Bumukas naman agad ang gate nang nag doorbell ako. Bumungad sa'kin ang pagmumukha ni Bryan. Pareho kaming nagulat at natigilan.
"L-Luna! Si Sky narito!" Sigaw niya. "Wait lang pre ha."
Maya-maya pa, lumabas na si Luna. Nauna na si Bryan matapos mag paalam sa aming dalawa.
"Di na ako papasok. Dinalhan lang kita ng prutas." Inabot ko sa kanya ang supot. Nakangiti niyang kinuha ito at tumingin sa'kin.
"Bakit ang gulo mo?" Tanong niya.
Takang tumingin ako sa kanya, "Magulo?"
"Nililigawan mo ba ako?"
"Di pa ba obvious?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin.
"BAKIT?!" Bulalas ko.
"Tangina kalmahan mo 'yang pagiging gwapo mo!"
Namumula siya sa hiya habang hawak niya ang supot na inabot ko. I have nothing to say. Ang cute niya. Hinila ko siya at niyakap. Naramdaman kong nilubog niya ang kanyang ulo sa dibdib ko.
Bumilis tibok ng puso ko.
Inalis ko siya sa pagkakayakap sa'kin.
"Nabasa mo na ba mga messages ko?"
Umiling-iling siya, "Di pa. Confiscated phone ko dahil mabababa grades ko."
"Yan may dahilan ka na para tigilan panliligaw mo." Dugtong niya.
"Basahin mo pag nakuha mo na. Btw, gusto mo ng tutor?
"Meron na akong tutor." Napakamot batok siya.
"Ah." Tumango ako.
Di rin ako makakapagfocus kapag siya tuturuan ko.
"Sige na gabi na. May pasok pa bukas" Aniya.
"Bye."
Sinaraduhan na niya ako agad ng gate. Hindi pa pala niya nababasa messages ko. Akala ko naman iniiwasan niya ako. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman 'yon mula sa kanya.
Hindi ako papayag na mapupunta ka kay Jude, Luna.
Hindi ako siguradong ako pipiliin mo, pero lalaban ako nang patas at walang pandaraya.