Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 12 - 10. In Greek mythology, who rejects all advances and falls in love with himself?

Chapter 12 - 10. In Greek mythology, who rejects all advances and falls in love with himself?

"Saan ka pumunta? Hinahanap kita kahapon." Ito ang sumambulat sa akin pagkapasok ko kinabukasan. This time, wala naman nangyaring habulan katulad kahapon kaya nakarating ako ng matiwasay at maaga sa school.

At base sa kilos ni Renzo na halos lagi hinahaplos ang kanyang pwet, feeling ko hindi naging masarap tulog niya, courtesy ng kanyang nanay, of course.

"Diba nga sabi ko may kailangan akong bilhin. At isa pa hindi ako makikisali sa rambulan niyo. Kasalanan nyo yan."

"Eh kasi napikon si Mando. Tangina nun binato yung upuan. Bawas pa tuloy sa baon ko yung nasira." Napakamot na lang si Renzo sa ulo habang sinalaysay ang pangyayari matapos ko umalis.

Long story short, hindi na lumala yung gulo nang mapansin ng nanay ni Renzo ang nangyari. At tulad ng landlady sa Kung Fu Hustle, temporarily silang nabingi sa sigaw niya at tuluyang pinalabas ang mga tambay at sinara ng maaga ang computer shop.

Matapos lumabas ang huling manlalaro, si Renzo mismo naman ang ginamitan ng Martial Arts ng kanyang minamahal na ina. Ang problema hindi sya si Stephen Chow.

You know what happens next.

"Karma tawag diyan. Pupusta ka laban doon sa mga adik maglaro." Tumatawa akong comment sa kanya.

"Gago talaga. Next time hindi ko na yun kukunin. Si Amihan na lang."

"Paano mo yayayain eh in-game lang natin siya kilala."

"Hah, JM, remember who you're talking to. Hayaan mo ako magsaliksik sa social media. Total for sure nandito sya sa school natin kaya makikilala ko rin siya balang araw."

One thing to note about Renzo is napakagaling niya magsearch. As in nakakatakot siya kasi sa kakaunting clues lang nakikita na niya kung sino yung hinahanap niya sa internet.

Hell, isa siyang moderator sa isang forum kung saan hinahanap ng mga tao kung sino yung JAV actress na napanood nila. Within 30 minutes nabibigay niya yung buong information, pati yung totoong title ng video na pinanood mo!

I still don't know how to feel about that one.

"Hindi kita pinagdududahan. All I'm saying is kahit na mahanap mo siya, hindi ka sure na sasama siya sa mga laro mo in person. For all I know baka isuplong ka pa sa pulis."

"Sasama yun siyempre, lalo na kapag nakita niya ang aking handsome face." At para may emphasis, sinubukan ni Renzo laruin ang kanyang kilay. Pero siyempre knowing him, imbes na mala-alon na galaw, mukha siyang constipated.

Kaya no comment ako sa kanya.

Kalauna'y tumunog din ang school bell at pormal na nagumpisa ang araw. Ilang minuto din nang makarating sa silid ang aming teacher. Medyo payat at matanda na si Sir Leopoldo Quirino, pero hindi maikakaila ng mga estudyante dito na isa siyang halimaw pagdating sa math.

"Good morning guys." Bumati siya sa amin, na agad din namin binalik. Binaba niya ang libro at meter stick sa lamesa at kinuha ang chalk mula sa lalagyan niya.

"Ako si Sir Leo, and I will be teaching Trigonometry with you class. As always, before we proceed, let me remind you guys that you will take your Diagnostic Test next week. This is all recorded and it is all about the things you remembered during Algebra II."

...

...

FUCK!

Now, I always prided myself as a hardworking student at may naalala pa naman ako sa mga tinuro last year, pero Math is something I still struggle for a bit. Tangina, kailangan ko yata bilhin yung mga lumang test papers sa canteen mamaya.

And base sa mga reaction ng mga kaklase ko, hindi ako nagiisa sa aking nararamdaman.

"Psst, puta JM, ano gagawin ko nito?" Bumulong si Renzo sa tabi ko.

"Ano pa ba gagawin natin? Syempre mag-aral tayo."

"Eh alam mong mahina ako sa Math."

"... Yan din sabi mo sa lahat ng subject eh."

"Pakyu ka JM."

"See? Pakyu na nga tapos may ka pa."

Sumiko ang aking kaibigan sa tagiliran ko habang pinipigilan kong matawa. Buti na lang sa oras na medyo insecure ako sa aking kakayahan, nandyan ka Renzo para maboost ang morale ko. Na kahit anong mangyare, may mas bobo pa pala sa akin.

Thank you, friend.

"Anyway, let's begin with the introduction to Trigonometry. Based on Britannica's definition, this is the branch of mathematics concerned with specific functions of angles and their application to calculations. Trigonometry developed from a need to compute angles and distances in such fields as astronomy, map making, surveying, and artillery range finding. Problems involving angles and distances in one plane are covered in plane trigonometry. The word comes from the Greeks with..."

...

...

Alam ko naman nagalmusal ako, at sapat yung tulog ko kagabi, pero nang nagumpisa na siya sa discussion, biglang bumigat yung mga mata ko.

Nagpatuloy parin si Sir Leo sa kanyang pagtuturo sa kanyang mabagal na pananalita. Yung tono niya para siyang nagsasalita sa lamay, kaya kahit kami nagaagaw-buhay na rin. Tangina, nakikita ko na ang liwanag.

"The word trigonometry comes from the Greek words trigonon na ibig sabihin ay triangle and metron na ibig sabihin ay to measure. Until about the 16th century, trigonometry was chiefly concerned with computing the numerical values of the missing parts of a triangle..."

Again, mabait si sir, and alam namin na magaling siya talaga. It's just that lalo ngayon kapag may isang bagay na pumukaw sa pokus niya, mas ineexplain niya to the point na nawawala na kami sa flow ng discussion.

"... Are you following guys?" Nagtanong siya sa klase.

Yung iba napatungo na lang ang sagot. Hindi ko sure kung dahil ba gusto nila sumagot or sadyang napatungo lang sa antok.

Gusto ko din sana icommend yung isa kong kaklase na kayang matulog ng nakadilat ang mata. Teach me your ways, master!

"A-Amen." Pabulong kong nasagot habang nilalabanan ang demonyo sa balikat ko na walang sawa sa pagbulong sa tenga ko na umidlip muna ako.

Which is ironic, dahil bumalik si Sir sa kanyang Pasyon, este lecture. Mea maxima culpa!

"J... JM." May mahinang kalabit akong naramdaman sa balikat ko. Napansin ko si Renzo ulit, this time mukhang malapit na siya sumuko sa antok. May pinagdikit-dikit na straw na nakatape sa kanyang pulsuhan habang hawak yung tetra pack na juice.

Nakakamangha minsan yung matabang utak nito eh.

"Labanan mo yan Renzo. Malalagpasan din natin ito." Bati ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Pasensya ka na JM. Feeling ko hanggang dito na lang ako. Hindi na kaya ng katawan ko. Gusto ko na magpahinga..." Unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata.

"Renzo, hindi pwede! Hindi ako papayag hanggang dito lang ang kwento mo! Gumising ka!"

"... Masaya ako na sa huling sandali ko, ikaw ang kasama ko JM."

"Renzo! marami pa tayo kailangang gawin! Hindi ko hahayaang mawala ka sa tabi ko. Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan, hindi, kapatid ko!"

"... Salamat tol. Pasabi na lang sa asawa ko... Mahal ko siya."

...

...

...

"... Sino doon? Yung legal na asawa, yung girl best friend o yung nakilala mong GRO sa may-"

"Gago ka talaga, ginawa mo pa akong babaero sa kwento!" Nagkaroon ng himala nang biglang dumilat ang kanyang mata at binato yung tetra pack sa mukha ko. Tumawa lang ako pabalik sa kanya.

Hindi na bago sa amin ang aliwin ang isat-isa, lalo na mas mainipin pa itong kaibigan ko. Kaya minsan nagkakaroon kami ng konting role-play.

"May tanong ba kayo?" Nagtanong ulit si Sir Leo sa klase habang hindi lumilingon pabalik. Halos ungol na lang yung naririnig ko sa kanila.

Tatawag na sana ako ng nurse para lagyan ng dextrose yung mga kaklase ko nang narinig ko ang bell ulit. Para silang si Lazarus kung bumangon at binigyan ng panibagong buhay. Hallelujah!

"Alright, we'll continue our discussion tomorrow. Goodbye for now." Niligpit ng aming teacher ang kanyang gamit bago siya lumabas ng room. Bless you, Sir Leo, alam kong you mean well, pero para po talaga kayong si Jigglypuff at napapatulog mo kaming lahat sa boses mo!

Siguro in another life maggiging magaling kang sleep doctor.

"Guys, makinig muna kayo!" Biglang sumigaw ang aming class president na si Jollibee, este si JV habang tinaas ang kanyang kamay.

Syempre, dahil ngayon lang nakahinga ang klase, wala munang nakapansin sa sigaw niya. Kaya nagpatuloy lang sila sa pakikipagdaldalan sa kanilang mga katabi. Hindi ito nagustuhan ni JV kaya sinubukan niya ulit.

"Guys!"

Wala paring pumansin.

"Guys!"

...

"GUYS! MAKINIG NAMAN KAYO! RESPETO NAMAN OH!"

Hinampas niya yung notebook niya ng malakas sa may mesa, at napatahimik bigla ang buong silid. Nanlilisik na ang mga mata niya nang nagumpisa "Inelect-elect niyo ako tapos hindi kayo susunod sa akin? Nasaan yung respeto natin sa isat-isa? Lahat naman kayo trinato ko ng matino. Sana ganun din kayo sa akin."

Walang sumubok na sumagot sa kanya. Lahat nakayuko lang sa kanilang upuan. Akala mo mga nahuli ng mga tanod dahil sa curfew. Kaya huminga ng malalim si JV bago ibalita sa kanila.

"... So ayun na nga. Hindi makakapasok si Ma'am Asuncion ngayon, kaya nagbilin siya na kopyahin natin sa notebook yung mga page na ito. Ichecheck daw niya yung notebook natin bukas."

...

...

NOOOOOOOOOOOOOOOO!

Please lang, iligtas niyo ako sa parusang ito. Anything will do. Literal kakapit ako sa patalim para lang makaiwas dito. Ayoko pa naman sa lahat yung mga pakopya-kopya ng mga libro sa notebook.

It just doesn't make sense for me!

And for once, I felt that the Gods above heard my plea. BIglang may kumatok sa pintuan at nagsalita "Nasaan si JM? Nandito ako para kunin siya."

"And bakit kaila-" Tumaas ang kilay ni JV at gusto niya sanang magtanong preo bigla siyang napatigil. Wow, for the first time, parang may kinakatakutan siya. Matatawa sana ako pero base sa maalon nitong buhok na bigla na lang pumasok sa loob, bigla ako napatahimik.

"Asan ka... Ayun! JM!" Tinuro ako ni Jamiel habang nakangiti. Dali-dali niya ako hinugot mula sa upuan ko at nagsimulang kaladkarin ako palabas "Pinapatawag siya sa SSG Room, kaya hihiramin lang namin siya saglit. Ok bye."

Hindi na niya hinintay sumagot si JV. Agad-agad kami nakalayo sa room at bumaba ng building papunta sa SSG Room.

"Sandali lang! Kaya ko maglakad mag-isa! Bitawan mo ako." Hinawak ko ang pulsuhan niya habang sinusubukan kong tanggalin ang kamay niya sa akin.

"Shh! Sandali lang, kailangan ko ng tulong mo." Nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya at bumulong habang tumitingin sa paligid niya.

"Ano? So hindi talaga ako pinapatawag sa SSG?"

"Hindi, tinatawag talaga tayo. Pero may pinapagawa kasi sa akin. Halika dito!" Hinatak niya ako ulit at pumunta sa gilid ng kanilang classroom.

Ang una kong napansin ay may dalawang mataas na tumpok ng mga libro sa isang gilid. Siguro may mga 20 na libro kada stack.

Ahh, parang alam ko na ang mangyayari dito.

"Nakakainis kasi si Ma'am Joven, wala naman akong ginagawa sa kanya, pero pinapabuhat niya sa akin itong mga nasirang textbook pabalik sa teacher's lounge. Tulungan mo naman ako dito oh."

...

...

This bitch!

"Bakit kita tutulungan? For sure may ginawa ka nanamang kasalanan."

"Wala kaya. Ang aga ko nga pumasok sa klase niya! 15 minutes lang naman ako nalate. Buti nga nakapasok pa ako eh. Hindi ko alam bakit ako pinagtitripan niya." Bumuntong hininga siya bago yumuko sa mga libro. Alam ko na para sa akin napakahiwaga ang utak ng isang babae, pero parang sobra na yata itong sa kutong ito.

Parang nasa point of no return na yata siya.

Buhat ang isang tumpok, iniharap niya ito sa akin at sinabi "Bilisan mo kunin mo na ito. Kunyari ka pa eh."

"Hah?"

"Alam ko na yung iniisip mo. Sinasabi mo sa isip mo na 'Shit, may kasama akong babae na mala-dyosa ang ganda! Ang swerte ko naman! Ano ba ang sasabihin ko? Aamin na ba ako?'. Magpapabebe ka pa eh."

Nilagay niya yung mga libro sa mga kamay ko habang nakangisi ng malaki.

...

...

HOLY FUCK! ARE YOU FUCKING KIDDING ME!? PAPATA-

...

...

Deep breaths, JM. Deep breaths. Magmumukha ka lang talo kapag pumatol ka sa kanya. Be the bigger man here at gawin mo na yung gusto nya.

Dala-dala naman yung pangalawang tumpok, nagumpisa na siyang maglakad. "Pero sayo ko lang ishe-share ito. I really do care about others, lingid sa kaalaman nila."

"Yeah, suuuuure." Akala mo yata pinanganak ako kahapon at mauuto mo ako. Isang beses lang yung sa balat ng candy, pero now I learned if people are spouting bullshit.

Lumabas kami ng building at sumilong sa bubong ng mga pathway dahil medyo maalinsangan na rin ang panahon. Dahil technically school time parin, kakaunti lang ang mga estudyante sa labas. Unless kailangan nasa grounds ka, karamihan nasa loob sila ng mga classroom.

Habang naglalakad, may napansin ako na isang grupo na may ginagawa sa isang malaking manila paper.

"Seryoso ako, JM. Maraming tao ang humihingi ng advice ko sa kanila. Tapos minsan din gusto nila akong tumulong." Banggit ni Jamiel habang patuloy ang paglalakad habang nakaharap sa akin.

Weh, parang mahirap paniwalaan iyon. Pics or- teka lang, Jamiel. tumingin ka sa nilalakaran mo! Matatapakan mo yung gawa nila!

JAMIEL! Yung pintura matata-

SPILL

...

...

"TANGINA! YUNG MANILA PAPER!" Napatili yung babaeng nagdedesign nang mapansin kumalat ang kulay itim sa malaking bahagi ng manila paper.

At kamusta naman ang ate mo aber? Nagcosplay siya as Stevie Wonder dahil umasta siya na walang nangyari. "Syempre, gusto ko rin gawin yung part ko bilang isang butihing estudyante kaya binibigay ko rin yung best ko sa kanila."

Lumingon ka at sabihin mo ulit yan sa akin! Walang hiya umiiyak na yung babae dahil sayo! Anong butihin diyan?

"Really?"

"Oo nga! Napakaconsiderate ko pa sa tao, at alam ko kung anong klaseng tulong yung talagang kailangan nila... Teka." Bigla siyang napahinto nang may naisip siya. Sa loob-loob ko, hiniling ko na sana, just for once, matauhan siya sa mga kalokohan niya.

Magdala ka sana! Magsorry ka muna kay ate for starters!

"JM... Hindi ba napakaperpekto ko? Napakaswerte naman ng maggiging boyfriend ko, diba?"

...

...

...

Seryoso ka diyan?

Naghahanap ako ng camera, kasi iniisip ko na baka dinodog show lang ako ng hambog na ito, pero base sa tingin ng mata niya, iniisip niya talaga na isa siyang biyaya sa sanlibutan! HOLY SHIT!

Dinaig mo na si Narcissus sa pagpapahalaga sa sarili mo!

I'm seriously at a loss.

"Are you kidding me right now?"

"Seryoso ako!"

...

...

"Bilisan mo na lang diyan! Nababaliw lang ako kapag pinapakinggan kita." I had enough. Medyo nangangalay na rin yung kamay ko kaya binilisan ko ang paglakad ko. Nang tumawa siya ng malakas, parang mas lalo uminit ulo ko.

Fuck this! Parang nagkakaroon na ako ng tumor sa utak.

"Nababaliw... Na akoooo... Sa iyooo! Ako'y litong-lito..." Kumanta siya habang sumusunod sa likod ko.

That's it. This is the only time I'll be helping you. Kapag next time nagkaproblema ka, hindi na kita papansinin. I SWEAR!

Humanda ka!