Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 6 - 4. What job design motivates members with challenging tasks for upskill and pay?

Chapter 6 - 4. What job design motivates members with challenging tasks for upskill and pay?

"What's up mga bobo! Ako nga pala si Jamiel Han. Ayoko sa mga plastik tulad nung bitchesa sa dulo, but nice to meet you!"

Biglang tumahimik ang buong kwarto sa pauna niyang salita. And partly kasalanan ko na umasa na may matinong masasabi ang babaeng ito. Of course, ang unang sasabihin niya ay mang-gago ng mga tao, kahit sa harap pa ni Sir Dom.

...

...

Although natawa ako ng kaunti dahil tinawag niya si Armi ng plastik. Tangina ang bitter ko parin talaga.

"... Excuse me?" Ito ang unang beses na may nakita akong ibang emosyon sa mukha ni Armi maliban sa bored. At alam ko na ang unang dalawang salita na iniisip niya.

The audacity.

"As you can see, very straightforward ako. Ayoko yung pinaiikot lang yung usapan. Aside from that, I am a very chill person. Hindi naman ako makikialam sa gagawin niyo, unless maaapektuhan ako. Any questions?" Dinugtong ni Jamiel habang pinapanood ang mga nakanganga nilang mga mukha.

Halatang inignore niya ang sinabi niya.

...

...

...

"H-Hello po... Wala naman po akong tanong. I'm glad to meet you po." Mahinhing sagot ni Rachel. Ngayon ko narealize na may mga ganitong tao pa pala sa bansang ito. Naalala ko tuloy yung alaga kong hamster dati. Chubby ang cheeks kaya mukhang laging may pagkain.

For the record, putangina talaga nung askal na biglang tinangay siya nung nasa labas kami. RIP Hamtaguro.

Pero biglang lumabas yung father instincts ko nung napansin ko ang malaking ngiti ni Jam. Puta heto nanaman tayo. Daig pa si Usain Bolt sa bilis niya nang bigla siya pumunta sa pinakabatang miyembro ng student council.

Niyakap niya ang Sophomore Marshall sa balikat at sinabi "Gusto kita. Feeling ko magkakasundo tayo. Ang cute cute mo talaga!"

Napatili si Rachel ng bahagya at sinubukan niyang makawala, pero hindi niya inaasahang mahigpit ang hawak niya,

Hoy, autistic na nilalang! Bawal PDA dito!

"... Napakaingay. Dati ka bang adik?" Nagtanong si Armi na parang naguumpisa na siyang umusok sa inis.

"Oo. May loyalty card nga ako sa isang rehab. Gusto mo refer kita? Gamitin mo card ko para may discount." Rumesbak si Jamiel pabalik sa kanya.

Gago ka talaga Jamiel, pero hindi ko talaga mapigilan mapatawa. Bakit pa kasi siya pa yung naging target mo?

Nanahimik naman ang buong kwarto, tila nagaabang kami sa kung anong mangyayari. Daig pa namin nanonood ng teleserye sa suspense. Which is understandable naman kasi ito ang unang beses namin makita magreact si Armi ng ganito.

Ano ang sasabihin niya? Magkakaroon ba ng catfight?

Pero as expected, bumalik ulit siya sa kanyang RBC, or Resting Bitch Face, at walang iba pang sinabi kundi. "... Tch, whatever."

"Your loss. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo~" Nakangiwing sagot ni Jamiel, pero dahil ayaw na pumatol, nagmove-on na siya sa kanyang bagong target.

Hulaan mo kung sino yun.

...

...

"Bukod doon sa babaeng Squidward, may reklamo kayo? Wala? Good! I can't wait to start working with you guys." Umupo siya matapos magsalita, pero yung mata niya nakatutok sakin.

Kung ito ang unang pagkakataon na magkita kami, baka siguro tumigil na puso ko sa sobrang kilig. Sino nga bang lalaki ang ayaw sa isang magandang babae na nakafocus lang sayo, diba? Pero I, unfortunately, know her real well.

Imbes na kilig, kakaibang kilabot ang mararamdaman ko, para akong isda at siya ang agila na gutom na gutom na.

"Thank you for that fiery introduction, Jamiel, so let's continue to the main reason why I called you here." Pumalakpak si Sir Dom habang tumatawa, kinuha niya ang atensyon namin. Akala ko magagalit siya sa nangyari, pero at least walang away ang nangyari, so at least I count it as a blessing.

"Ito ang unang araw ng school year, and as the student government, kailangan natin magplan out on your roles and responsibilities for the year. Assistant Secretary, paki-take down ang MOM for this one."

Kumuha siya ng whiteboard marker sa kanyang desk at nagumpisang magsulat sa harap.

Bigla kong naalala yung isang libro na nakita ko sa kwarto ng tatay ko. At no, hindi yung mga bold na magasin or DVD na alam kong tinatago niya sa likod ng mga damit niya.

...

...

Promise, hindi ko nga siya ginalaw this past week!

Anyway, doon sa libro ng tatay ko nakalagay na ang tao maggiging engage siya sa kanyang trabaho with one of three methods. And ang pinakatumatak sa akin is job enrichment.

Sinasabi daw na ang tao ay humahangad na ma-challenge sila, kung kaya't bilang isang manager, kung ang goal mo ay retention ng iyong workforce, kailangan mo masiguro na ang tauhan mo ay makita ang importance ng kanilang role sa organization to make sure they feel that they are being taken care of. Yan ang sabi ni Frederick Herzberg.

Oh diba, sabi ko marami akong natututunan sa tatay ko bukod kay Maria Ozawa!

Going back, dahil may katandaan na siya, maiintindihan ko kung unti-unting umuurong ang hairline niya.

Kaya lang, muntik na ako masilaw sa liwanag na nagrereflect sa kanyang panot na ulo. Tangina, yung bunbunan parang headlights ng kotse. Paano ako makakapagsulat nito?

Walang sinabi si Mr. Clean sayo, sir!

"Marami tayong kailangan paghandaan. Una sa lahat, we need to have targeted goals for our school. What are your proposed projects that we can do as youth leaders. I'll have Alexander here to compile all proposals at ipresent sa ating PTA next next week."

Tumingin ako sa aming president at nakita ko siyang ngumiti at tumungo. Minsan talaga napapahanga ako sa kanya kasi lagi siyang determinado, lalo na sa mga ganitong gawain.

Kung babae lang ako, baka lumipad na yung panty ko sa pagbulwak ko sa baba.

Now I know bakit siya kinababaliwan ng mga tao.

"I can take care of it, sir. I'll send the deck for review after namin magformal meeting."

"Good! I know I can trust you on this one. Team up with your Secretary to create the deck, then have your Treasurer and Auditor to check feasibility on said projects based on budget."

Walang sinabi ang aming resident pipi na secretary, as usual. Pero napansin ko lang na saglit na umangat ang mga dulo ng bibig niya pataas.

Samantala, sina Lorenzo at Ariel naman ay nag-agree at naghanda na kaagad ng kanilang mga calculator. May future na talaga sila sa BIR.

"Moving forward, we need representatives that will help coordinate with any school events. Nearest planned events ay yung Nutrition Month sa July, which should be my department. I'll leave the communications of my plans to the Marshalls na lang so they can disseminate the info."

"Yes po." Tatlong ulo ang tumungo, sumasang-ayon sa kanilang task. Parang lagi silang chorus sumagot at gumalaw, kaya simula sa araw na ito, tatawagin ko na silang Dugtrio.

Ano ba talaga itsura ng katawan nila sa ilalim ng lupa?

"Next naman is the Division Youth Government. Prepare narin tayo in terms of debating skills and materials needed dahil preliminary round starts at September." Banggit ni Sir Dom.

Tinuro niya ang pinakataas na shelf sa kwarto, kung saan nakapila ang mga tropeo at mga certificate na nilagay sa frame. "Naging tahanan ang Don Apolonio Karyon High ng mga future politicians. Sa anim na taong paninilbihan ko dito, nakaambag ako ng dalawa. Kaya nakasalalay satin na mapanatili ang legacy ng paaralan."

Hindi naman sikreto na karamihan sa mga pulitiko natin ay nanggaling sa amin, and I am kinda proud on knowing this fact. Kaya nga marami din gusto mag-apply. In fact, mayroon din kaming scholastic test bago ka makapasok dito.

...

...

...

Or, pwede ka rin 'mag-donate' para makapasok. Kaya napaisip ako ano binigay ng nanay ni Renzo? Bagong laptop? House and lot?

Moving forward, kaya malaki ang emphasis na binibigay ng school sa Division Youth Government. Kada taon, may sinasagawa silang programa na pwede bigyan pagkakataon ang isang school government para maexperience kung ano ang trabaho ng isang elected official. Maguumpisa sa lungsod, isang gobernador, at maging isang pangulo ng bansa ng isang linggo.

Para sa akin, para itong scouting ground kung sino ang maggiging future buwaya.

"We also need to consider yung Foundation Week natin. I know this is on November pa, but I want you to create ideas starting now kasi this year marks our Golden Anniversary. Let's brainstorm narin what will be our theme. We'll formally discuss this one sa August. Just letting you guys know."

Binaba na niya ang marker sa kanyang lamesa at tinignan ang aming reaksyon. Understandably, naexcite kami sa parating na foundation week, specially this time dahil magfi-50 years na ang eskwelahan.

Sa akin naman, that means maraming time para magcomputer!

"Well these are the items that I currently have. Any questions?" Nagtanong si Sir Dom.

"Sir, ask ko lang in regards doon sa PTA proposals, do we have a specific budget that we can work with na?" Tumayo at nagsalita si Kei.

"I'll check with the Principal muna kung ano ang allotment sa atin. Siguro later today, I can give you a rough idea."

Satisfied with his answer, bumalik ang Assistant Treasurer sa kanyang kinauupuan.

"Sir, how about yung list ng official CAT officers? I haven't receive anything yet and I want to know who I will be working with." Hirit naman ni Loisa.

"Yung CO nila ang magsesend nung full list within the week. I'll get back to you kapag nareceive ko na. Any one else?"

Walang iba ang nagtaas pa ng kamay.

"Alright! Mamayang 2:00 PM, during TLE time niyo, you need to come to our SSG room. I'll let Alex handle the meeting. You can go back to your classes na. Thank you so much for your time!"

And coincidentally, tumunog na ang bell ng paaralan. Kinuha ko na ang bag ko at dali-dali na kaming umalis sa guidance office. Sa wakas, natapos din yung meeting. Tinignan ko ang sulat ko at for once, bilib ako sa kakayahan ko.

...

...

...

Dahil mukhang hieroglyphics ang penmanship ko.

Tangina kasi nasisilaw ako sa pa-flashlight ni sir. Iedit ko na lang ito mamaya sa laptop ko.

Bago man ako makalayo, narinig ko ang pangalan ko na sinisigaw sa likuran ko. "JM! JM!" Hindi ko na kailangang lumingon pa kung sino ang tumatawag sa kanya ngayon.

"Ano na naman kailangan mo? Kita mong nagmamadali ako." Huminga ako ng malalim kay Jamiel at inis kong sinabi.

"O bakit ka nakabusangot? Namimiss mo ako agad no?" Nakangising tinanong ni Jam sakin. Akala mo yata laging umiikot mundo ko sayo? Ano ka, araw?

"In your dreams. Bahala ka na diyan. Papasok na ako."

Magsisimula na sana ako maglakad pero pinigilan ako ng kutong ito. Please naman, bigyan mo parin ako ng katahimikan lang. Kaninang umaga pa ako high sa adrenaline dahil sa nanay ko. Nahulog pa ako sa basurahan, kumain ng balat ng candy, at hindi parin ako makapaniwala na makakasama kita sa buong taon.

Puta, malapit na talaga ako sumabog!

Kung hindi mo pa ako bibitawan, Jam, sisiguraduhin kong masusunog ka sa im-

"Actually, medyo kinabahan ako kanina nung nagintroduce ako, pero pasalamat ako na nandoon ka. At least ikaw nagbigay ng confidence sa akin na magsalita doon."

...

...

Huh?

"... Syempre kailangan ko ng alipin kung maghahari-harian ako sa eskwelahang ito."

...

...

Okay, kala ko nagmamalik-mata ako. Tangina muntik tumalon yung puso ko kanina kasi hindi ako makapaniwala sa una niyang sinabi.

Ang tanga ko rin dahil umasa din ako ng kaunti.

"Fuck you Jam. For the last time, hindi ako home boy mo. Kung tutuusin nga, assistant ako ni Armi, hindi ikaw... Hypothetically lang yan ha. I am a free man at wala akong master. Hierarchy lang yung explanation ko."

"Huwag ka masyadong defensive, hindi naman ako nagtatanong pa." Medyo nagulat sa aking sagot si Jam, pero unti-unting bumabalik yung nakakakilabot nitong tingin. Mukhang hindi maganda ang iniisip nito sakin.

"Hindi ako defensive."

"Sus."

"Hindi nga!"

"Okay, whatever you say~" Rinig na rinig ko ang mapang-asar niyang boses na lumalabas sa kanyang bibig bago tumawa.

Pero nang matapos siyang tawanan ako, pinakawalan niya ako. May dinukot siya muna sa kanyang bulsa bago niya inangat ang kamay niya malapit sa akin. Tinignan ko lang yung kamay niya, feeling ko pinagtitripan niya lang ulit ako.

"Ano yan?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.

"Kunin mo na."

"Pinagtitripan mo nanaman ako."

"Hindi nga."

...

...

...

Wala akong ginawa at nagpatuloy lang akong nakatingin. Tse, bahala ka diyan. Kanina mo pa ako pinagdidiskitahan. Dahil naiinip na siya, bigla niyang hinawakan ang aking galganggalangan, at sapilitang binigay ang hawak niya sa akin.

Inaasahan kong puno ng basura lang yung ibibigay sa akin, pero nagulat ako ng may mahawakan akong parang aluminum foil. Nang binuksan ko ang kamao ko, may nakita akong isang pirasong chocolate,

Hindi ko mabasa ang pangalan, pero sure akong hindi ito nabibili sa tindahan.

"Dinekwat ko lang yan sa bowl ng candy ni sir. Nakain ko na yung lima, pero gusto ko ibigay sayo yung isa, as my way of saying sorry kaninang umaga."

...

...

Wow.

Teka, baka may karugtong pa yan. Hintayin ko muna magsalita siya.

...

...

...

Huh.

So gusto niya lang talaga magsorry sa akin. That's a first for me. Never thought I imagined the day that the great and terrible Jamiel Han would say sorry to me. Nananaginip ba nanaman ako?

"... Okay lang yun. As long as you understand." Ito lang ang nasabi ko sa kanya.

"Yeah. So do you want to start on a clean slate?"

"Sige, Jam. I think I was too harsh on you. I want to work with you." Nakangiti kong sagot kay Jam habang tinaas ko ang aking kamay at inalok ko mag handshake. Now that I realized that there's more to it than what she shows earlier. And for the first time, naintriga ako on who exactly is this person.

Siguro ito na nga ang umpisa ng bago naming pagsasama. This time, I would get a chance to know more about Jamiel Han and what makes her tick.

Ito na ang-

"Really? Good. So starting tomorrow, magdadala ako ng collar mo. Tatawagin kitang Bogart."

...

...

...

Why do I even bother?

PUTANGINA MO TALAGA JAMIEL HAN!

Bago man ako makaganti, nakatakas na kaagad siya at tumakbo palayo "BOGART! BOGART! BOGART!"

"HOY BUMALIK KA DITOOOOO!" Sumigaw ako sa kanya. Of course, hindi siya tumigil, at nauwi nanaman akong luhaan, dahil dalawang beses akong umasa. Tangina talaga. Bakit parang lagi na lang ako nadadali sa mga ganyang eksena?

Mga babae talaga manloloko! Manlilinlang ng mga inosenteng tao!

Talagang ginamit mo pa itong chocolate para lang mabenta mo sa akin na magbabago ka.

PUNYETAAAAAA!

Dali-dali kong kinain yung chocolate na hawak ko bago ako dumiretso sa aking classroom. Buti na lang at masarap siya. Naguumpisa nang tumahimik ang paaralan, kaya nagmadali na akong hanapin ang room ko. Sa sobrang galit ko sa walang hiyang babaeng iyon, nagkamali pa ako ng pasok. Dapat sa III-Aluminum ako.

Bobo mo naman, self.

"JM, dito!" Bumungad sa akin ang boses ni Renzo. Dali dali naman ako pumunta sa bandang likuran ng classroom at naupo sa tabi niya.

"Ano na nangyayari?" Tanong ko sa kaibigan ko.

"Wala pa naman, naglinis lang kami ng classroom. Yung naiwang value meal sa may cabinet, may buhay na."

Buti na lang talaga nandito kaibigan ko, at least makakapag-destress ako. Pero habang nagkukwento siya magdamag tungkol sa mga maggiging bago naming mga kaklase, may bigla akong naalala na hindi ko napansin kanina.

...

...

...

Walang kahit na anong chocolate akong napansin sa bowl ni Sir Dom kanina. Saan nanggaling yung chocolate niya?