"Game! Simulan na natin i-prepare yung mga ingredients." Malakas na binanggit ng leader ang gagawin ng buong grupo para sa kanilang putahe. Buti na lang at hindi na sila masyado nanatili sa diskusyion nila kaya nagumpisa na sila magluto.
Thank God for small mercies.
"Ako na bahala maghugas sa karne. Kayo na bahala sa gulay." Sambit ulit ng kanilang leader bago umalis, dala ang isang plastic ng karne.
"Sige ako naman sa bawang at sibuyas." Kumuha naman si Boy Mechado ng bawang at sibuyas at nilagay ito sa ibabaw ng kanyang chopping board.
"Ake ne se kerrets." Masiglang nagpresenta si Kris habang kinuha ang mga carrots sa lamesa. Ay wow, cute yarn?
Pero okay na yan, at least may progress na tayo. So far, lahat naman sa klase ay nagpeprepare narin, kaya hindi naman kami masyado nahuhuli. Sige, yung patatas na lang babalatan at hihiwain ko. Nakakahiya naman kasi kung wala akong gagawin, kaya kumilos na rin ako.
GAME!
Pero pagkaabot ko sa isang pirasong patatas, may naramdaman akong kamay na pumatong sa ibabaw ng kamay ko. At pagtingin ko sa may-ari nito, bumungad sa akin ang nakatitig na mga mata ni Jamiel.
...
...
...
"Uh... Ako na bahala dito."
"Ako na, JM. Pagdating sa kusina, you can count on me." Nginitian lang ako ni Jamiel habang unti-unting kinukuha yung hawak kong patatas. At sa isang iglap, bigla kong naalala yung sinabi ng paborito kong streamer mula sa Japan.
...
RORU, RORU. RUMAO.
Sa tingin mo maniniwala ako sa halata mong palusot? Alam kong hindi ako ang disipulo ni Chef Ping Ping Ping, pero sa tingin ko naman kaya ko naman gumawa ng simpleng luto, especially compared sa walking disaster tulad ng babaeng nasa harap ko.
"Hindi na, ako na bahala sa patatas. Kaya ko naman ito." Hindi ko pinakawalan yung hawak ko habang sinubukang makiusap sa kanya. Tumingin lang siya sa akin ng isang saglit, at akala ko lalaban siya, pero nabigla ako nang unti-unti niyang binitawan ang gulay.
"Really? Sige nga, panoorin kitang magbalat niyan, Sarah." Sumandal si Jamiel sa kanyang upuan at ngumisi pabalik sa akin, as if hinahamon niya ako.
Hah! You dare question my mastery of the kitchen, peasant? Watch and learn.
"Kung di mo lang alam, kilala ako sa pinakamagaling na mambabalat ng patatas sa buong distrito." Pagmamayabang kong sabi sa kanya habang hinanda ko ang kutsilyong gagamitin ko at ang patatas na nasa kabilang kamay ko.
"Sige, Mr. Champion, pakitaan mo ako."
Hindi ko na pinansin si Jamiel at pumikit na lang ako. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko hanggang sa maramdaman ko na at peace ako sa mundo.
...
Yes, I am one with the world. Ito na nga ang oras na hinihintay ko. Gagamitin ko na ang technique na pinasa mula sa mga ninuno ko. Huminga ako ng malalim at bumulong sa sarili ko. Ito ang aking Hashira.
...
Breath of Food. Total Preparation Breathing: First Form - Potato Peel and Slash!
ZINGZINGZINGZING!
At sa isang iglap, binilisan ko ang pagikot ng kutsilyo sa hawak kong patatas hanggang sa maabot ko ang kabilang dulo nito. Ang problema nga lang, napakapurol ng Nichirin Blade na gamit ko ngayon.
Shet, paano ako makakapatay ng demonyo nito kung simpleng patatas hindi na kaya!
"AAAAAAAAH!" Sumigaw ako na parang si Goku na nagsu-Super Saiyan habang patuloy sa pagikot ng patatas.
"Uh... JM, pwede ka naman yata magingat ng kaunti sa-" Naririnig ko ang kaunting alala ng babaeng katapat ko, pero hindi ko na binigyang-pansin. Kailangan ko matapos ang pagbabalat nito.
Para sayo Nezukooooooo!
Ilang segundo din ang nakalipas at nakita kong malapit na ako matapos. Nang makita kong natanggal at nahulog ang pinakadulong bahagi ng balat, pinakita ko ang final product kay Jamiel.
"Hah, hah, hah. See?" Hingal na hingal ako, pero I don't care. Proud ako sa ginawa ko. And the best part, hindi ako nasugatan, not even once!
Samantala, tinitigan lang ako ni Jamiel. Wala siyang isang salita na nasabi.
Speechless ka no? I know, you can bask on my glory. Kung maggiging mabait ka sa akin from now on, baka-
"Ngayon lang ako nakakita ng taong hinihingal matapos magbalat ng isang patatas." Komento niya habang lumalaki yung ngiti niya mula sa kanyang labi. I don't like that look.
"Hey, as long as nagampanan yung task na kailangan, who cares?" Dumila ako pabalik matapos ko sumagot sa kanya. Grabe, no appreciation for the arts.
Tumawa lang ang kutong na nagkatawang tao sa akin bago pulutin yung balat sa harap ko at tinuro "Tignan mo oh, ang kapal ng binalatan mo. Yung patatas mo naging jolen na sa liit!"
"At least wala na talagang balat na matitira."
"Reasons." Tinawanan lang niya ako. Hanep ka talaga Jamiel Han!
Akala mo kung sino kang magaling. Sige nga, ikaw nga yung mag- teka, saan mo dadalhin iyang upuan mo?
Imbes na isang hirit ulit ang maririnig ko sa kanya, bigla siyang tumabi sa akin. Hindi nawala yung ngiti sa mukha niya, pero for some reason, naging mas malambot ito. "Turuan kita paano balatan yang patatas."
"Huh?"
Inangat niya ang kanyang kamay at nilagay ang mga ito sa ibabaw ng akin. Ramdam ko ang malambot na haplos ng mga daliri nito sa akin, na halos parang nangingiliti ang pakiramdam. Ano na naman plano mo? Nangaasar ka yata eh!
"Sandali, kailangan ba talaga magkalapit tayo para turuan mo ako?" Walanghiya, parang nanghihina na rin yung boses ko. What the actual fuck is happening?
"Ang arte naman. Tutulungan ka na nga eh." Hindi niya parin ako pinakawalan sa pagkakahawak niya habang sinimulan niya ang kanyang pagtuturo "Masyado mo kasi pinupwersa yung kutsilyo. Hayaan mo yun mismo yung humiwa. Parang ganito lang."
Mula sa gabay ng kanyang mga kamay, dahan-dahan niyang tinulak yung kutsilyo sa isang bagong patatas. In fairness, parang kusang natatanggal yung balat nito kaysa kanina noong pinupwersa ko.
At ang nipis ng binalatan. Kasing nipis ng pagitan namin ngayon na parang kuto sa buhok ko. Nakakainis!
...
...
...
Pero sa tingin ko parang kakaiba lang ang araw na ito. Ito ang unang beses na nakita kong nakafocus sa akin si Jamiel bukod sa usual 'Saltik Mode' niya. This is all new territory for me.
And as much as I hate to admit it, pero it feels nice. Yung care and attention niya, it feels genuine. For sure isa itong paradox. I am feeling tingly dahil kay Jamiel Fucking Han.
Motherfucking Jamiel! WHAT!?
Ano na, self?
"... Ayan, tapos na! Pwede mo na siyang hiwain. Madali lang, diba?" Nang mahimasmasan ako sa mga palaisipan ko, napansin ko na natapos ko mabalatan yung pangalawang patatas.
Huh. Mas maganda nga yung kinalabasan nito. Mas konti na yung nasayang na laman. I should be happy with the outcome.
Pero bakit parang mas nadisappoint ako nang bitawan niya ako.
"Uh, oo nga no." Ito lang ang nasabi ko habang tumungo ng ulo. Ineexpect ko na mangaasar siya, pero binigyan niya lang ako ng thumbs up.
"Right? Sabi ko sayo, I know my way through a kitchen. Basta ako na bahala sayo, young padawan. Let me take care of the rest."
"... Sige. I'll be in your care." Hinayaan ko na lang siya na kunin yung kutsilyo mula sa pagkakahawak ko bago siya nagpatuloy sa iba pang gulay na kailangan i-prepare.
Hanggang ngayon, maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Lagi ko siya nakikita bilang tinik sa gilid ko na gusto kong matanggal. Isa siya sa gusto ko iwasan as much as possible.
Ngayon, hinayaan ko lang siya lumapit sa akin.
Ano ba ito? May halo yatang betsin yung Milo ko kanina.
...
...
...
At sa hindi maipaliwanag na bagay, nakikita kong lumalabas yung ganda niya kapag nagseryoso siya sa isang bagay.
Huh...
"... Excuse me? Narinig ko na hinahanap niyo daw ako?" May isang taong tumapik sa balikat ko bago ito nagsalita. Nang mawala ang focus sa mga palaisipan ko, bumungad sa akin ang mukha ni Ma'am Jinky, ang Advisor ng Food Tech Department.
"Ah, opo! Gusto ko po sana kausapin po kayo about sa plan ng SSG." Tumayo ako bigla at yumuko ng kaunti.
"Ah, sige lang. Doon tayo magusap sa may lamesa ko." Tinuro niya ang pinakadulong lamesa sa silid.
Tumungo ako sa kanya bilang sagot ko.
"Sige. Class! You have 30 minutes left para matapos yung niluluto niyo. We'll have taste test afterwards." Inanunsyo niya sa buong klase ang direksyon bago kami naglakad papunta sa kanyang table.
Pero bago ako kumilos, tumingin ako pabalik kay Jamiel, na busy din sa paghihiwa nito. Nang napansin na niya na nakatingin ako sa kanya, ngumiti lang ito sa akin at kumaway:
"Ako na bahala dito. Kausapin mo muna si Ma'am. Promise hindi ka magsisisi sa lulutuin ko."
"Ah, okay. Mauna na ako." Napakamot ako sa likod ng ulo habang nagpaalam bago ako sumunod sa guro.
I mean, ganyan din yung ginawa niya kanina sa Agriculture room, pero bakit parang kakaiba yung pakiramdam ko nang nagpaalam ako. Siguro yung init ng panahon napunta na sa ulo ko. Kailangan ko yata magpalamig.
...
Yes, dadaan muna ako clinic pagkatapos nito.
Nang makaupo na ako sa upuan, nagsimula na akong magpulong para sa plano namin with Agriculture.
"Thank you po ma'am sa pagpayag niyo. On behalf of SSG, may plano po kasi kami na magsagawa ng urban farming sa school as our beautification project. We have approval po with Agriculture para sa pag-alaga and pagtanim ng mga punla, so we would like to ask for your help din po."
"That's good naman, pero what kind of help are you expecting from my class?" Napahalumbaba si Ma'am Jinky habang napapaisip sa aming proposal.
"Ah, heto po yung workflow that we proposed. Sa draft, main responsibility lang naman is storage and use of produce. I think malaking tulong ito para sa activities ng department niyo. Ito po yung timeline."
Nilabas ko ang draft na pinakita ko rin previously kay Sir K, and so far, naging banayad naman yung daloy ng paguusap namin. Siguro yung natanong na kanina ni Sir K ay natanong din niya, kaya alam ko na ang sasagutin ang dahilan, kaya mas confident ako this time.
"Okay lang naman, pero paano ang budget nito? Kasi kung kami ang mangangasiwa sa pagluto, in junction with Nutrition month, paano yung mga ingredients na hindi makukuha sa pananim?" Tanong ng guro habang binabasa ang draft na sinulat ko.
"For Nutrition Month, may set budget na allocated for the feeding program. We can tap on this para macover yung ingredients na needed. I'll have Sir Dom share to you yung costing."
"Okay, pero paano yung kagamitan? May mga equipment kami, pero paano yung LPG? Limited kasi yung allocated sa amin specific for coursework lang."
Huh, that is very true. Especially ngayon at nagtataasan ang presyo ng gas, dapat accounted din yan. Pero hindi naman ako masyado kinabahan, kasi alam ko na yung sasabihin ko diyan.
"As for LPG budget, that can be arranged naman with Sir Dom. I can add it on my revision. Pero as for the workflow and responsibilities, okay naman po tayo dito?"
"Pwede mo gawin yun?" Tumaas ng kaunti yung kilay niya sa suggestion ko.
"Yes po, ma'am. Ako naman po yung main author ng proposal. And maiintindihan naman ni Sir Dom at ng SSG ito." Sagot ko pabalik
Tinungo niya lang yung ulo niya sa akin bago bumalik sa pagbabasa sa draft proposal ko. Feel ko naman nakumbinsi ko siya, and hopefully mag-agree siya para mafinalize ko na at maipasa ko na ito agad kay Alex.
Habang hinihintay ko ang maggiging tugon niya, napalingon ako sa likod ko at tinignan kung anong nangyayari sa grupo nila Kris.
At ang una kong napansin ay si Jamiel, na ngayo'y nakasuot ng isang pink na apron at may nakataling pamunas sa kanyang ulunan.
"... Ang galing mo naman pala magluto. Bakit hindi ka sumali ng Food Tech?" Nagkomento ang leader ng grupo habang pinapanood niya kumilos ang SSG Vice President.
"Haha, binobola mo lang ako eh. Hobby ko lang naman kasi ito. Hindi ako pro tulad niyo." Tumatawa siyang sumagot habang lumaki ng kaunti ang kanyang ngiti sa papuri na nakuha niya sa kanila.
"Hindi yun bola! Pinapanood nga kita magprepare kanina, para kang nag-aral ng culinary ng matagal!" Sabi ni Boy Mechado sa kanya.
"O baka sa pamilya mo. Feel ko kamag-anak mo si Gordon Ramsay." Bumanat si Kris habang nakatuon ang mga siko niya sa lamesa sa tabi. Base sa laway na tumutulo sa dulo ng labi niya, sa tingin ko natatakam na siya.
Ano kaya amoy ng niluluto nila?
Napailing lang si Jamiel sa narinig niya pero hindi na siya sumagot pa. Binaling niya ang kanyang pansin pabalik sa kaldero.
"Sabi ko nga, hobby lang naman ito. Teka ikaw muna dito, naiinitan ako ng konti."
Kinuha ni Boy Mechado ang sandok na hawak ni Jamiel at tinuloy ang paghalo ng mga ingredients. Samantala, napaupo siya sa kanyang upuan habang patuloy na nagdaldalan ang grupo ni Kris.
...
...
...
Hmm... Siguro dahil lang ito sa singaw ng kanilang niluluto, pero bakit parang nanigas ng kaunti yung mukha niya. Ano-
"-JM? JM, nandiyan ka pa ba?"
Ay, pakshet! Kausap ko pa pala si Ma'am!
"Ay, yes po, ma'am! Sorry, may questions pa po ba kayo about sa project?" Bigla akong umayos sa pagkakaupo ko at humarap sa guro, na mukhang natutuwa sa nangyayari.
"Wala naman. Basta yung revision sana maapprove. For the most part, agree naman ako sa plano mo." Inabot niya pabalik sa akin yung draft proposal ko. Sa wakas! Natapos din ito. Mamaya tatanungin ko na lang si Alex kung pwede idagdag sa costing yung gas.
"Thank you po!" Yumuko ako at nagpasalamat sa kanya.
"You're welcome. Alam ko naman na atat ka na bumalik sa jowa mo kaya sige pwede mo na siya puntahan." Ngumisi at may tinuro si Ma'am Jinky. Hindi ko na kailangan tumingin kung sino ang tinutukoy niya.
Halaaaaaa! Nakakahiya.
"M-Ma'am! Hindi ko po siya jowa!" Sinubukan ko tanggihan ang kanyang sinabi, pero tinawanan lang ako pabalik. Kasi naman, bakit ako natutulala lagi?
"Sige, crush na lang. Halata naman sa titig mo eh."
That's even worse! Wala akong nararamdaman sa kupal na yan! WALA!
"Anyway, times up! Ilapag niyo na yung mga putahe niyo. Remember, plating is also part of your scores, so make it more presentable." Buti na lang hindi na masyado nagtagal ang titser sa pang-aalaska dahil tinawag na niya ang buong klase.
By this time, isa-isa nilang nilapag ang mga niluto nila sa isang mahabang lamesa. sa gitna. Pumunta ang guro sa harap nito habang ako naman ay dumiretso sa tabi ng grupo ni Kris.
"Kamusta naman yung proposal? Okay si Ma'am?" Bumulong si Jamiel matapos nitong tumayo sa upuan at tumabi sa akin.
"Oo, may konting revision, pero okay na siya sa plano."
"Mabuti naman."
Wala na siyang nasabi pa matapos, kaya nagfocus na kaming dalawa practical exam na nagaganap. Sa bawat putahe na natitikman ng guro, nagbibigay siya ng kanyang saloobin at paano mas mapapaganda ang kanilang mga iskor.
Actually, dapat pala dinala ko notepad ko. Pwede ko siya magamit in the future. Syempre goal ko pa rin makahanap ng jowa.
At sinong hindi maiinlove sa lalaking marunong magluto.
"Okay, Group 5." Tumapat si Ma'am Jinky sa amin at kumuha ng isang kutsara ng kanilang niluto. Pagkasubo niya, napatahimik ang lahat, inaantay kung ano ang maggiging hatol ng hukom.
Napapikit si Kris at nagdasal habang nakahawak-kamay ang dalawa niyang kagrupo. Ano ito Miss Universe?
"Hmm..." Ninanamnam ni Ma'am Jinky ang pagkain.
Sa sobrang kaba, pati si Jamiel napakapit din sa akin. Actually, ngayon ko lang din napansin pero ang higpit ng hawak niya sa bisig ko!
Teka, babaita, yung kamay ko!
"Group 5... This is very very good. Masarap yung balanse ng asim ng kamatis at yung alat. Nice touch din sa pagkalambot ng karne. Good job sa inyong Kaldereta. Congratulations!"
...
...
...
Wooooh! YES, BABY! WE DID IT!
Sumabog sa tuwa ang mga kagrupo ni Kris habang pumalakpak ang ibang mga kaklase nila. Kahit si Jamiel halos hindi mapigilan mapahiyaw sa tuwa. "SABI NA EH, KALDERETA SIYAAAAAA!"
"TEKA LANG! KAMAY KO, JAMIEL!"
Pero kahit anong tawag ko sa kanya, hindi niya pa rin tinantanan kamay ko. Konting kabig niya, makakalas niya yung buong kamay ko.
Alam kong dati pangarap ko maging Gundam, pero huwag naman sana sa ganitong paraan!
...
...
...
Hindi na rin naman nagtagal yung grading ni Ma'am. Finally, ito na nga ang pinakahinihintay ko.
"O sige. Pwede niyo na kainin iyan. Bumili na lang kayo ng kanin sa co-op." Pagkasambit ng kanilang guro, biglang sumabog ang buong klase sa tuwa. Siyempre kapag may pagkain, may kainan na mangyayari!
YABA DABA DOOO! LIBRENG PAGKAIN!
"TARA NA JM! Kain na tayoooo!" Bigla kong naramdaman na hinatak ako bago ko narinig ang boses ni Jamiel, na tuwang-tuwa na makakain.
Alam kong inannoucne mo na patay gutom ka, pero kalmahan mo lang ang sarili mo. Lahat mabibigyan, for sure!
"Sandali lang, pwede naman-"
"Wag ka na pumila doon. Kumuha na ako para sa atin!" Tinuro niya ang isang sulok, at nakita ko may isang mangkok ng ulam na puno ng kaldereta. May isang baunan din na may laman na kanin sa tabi nito.
Wow, ambilis umaksyon. May future ka sa Quiapo bilang snatcher.
"Tara nagugutom na ako." Umupo siya sa isang tabi habang ako naman sa kabila. In fairness, base sa amoy ng kaldereta, natatakam na rin ako.
Well, at least makakakain na rin naman ako, so might as well enjoy this time.
"Heto na lang gamitin mo muna. Wala kasi silang extrang plato." Inabot niya ang takip ng kanyang Tupperware at sinandukan niya ng kanin bago ito iabot sa akin. To be honest, sanay na kami ni Renzo kumain dito.
Bilang kasapi sa frat na Frating Gutom, dapat alam mo paano lumamon kapag walang plato. At takip ang next best option mo! Kaya okay lang sa akin.
"Okay lang. Tara, nagugutom na rin ako."
"Yun oh! Tikman mo na ito." Kumuha si Jamiel ng isang kutsara ng kaldereta at nilagay niya sa kanin ko.
...
Actually, now that I think about it, parang napakaexcited ng kilos ni Jamiel ngayon. Siguro nga gutom na gutom ito kaya napakasaya niya na may pagkain sa kanya.
Kung ganyan pala ugali mo kapag gutom, sana hindi ka na mabusog habang-buhay.
Sige matesting nga itong pagkain mo. Kapag ito hindi masarap, sinasabi ko na sayo hindi ko papalagpasin asarin ka dito.
...
...
...
Gulp.
...
...
...
...
...
...
"... Wow."
Ito lang ang naisip ko nang maisubo ko ang aking kutsara.
Tama nga ang sinabi ni Ma'am. Napakalinamnam ng karne at napakalasa ng sarsa. Hindi siya nagooverpower, bagkus parang nagsasama yung lasa niya. Kung ganito yung ulam sa co-op, feel ko mas marami pa ang maeenganyo kumain.
This is good!
Shet, hindi ito pwede! Naaanod na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Sabi nga nila 'The way to a man's heart is thru his stomach'. At sigurado ako ito ang nangyayari sa akin ngayon.
...
Ah! Kaya pala naguguluhan ako kanina. Siguro hini-hypnotize ako ni Jamiel para hindi na ako pumalag sa kanya at tuluyan na akong maging alipin niya. Hah. hinding-hindi mangyayari iyan. As usual, basang-basa ko na ang kilos mo.
Hindi mo mababago ang isip ko sayo.
"In fairness, masarap siya, which is surprising na gawa mo-" Sinubukan kong tumingin sa kanya at sabihin ang aking 'honest' review, pero ito na ang pinakamalaking pagkakamali ko.
Nakatingin siya sa akin, which is not unusual kung iisipin, pero parang naghihintay siya sa kung ano man ang sasabihin ko.
Nakangiti siya sa akin, which is also not unusual, pero parang walang halong pang-aasar ito na para bang talagang masaya siya na naeenjoy ko ang pagkain niya.
And the worst part? May isang imahe ang biglang nagpakita sa isipan ko. Nasa hapag-kainan kami, at ganitong titig din ang nakikita ko, but for some reason, imbes na mainis, gumaan ang pakiramdam ko.
...
It feels like... home?
...
WHAT THE FUCK, SELF!? ANG CREEPY!
"I-I mean, masarap siya. Thank you." Napailing na lang ako sa iniisip ko at binago ko ang sinabi ko sa kanya. Now this is definitely weird.
"Alam ko, ang galing ko. Napakaperpekto ko talaga diba? Paulanan mo pa ako ng papuri."
"Oo na, oo na. Ikaw na ikaw na ang panalo, Master." Usually maiinis ako kapag lumolobo na ulo niya, pero for some reason, walang halong inis ang nararamdaman ko ngayon.
Sige na hindi ko na kinukuwestyon ngayon. For sure gutom lang it. Let's enjoy the food bago bumalik sa paggiging demonyo ang babaeng nasa harap ko.
And base sa mukha niya ngayon, I think that is the best choice.
"Aha, sabi na eh. O sige dahil naging mabuting homeboy ka, kumain ka pa." Sumandok pa siya ng ulam at nilagay niya sa kanin ko. Teka, ako yung homeboy pero parang ikaw yung nagseserbisyo para sa akin.
Pero I don't think I'll mind. Especially kung mukhang hindi na rin matatanggal yung ngiti sa labi niya.
Well, this is nice. Kain na lang muna ako.