Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 26 - 24. It refers to someone, usually Christians, sent on a religious mission.

Chapter 26 - 24. It refers to someone, usually Christians, sent on a religious mission.

Matapos ang makabuluhang Biyernes, naumpisahan ko ang umaga ng Sabado ng maganda. Kaninang alas sais pa lang malamig na ang hangin, kaya hindi maalinsangan ang panahon. Naging mahaba din ang tulog ko kaya hindi sumakit ang ulo ko. Fully refreshed ang aking katawan.

Wow, sarap ng umpisa ng weekend ko! Ready na akong harapin ang trabaho ko sa SSG mamaya.

...

...

...

Aaaaand, nawala kaagad yung good mood ko.

Nice.

At dahil diyan, tumayo na rin ako mula sa pagkakahiga. Para mawala yung badtrip sa katawan ko, kakain na lang ako ng agahan. Naaamoy ko na rin naman yung prinitong SPAM, kaya kumakalam na ang tyan ko.

Yes, ligo can wait. Binuksan ko ang pintuan at nagmadaling bumaba sa hagdanan. Nang nagpakita sa sala, bumati kaagad sa akin ang halimuyak ng sinangag at ang prinitong SPAM, tinapa at itlog sa ilong ko.

Wow, feeling special si Ma ngayon ah. Ganado magluto ah. Siguro pauwi na naman si Dad.

"Aba ang aga mo nagising. Himala." Komento ng aking inang mahal habang nilalapag ang mga plato sa hapag.

"Kailangan ko rin po umalis maya-maya, Ma." Sumagot ako bago maupo sa upuan at sumandok ng kanin. Grabe ka naman sa akin. Kaya ko rin naman maging masinop. Sadyang wala pa akong nakikitang dahilan para ibigay ko ang 100% self ko sa isang bagay.

Siguro kapag nakita ko na ang 'The One' ko.

"Anong gagawin mo? Magbubulakbol na naman kayo ni Renzo?" Inakusahan ako habang nanliliit ang mga mata ng ilaw ng pamilyang Labastida sa akin.

"Hindi, Ma. Kasama ko po yung SSG mamaya. Hindi pa po namin kasi natapos yung sa project namin eh." Nagpaliwanag ako sa harap ng hukuman ni Ma. Angelica. Sabi nga ng isang lalaki na may goatee na ginawang meme sa internet:

'Bakit ako matatakot?'

"Weh? Bakit kasi hindi mo tinapos agad sa school niyo? Noong panahon ko never ko inuwi trabaho ko mula sa SSG." Pagmamayabang niyang banggit nito sa akin, at muntik nang umikot ang mga mata ko. Hindi naman sikreto na isa siyang alumni ng DAKHS, at minsa'y naging miyembro ng SSG.

Alam ko rin na isa siyang diktador na pinasa karamihan ng trabaho niya sa iba, pero siyempre hindi na ako magcocomment pa. Mahal ko pa ang pwet ko at ayoko lumagutok ito bago umalis, kaya tungo na lang ako ng ulo.

"Anyway Ma, ginamit ko yung ginawa kong proposal sa barangay niyo para ipasa sa PTA. Okay lang ba?" Sinubukan kong ibahin yung topic.

"Alin doon, yung pagbili ng M16 para sa mga tanod ko?" Napaisip siya sa listahan ng mga ordinansa na sinumite niya sa konsehong panglungsod kahapon. Make no mistake, mataas ang pagtingin ko sa aking ina pagdating sa kanyang paglilingkod sa barangay.

Pero what the actual fuck Ma, barangay tanod lang yung hawak mo, hindi SWAT!

"Hindi, Ma! Yung sa urban garden dapat doon sa may bakanteng lote. Yun yung ginamit kong proposal sa school ko."

"Ah, akala ko kung ano na. Sige lang. Ikaw rin naman nagsulat noon." Sumasang-ayon na sagot ang sinabi ng babae habang naupo at nilapag ang isang mug ng mainit na kape sa kanyang tabi.

At kahit isa akong binatilyo na nasa kalagitnaan ng pagtanda, kinilig parin ako ng kaunti sa maliit na papuri. Tama nga na ako ang nagsulat nito, kaya nga kinakitaan niya ako ng potensyal at pinayagang sumama paminsan-minsan sa kanyang mga meeting.

Talagang mana ako sa katalinuhan mo, Ma!

"Honey, I'm home!" May isang malakas at malalim na boses ang nagmula sa pintuan ng bahay. At sa isang iglap, malakidlat sa liwanag ang ngiti na nakapinta sa labi ng aking nanay.

"Franco, mahal! Tara dito, pinaghanda na kita ng agahan." Malaasukal na inalok ni Ma. Angelica na maupo ang kanyang asawa sa tabi niya sa hapag-kainan. Tumawa lang ito pero halata naman na may epekto parin ang pangaakit nito sa kanya.

Sa mata ng karamihan sa kalye, isa siya sa pinakamatigas na punong barangay sa lugar. Walang kriminal ang uubra sa kanya. Hanggang ngayon totoo naman ito, pero hindi ko mapigilang tumawa kapag nakita nila ang nanay ko ngayon.

At base sa mga titig nila, feeling ko hindi lang salita ang ibibigay nila sa isa't-isa.

...

...

...

Okay, that's my cue para magbihis at umalis na rin. Buti na lang at natapos na rin ako kumain. Kung kaya, tumayo na ako, dala-dala ang plato na pinagkainan ko at nagpaalam "Ma, Dad, maliligo na ako. Aalis na po ako."

Umakyat agad ako sa kwarto ko para magprepare. Pagbukas ng aparador, bumungad sa akin ang isang hilera ng t-shirt na nakatiklop. Usually kapag weekend, wala akong pakialam kung anong itsura basta comfortable ako.

Kaya pagkahawak ko sa t-shirt sa pinakataas nito, napangiti ako. Ang lambot kasi ng tela, kaya hindi siya nakakairita suutin. At isa pa, may itsura naman yung mukha ng kongresista na nakaprint sa gitna nito.

Dati siyang artista kaya isa ito sa pinakaprized collection ko. Walang sinabi ang mga KPop stans sa dami ng merch ko.

Kukunin ko na sana nang bigla kong naalala ang mga salita na binitawan ng dalawang babae kahapon.

... Ayusin mo yung damit mo. May gagawin tayo.

HUMANDA KA BUKAS AH! MAGSUOT KA NG MAGANDA!

Now, I have every reason to decline both of them. Yung isa, walang-awang dinurog ang puso ko, samantala yung kabila naman, walang-awang ginagawang impyerno buhay ko. At naniniwala ako na walang iba ang kayang magdikta sa pwedeng gawin kundi ang sarili ko.

Pero nang pinagmasdan ko ang t-shirt na hawak ko. Hindi naman naman ako sumusuko sa pangarap ko na magkajowa, pero ano na nga ba ang ginawa ko para matupad ko ito? Ano ba ang plano ko para mahanap ko ang Dream Girl ko?

...

Hindi, kailangan ko magbago. At kahit na sa tingin ko napakababaw ang simpleng pagpapalit ng damit para makasunod sa uso, kailangan ko pa rin umpisahan sa sarili ko ang pagbabago.

Diba, minsan ang thoughtful ko talaga?

"You've served me well, Congresswoman. Salamat sa serbisyo mo." Halos binulong ko sa sarili ko habang hinimas ang tela ng lumang damit na hawak ko ng huling beses bago ko binalik sa likod ng aparador. Hanggang sa muli!

Para hindi na magbago pa ang isip ko, binaling ko ang paningin ko sa mga nakahanger na mga polo shirt. Now, forte ko ang pagsusulat. I am proud to say na kaya ko magsulat ng kahit na anong bagay.

That being said, pagdating sa kulay, isa akong hamak na baguhan. Kung para sa iba may aquamarine, royal o sky, sa mata ko pare-pareho lang silang blue. Kung kaya ito na ang problema ko ngayon:

"Tae ano ba dapat isusuot kong kulay?" Natulala na lang ako habang naghahalo-halo na ang mga kulay ng mga damit ko sa paningin ko. Shet, ano nga ba ang Pantone Color of the Year? Dapat pala hiniram ko muna yung diyaryo ni Ma, para alam ko ang horoscope.

Bahala na! Kahit ano basta maayos!

Nahablot ko ang kulay puti na polo shirt at nilabas ito. Pagkalagay ko nito sa kama, naglabas na rin ako ng ibang mga damit. Sa pantalon okay pa naman ako, pero ang napansin ko lang talaga ay yung natitira kong boxer briefs talaga ang mahirap hanapan ng maayos.

Lahat sila naging bacon ang garter at mas malaking air-cooling ang dumudungaw sa gitna nito. Shet, parang kailangan ko na talaga bumili ng bago. Kaya napakunot na lang ang mga noo ko at nagdesisyon:

"Pikachu, I choose you!"

Kinuha ko na lang ang Pokemon kong boxer brief. Although medyo elastic pa naman yung garter, ang problema lang is yung air-cooling. Ayoko naman makawala kaagad ang mga Poke-balls ko sa isang maling galaw, pero no choice ako.

Naka Nuzlocke Playthrough ako. Sana makaabot ako sa Elite Four ngayong araw.

Okay, set na ako! Pwede na akong maligo. This time, hindi na ako masyado nagtagal sa trono ko. Dahil umaga na rin at tumataas na ang sikat ng araw, kinakailangan na rin na Full Bath Mode ang gawin, kaya nilinis ko ang bawat sulok ng katawan ko.

Wow, nakakarefresh pala kapag maigi ka nagwash.

Pagbalik sa kwarto, sinuot ko na ang mga napili kong damit. In fairness, hindi rin masyadong makati yung tela ng polo shirt. It's been a while na rin since nasuot ko ito, kaya bago sa pakiramdam ko, pero hindi naman makati, so that's good.

Nang humarap ako sa salamin, medyo nagulat ako dahil parang hindi ko nakilala ang taong nakikita ko. Well, nandoon pa rin naman yung kagwapuhan ko, pero dahil sa damit parang mas... malinis tignan.

For sure maiinlove na ang mga chikabebes sa akin.

"Hmm... Ano pa ba nakakalimutan ko?" Napatingin ako sa lamesa ko habang iniisip kung anong kailangan ko pa gawin. Ito na ang pinakamalaking effort na binigyan ko ang sarili ko, at hindi ko na ito papalagpasin pa! Baka tamarin pa kasi ako.

Pero ano pang idadagdag ko?

...

...

...

Ah! Oo nga, hair wax! Naalala ko may binili ako noong second year sa isang kilalang tindahan. Siguro naman pwede pa gamitin yun. Pagbukas ng drawer sa gilid ko, nakita ko na wala na yung takip ng lalagyan nito.

"Shit, pwede pa kaya ito?" Tanong ko sa sarili ko habang tinitigan ko ang laman nito. Inamoy ko rin siya. Hindi ko alam kung may sipon lang ako pero wala naman akong naamoy na kakaiba. Medyo kupas lang. Sinubukan ko rin hawakan at parang gel pa rin naman yung texture.

Hala, ano na gagawin ko. Gagamitin ko ba? Hindi kaya masisira yung buhok ko kapag nilagay ko ito sa anit ko? Magkakaroon ba ako ng superpowers kapag kinain ko-

HAH? Tanginang intrusive thoughts ito. Bakit parang lagi na lang pumapasok sa isipan ko yung nakakasakit sa sarili ko? Gago talaga ng author na ito!

Alam mo, hindi ko isusubo ito. Sumosobra ka na. Ginagawa mo pa akong tanga lagi, pero no more. Sabi ko nga magbabago na ako. I will stand on my ground. For once, lalabanan kita, kuyang author!

No!

NEVER!

HINDIIII!!

...

...

...

KKK! KWAK! HACK! GHHKK! KRK! HACK!

TANGINA! BAKIT KO BA GINAGAWA ITO SA SARILI KO!? Tuloy-tuloy ang pagubo ko habang lumuluha ang mga mata ko sa sobrang pait na nalasahan ko. Sabi ko nga ba, isa akong hamak na papet para sa kasiyahan ng sadistang manunulat na ito.

Bakit pa kasi ako pumapalag pa?

"Anong nangyayari sayo diyan, aber? Para makakalas yang baga mo sa kakaubo mo." Narinig kong kumatok ang aking ama at nagtanong, halatang nag-aalala sa akin.

"Oka-HAK! Okay lang po ako, khk-" Sinubukan kong sumagot sa gitna ng mga ubo ko. Hindi siya nagsalita ng ilang saglit bago niya inikot ang doorknob.

Shet, papasok si Dad. Agad kong tinago ang hawak kong hair wax at tumayo ng tuwid. Umagang umaga pa lang pero nanghihina na kaagad ako. Wala na akong lakas para magpaliwanag kaya mas mabuti pang itago na lang.

"Aba, iba suot mo ngayon." Nagulat ng kaunti ang lalaking nasa harapan ko nang mapansin nito ang damit ko bago nanliit ang mga mata at inusisa ang bawat sulok ng damit ko. Dahil higit na mas matangkad siya sa akin, para akong daga na nasa gitna ng paningin ng isang gutom na pusa.

"Wala lang ito, Dad. Gusto ko lang maiba ngayon." Wika ko habang umiiwas ng tingin. Hindi ito nagsalita ulit at pinagmasdan lang ako. Kinabahan ako nang napansin ko ang mga gilid ng labi niya na umaangat. Matapos ang ilang saglit, bigla niyang sinabi:

"Alam kong medyo impossible pero... May kadate ka ngayon?"

Parang bumalik lang yung wax na nalasahan ko kanina nang narinig ko ang hula niya. At wow naman, ganyan ba kaliit ng tiwala mo sa sarili mong anak na magkakajowa ako? Nakakasakit ka na po Dad!

"HA? Hindi, may kailangan lang akong gawin sa SSG. Magkikita kami sa mall ngayon. Sinabihan lang kasi ako ng dalawang kasamahan kong babae na-"

"So dalawang babae kadate mo ngayon? Gwapo ka?" Ngumisi naman ang tatay ko habang pinutol niya yung paliwanag ko. Nanlaki ang mata ko habang isang bagay ang kaagad kong naisip mula sa sinabi niya.

FOUL! Low blow, Dad!

"DAD NAMAN!"

Humalakhak lang ito sa akin habang lumapit sa akin. Kung hindi lang talaga kita tatay, malamang kanina pa kita...

...

...

...

Kanina pa kita niyukuan at umatras. Tae kasi higante ka, kaya pwede mo ako isampay sa may poste ng Meralco.

"Nagbibiro lang. Natutuwa lang ako kasi sa wakas nagbibinata ka na rin. Medyo maayos na mga damitan mo." Pinatong niya ang kanyang kamay sa bunbunan ko. Gusto ko sana magreact, pero naisip ko na minsan lang magpakita ng aruga ang aking tatay.

Lagi siyang nasa trabaho, and this is his way of showing he cares.

Hindi ko naman kailangan ng assurance na mahal niya ako. Naiintindihan ko naman kalagayan niya at hindi naman siya nagkukulang para sa amin ni Ma. Pero ngayon narealize ko na masarap din pala sa pakiramdam na binibigyan ka ng atensyon na alam mo makukuha mo lang sa isang haligi ng pamilya.

Kaya hinayaan ko na lang siya.

Siyempre bilang lalaki, medyo awkward parin yung paggiging touchy-feely kaya unti-unti niya rin tinanggal ang kanyang kamay sa akin.

"Osya, baka matraffic ka pa kung late ka na umalis. Magingat ka sa byahe." Bumati siya sa akin habang nagumpisa siyang maglakad palayo. Nang nakarating sa pintuan, tumigil siya at lumingon pabalik sa akin "... At JM?"

"Yes?" Tumingin ako pabalik sa kanya matapos ko ayusin ang gusot sa polo shirt ko.

"Alam kong pinuri kita sa pagdamit mo, pero dahil naka puting polo shirt at khaki pants ka, wag mo kalimutan dalhin yung Biblya sa baba para complete package ka na." Bumaba siya habang tumatawa. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Nababaliw ka na ba Dad?

Anyway, lumabas na ako ng bahay at muntik na ako mapamura dahil napakainit na ng panahon. Nasaan na yung masarap na simoy ng hangin? Bakit puro usok at tirik ng araw ang nararamdaman ko?

Shet, madugong labanan na kaagad ito!

Buti na lang at medyo malapit lang naman ng mall sa amin. Hindi ko naman kailangan magbabad at mangitim para makapunta, kaya binuksan ko na yung payong mula sa bag ko at nagumpisang maglakad.

Game!

...

...

...

Matapos ang ilang saglit, nakapasok na ako sa loob ng mall. Dahil tanghali pa lang, kakaunti pa lang ang mga tao sa loob. As usual, napangiti ako nang maramdaman ko ang haplos ng malamig na hangin mula sa aircon nila.

Haaaaaaay, sarap mabuhay sa kasalukuyan.

Anyway, ngayon at nandito na ako, kailangan ko muna tumambay. For sure wala pa sila. Medyo maaga din ako nakarating kaya papalamig muna ako. Nilabas ko ang aking phone mula sa bulsa at binuksan ang group chat.

Saan ba tayo magkikita-kita? - Rachelle

Akala ko ba sa lib na tayo didiretso? - Ariel

Sa HappyBubuyog na lang muna us. - Armi

Total maraming likes yung huling message ni Armi, inassume ko na lang na doon yung napagdesisyunan na meeting place namin, kaya doon na rin ako mauupo. With that in mind, bumaba ako sa basement floor at dumiretso sa isang hanay ng mga fastfood restaurants.

Pagdating ko sa HappyBubuyog, naupo ako sa mga bakanteng upuan. Napaisip din ako dahil madalas na meeting place ng mga estudyante o mga kabit ang restaurant na ito. Tapos ang masama pa, madalas hindi rin sila bibili doon.

Ano kaya iniisip ng crew? Okay lang kaya sa kanila kung bibili ako ng small fries tapos tatambay ng tatlong oras dito?

Shet, nakakahiya. Bibili na lang ako konting snack para hindi ako pagsabihan, kung kaya pumila ako sa cashier.

"Good morning, welcome to HappyBubuyog! Ano pong order nila?" Binati ako ng isang babaeng na nagmamano ng cash register. Wow, medyo cute si ate girl. Sana lahat ng mga cashier katulad niya.

"Ah, uh, isa nga pong sundae at fries." Tinuro ko yung order ko mula sa display sa likuran niya. Total nagagahan ako, hindi ko kailangan magrice muna.

"Ah, teka lang check ko lang muna kung maayos na yung ice cream machine namin." Agad naman siya pumunta sa likod para tignan. Shet, sana merong ice cream! Napapansin ko lang na mas dumadalas na out of order machine niyo ah.

Parang mas madali pa manalo sa Lotto kaysa matikman sundae nyo ah. Ano na?

Pagbalik ni ate, nakangiti siya sa akin at sinabi "Okay, meron po kaming sundae. Dine in or take out?"

"Dine in." Sagot ko pabalik. Hay, buti na lang meron. Thank God for small mercies!

Matapos magbayad at makuha ang order ko, bumalik ako sa kinauupuan ko. Binaba ko ang tray sa lamesa sa harapan ko at kinuha ang plastic na kutsara. Hindi ko alam kung ako lang ang gumagawa nito, pero naeenjoy ko lagi ang french fries kapag may kasamang sundae.

Yung contrast kasi ng alat at tamis ng dalawa yung naglalabas ng linamnam ng bawat isa. Kaya usually sinasawsaw ko yung fries doon.

Kaya matapos ikalat ang chocolate sauce sa sundae ko, kumuha ako ng dalawang piraso ng fries at sinawsaw ko sa medyo tunaw na part ng sundae.

AAAAAAAAAAAHH

...

...

...

"AAAAAAAAAH-" At sa isang iglap, may isang bibig ang biglang sumulpot at sinubo ang hawak kong fries. Pagtingin ko sa tabi ko, nakita ko ang isang Jamiel Han na nakangiti sa akin habang ngumunguya.

"TANGINANG PATAY-GUTOM NA YAN!" Nanlilisik na ang mga mata ko sa kanya. Umagang-umaga pa lang at gusto ko na kaagad balatan ang anit ko sa inis. Wooooo!

"Thank you~" Imbes na magsorry, nakangiti pa itong sumagot habang tinaas ang kamay na naka-peace sign.

No, hindi worth it mawalan ng poise sa harap niya. Hindi ko ibababa ang sarili ko kaya bumugtong-hininga na lang ako. Tumawa lang siya sa akin bago naupo sa harapan ko.

"So... Alam kong sabi ko baguhin mo yung damit mo, pero bakit iyan suot mo?" Tinanungan niya ako habang dumekwat sa fries at sumubo sa sundae ko.

"HOY! Pagkain ko yang kinakain mo!"

"Huwag mo baguhin yung topic."

"Bumili ka muna ng sarili mong pagkain!" Kinuha ko yung papel na lalagyan ng fries ko nang mapansin ko lumalapit na naman ang kamay niya dito. Matapos ko sumubo ng isa pang fries, dinugtong ko "At isa pa, anong problema sa suot ko? Hindi na nga ito yung galing sa eleksyon."

Ngumuso siya ng kaunti nang hindi nakakuha ng pagkain mula sa akin. Pero hindi naglaon at ngumiti ulit ito sa akin. Tinuro niya ako mula ulo hanggang paa at nagsalita:

"Hindi nga mukha ng pulitiko suot mo ngayon, pero mukha kang misyonaryo na idedestino sa probinsya."

Tumingin ako sa suot ko bago bumalik sa nakangising mukha ng babaeng nasa harapan ko. Sa ngayon, dalawang bagay ang nananaig sa isipan ko ngayon. Una, walanghiya talaga ang kutong ito dahil ubos na kaagad yung binili kong fries.

Palitan mo ito! HOY!

Samantala, yung pangalawa...

...

...

...

AAAAAAH! BAKIT HINDI AKO PINIGILAN NI DAD? Kaya pala sinabi niya yun kanina! Mukha akong taga-Mormon na mamimigay ng Biblya! Nakakahiyaaaaaa!

"Well, sabi ko gandahan mo yung suot mo para sa akin, pero hindi ko aakalain na simbahan ang una mong iisipin. Parang may pakay ka na dalhin ako doon ah." Pinaalon ni Jamiel ang kanyang mga kilay nang sabihin niya ito sa akin.

"Ulol. Magyeyelo muna ang Pilipinas bago mangyari yun." Tinarayan ko siya pero walang epek dahil dumoble lang ang tawa nito sa akin. Gago talaga, tuluyan nang nasira ang araw ko sa kanya.

"Suuuuure, keep telling yourself that. Hindi mo mababago ang katotohanan." Sumandal siya sa upuan ko habang hawak niya naman ang baso ng sundae na hawak ko kanina. Daig mo pa si Renzo sa paggiging buraot, hayop ka!

Pasalamat ka naka-Sunday dress ka na color cream, at nakalight na makeup na mas lumalabas yung lips mo. Kasi kung lalaki ka lang, kanina pa kita binatukan.

...

...

Yes, pasalamat ka mukha ka ring tao ngayon. Isang kaaya-ayang tao.

Bahala na. Sana makarating kaagad yung ibang mga SSG members, kasi ngayon timping-timpi na ako sayo. O, Poong Maykapal, bigyan mo ako ng lakas at pasensya para mairaos ko ang unos na dala ng babaeng ito.

Amen.