Chereads / The Perfect Melody / Chapter 9 - CHAPTER 7: Straight forward

Chapter 9 - CHAPTER 7: Straight forward

Sky's Point of View

"Gago ka ba, Sky? Ba't mo hinalikan si Luna?" Sermon ni kuya.

"I-I don't know? Nadala lang siguro ako."

He looked at me. "Bakit ba sobrang concern ka sa image mo kay Luna?"

Napaisip ako. He's right. Bakit nga ba ako sobrang concern sa image ko kay Luna? She's just my student. Kung malalaman niya ang tungkol sa past ko, she's free to avoid me. Mahirap din siya turuan mag gitara anyways.

"Yeah right. Pabayaan ko na lang siguro siya." Wika ko habang tinotono ang gitarang dala ko.

"I don't know Sky. Pero tingin ko napapalapit na loob mo diyan sa Luna na 'yan," aniya.

Napapalapit? Three weeks na kaming mag kakilala. Three weeks na rin siyang bumubuntot lang sa'kin. She's annoying, nosy, and loud.

"I don't think so. Babalik na ako sa classroom. May gagawin pa kami." Tumayo ako at lumabas ng conference room. Hindi pa kasi tapos mag disenyo ng mga classmates ko. Mukhang kailangan na ako ron dahil kanina pa pala ako minemessage ni Nina.

Lumapit ako kay Nina para iabot ang mga gunting na dala ko galing conference room. Nagkakaubusan kasi ng gunting sa classroom dahil marami sa'min ang hindi ready sa paligsahan ng mga section.

Lindway Academy. Puno ng mayayaman na estudyante, pero walang gunting na pambili.

Hindi ko nakita si Luna sa classroom. Mukhang nando'n siya kasama tatlo niyang kaibigan.

Nagtungo ako ng cafeteria para bumili ng kanin. Lunch break kasi ngayon at mukhang kukulangin ang kanin ko sa dami ng ulam na pinadala sa'kin ni kuya.

"Can I join you?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Porsche? Nilapag niya ang food tray niya sa mesa ko.

"Wow. Since when ka nakatikim ng pagkain ng Lindway na nasa tray? That thing almost costs 100 pesos per meal ah?" Wika ko.

"Simula no'ng nalaman kong may worth ako sa ibang tao." She smirked.

Tumikhim ako at sumubo ng pagkain. Hindi ko magawang itaboy ang isang 'to dahil maraming nakakakilala sa kanya at marami ring tao sa cafeteria.

Tinaas ko ang kilay ko at tumingin sa kanya. "Ibang tao. Huh?"

"Yeah. My mom. Ano tingin mo sa'kin? Malandi? Sa lalaki kukuha ng pera?" She frowned.

Umiling-iling ako at nagpatuloy sa pagkain ko.

This is stupid. Ano bang ganap niya rito at ang lakas niyang manira ng araw?

Napalingon ako sa mga pumasok ng cafeteria na malakas na nagtatawanan. Nakita ko si Luna na malakas na tumatawa kasama si Bryan pati na ang dalawa nilang kaibigan.

"Una na ako. Nawalan ako bigla ng gana." Tumayo ako at binibitbit ang baunan ko.

Dinaanan ko lang ang table nila Luna. Tinignan niya lang ako, pero umiwas ako ng tingin.

I don't think na napapalapit na ako sa kanya.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Jude na papasok ng cafeteria. Nginitian ako ni Jude bago siya pumasok ng sa loob.

Sumilip ako sa loob para malaman kung pupuntahan niya si Luna. Nakahinga ako nang maluwag nang nakita kong dumiretso si Jude sa table ng mga kaibigan niya. Sila-sila pa rin.

Those jerks.

Bumalik na ako ng classroom para tumulong muli sa pag dedecorate. Sa pagbalik ko, kaunti na lang ang mga kaklase ko. Mukhang maagang nag dismiss ang teacher namin dahil wala naman kaming ginagawa. Maganda na rin tignan ang classroom. Ang napili naming tema ay kultura. Ito gusto nila dahil magbebenta raw ang ilan sa'min ng halo-halo at yung iba naman gustong mag suot ng traditional wears.

"Capariño. Hinahanap ka ni SSG Pres." Sigaw ng isang estudyante. Si Greg ang auditor ng SSG.

Sumama ako kay Greg sa office. Pagpasok namin, nakahalukipkip si Janice at masamang nakatingin sa akin.

"Pagala-gala ka lang ngayon Capariño? Akala ko ba tutulungan mo kami sa pag o-organize ng event?" Galit na wika niya.

"Sorry. Ano pa ba pwede kong gawin?" Tanong ko.

Tumingin siya sa'kin. "Perform I guess."

Perform? Kasama na ako sa banda ni kuya. Pero sige. Kailangan para hindi ako mapagalitan ni Janice. Masungit pa naman 'tong president namin.

"Sure. I'll do my best."

Pinalabas na ako ni Janice at dumiretso naman ako sa music room. Maraming instrument doon, pero kakaunti lang ang napupunta sa lugar na 'yon.

Sinalubong ako ng madilim at maalikabok na silid. Binuksan ko ang ilaw para makita ang nasa loob, ngunit bigo ako nang makita kong walang kahit ano. Siguro dahil na rin sa tagal ng hindi 'to napupuntahan, pinasarado ng ibang department.

Winalis ko ang mga alikabok at inayos ang mga upuan. Binuksan at hinawi ko naman ang mga bintana at kurtina para pumasok ang hangin at madalaw ng liwanag mula sa araw.

Bumalik ako ng classroom para kuhanin ang gitarang hiniram ko sa conference room.

Tinakbo ko ang music room nang makita kong may nag la-lock ng pinto. Si kuya Jeff-ang janitor ng floor na ito.

"Pabuksan ako kuya Jeff. Gagamitin ko po," magalang na wika ko.

"Sige hijo. Matagal na rin mula no'ng nag practice ka rito sa music room ah?" Nakangiting sambit niya.

Napakamot batok ako.

"Opo. Kailangan ko po tumugtog ulit ngayon dahil required."

"Nako hijo. Galingan mo." Binuksan niya ang pinto ng music room at nagpatuloy sa mag lalampaso sa hallway.

-,-

Luna's Point of View

Sa pagpasok ko ng classroom, hinanap agad ng mga mata ko si Sky. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa nangyari earlier.

"Looking for something?" Halos tumili ako nang bigla akong tapikin ni Jude sa balikat.

Pinakita niya sa'kin ang dalawang ticket na may nakasulat na "This is not free."

"Sa section namin 'yan. Hindi ka kasi pumunta para tumulong. Napili ng mga classmates natin na maging unang customer ka namin." He smiled.

"Bayad na 'yan?" Tinuro ko ang ticket.

He beamed. "Of course. Libre ko. "

"Okay."

---

Napakaganda! Ang classroom ay nag mistulang museo dahil sa ganda ng mga artwork na gawa. Ang ilan sa mga ito ay binebenta. Ang iba naman pinapatignan lang at hindi pwede hawakan.

Inabutan ako ni Jude ng papel at mga art materials. Pinaupo niya ako sa may mesa at tumabi sa'kin.

"Ang napili namin ay sining. Gusto ng ilan sa mga classmates natin ay makita ang artist na naninirahan sa bawat isang estudyante." Seryosong wika niya.

"Ang lalim." Ani ko habang nag s-sketch ng random lines.

Hinawakan niya ang kamay ko na siya namang kinagulat ko.

"B-bakit?"

He stared at me. "May natitipuhan kang ng lalaki?"

Pft!

Umiling-iling ako at pumiglas sa pagkakahawak niya.

"I-I kinda like you, Luna."

Nabingi ako sa mga sinambit niyang salita.

He likes me? Pa'no? Ang isang Jude Aguirre ng 12-A ay may gusto sa'kin? Ang top notcher ng klase at hinahabol din ng karamihang babae ay may gusto sa'kin?

"Hindi Jude. Baka guni guni mo lang 'yon." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Yumuko siya at tumawa.

"R-right. Guni guni."

"Ang baba ng standards mo kung gano'n." Biglang sulpot ng kung sino sa likuran namin.

SKY?!

Pareho kaming nabigla ni Jude kaya nagawa akong hatakin ni Sky palabas ng classroom. Dinala niya ako sa music room at sinarado ang pinto.

"SKY?! ANO NA NAMAN BA ITO?" Sigaw ko.

Umupo lang siya at tumingin sa akin.

"Hindi kita gets. Kaninang umaga pinapagalitan mo ako at maya-maya hinalikan ako, tapos nagalit ka ulit, tapos ito? Pinagtitripan mo ba ako? Type mo ba ako? Ha?" Sunod-sunod kong tanong.

"Oo." Malamig na tugon niya.

"Wait. Ano'ng sinasagot mo?" Tanong ko.

He stood up. "Yung 'ha'."

Halos malaglag mata ko sa pag-irap ko sa kanya. Ang pilosopo talaga ng tao na 'to. Hindi nakakatuwa.

"Ayoko na Sky." Binuksan ko ang pinto.

Narinig kong naglakad siya papunta sa'kin. Hinawakan niya ako sa isang balikat.

"Hindi pa nga tayo, ayaw mo na agad." He whispered.

Naglakad siya palayo sa'kin at iniwan akong gulong-gulo. Ano bang nangyayari sa isang 'to? Hindi ko malaman kung ano'ng trip niya sa'kin.

Huminto siya ng paglalakad at humarap sa'kin. Hinagis niya ang isang rose origami. At..

Ngumiti sa'kin.