Sky's Point of View
Hindi pa pala niya nababasa mga messages ko sa kanya. Akala ko iniiwasan niya ako dahil sa pabiglang pag-amin ko at 'yong pagpigil niya sakin sa panghaharana ko sa kanya.
How cute.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng street light. Mukhang si Bryan ang isang 'yon. Naglakad ako papunta sa direksyon niya at bago pa man ako makalapit, tumingin siya sa pinaroroonan ko, at lumapit.
"You like Luna. Huh?" Seryoso siyang tumingin sa'kin. Ano ito? Isa ko na namang makakaaway kay Luna? Ilang lalaki sa buhay pa niya ang makakaharap ko?
"Yes."
Lumapit siya sa'kin, "Just don't break her heart, okay?" Tinapik niya ako sa balikat at saka naglakad.
"8 years ko na pinapasaya ang babaeng 'yon. Kaya kapag nalaman kong sinaktan mo siya, di ko na responsibilidad na i-comfort si Luna."
"But why?" Tanong ko.
"She'll be yours soon and no longer mine." Lumingon siya at mapait na ngumiti sa'kin.
"I also like her. Pero pakiramdam ko kapag ikaw na ang nagpapasaya sa kanya, I'll become useless." Dugtong pa niya.
"Di ko naman siya kukunin sa'yo. She's your friend." Wika ko. Lumapit ako sa kanya at tinapik tapik siya sa braso.
"Ginawa na niya sa'kin 'yon noon." Tumalikod siya.
"And it hurts."
Naiwan akong tulala sa eskinita. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko hindi ko pwedeng makuha ang puso ni Luna. Maraming humadlang sa akin. Pakiramdam ko hindi ko deserve si Luna. Kapag ipagsisiksikan ko sarili ko sa kanya, may masasaktan.
Bakit ang hirap mong abutin, Luna?
But,
Moon belongs to the Sky.
***
Bryan's Point of View
"Luna, kapag mabibigyan ka ng pagkakataon na mabago ang takbo ng buhay mo, ano naman gagawin mo?" Tanong ko habang inaayos laman ng bagpack ko. Lunch time na ngayon at ang dalang ulam ni Luna ay nuggets.
"Siguro, maging normal na tao lang. Yung bang hindi na pipilitan gawin ang mga bagay na hindi ko naman gusto. Tyaka, kung may pagkakataon lang, ikaw pipiliin ko kesa sa mga naging ex ko. Like, you're always there for me," aniya habang nginunguya ang chicken nuggets.
Nabanggit na sa'kin ni Luna noon na may gusto siya sa'kin. To be honest, 4 years ko na tinatago ang feelings ko sa kanya. Dahil nga ayoko masira friendship namin, pinili kong manahimik. Masaya naman akong nakikitang masaya si Luna sa tabi ko. I even wrote a novel para kanya na hindi niya alam na about 'yon sa complicated love story namin.
Tsk. Tsk.
"Eh, ikaw ba?" Tanong niya.
"Tatakbo backwards." Sarkastikong sagot ko. Kinurot niya ako sa braso na siya namang naging dahilan para mahulog ang kutsara niya sa sahig.
Nakita kong ngumuso siya bago pinulot ang kutsara sa sahig.
Kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang kutsara. "Dirty na yan, anak. Gamitin mo akin."
"Subuan mo na lang ako, pa."
Dami talaga kalokohan ni Luna. Hindi niya alam nasa akin ang phone niya pinatago ng mama niya. Magaling daw kasi maghanap si Luna kapag nasa bahay lang nila o kaya nama'y nasa opisina nila.
Inabot ko sa kanya ang kutsara.
"C.R. lang ako," paalam ko.
Tumayo ako at palihim na kinuha ang phone niya sa bag ko. Kagabi pa ako curious kung ano'ng laman ng phone niya. Alam ko naman password kaya madali ko ito mabubuksan. Kagabi pa kasi maingay notifications ng phone niya at kanina naramdaman kong nag-vibrate ang phone niya nang paulit-ulit.
Binuksan ko ang phone niya. Tumambad sa'kin ang locksceen niya na punong puno ng messages mula kay Sky Capariño.

"Sorry sa sudden confession."

"Nood ka bukas ha."
Ilan lang ang mga ito sa mga nakita ko sa notifications niya sa kanyang locksceen. May gusto sa kanya 'yong tutor niya sa guitar lessons? Siguro hindi ko na lang titignan ang laman. By saturday, iaabot ko na sa kanya ang phone niya.
Kailangan ko na talaga umiwas.
[Flashback/]
"Sinabi ko na sa'yo eh, tigilan mo na ang ex mo na 'yon. Kahit isang taon kayong nagkasama, 'di naman worth it 'yon kasi niloko ka lang niya di ba?" Isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ko.
"Wala kang karapatan husgahan ang naging relasyon namin ni Lukas!"
Yeah. As I expected. Ako na naman ang kontrabida rito. After all I did maging sila ng Lukas na 'yan, naging saksi pa ako ng relationship nila, at pati na panloloko ni Lukas, eto lang makukuha ko.
"Iyan hirap sa'yo, Luna. Nananatili kang bulag kahit kaharap mo na ang katotohan." Iniwan ko siyang umiiyak sa waiting shed. Nakakaawa man, pero sawa na ako eh. Bago pa man maging sila ni Lukas, nariyan na ako para sa kanya.
Ako ang nakasama niya sa lahat ng mga tama at maling desisyon niya sa buhay. Alam ko naman 'yon eh. Wala akong lugar sa romantic love niya. Wala naman akong pwesto para maging lover niya. Isa lang naman akong hamak na best friend na laging nariyan para sa kanya at never siyang iniwanan.
Mabilis naka move on si Luna sa ex-boyfriend niyang hindot. Matapos ang isang taon, may nakilala na naman siyang panibagong lalaki at sa maikling panahon lamang ay nagkatuluyan silang dalawa.
"Luna!" Tawag ko sa kanya nang makita siyang papasok ng canteen. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang 'di niya ako pansinin. Hindi naman ako malayo sa pinto ng canteen para hindi niya madinig. Siguro naka earphones lang.
Pumasok ako sa loob para hanapin siya at sabayan siya sa pagkain. Nakabili na akong tray meal ko at nagpasiyang umupo sa mesang napwestuhan niya.
"Luna, 'yong story ko na ginagawa may chapter 5 n—"
Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla siyang lumipat ng pwesto. Nakita kong tumabi siya ron sa bago niyang boyfriend na si Charles.
Ano ako, dumi? Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate ito.
Message.
"Sorry. Iiwas muna ako. Ayaw raw ni Charles na nakikita akong kasama ka."
Halos gumuho ang mundo ko matapos mabasa ang mensaheng iyong galing kay Luna. Ano 'yon? Wala na lang ako? Hindi na ako mag eexist sa kanya dahil sa boyfriend na niyang 'yon?
Luna, best friends tayo di ba? Mas matimbang ba talaga sa'yo ang relasyon niyo kesa sa 5 years Friendship natin?
Tumagal ng limang buwan ang pagiwas sa'kin ni Luna. Ang dating nakakasabay ko siyang kumain ng lunch, kasabay umuwi, at mag study sa library, ngayon ay wala na.
"Pangit ng ugali ni Luna, Bryan. Iniiwasan ka niya? Eh diba mas matagal kayong nagkakilala kesa don sa ngongong tisoy na 'yon?" Ani Zoe habang inaayos ang laman ng bag niya.
"Lalapit din sa'yo 'yon kapag naghiwalay sila. Kapag nangyari 'yon, wag mo siyang i-comfort. Comfort niya sarili niya." Wika ni Ice.
Oo nga 'no? Sa paraang 'yon kaya makikita na niya ang halaga ko bilang kaibigan niya?
Kagaya ng nasabi ni Ice, naghiwalay nga silang dalawa ng boyfriend niyang hilaw. Sa hindi ko inaasahan, nagpatuloy ang hindi pamamansin niya sa'kin. Nagtagal ito nang mahigit dalawang buwan.
Inabangan ko siya sa classroom nila. Nang palabasin na sila ng adviser nila, marahas ko siyang hinila papuntang arts room.
"Luna, hanggang kailan mo ako iiwasan?" Nanginginig na boses kong tanong.
Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin at humagulhol sa dibdib ko. Hinaplos ko ang buhok niya at sinusubukan siyang patahanin.
"Luna.."
"S-Sorry. Huwag kang mag alala, gaya ng advice mo sa'kin lagi, hindi ko pa binigay ang first kiss ko na siya namang dahilan para maghiwalay kami.." nagpatuloy siya sa pag-iyak.
"Wag mo nang gagawin ulit ang pag iwas sa'kin," bulong ko.
"Masakit." Nasaktan ako sa ginawa niya. Sobra akong nag lalaan ng effort para mapatagal ang friendship namin, tapos nagawa niyang tiisin na iwasan ako para sa lalaki niya.
Luna please. Don't beg for love.
Paninindigan kong aamin ako kapag grade 12 na kami. Ayokong masira friendship namin dahil sa feelings ko para sa kanya at ayoko rin namang mamatay akong di niya nalalaman feelings ko para sa kanya.
***
Do I need to confess my feelings to Luna? Naunahan na ako ng Sky na 'yon at nitong Jude. Siguro I'll give my shot at sabihing hindi ko ipipilit sarili ko sa kanya para hindi siya mailang sa akin. Natatakot talaga akong isang araw pag gising ko, wala na si Luna sa akin. Masaya na ako sa pagiging kaibigan niya. Kuntento na ako ron.
__________________________________
Luna's Point of View
"I see you did pretty well," nakangiting sambit ni mama habang hawak ang mga special exams na tinake ko para mai-angat ang grades ko.
"Yung phone mo pinatago ko kay Bryan."
"WHAT?!" bulalas ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata, "Kuhanin mo ron. Kilala kita, bata. Kapag alam mong itatago ko phone mo, mahahanap at mahahanap mo yan as long as nasa bahay natin." Aniya.
"Fine. Fine. Kukunin ko na ron sa bahay nila ngayon." Wika ko at saka nagtungo sa kwarto.
Nagsuklay ako at nagpabango. Sigurado ako, pinagtitripan na niya ang phone ko.
Nang makarating ako sa bahay nila, kumatok ako at agad naman niya ako pinapasok sa bahay nila. Gaya lang din ng pamilya namin, umaalis parati ang mga parents niya dahil parehong may trabaho, kaso may mga kapatid siyang kasama.
"Phone mo. Pwede ka na umuwi." Inabot niya sa'kin ang phone ko at malamig niya akong tinignan.
Bago ito ha? Hindi niya ako inasar. Ano na naman kaya nangyayari sa loob ng kaluluwa nitong Bryan na 'to.
"Bakit wala ka sa mo—"
"Shut up okay? Umalis ka na rin."
Napalakas ang boses niya. "Pati sa buhay ko, pakiusap."
"B-Bry?"
"Sawa na ako maging second lead mo Luna. Ayoko na maging option mo kapag mag isa ka. Sa ngayon kasama mo pa ako, pero kapag isa sa mga manliligaw mo na ang napasagot ka, malamang.." humina ang boses nito.
"Di mo na naman ako kilala." Aniya.
Oh my. Dala pa rin niya ang mga nangyari 3 years ago. I promised myself not to it again. Ayoko nang masaktan pang muli si Bryan sa mga kalokohan ko.
"L-Look, I'm so—"
"Enough, Luna. I can't do this anymore. Ang sakit na."
"Bry.."
"Look! I love you, okay? Una pa lang. Hindi kita pinandirian at kung ano pa man 'yan at alam kong hindi mo ako mamahalin pabalik." Aniya habang nakayuko.
"Mahal na mahal kita, Luna, at sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, sa takot kong mawala ka sa'kin, nagpaka martyr ako sa friendship natin."
Sa hindi ko malamang dahilan, naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam all throughout our friendship, may patingin siya sa'kin—or am I too dumb to think about that? Tangina. Sa sobrang focus ko sa paghahanap ng lalaking magmamahal sa'kin, nakalimutan ko ang taong katabi kong minamahal ako nang totoo.
"Gano'n na lang ba sa'yo 'yon Bryan, ha? Isusuko mo friendship natin nang dahil sa mahal mo ako?" Wika ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at matapang na tumingin sa kanyang mga mata.
"Bakit? Ginawa mo rin naman sa'kin 'to noon, ang kaibihan, hindi ako ang mahal mo." Tumalikod na siya at tuluyan na akong iniwanan sa labas ng bahay nila.
***
Binuksan ko ang phone ko at laking gulat ko nang makita ko ang sandamakmak na notifications. 99+ unread messages mula kay Sky, mga photos kay Jude, at mga videos naman kay Bryan.
Una kong binuksan ang conversation namin ni Sky. Binasa ko sa pinaka una.
"Sorry sa sudden confession."
"Nood ka bukas ha."
"Heto pala mga notes nung absent ka. Nag lesson ang teacher natin sa biology bago mag uwian."
He sent those pictures individually. Kaya pala ang dami. Akala ko naman nangungulit siya.
Ay ano ito? Kanina lang?

"Sorry Luna. But I think you deserve someone better"
"Bryan loves you."
"Ayoko maging hadlang at maging dahilan ng pagkakasira ng samahan niyo. Huwag niyong sayangin ang mga taong nagkasama kayo."
"Don't worry. I will not keep my distance"
"Goodnight."
Gumuho mundo ko ron sandali ah.
What the? Gulong-gulo na ako. Ang dami nilang problema ko. Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi nang mang vibrate ang phone ko. Nakatanggap ako ng mesahe mula kay Bryan.
"Can I come in? Nasa baba ako."
Dali-dali naman akong bumaba para salubungin siya sa gate at papasukin.
Hinatak ko siya pa akyat sa guestroom namin.
Umupo lang siya sa kama at tahimik na tumingin sa'kin. Maya-maya pa, unti-unti tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Bryan..."
Tumayo siya at niyakap ako nang sobrang higpit.
"Sorry sa mga nasabi ko kanina." Bulong niya.
"Mahal kita bilang kaibigan Bryan and I'm sorry kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa'kin. Gusto kong minamahal kita bilang kaibigan."
"I understand. Hindi ko rin naman ipipilit feelings ko sa'yo. Alam kong hindi talaga ako ang para sa'yo," bumitaw siya sa pagkakayakap.
"Pangako ko sa'yo. Hindi na mauulit ang nakaraan." Ngumiti ako.
Two years ago, nangako ako sa sarili kong hindi ko na kailanman iiwanan pa si Bryan nang ganon. Ayoko na siyang masaktan. Namulat na ako sa katotohanang I don't need to chase love. Love must chase after me.
Bahagya siyang ngumiti, "Thank you."
"Pwede namang maging tayo na lang Bry—"
"No. Shh. You don't have to that. I love you, pero hindi ako nag aasam na maging tayo dahil kuntento na ako sa friendship natin." Aniya.
"And I'm still happy with it." He smiled.
I'm so lucky to have this guy in my life. He's annoying, pero hindi naman nawawala ang full support niya sa'kin. Laitero siya, pero minsan daig pa lola kung puriin ako.
At this point, I still feel bad for Bryan. Matapos kong malaman na may lihim siyang pagmamahal at pinili niyang manatiling tahimik dahil ayaw niyang masira ang pinaka-iingatan niyang friendship namin. Pinili niyag kumapit sa akin kahit alam niyang wala siyang pag-asa sa'kin.
Ano naman gagawin ko kay Sky? Paano kung tuluyan na talaga akong iwasan ni Sky dahil kay Bryan? Si Jude? Ano gagawin ko sa kanya?
I love Bryan, but he's just a friend for me. Ayokong masira ang samahan naming dalawa na nagtagal ng 8 years nang dahil lang sa dalawang lalaking pinag-aawayan ako. Noon, akala ko maganda ang maraming nagkakagusto sa isang babae, pero hindi pala gano'n kadali yon.
Babawi ako sayo Bryan.
How about Sky and Jude?
Oh no. This is so bad.