Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 17 - 15. What homemade dish was developed during the Sui Dynasty in China?

Chapter 17 - 15. What homemade dish was developed during the Sui Dynasty in China?

It is a brand new day for me, at tuluyan na nawala sa isipan ang katatakutang nangyari kahapon. Naging mahimbing ang tulog ko courtesy of the show that I watched last night, although mga apat na oras lang yun. Totally worth it!

Salamat anime, dahil in my time of need, nandyan ka. Always.

Kung kaya mas maaga ako nakalabas ng banyo namin para magprepare sa panibagong araw sa school. This time, hindi ako masyado nagtagal sa aking trono, kaya hindi na lumibot pa ang aking pag-iisip.

Pero unang tapak pa lang, akala mo nilagay ako sa freezer kung manginig ako. "Puuuuuuuu~" Pinigilan kong mapamura ng malakas dahil sa lamig.

Paking shet! Akala ko ba summer pa rin? Tanginang panahon ito oh! Bilisan ko na lang bumalik sa kwarto, kaya dali-dali naman ako humakbang.

Konting tiis na lang at makakaabot rin ako sa- Teka...

...

...

...

TEKA, WAIT!

Parang dumudulas yung inipit kong tuwalya sa ibaba ko. Wala pa naman akong suot maliban dito dahil hindi ako kumuha sa kwarto bago maligo.

FUUUUUUUUUUUUCK!

Buti na lang at nahawakan ko kaagad ang tuwalya ko bago siya mahulog ng tuluyan. Maganda ang mood ko kaya ayoko umpisahan ang araw ko ng nagpa-flash sa harap ng aking mga magulang ko.

"JM, bilisan mo na diyan, nagluto pa naman ang tatay mo!" Narinig kong sumigaw ang aking nanay mula sa baba.

...

...

...

Ayo? Is this true?

Mukhang masasalba ang araw ko ngayon ah. Saktong kumulo ang tiyan ko ng marinig ko si Pa pala ang nasa kusina. Yahoo! Finally, some good fucking food. No offense para kay Ma, pero wala pa rin talaga makakatapat sa galing niya sa pagluluto.

"Heto na, magbibihis na po Ma!" Sumigaw ako pabalik bago pumasok sa kwarto, hawak parin ang tuwalya.

Kinuha ko kaagad ang aking white underwear na gamit ko since grade six pati narin yung uniform ko sa aparador. Actually, ngayon ko lang napansin na halos lahat ng mga salawal ko parang nawawala na yung elasticity ng garter.

Change is coming na ba?

...

...

...

Nah. Siguro kapag nabili ko muna yung bagong mount sa nilalaro kong MMO.

Gaming is my passion, bitches.

Anyway, matapos masuot ang lahat, dumiretso na ako sa hapag-kainan. At ang bumungad kaagad sa akin ay ang halimuyak ng bagong lutong mga putahe na nakahain.

HOOOOOOOOOOOLY SHIT! ANG SARAP! I'M COM-

Whoops, family-friendly tayo dito, kaya buti na lang at napigilan ko ang aking naughty thoughts. Wala pa naman akong mature tag para sa story na ito. Ika nga ng isang sikat na kalbong superhero sa internet "Wag kang bastos!"

"JM anak, maupo ka na. Gagawa lang ako ng kape ko." Isang baritonong boses ang tumawag mula sa kusina.

Napakalaking tao ng aking ama. Halos 7 footer ang katangkaran niya kaya madalas siya mauntog kapag hindi siya nagiingat. Bukod doon, parang mga burol-burolan ang kanyang mga muscles na halos kapatid niya na si Arnold Schwarzenegger. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit marami ang umiiwas ng tingin sa kanya.

Pero ang pinakamalupit na bagay na kinamamangha ko sa kanya ay...

...

...

...

Napakalupit niya rin pagdating sa pagpinta ng mukha ng kanyang mga customer.

Yes, you read that right. Tanyag din ang tatay ko tulad ni Ma dahil isa siyang kilabot sa lungsod. Kilabot siya sa mga salon at beauty parlor dahil sa kanyang galing. Kahit mga artista hinahabol siya para maging make-up artist para sa kanilang upcoming series or movie.

Kaya napakabihira niya minsan sa bahay, pero I understand naman.

Napakametikuloso niya pagdating sa pagpapaganda ng isang tao. Ito rin ang naging dahilan bakit naging mag-asawa sila ngayon ni Ma. Isang chance nang dumalaw siya sa salon na pinagtatrabahuan nya. Laging sinasabi ni Dad na hindi siya nagsasawa ilabas ang best version ng kanyang asawa.

I find it sweet and cool, in a way dahil he never wavered on his promise with mom. Kaya saludo ako sayo Dad.

Siya si Franco Labastida. Ang tigasing tatay na iniidolo ko.

"Yehey! Kainan naaa!" Dali-dali naman ako umupo sa aking pwesto at sumandok sa sinangag at ang kanyang inuwing longganisa.

I still think to this day, kung may pipiliin ako sa listahan ng greatest Chinese inventions, idadagdag ko ang fried rice.

Kasi fuck me, sino ba ang hindi excited kapag alam mo na may sinangag, lalo kapag agahan? Walang Asyano ang mabubuhay ng walang kanin, at ang sinangag ang evolved form nito. Maraming sahog ang pwede mo gamitin, pero one thing is for certain:

Dapat yung kanin ay dapat noong kinagabihan pa sinaing.

And what makes it special is that hindi mo kailangan ng mamahaling bigas para sumarap yung fried rice. Kahit NFA pa yan, tiyak sisimutin mo. Bawang lang ang katapat niyan. Mas buhaghag ang kanin, mas maganda.

"Magdahan-dahan ka naman sa pagkuha. Pwede ka naman bumalik." Sinita ako ni Ma habang nagbabasa siya ng diyaryo.

"Sorry na Ma. Malalate na kasi ako." Sinabi ko pabalik sa kanya, pero hindi ko na binalik yung kinuha ko. Nasa plato ko na siya eh, kaya sumubo na ako ng isang kutsara nito.

"Eh bakit kasi ngayon ka lang nagising? Naririnig kita nanonood magdamag."

"Ah, kasi may kwan kami..." Shet, paano ako lulusot nito? Napaisip ako ng saglit hanggang sa nakagawa ako ng isang alibi. "Eh para po yun sa reaction paper na isusulat namin. Oo, yun nga po yun."

Sana gumana ka. Onegai!

...

...

...

At bumalik lang siya sa pagbabasa ng kanyang dyaryo! Yes!

Nakahinga din ako ng maluwag. Alam kong naabutan pa niya ang anime noong kabataan niya, pero syempre iba na ang pinapanood ko ngayon compared sa dati. I pride myself as a connoisseur for the arts, kaya I can tell you the evolution of the themes na ginagamit dati at-

"Ah, kaya pala. Next time wag ka naman masyado maingay. Kagabi puro na lang Chinese naririnig ko. Paulit-ulit yung 'Yamete kudasai, nee-sama' doon sa pinanood mo."

And it is at this moment I realized na wala akong gag reflex dahil nalunok ko ang buong longganisa ng walang kagat-kagat.

HAK! HAK! COUGH! COUGH! GWAK!

PUTA, AKALA KO NAKAHEADPHONE AKO KAGABI! NARINIG BA NILA YUNG PINAPANOOD KO!?

Admittedly, hindi naman siya hardcore tulad ng mga iniisip nyo, pero may isang eksena doon that I can best describe as almost as bad. Hindi lantaran pero implied lang, promise!

"Hayaan mo na siya, love. Alam mo naman nagbibinata na si JM." Nakangising sumabat si Franco habang inabot ang tinimplang kape sa kanyang asawa. Tuwang-tuwa pa talaga kayo na halos hindi ako makahinga? Paano na lang kung umiyak talaga ako dito?

TEKA, KELANGAN KO MUNA NG TUBIG! DAD!

"Binata o hindi, kung gagawa lang siya ng kalokohan, dapat tahimik lang siya." Sagot ni Ma sa kanya.

MA! PANSININ MO NAMAN YUNG ANAK MONG BARADO ANG LALAMUNAN DAHIL SA LONGGANISA!

"Ganito na lang isipin natin, may idea na tayo kung anong gagawin natin mamaya pagpasok niya~" Pumunta siya sa likuran niya at sinimulan niyang hilutin ang balikat niya.

And in an instant, huminga ng malalim si Ma habang lumabas ang ngiti sa kanyang mga labi. Limang araw wala sa tabi si Dad kaya for sure there's a lot more for them to catch up to. Humarap siya sa kanyang asawa at napabugtong hininga siya sa kanyang mukha na tila nangaakit na bumalik sa kwarto.

Siguro matutuwa din ako dahil nagmamahalan parin silang dalawa after all those years pero...

...

...

TANGINA MAMAMATAY NA AKO DITO!

Hindi na ako maghihintay ng magsasaklolo sa akin. Agad ako tumayo at tumakbo papunta sa ref namin para kumuha ng maiinom na tubig. Sa sobrang nginig ko ilang beses ko na rin muntik matapon yung laman pero matapos ang ilang saglit ay naibaba ko rin ang bumarang pagkain papunta sa tiyan ko.

"GHK! KHH! INUNA PA LANDI KAYSA SA ANAK!" Nakapagsalita ako finally after ko uminom ng tubig habang inuubo pa rin. Pero paglingon ko pabalik sa kanila, imbes na sinangag ang inatupag, mga labi nila ang kinakain.

"Mm, schlp, chp, love, nandito pa si JM." Umuungol na tanong ni Ma sa kanyang asawa pero hindi parin sila tumitigil sa kanilang laplapan. Holy, para kayong mga teenager! Maghunos-dili kayo!

"Schlp, shup, Okay... chu, okay lang yan sa kanya. For sure masaya siya para sa atin." Tinigil niyang halikan ang kanyang labi. Although medyo nalungkot si Angelica dahil nabitin, bumalik ulit yung saya niya nang maramdaman niya ang kanyang labi sa kanyang leeg.

"... Kung gusto mo sundan natin yung ginawa natin kagabi sa kwarto?"

...

...

...

FUCK THIS SHIT! I'M OUT!

Hindi ko na kailangan manatili pa sa bahay para malaman kung anong binabalak nila. I wasn't born yesterday to know their intention. Kaya kinuha ko na ang baunan ko at diretsong lumabas ng walang sinabi pa.

ALAM KONG I AM HAPPY FOR YOU GUYS, PERO KAHIT KONTING CONSIDERATION PARA SA AKIN NA HALOS MAG-AGAW BUHAY NA KANINA! HINDI KO TULOY LUBUSAN NAENJOY YUNG PAGKAIN.

Pagkalabas ng gate, nagsimula na akong naglakad hanggang sakayan. Marami pa naman time and maganda ang simoy ng hangin kaya hindi ko naman kailangan magmadali.

Noong first day lang ako nalate, but I prided myself as punctual.

Buti na lang hindi mahaba pa ang pila kaya nakasakay ako sa jeep kaagad. Inabot ko ang aking bayad bago pumunta sa bandang dulo ng sasakyan.

"Bayad po." May isang boses na nakikisuyo na ibigay sa tsuper ang kanyang pera.

Paglingon ko, laking gulat ko nang makita ko ang always passive kong classmate na si Sandra. Nang makilala niya ako, umangat ng kaunti ang kanyang labi.

Feel ko naman nagsmile siya kasi at least 1 milimeter yung ngiti nya ngayon.

"Nakatulog ka naman ng maayos?" Tanong niya sa akin matapos kunin ang pera niya at inabot sa harap.

"Maayos rin naman. Nakalimutan ko na rin yung nangyari kahapon, haha." Sagot ko habang napakamot sa likod ng ulo ko. Medyo nahihiya parin ako kapag naalala ko yung mga pangyayari.

"Ah, buti naman." Yan lang ang kanyang sinabi sa akin bago nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Mabilis lang naman mapuno ang jeep bago siya umarangkada sa kanyang byahe.

...

...

Ah, I wanted to talk more, pero bakit parang ang awkward parin?

Tumingin ako ulit sa kanya at sumubok ulit ng ibang topic "Uh, ikaw, kamusta naman yung tulog mo?"

"Well, it's okay naman." Although nagulat ng kaunti, nakapagbigay naman siya ng sagot sa tanong ko ng mabilis.

"That's good. Kasi nabasa ko sa isang magazine na importante ang sapat na tulog para maging maganda health mo. 40% more productivity daw ang sabi." Shinare ko habang inaalala ko yung mga magasin na nakatambak lang sa may waiting area ng barangay hall.

"Ganun ba yun?" Tinungo niya ang ulo nya sa gilid habang nakikinig sa sinasabi ko.

"Oo. Siyempre babad ka sa araw and laging pagod, kaya need mo rin yun more than me."

"Well, I've always looked out to myself, but thanks for the advice."

"Anytime." And with that, nanumbalik ulit kami sa katahimikan.

...

...

...

Is it me or parang mas humaba yung ruta ng jeep ngayon? Antagal ng oras ah. And for some reason parang nahihinto na lang kaagad yung paguusap namin? Nasaan yung Sandra na kausap ko kahapon?

Tumingin ako sa gilid ko, thinking na bored na siya kaagad sa akin, but strangely, nakatingin parin siya sa akin, almost as if nageexpect parin siya sa akin. Kung ano man yung hinihintay niya, I don't know.

Pero I know na we'll continue in silence if I don't say anything. Kailangan ako maginitiate.

"Uh, I'm sorry..."

"Uh, I'm sorry..."

Nagtinginan kami sa isa't isa since sabay kami nagsalita, pero parang nag-aabangan na naman ulit kami kung sinong mauuna magsalita. "Uh, sige lang, ikaw na muna magsalita."

"Ay, hindi okay lang, ikaw na lang muna. Sorry to cut you off." Tinaas niya ang kanyang kamay at humingi ng patawad.

At that point, I thought of offering the first say to her, ladies first and all, pero based on how she acted earlier, feeling ko magbabatuhan lang kami kung sino mauuna, and I really want to talk more to her, kaya I decided to oblige her request.

So I took a deep breath and started "Okay, siguro I just wanted to say sorry kasi iniisip ko napakaintrusive ko. Pasensya na madaldal ako masyado. I thought I am invading your personal space."

"Ay wag ka magsorry! Hindi ganun yun. Nageenjoy naman ako sa mga sinasabi mo." This time, may diin na yung sinabi ni Sandra sa akin habang nangungumbinsi "Ako nga dapat magsorry kasi hindi talaga ako magaling na conversationalist. I really don't know what to say to others."

Tumahimik lang ako but nodded to her words while she continued "Actually, akala ko yung nangyari kahapon I have said something out of the line. You see, wala ako masyadong experience when it comes to social cues, kaya I don't hold conversations long enough."

"You don't need to feel sorry kasi I actually enjoy talking with you. I learned a lot yesterday. Mas nakilala kita, and I hope that I'll get more chances to chat with you."

...

...

...

What did I just say?

Before nagregister sa utak ko yung implication ng mga sinabi ko, umiwas ang mga tingin namin sa isa't isa. Fucking hell, that was embarrassing! Ano ba ginagawa ko dito? Nagcoconfess ba ako para pakasalan siya? What the flying f-

"Oh, bababa ng DAKHS, dito na!" Sumigaw ang tsuper mula sa harapan.

Nang pumarada ang sasakyan namin sa harap ng gate, nagumpisa bumaba ang mga estudyanteng sakay nito. Wordlessly, sumabay kami at tumayo sa may harap ng waiting shed sa gilid ng bike stand.

Pero kahit anong gawin ko, kahit ang ingay ng makina ng jeep, hindi maalis sa isipan ko ang kinakatakutan ko:

Sana hindi niya isipin na creepy ako sa sinabi ko.

"Uh, what I mean Sandra is-" I tried to open up and say something nang biglang hinawakan niya ang kamay ko at humarap sa akin.

Dahil sa mga drills na ginagawa nila sa field, may kakaunting bakas ng mga kalyo sa kanyang mga kamay, pero for some strange reason, ito na yung isa sa mga pinakamahalagang nahawakan ko sa buhay ko, kaya unconsciously, napahigpit ang hawak ko.

"Do you really mean it? You enjoy talking with me?" Tinanong ni Sandra sa akin, and right now, any shred of shyness is removed completely and is replaced with determination and... hope?

Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal, pero for some reason parang bumagal ang lahat ng nasa paligid ko, and I am more aware of her presence. Napakalayo sa shy-type kanina or yung usual apathetic appearance niya.

Napakacommanding and charismatic that I can't help but blurt out what's on my mind. And that's what I answered.

"Yes, especially with what I know about you. Contrary to what you believe, you are very interesting to talk to, Sandra. Gaya ng sabi ko, you are passionate in what you love to do, kaya of course I love hearing things about you."

And that is what I honestly think about her. Sa iba, mukha man siyang emotionally constipated dahil sa kanyang walang pakialam sa paligid, but after what she shared, I can no longer see her that way.

At sa totoo lang, nakakatuwang isipin na ako lang sa buong school ang nakakaalam nito. Take that, heartthrobs!

Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa aking sinabi, pero hindi ko makakaila na halos parang lumiwanag ang kanyang mukha sa sinabi ko. Sa tinagal-tagal niya sa paaralang ito, ni minsan na nakita ko siya na may kausap na iba other than sa COCC.

And I am more than willing to lend my ear for her.

"... Thanks." Halos bulong niya ito sinabi pero dinig na dinig ko siya sa tenga ko.

"Ano ka ba, that's what friends do... Unless, you want to be?" I tried to play it off as a joke pero deep inside kinakabahan ako sa kung anong isasagot niya. This is the first time nakipagkaibigan ako sa isang babae.

Please say yes. Please, please, please, please...

"Yes, syempre I want to!" Inalog niya ang kamay ko sa tuwa habang tinanggap niya ang alok ko. YES! I THINK THIS IS THE THING THAT I AM WAITING FOR! May nakilala akong bagong tao and I have high hopes na this will be a fruitful re-

"HOWDY, PARTNER!" May isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa likod ko. Pagtingin ko, biglang nanlamig ang mga kalamnan ko dahil nakatayo sa harapan namin ay walang iba kundi si Jamiel Fucking Han habang hawak ang kanyang bisikleta.

And that's when I realize kung ano ang sitwasyon. Hawak parin ni Sandra ang kamay ko. Tumaas ang kilay ni Jamiel nang napansin ito habang isang ngisi ang lumilitaw mula sa kanyang bibig.

Oh, no...

...

...

Oh, fucking no! I don't like that look.

"Oho? Am I interrupting something here, partner?"