Luna's Point of View
Matapos ang mga nangyari kagabi, niyaya kong kumain sa labas si Bryan. Matagal ko na siyang hindi nalilibre kaya bilang pambawi, kakain kami sa labas.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong ko.
"Kahit saan basta libre mo," aniya at kumindat.
Napagpasiyahan naming kumain sa isa sa mga pinaka kilalang karinderya ng Blumentritt ang Aling Noneng's Tapsilogan. Base sa isang post sa Facebook, ang kainang ito ay palaging binabaha ng mga diners. Bukod sa masarap ang mga pagkain, maganda rin ang service.
Bumiyahe pa kami nang mahaba mapuntahan lang ang kainang iyon.
Nang makarating kami sa tapsihan, umorder agad si Bryan ng pagkain namin. Sa tapsihan kasi, kapag dine in, mauuna ka munang kumain bago magbayad para enjoy ang pagkain.
"Hmm! Ang sarap ng chicharong bulaklak! Try mo sa mang tomas," saad niya habang tinataktak ang sauce sa kanyang platito.
"Heto po extra rice niyo." Nilapag ng waiter ang kanin sa plato ko.
"Hello, Luna." Ani pa nito.
Napatingin ako agad sa waiter at laking gulat ko nang makita siyang nakangiti sa akin. Naka suot siya ng apron at cap sa ibabaw ng hairnet.
"Ganda naman ng date niyo. Sa tapsihan pa," nakangiting sambit niya.
Tumikhim ako at sumubo ng kaunti. Tila ako mabubulunan sa kaba. Napatingin ako kay Bryan na nakangiti rin kay Sky.
"It's not a date. Nilibre lang niya ako." Ani Bryan.
Tumingin sa'kin si Bryan at nginitian ko lang siya. So dito nag w-work si Sky. Working Student pala siya. Kaya pala masipag maglinis ang Sky na ito dahil taga serve at taga-linis ng lamesa ang isang 'to.
Umalis na siya dahil tinawag na ng cook. Natapos na kaming kumain ni Bryan. Mahigit P 450 rin ang nagastos ko sa isang upuan sa tapsihang iyon.
Masarap ang pagkain kaya nagkaroon kami ng apat na rounds---dalawa sa meal, dalawa naman sa desserts. Recommend daw kasi ang buko salad dessert after kumain ng salty foods. Masarap ang buko salad nila.
Daig pa gawa ng mama ko.
Matapos kumain, nagpasya na kaming umuwi na agad dahil medyo makulimlim na rin at tila pabagsak na ang malakas na ulan. Maya-maya pa, bumuhos ang pagkalakas na ulan, sa kabutihang palad naman ay nasa jeep na kami. Dahil nga nasa Blumentritt kami, sobrang traffic kapag maulan.
"Nahihilo ako sa amoy ng mga tambutso rito," reklamo niya saka sinandal ang ulo sa ulo ko. Matangkad si Bryan kaya hindi niya abot ang balikat ko para sumandal.
Sanay na ako kapag ginagawa ni Bryan ang mga ganito---sasandal ang ulo sa akin, hahawakan kamay ko, at aakbay sa'kin. Bakit? 8 years na kami magkaibigan parang kapatid na ang tingin ko sa kanya, bago pa man siya umamin sa akin na may gusto siya sa akin.
Wala namang issue 'di ba?
"Ano mga bagay na nagpapasaya sayo?" Mahinang tanong ko.
"Itatype ko na lang sa phone ko. Nakakahiya eh."
Nagsimula siyang mag type sa phone niya at pinakita sa'kin ang nakatype.
"Mga nagpapasaya sakin? Pagsusulat, tapos ikaw. Yiee pakyu ka."
Ang cheesy talaga, pero nakakatuwa kasi part ako ng happiness niya. Kahit may swears ang sinabi niya, alam kong sincere 'yon. I know Bryan. He's always swearing, sarcastic, and weird, but behind that personality, he's kind and sincere.
Siniko ko siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. After kong malaman ang feelings ni Bryan sa akin, naramdaman ko bigla ang panghihinayang sa tuwing maiisip kong iiwanan ko siya ulit kagaya ng dati.
***
"Fuck you, Bitch. See you tomorrow. Di kita masusundo kasi may aasikasuhin ako," aniya at kinurot ang pisngi ko.
"Wow. Aasikasuhin. Big word, huh? Anyways, goodnight."
Tumalikod na ako at naglakad na papasok ng bahay. Ginabi kami dahil sa sobrang traffic. Umulan kasi nang malakas kanina at halos hindi na umandar mga sasakyan.
Biglang sumagi sa isipan ko ang pagmumuka ni Sky habang kausap kaming dalawa ni Bryan kanina. Nag p-part-time siya sa tapsihan ng tiyahin niya na siyang may-ari ng tapsilogan.
Nilabas ko ang mga art materials ko. Gagawan ko ng friendship album si Byran. Ginawan niya ako nito last 5 years ago. Marami kaming pictures together ni Bryan.
Nakilala ko si Bryan sa isang computer shop. Nakita kong nag tatype siya noon ng pinaka unang story niya na pinamagatang: "I can't, breathe". Nakita ko ang mga reads ng story niya sa wattpad. Umabot ito ng libo-libong views at votes. Tinanong ko siya noon kung ano'ng username niya sa Wattpad---kasi wala lang. Papansin kasi ako. At dahil don, nalaman ko na schoolmates kami at naging kung ano kami ngayon.
We promised each other to not to fall in love to each other. Kapag isa sa amin ang na-fall, friendship over na. Kaya I feel bad about those days na iniwasan ko siya para lang sa boyfriend na hilaw. Siguro dahil sa promise naming 'yon, nanatili siyang low-key sa feelings niya dahil ayaw niyang iwasan ko siya.
Bukas na bukas, babawi ako sayo Bry-Bry!
***
Maaga akong nagising dahil excited na akong iabot ang regalo ko kay Bryan. Ngayon araw kasi ang 9th year friendship anniversary namin. Maagang umaalis ng bahay si Bryan at gusto kong salubungin siya at supresahin.
Kumaripas ako ng takbo palabas matapos kong mag-asikaso at kumain. Nakikita ko siyang naglalagay ng bag sa loob ng sasakyan nila, but...
Bakit parang maleta naman ang bag niya?
Lumapit ako para tanungin kung bakit hindi naka uniform si Bryan at mukha silang aalis.
"Hi, Luna!" Bati sa'kin ng mama ni Bryan na si ate Sonia.
"Luna, usap muna tayo sandali." Aya niya sa'kin at saka hinila ako sa tabi.
"Lilipat na kami ng bahay."
"Ano?" Takang tumingin ako sa kanya.
"Bakit?" Bulong ko.
"Binenta ni mama ang bahay namin, tapos may nabili siyang bahay sa Japan," aniya.
"Iiwanan mo na ako?" Yumuko ako. Nararamdaman kong nag iinit na ang mga mata ko, and soon my tears will fall.
"Hindi nama-"
"Pa'no kung malimutan mo ako? Pa'no na friendship natin?" Putol ko sa kanya.
"Mawala ka man dito," nilagay niya ang kamay ko sa sentido niya, "Di ka naman mawawala rito," sabay lipat ng kamay ko ss dibdib niya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Heto na ang huling araw na makakasama ko si Bryan. Kaya ba nag confess na siya kasi aalis na pala sila?
Inabot ko sa kanya ang maliit na paper bag. Nando'n ang gawa ko kagabi. Kalakip na rin non ang letter na ginawa ko para sa kanya.
"Happy 9th year of friendship," ngumiti siya sa'kin.
Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti na pabalik.
"Pasok na ako."
Iyon na ang huling paalam ko sa kanya na papasok na ako. Hindi man halata ng iba na si Bryan ay isang mabuting tao ay dahil na rin sa kinikilos niya parati. Weird, bookworm, matalino, at laitero si Bryan. Sobra kong ma mimiss ang pang lalait at pandidiri niya sa mga kinakain ko. Lagi niya kasing sinasabi na nakakasuka pagkain na nilalamon ko dahil puro na lang nuggets.
Kung kailan kailangan kong bumawi, saka naman siya umalis.
Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad palayo sa kanila, unti-unting tumulo ang aking mga luha. Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong matutunan suklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano siya ka-importante sa akin.
Bryan Rei, wag kang umalis. Babawi pa ako sa'yo.
*Footsteps*
Napalingon ako.
"Luna, I am really sorry."
Hinawakan niya ang braso ko at hinila papalapit sa kanya. Ilang saglit pa,
I felt his lips touching mine.
Hinalikan niya ako. Nagtagal ang halik niya sa loob ng dalawang minuto. Hindi ko alam bakit ang halik na iyon ay may pakiramdam na hindi na siya babalik kahit kailan.
Tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad.
***
Nakakapanibago. Wala ng Bryan na sumasalubong sa akin. Dahil maaga pa, nagtungo muna ako sa garden para mag muni-muni. Pinagmasdan ko ang mga bulaklak at mga vines na nakasabit sa tuktok ng isang sanga.
"Ay!" Bulyaw ko nang biglang dumilim ang paligid dahil sa may magtakip ng aking mga mata.
Familiar?
"Luna..."
Natapayo ako agad nang marinig ko ang boses ng isang pamilyar na lalaki.
"Bryan?!"
"Each a prank!" Nakangisi niyang sambit.
"Aww.. let me see that face. Mukhang umiyak ka pag talikod mo." Lumapit siya sa'kin.
Sinampal ko siya nang malakas. "Ano'ng each a prank? Hindi ka aalis?"
"Arouch! Oo kaya nga each a prank eh."
"Tangina mo," ani ko.
Letche ka Bryan. Letche ka! Ngayon kailangan ko na panindigan pinagsasabi ko sa narration kanina!
"Sarap ba ng kiss?"
"PUTANG-"
Tumakbo siya nang mabilis palabas ng garden. Hindi ko na hinabol kasi baka ma haggard naman ako.
Pero, masaya na ako dahil hindi pala totoo ang pinagagagawa ng mokong na iyon kaninang umaga. Loko talaga ang isang 'yon! Sa kanilang banda, makakabawi ako sa kanya.
"Looks like you guys are having fun?" Dinig kong sabi ng kung sino sa likuran ko.
"S-Sky!"
Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate ito.
A message from Bryan;
"Do your move. This time, I'll guide you."
Bahagya akong napangiti sa nabasa ko. Tinaas ko ang tingin ko sa seryosong nakatingin na si Sky.
"Pasok na tayo," aniya.
"O-okay."
Hindi ko pa alam. Ayoko munang umamin hanggat hindi okay si Bryan. At kahit sabihin niyang susuportahan niya ako sa lovelife ko, hindi ako makakasiguradong magiging masaya siya para sa akin. Knowing that he loves me, hindi ako magiging masaya sa future relationship ko no'n kung pakiramdam ko may naiwanan ako.
Tulala ako buong umaga sa tatlong subjects ko. Hindi ko maiwasang isipin ang mga possibleng mangyari. Gusto ko si Sky, but how about Bryan? I don't like Jude anymore. Hindi ko pa siya nakakausap simula no'ng nagkasagutan sila ni Sky.
"Are you alright?" Nagising ako sa reyalidad nang bigla akong tapikin ni Sky. Right. Tapos na pala ang klase. Recess time na.
"Stressed ka ba?" Kunot-noong tanong niya.
"Uh, No! Ayos lang. Hehe."
Tumayo siya at nilipat ang upuan sa harap ko. "You're not. Mukhang may iniisip ka. You want to talk about it?"
Wait. What?
"Uh. Hindi na. A-ayos lang talaga ako," wika ko. Tumayo ako at lumabas ng classroom para dumiretso sa canteen.
Napalingon ako sa art studio. Bukas ang mga ilaw nito at nakasarado ang pinto. May kaunting awang sa binata buhat ng humahangin na kurtina. Sumilip ako para matignan kung ano'ng meron. Ngayon ko lang kasi napansin ang Art studio na may tao simula no'ng nalipat ako.
Napatakip ako ng aking bibig nang makita ko ang dalawang taong magkalapit.
They're kissing?!
Hinawi ko pa nang kaunti ang bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Bryan at Zoe ang magkahalikan sa classroom.
"H-how?" Bulong ko. Napa-atras ako sa gulat.
"Luna?"
Tumingin ako kay Sky na nasa likuran ko. Hindi na ako nagsalita pa at hinila ko siya sa music room.
How could he? Umamin siya sa akin na mahal niya ako, then ito? Makikita kong nakikipag laplapan siya ro'n kay Zoe? The one he said na ayaw na niyang ligawan? Matapos niya akong halikan kanina? I don't understand.
Tulala akong tumingin sa bintana ng music room.
"Why?" Lumingon ako kay Sky at nagpunas ng luha.
"Ano gagawin mo kapag umamin sayo best friend mo na mahal ka niya, at makikita mo na lang siyang may kahalikang iba?"
"I don't know. Wala pa akong naging best friend. But I suppose that you're talking about Bryan, right?" Umupo siya.
Dahan-dahan akong tumango.
"Well, trying to put myself in your shoes, wala na akong dapat gawin. He kissed that girl."
"He kissed me too," mahina kong sambit.
"Then, I think he wants to see this too."
Tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
And
His lips. He's kissing me.
Again.