Luna's Point of View
Maaga akong nakarating ng school dahil sumabay ako kila mama at papa. Ngayong araw, kakausapin nila si Sky about sa pag tigil sa guitar lessons namin. Galit na galit si mama no'ng nalaman niyang wala akong natututunan sa sessions namin ni Sky.
Ginawa ni Sky ang best niya para turuan ako, pero ako lang talaga itong may problema.
Maganda na rin 'yong matigil na ang mga lessons para mas mabawasan ang pagsasama namin ni Sky. Ayokong maging hadlang sa ibang babae para makuha si Sky. Sa dami ba namang nagkakagusto kay Sky, tapos sa'kin lang siya babagsak? Aba baka hindi na ako nakauwi ng bahay na may buhok no'n, eh kung magkasama lang kaming mag recess, dami na agad nagagalit sa'kin.
Nasalubong namin si Sky na nag-wawalis ng hallway.
Nilapitan ni mama si Sky at naiwan ako kay papa. Hindi ko marinig ang usapan nila dahil mukhang nagbubulungan lang sila. Nakita kong tumitingin sa'kin si Sky, pero pag napansin niyang tumitingin din ako, iiwas siya agad. Nakayuko si Sky habang kinakausap ni mama. Mukhang sinermunan siya dahil sa kagagawan ko.
Nang matapos ang usapan nila, sumabay ako kay Sky sa pagpasok sa classroom.
Nahihiya akong kausapin siya dahil sa mga pinagsasabi ko kagabi sa kanya sa messages. Sinabi sa'kin ni ate Rosie na halos dalawang oras naghintay si Sky sa tapat ng bahay namin tapos umuulan pa no'n at hindi ako dumating.
Ugh! I am the worst.
Lumingon ako sa kanya para makita kung ano'ng ginagawa niya.
Namula ako nang makita kong naka pangalumbaba siya habang nakatitig sa akin.
What the heck?!
"H-Hello?" Kumaway ako sa kanya.
Ngumiti lang siya at nagpatuloy na muli sa ginagawa niya. Biology class namin ngayon at pinapaguhit kami ngayon ng parts ng cell. Balik grade 6 kayo diyan teh?
Tangina. Ano meron sa'yo Sky? May lagnat ka ba?
"Luna." Narinig kong tawag niya.
Lumingon ako. "Bakit?"
"I'll teach you guitar lessons for free." Nakangiting sambit niya.
Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi niya–- plus ang ngiti niyang sobrang ganda. Tangina Sky. Mapapamura ako in all languages nang wala sa oras sa ginagawa mo eh.
"Ano ba sinabi sayo ni mama?" Tanong ko.
Umiling-iling lang siya at nagpatuloy nang muli.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa'yo kagabi. Hindi ko rin alam kung ano'ng sinabi sa'yo ni mama. Hindi ko na lang siya tatanungin tutal hindi rin naman niya sasabihin.
Matapos ang dalawang subject, dumiretso ako sa cafeteria para kitain si Bryan. May ipapahiram siyang pocket book sa'kin dahil ayon sa kanya, wala na akong kilig sa loob ng katawan ko.
Wala kang idea Bryan. Tsk.
"Basahin mo 'yan nang magkaroon ka ng kilig diyan sa katawan mo." Nilapag niya ang isang pocket book na may cheesy na pamagat.
"Ang cheesy naman ng title. The...lost...tape...of...our....vcd."
Makaluma ampotek.
"Kapanahunan pa 'to ng lola ng lolo ko ah?" Biro ko.
Ngumuso siya at kinuha ang libro. "Pa self-pub ko 'to, tapos ginaganyan ganyan mo lang. Bahala ka nga diyan."
Natatawa kong kinuha ang libro sa kanya.
"Oo na. Iuuwi at babasahin ko na."
"Bayaran mo." He Grinned.
"Eh? Ano 'to sapilitan?" Reklamo ko.
"Sige na nga. Dahil bestie tayo, libre ko na sa'yo 'yan. Pirmahan ko muna." Kinuha niya ang libro at pinirmahan.
Hindi ako mahilig magbasa ng mga ganito. Mas prefer ko ang panonood ng mga teleserye kaysa sa mga ganito.
Mukhang mapipilitan akong basahin ang story na gawa niya ah? Pagdating pa naman sa mga works ni Bryan, kailangan honest ang critique tapos kailangan alam mo kung ano kini-critique mo.
Naiwan ako mag-isa sa cafeteria dahil mauuna na raw siya. Tinawag na siya bigla ng isa naming classmate sa chemistry para sa groupings. Mabuti na lang at tapos na ang part ko at wala na akong gagawin pang iba bukod ang isipin kung anong gagawin ko sa foundation week.
Next week pa naman ang continuation ng classes at ang linggong ito ang pahinga namin dahil nga foundation week. Marami pa ring pumapasok kahit walang klase masyado dahil walang mga teachers.
Lumabas na ako ng cafeteria dahil wala naman akong gagawin do'n masyado. Habang nasa hallway ako, bigla kong naalala na may naiwan pala akong ballpen sa music room. Nahulog ata no'ng hinatak ako papasok ni Sky doon.
Hayaan mo na. Durog na ni Bryan takip non eh.
Napansin kong maraming nagtatakbuhan papuntang garden. Lahat sila may dalang ballpen.
Ano kayang meron?
Nakita kong nagkakagulo ang mga estudyante sa harap ng isang malaking freedom wall malapit sa garden. Maraming nag didikit ng papel nila doon at ano ito—Nakita ko si Sky na kasali sa nagkukumpulan sa tapat ng freedom wall?
Tangina Sky? Ano dinidikit mo diyan?
Umalis na siya nang maidikit na niya ang isang dilaw na papel sa pinaka sulok at tuktok ng freedom wall.
Hindi ko abot 'yon ano ba naman ean.
Naglabas ako ng scratch paper sa bulsa ko at tinapyas sa maliit portion.
Ang...cute...mo..
Signed
Lunacakes.
Dinikit ko ang sinulat ko gamit ang nakita kong tape sa corner ng freedom wall.
Bumalik na ako ng classroom nang biguin ako ng height ko sa pag-abot ng papel na iyon. Curious ako kung anong nakasulat.
Kinuha ko ang bag ko dahil nag-text sa'kin si Bryan na hindi nag paawat ang teacher namin sa Chemistry dahil magtuturo raw ito.
Pagpasok ko ng classroom, na abutan kong nag sesermon ang teacher namin dahil kakaunti lang ang students niya kahit nag remind naman siya kahapon sa gc na dapat lahat papasok.
Wait.
Something's missing.
Tumingin ako sa tabing upuan ko at nakita kong bakante ito. Usually kapag papasok ako rito galing classroom namin, nandito na agad si Jude. Tumingin ako sa harapang bahagi ng classroom at nakita kong nando'n siya nakaupo sa proper seat niya. Aguirre kasi apilyedo niya.
Hindi niya ako dinapuan ng tingin buong period. Iniiwasan ba ako nito?
Nang matapos ang klase namin kay ma'am, lumapit ako sa kanya para magtanong kung may kopya ba siya ng mga charts kanina.
"Jud—"
Nilagpasan lang niya ako at dumiretso sa iba naming classmate.
"Uh, Jude baka gusto mong magka—"
Naputol ang sinabi ko nang bigla siyang naglakad papunta sa vice president ng classroom namin na si Agnes.
Tumango tango na lamang ako at kinuha ang bag ko para dumiretso ng classroom namin.
"S-Sandali!" Narinig kong tawag ni Jude. "Ito naman hindi mabiro." Dugtong niya.
"Luh akala ko 'di mo na ako bati eh. Hihiram lang naman ako notes." Ngumuso ako.
"Send ko sa'yo mamaya sa bahay. Pinicturan ko lang lahat eh." Aniya.
Tumango ako.
"Tyaka, 'y-yong sinabi mo kanina na magkakape tayo, s-sige." Nahihiya niyang sambit.
"Okay. Mamayang uwian." I smiled.
"I-i understand na hindi mo muna matatanggap confession ko sa'yo, but I'm willing to wait if you're ready na." He shyly smiled .
"Okay."
Dumiretso ako ng classroom after kong makipag chit chat kay Jude. He's a fun person. Madaldal siya, maraming kwento. Sabi niya sa'kin, masaya siya kapag kasama ako. I'll let him to be friends with me. Hindi naman siya nakakailang kasama.
Nakita ko si Sky na sobrang busy sa pag bibilang ng piled paper sa teacher's table habang ang mga babae sa classroom namin ay dinadaldal siya.
Umupo ako at nag-earphones. Mamaya kaunti mag r-ring na ang bell.
Napatingin ako sa nakatayo sa harapan ko. Si Sky
"What now?" Iritang tanong ko.
Inabot niya sa'kin ang isang maliit na nakatuping dilaw na papel.
"Nakita kong inaabot mo 'yan kanina." Aniya at sinukbit ang bag saka lumabas.
Binuksan ko ang papel na inabot niya sa'kin. Bakit mukhang pamilyar ang isang 'to?
Napatingin ako sa bintana at nakita kong nakangising nakasilip si Sky sa'kin. Lalapit sana ako kaso naglakad na siya nang mabilis.
May nakasulat sa loob.
"You look beautiful today. Kapag hawak mo 'to, ibig sabihin ikaw tinutukoy ko.
-Sky"
Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng kung ano'ng kumakawala sa loob ng katawan ko.
I am so stunned.
Hinabol ko si Sky sa labas. I want to say sorry to him about last night.
Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng gate.
Hinihintay ba niya ako?
"Sky, wait!"
Lumingon siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
"Why?" Aniya.
Kinuha ko ang kamay niya at tumingin sa mga mata niya. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata at napansin kong namumula rin ang kanyang mga pisngi.
He's blushing?
"L-Look, I'm sorry about last night. Separate messages 'yon."
Wika ko.
He chuckles. "You mean, 'yong sa guitar lessons at 'yong nangyari kahapon?"
Tumango ako.
"About sa usapan niyo ni mama, ano pala sinabi niya?" Tanong ko.
"Sabi niya 'yung payment buo raw niyang babayaran kahit na ang contract ay 3 months." Kwento niya.
"Ipapadala niya sa account ko mamayang gabi. That's all." Dugtong pa niya.
Bahagya akong napangiti sa mga sinabi niya. Akala ko naman kung ano'ng masasakit na salita ang nasabi niya kay Sky.
"Hirap mo rin turuan."
Ngumuso ako. "Sorry ha. Eto lang ako. Bobo."
He patted my head gently.
"No you're not." He smiled.
Binulsa ko ang hawak kong papel na galing kay Sky. Nakita kong napatingin siya sa binulsa ko.
"About sa freedom wall, a-ano pala ginagawa mo ron kanina? I thought you don't like shit things like that." Wika ko.
Pinakita niya sa'kin ang ID na suot niya. Tinalikod niya ito at napatakip ako ng bibig sa nakita ko.
Naka-ipit sa ID case niya ang sinulat ko sa freedom wall kanina.
"I thought pati ikaw. Bumalik ako kanina ron para kunin ang pen ko, tapos nakita kitang nagdikit." Wika niya.
He tilted his head. "Kinuha ko 'to kasi feeling ko cute ako."
Tangina. Di mo ba alam na nakakakilig 'yon?
"SKYYYYYYYYY!!!!"
Naglakad na siya palayo at naiwan akong tulala. Namumula pa rin pisngi ko. Ano ba ito Sky?
Kanina ka pa.
"DAMN YOU SKY! WAG MO AKO PINAGT-TRIPAN!"