Sky's Point of view
-Earlier-
"Sagot kailangan ko hindi halik."
Am I stupid? What am I thinking? Bakit ko ginawa 'yon? Bakit ko siya hinalikan? Nakakahiya ka, Sky. Paano na ako haharap nito sa kanya?
Why am I thinking so much? Bakit ba sobrang concerned ako sa image ko sa babaeng 'yon? Pwede naman siyang mag quit ng guitar lessons kung sakaling magbago ang tingin niya sa'kin. Hindi ko na nga pinapansin mga sinasabi ng mga schoolmates namin na puro lang ako pasikat at ginagamit ko lang daw 'yon para maka-hook ng babae.
Why am I overthinking too much?
Sinundan ko ng tingin ang magkasamang sina Jude at Luna. Nasa music room ako ngayon para mag-isip ng ipe-perform ko mag-isa sa susunod na araw. Mukhang papunta silang classroom nila sa 12-A.
Bakit sobrang saya nila? And Luna, bakit parang walang nangyari kanina? Wala lang ba talaga sa'yo 'yon?
"Tangina," bulong ko.
Hindi ako nag o-overthink. Wala lang sa'kin 'yon. Reflex ko lang 'yong paghalik ko kay Luna kanina.
But...
Her lips. Is so soft. It tastes so sweet. I want more.
Sinampal ko ang sarili ko.
Stop it Sky. She's your student. She's annoying and nosy.
Don't overthink.
Sinundan ko sila Luna at Jude sa classroom nila. Binayaran ko na lang ang entrance dahil kailangan daw may ticket muna galing sa kanila para makapasok. Hindi pa raw kasi nag sisimula ang event. Limited pa mga tickets.
Psh. Those entrepreneurs.
Nakita ko silang magkatabi at nagtatawan. Umupo ako sa likod nila at nakinig sa usapan nila.
"I-I kinda like you, Luna."
Nanlaki mata ko nang marinig ko ang isang buong sentence na 'yon.
May gusto si Jude kay Luna? Kaya pala. Napapadalas na ang pagkikita nila ni Luna at ito namang Jude, panay ang yaya sa kanya.
Hindi 'to pwede. Hindi siya pwede mapunta kay Jude. Luna is such a wonderful person. She's different from the other girls here sa Lindway. Napaka-rare ng tulad ni Luna sa campus na ito.
She's noisy, pero hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko naririnig boses niya.
She's annoying, pero hindi siya nakakasakit 'di tulad ng iba.
She's loud, but in a way na magigising ka sa bati niya sa'yo sa umaga.
Luna, be careful. Hindi mo kilala ang kausap mo.
I need to make a decision. Kapag magagalit siya sa'kin sa gagawin ko, hahayaan ko siya kay Jude. Kung hindi naman, I'll keep her with me.
This is it.
Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Ang baba ng standards mo kung gano'n." Bakas sa mukha nilang dalawa ang paglagulat. Pareho silang hindi nakapag salita kaya hinila ko na agad si Luna palabas ng classroom.
"SKY?! ANO NA NAMAN BA ITO?"
Sigaw niya.
Umupo lang ako at tumingin sa kanya. She's so mad. Mukhang kailangan kong panindigan ang una kong choice.
"Hindi kita gets. Kaninang umaga pinapagalitan mo ako at maya-maya hinalikan ako, tapos nagalit ka ulit, tapos ito? Pinagtitripan mo ba ako? Type mo ba ako? Ha?" Sunod-sunod niyang tanong.
Pero,
Kung iiwanan ko si Luna na ganito, baka matulad siya kay Porshce at sa iba pang babae na nabiktima ni Jude dati.
Well, I guess I have no choice.
I'll leave her. Bahala na siya kay Jude. Kakausapin ko na bukas ang parents niya na ititigil ko na guitar lessons ko sa kanya dahil may bago akong work.
"Oo." Sagot ko.
Tinaas niya isa niyang kilay. "Wait. Ano'ng sinasagot mo?"
I stood up. "Yung 'ha'."
"Ayoko na Sky." Wika niya at binuksan ang pinto.
Ayoko. Hindi ko bibitawan nang basta ang taong ito.
Kinuha ko ang origami rose na makatago sa likod ng upuan.
Naglakad ako papunta sa kanya at hinawakan siya sa balikat.
"Hindi pa nga tayo, ayaw mo na agad." I whispered.
Naglakad ako palayo sa kanya.
Yes.
I admit it.
I am overthinking.
Pero hindi ako sure sa nararamdaman ko, Luna. Gusto kong siguraduhin habang kasama ka.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
I'll throw this rose as a sign that I'll keep you. Please don't be with Jude anymore.
Gulong-gulo na ako.
---
"Sky, may nakapag practice ka na ba?" Wika ni Janice habang inaayos ang mga papel sa mesa.
Umiling ako. "Not yet. Mahirap mag-isip ng kanta."
"Try mo love song. 'Yong popular. I-cover mo 'yon!" Sabat naman ni Greg habang nag wawalis.
Wala na ako masyadong alam sa mga trend songs ngayon. Tagal ko na talagang hindi tumutugtog.
Nakakahiya naman kung pang 70's na naman kakantahin ko. Last performance ko 'Forever Young' ang tinugtog ko.
"Okay. Ano naman 'yong trendy song ngayon?"
"Perfect ni Ed Sheeran." Ani Greg sabay thumbs up.
Binato siya ni Janice ng papel.
"Gaga! Tagal na no'n eh. Try mo mga kanta ni Hunter Hayes. Hindi masyado napapasok sa trend songs niya, pero try mo." Wika ni Janice.
5:45 na nang matapos ang meeting naming tatlo nina Pres. Janice at Greg. Tinext ko si Luna para sa next session namin kanina bago ako lumabas ng office. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nag re-reply.
Baka walang load?
Hindi ko na siya hinintay pa at dumiretso na ako sa bahay nila. Baka nauna na 'yong umuwi dahil maagang nagsi-dismiss mga teachers namin.
Maaga akong nakarating sa bahay ni Luna dahil sumakay na ako. Pagdating ko ro'n, sinabihan ako ng kasambahay nila na hindi pa nakakauwi si Luna dahil nagpunta siya sa trabaho ng parents niya at hintayin ko na lang siya.
7:00 PM na pero hindi pa rin dumarating si Luna. Hindi pa rin siya nag re-reply sa akin mula kanina pa. Ano na kaya nangyari sa taong 'yon?
Nabuhayan ako ng loob nang mag-reply si Luna.
"Wala na tayong guitar lessons. Kunin mo na lang 'yong tirang payment sa'kin bukas."
Ano?!
I waited for nothing.
Nanlambot ako sa binasa ko. Hindi pa siya na tututong tumugtog. Yari ako sa parents niya.
Nag-vibrate muli ang phone ko.
"Tigilan mo na pant-trip mo sakin. Di ka nakakatuwa."
Well. I guess I lost a friend again.
Naglakad na ako palayo ng bahay nila. Wala na akong ibang iisipin. Hindi ko na kailangang isipin image ko sa kanya.
But what is is this?
Kinapa ko dibdib ko dahil may naramdaman akong bumigat at tumusok. Ang sakit at nakakapang hina. Ano ito?
Nasasaktan ako?
Nararamdaman kong umiinit ang aking mga mata at maya-maya lamang ay may tumulo ng luha.
"B-bakit a-ako umiiyak?" Nanginginig ang boses ko.
I felt relief, pero ano naman ito?
Luna, bakit?