Chereads / The Perfect Melody / Chapter 12 - CHAPTER 10: Weird

Chapter 12 - CHAPTER 10: Weird

[Song: Shout about it- The Vamps]

Sky's Point of View

"Pasensya na kay Luna, Sky ha. Hindi talaga 'yon madaling turuan." Wika ng mama ni Luna.

"I'll pay you na lang buo. Papadala ko sa account mo mamayang gabi. Pasensya na talaga iho."

Tumango ako at yumuko. Katapusan na talaga ng pagbisita ko sa bahay ni Luna.

I enjoy being with Luna. Hindi nga siya masyadong nakakapagfocus sa lessons, pero natutunan ko naman ang mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa.

Sa loob ng 3 weeks, natutunan kong maglaro ng online games. She taught me to play Minecraft. Sabi niya sa'kin paborito niya ang larong 'yon dahil it's all about endless possibilities. Gumagawa kami ng bahay sa survival mode. Maingay siya maglaro, pero nakakatawa.

Luna is a humourous person. Lagi niya ako napapatawa---hindi ko lang pinapakita sa kanya, but I'm literally dying inside.

Akala ko desisyon ni Luna ang pagtigil namin sa guitar lessons.

Iniyakan ko pa.

Ang sabi niya sa'kin, wala siyang kakayahan sa lahat ng bagay. But I noticed that she has a beautiful voice. Minsan ko nang narinig kumanta si Luna. May mga kailangan iimprove boses niya, but it's nice.

Matapos akong kausapin ng parents ni Luna, pumasok na ako sa classroom at naglabas ng mga needed materials para sa una naming subject.

Lumingon ako kay Luna para malaman kung ano ang ginagawa niya. Nag susuklay siya ng buhok.

Nagulat ako nang napalingon siya sakin.

Naka titig pala ako sa kanya habang nakangiti.

What a creep, Sky.

Napa iling-iling ako nang narealize kong nakatingin ako sa kanya.

Kumaway kaway siya sa'kin. Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil may suot na earphone ang isa kong tenga.

Nang matapos ang dalawang subject, lumabas ako ng classroom para bumisita sa office ni Kuya. I'll ask him for some advices kung paano ma notice ng isang babae ang feelings ko without saying it.

Malapit sa garden ang office ni Kuya at natatanaw ko sa malayo na maraming nagkukumpulang estudyante sa harap ng isang malaking bulletin board.

A freedom wall huh?

Lumapit ako para tignan kung ano'ng nilalagay ng mga tao roon.

Eww. So cheesy.

Gagawin ko na lang. I want to tell Luna kung gaano siya kaganda ngayong araw.

Kumuha ako ng isang sticky note sa mesa nilabas ko ang ballpen ko para magsulat.

This note is for Luna. I hope hindi niya mapansin.

I wrote,

"You look beautiful today. Kapag hawak mo 'to, ibig sabihin ikaw tinutukoy ko.

-Sky"

Tumingin sa'kin ang katabi kong babae na tila ba kakainin ako. Nakangisi siya na malawak. Tinaas ko na lamang ang note na sinulat ko para walang maka-abot.

Dumiretso ako sa office ni Kuya Azu. Nakita ko si Kuya na nag susulat ng habang nakikinig ng music.

"What is it, Sky?" Aniya.

"How to tell a girl that she's beautiful without saying words?" Umupo ako sa harap ng table niya at kinuha ang isang papel at ballpen.

His brows furrowed. "Ano?"

"You heard me, right?" Humalukipkip ako.

"Yes. Pero ano ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"I want to through actions." Ani ko.

"Well, i-message mo sa kanya? I don't know Sky. Busy ako."

Lumabas ako ng office ni kuya dahil hindi ko siya makausap nang maayos. He's busy as always. Tumingin akong muli sa freedom wall at nakita kong may inaabot ni Luna ang papel na dinikit ko. Nang mabigo siyang abutin, nagsulat siya at dinikit ang kaniya.

Why the hell gusto abutin ni Luna 'yon?

Nilapitan ko ang freedom wall para matignan kung ano'ng sinulat ni Luna.

Napatakip ako ng bibig sa nabasa ko.

Is this for me?

"Ang cute mo"

Why. Thank you, Luna.

I slightly smiled.

Lumingon ako sa kumalabit sa'kin. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang pamilyar na muhka.

Huh?

Isang babaeng may mahaba at blonde na buhok. May katangkaran siya na umabot naman sa baba ko.

She looks so famillar, but there's something different.

Dali-dali kong nilagay sa I.D case ko ang papel ni Luna. Sinenyasan ako ng tumapik sa balikat ko kanina na sumunod sa kanya. Nag dalawang isip akong sundin siya, pero mukhang seryoso ang isang 'to.

Dinala niya ako sa garden at nauna siyang umupo sa bench.

"Look. I'm sorry for what I did last time." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Sorry for what?"

"Remember last time? Sa cafeteria? Ako yung babaeng katabi mo na tinulak mo."

Siya 'yon? Bakit parang hindi?

"My boobs last time was fake." Dugtong niya.

FAKE?!

Kaya pala parang may kakaiba sa babaeng ito. I knew it. There's something off about this girl.

"Fake huh? Ano naman purpose no'n?"

"Jude wanted to make you look bad." Aniya.

He wanted me to look bad? But why? Ano meron? Ano kinalaman ng babaeng ito kay Jude?

"Ano kinalaman mo kay Jude?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"I-I don't know. Binayaran niya ako para gawin ang bagay na 'yon."

"At sinunod mo naman, because?" Tinaas ko kilay ko.

"Kailangan ko ng pera pambayad ko ng tuition fee." Malungkot na wika niya.

"Binigyan niya ako ng silicon fake boobs."

Eh?

Damn! That Jude. Ginamit pa problema ng tao para siraan ako. Hindi ko alam kung ano'ng tunay na problema niya sa'kin, but I must tell Luna na huwag basta-basta magtitiwala kay Jude.

"Nice meeting you....miss?"

"Hazel." She smiled.

Inabot niya ang kamay niya sa'kin. Umiwas ako agad.

"Pft! Di kita aawayin." Natatawa niyang wika.

"S-sorry. Reflexes. I just don't feel comfortable with girls."

Inabot ko ang kamay niya at nakipag handshake.

"I see. Pero bakit hindi ka komportable sa mga babae?"

"I don't know? Siguro dahil hindi ako masyadong nakikipagusap sa mga babae?" Ani ko.

The truth is, I have trust issues when it comes to girls. Naiilang ako sa mga babae.

"Shall I go? May gagawin pa ako." Wika ko sabay tayo.

"Sige. Nice meeting you Sky." She beamed.

Huh. Not bad.

Hindi siya tulad ng inaakala ko. Just like Luna, hindi siya nakakailang kausapin. Karamihan kasi sa mga nakakasalamuha kong babae, nagpapakita sila agad ng interes sa akin. They're touchy and clingy. Nakakataas ng balahibo.

Dumiretso ako ng classroom at naabutan kong nag aayos si Ms. Alonzo ng mga papel sa mesa.

Wala na dapat klase ngayon, pero mukhang may gagawin ako once na makita ako nito ni Ms. Alonzo.

"Capariño, kindly finish this mess. Didiretso na ako sa practice namin."

Yeah. I knew it.

Tumango ako at umupo sa may table niya.

Ugh! Piles of papers again. Pinapa-stapler sa'kin ni Ms. Alonzo ang mga papel na ito. Ang sabi niya sa'kin, dahil nga isa ako sa mga SGG officers I'm the only one she can trust the most.

Napatingin ako sa naglapag ng stapler sa mesa ko.

Isa sa mga classmate kong babae.

"You need help?" Nagpunta siya sa likod ko. Napatayo ako nang naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko. Natumba siya at kunot-noong tumingin sa'kin.

I hate being touched. Hindi ko maiwasang kilabutan kapag may nadidikit na babae sa akin. Hindi ko alam but feeling ko resulta 'to ng pagiging awkward ko.

"Geez, Sky. Relax. Kinukuha ko lang 'tong eraser." Iritang wika niya.

"S-Sorry. Just don't touch me. I'll be fine."

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"What's wrong Sky?"

Umiling-iling ako.

"I just don't like being touched." Walang ganang sambit ko.

"Pogi mo pa naman, tapos ang weird mo," she murmured.

Napatingin ako sa pumasok sa classroom. Si Luna.

Her hair is so messy. Mukha siyang ginahasa.

What happened to her? Pft.

Ibibigay ko na lang siguro kay Luna ang papel na dinikit ko ron. Kinuha ko kasi ulit baka may ibang makakuha at kung ano pa isipin sa'kin. Baka mamaya niyan may mag-assume na iba.

Lumapit ako sa kanya at hinintay siyang tumingin sa'kin. She looks so haggard.

"What now?" Medyo iritang wika niya.

Natawa ako nang tumingin siya sa'kin. Mukha siyang lalaki at astang lalaki pa. Tsk. Kung pwede lang kitang mapasagot overnight, eh. Kaso hindi ka tulad ng ibang babae. Hindi ka madaling abutin. Hindi ko alam kung ano'ng tipo mo sa lalaki, pero sana naman kahit kaunti pasok ako sa standards mo.

"Nakita kong inaabot mo 'yan kanina."

Inabot ko sa kanya ang papel na galing sa freedom wall. Sinukbit ko na agad ang bag ko at lumabas ng classroom. I peeked through the window to see her reaction.

Why am I doing this?

Nang makita niya akong nakatingin, naglakad na ako nang mabilis.

She doesn't know how priceless her reaction is. Kung nakunan ko lang ng video ang mukha niya, habang buhay akong may copy ng reaction niyang 'yon.

But

I have this question in my head.

Ano nagustuhan ko sa kanya?

Natumba ako nang mabunggo ko ang kung sinong nagmamadali sa harap ko.

Jude.

Kumulo ang dugo ko nang makita ang pagmumukha niya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. After what he did sa babaeng nakausap ko, hindi ko na talaga mapapatawad ang isang 'to. Kung kailan ready na akong kalimutan ang lahat ng ginawa niya sa'kin, saka ko pa nalaman na hindi pa rin siya tumitigil.

Tumayo ako at nakita kong nakangisi si Jude sa harapan ko. Hindi man lang siya nag-sorry---or he doesn't know how to do it.

Nilagpasan lang ako.

You fucking jerk. Malaman ko lang na dinadamay mo si Luna sa galit mo sa'kin, I'll kill you.

***

Nasa gate na ako nang marinig ko ang boses ni Luna na tinatawag ang pangalan ko.

"Why?"

Nanlamig ako nang maramdaman kong hinawakan ako ni Luna sa braso. Dama ko rin ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

Where are my reflexes? What the fuck?

Bakit hindi ako makapiglas? Bakit hindi ko siya nagawang itulak, instead I'm blushing? Why?

At this point,

Halo-halong emosyon ang dumadaloy sa loob ng katawan ko. I can feel her hands. It's soft and smooth. Tumindig ang balahibo ko.

Weird.