Matapos ang halos kalahating oras na ginugol namin para pakalmahin ang aming katakawan, nagpasya na akong lumabas at bumalik kay Armi. Gusto ko man manatili sa mapayapang buhay ko rito, may trabahong naghihintay sa akin, kaya tulad ni Adan at Eba, kailangan nang lisanin ang Paraiso.
For sure iniintay na niya yung agreement na kinukuha namin kaya naisipan ko na oras na para lumisan na.
"Thank you sa pagimbita sa amin! Mauuna na po kami sa SSG!" Bati ni Jamiel habang hinihimas ang kanyang tyan sa pagkabusog. Minsan talaga, mas asal tambay sa kalye pa itong babaeng ito. Walang kaarte-arte sa katawan.
Not that I'm not grateful sa pagkain kanina, okay? Masarap naman siya in fairness.
"Salamat rin Jamiel, JM! Pasabi sa kanila na susunod ako mamaya sa SSG Room. May group activity lang kami saglit." Kumaway si Kris sa amin bago bumalik ang atensyon niya sa kanyang grupo. Tinungo ko ang aking ulo bago lumabas ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin, parang gusto na namin bumalik agad papasok. Tanghaling tapat na, kaya full force ang haring araw sa pagpapasikat, kaya kahit nasa lilim kami, ramdam ko parin yung init.
Para akong tinutusta mula sa oven.
"Letche ang init pa oh, dito na muna tayo." Minungkahi ni Jamiel habang nakasimangot sa paligid. And for once, gusto ko sana mag-agree sa bruhang ito, pero sa kasamaang palad, kailangan na namin kumilos na.
"Hinahanap na rin tayo sa SSG Room. Naghihintay si Armi sa'tin para makaproceed na tayo." Sumagot ako habang tinuturo ang kabilang dako ng paaralan.
Tumingin lang sa akin ang SSG Vice President, para bang may hinahanap mula sa mata ko, bago siya ngumisi sa akin at nagsalita "Weh? Naghihintay ba talaga si Armi sa'tin o baka ikaw yung naghihintay na makabalik sa kanya?"
Wow ah, tangina nitong kumag na ito. Foul! Alam kong walang hiya talaga ako pero touchy subject parin si Armi sa akin.
"Luh? Selos ka na naman no?" Pinandilaan ko siya sa inis.
"Kakatapos mo lang makipagdate sa akin, tapos ibang babae na yung iniisip mo. I'm hurt, as a woman. Alam mo ba yun?" Binilog niya ang mga mata nito at ngumuso paharap sa akin. Siguro kung ibang tao lang ako, mabilis mo mapapaoo at mapasunod siya sa gusto mo.
Pero that level of genjutsu doesn't affect me. Para kang si Kurenai at ako si Itachi.
"Ay wow, date pala yun. Kanina lang sabi mo homeboy ako sa harap nila." Umirap ako sa kanya matapos ko rumesbak.
"Magkasama tayo kumain. Tapos pinagsilbihan pa kita. Ako pa mismo yung nagluto ng pagkain! Hindi ba napakaswerte mo naman? Parang naging asawa mo na ako." Pinagmayabang niya sa akin habang lumapit at umakbay sa balikat ko.
HOY! ANG CREEPY NG SINABI MO!
Maghunos-dili ka muna, Jamiel Han! Not in a million years mangyayari yang pinagsasabi mo. Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo? Maggiging puti muna ang uwak bago mangyari iyon. Kahit pa maubos ang lahat ng babae sa mundo maliban sa'yo, hinding-hindi kita pipiliin!
Kahit na masarap yung niluto mo kanina sa Food Tech...
...
...
O kahit na sa loob looban ko natutuwa ako nung palagi mo sinasandukan yung takip ng Tupperware ng kanin at ulam...
...
...
...
O kahit na yung lumang pink na apron na hiniram mo ay bagay sayo. Naiimagine ko yan din yung pipiliin mong design if ever maging maybahay ka...
...
...
...
...
...
...
Siguro if ever na pagod na pagod ka na dahil sa work, tapos paghubad mo ng sapatos at pagsuot ng tsinelas, maaamoy mo na yung aroma ng bagong lutong pagkain. At kung titikom niya lang yung bibig niya, mas kaaya-aya siyang tignan. Tapos tatanungin ka niya kung anong gusto mong unahin, kung hapunan ba, maligo, o siy-
"Iniimagine mo na mag-asawa na tayo, no?" Hindi matago ng chinitang babae sa harap ko ang tuwa sa boses niya nang gisingin niya ako mula sa naiisip ko.
...
...
...
FUCK! MUNTIK NA AKONG MAHULOG SA PATIBONG NIYA!
Walanghiya ka, at pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko. Wala akong kamalay-malay na naglalagay ka na pala ng mga buto para maimagine kita na makakasama habangbuhay. Shit, nakakakilabot! Kailangan ko maligo para mahugasan yung katawan ko sa pandidiri.
O Inang Mahal, bakit niyo po ako binigyang ng tuksong higit pa sa kaya ng isang tao? Iligtas mo po ako mula sa masamang tao tulad ng babaeng ito!
"H-Hah? In your dreams." Halos nautal kong balik sa kanya. Sinubukan ko maging matigas sa harap niya, pero base sa lakas ng tawa niya, mukhang hindi ko siya nakumbinsi.
"In your dreams, kamo. Halos tumulo na laway mo sa bunganga kanina eh." Hindi nagpatinag si Jamiel habang kumuha ng tissue at bigla na lang pinunas yung gilid ng pisngi ko.
GET AWAY, YOU TEMPTRESS! Huwag mo ako paandaran ng gayuma o mga mahika mo. Hindi ka na makakaulit sa akin.
"Ano ba? Baka ikaw yung may gusto sa akin. Panay lapit mo sa akin eh." Tumaas ang kilay ko at nilabanan ang kanyang akusasyon habang nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang.
"Tapos ngayon nagpo-project ka na sa akin? You can tell me honestly naman if you are having feelings with me. Tatanggapin naman kita." Inangat ni Jamiel ang kanyang mga kamay, na parang tinatawag ako papunta sa kanya.
Pero syempre, nagising na ako sa katotohanan. Kung kaya't tumawa lang ako at nagsalita "Feelings of hate, baka. Tara na nga bilisan na natin."
"Sure, hindi mo na mahintay hindi makita si Armi. Feel ko talaga type na type mo talaga siya."
GAH! Hindi ko alam kung alam niya yung nakaraan namin ni Armi, pero nakakainis talaga kapag pinapaalala sa akin noong binasted ako. Hindi pa nga naghihilom yung sugat pero yung uod na ito balak pa lagyan ng asin.
Kaya hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na ng lakad. Naririnig ko ang halkhak niya pero right now, wala na akong pakialam.
She can die alone, for all I care!
"Ayiiee, tama nga ako no? May gusto ka sa kanya." Naramdaman ko nasa tabi ko na siya, sinasabayan ang bawat hakbang ko, at nagpatuloy sa pangungutya sa akin. Talagang gusto mo itodo yung sakit na nararamdaman ko, ah?
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hiniling ko na sana makuha man siya sa tingin, pero alam ko hanggang hiling na lang iyon, dahil hindi parin siya tumigil.
"No comment? Pashowbiz ka pa eh. Total naghahanap ka ng jowa, liligawan mo ba siya? Siguro pipitas ka na lang ng kalachuchi sa bakod ng iba o kakain kayo sa turo-turo. Ganun sa tingin ko ang mangyayari." Hula ni Jamiel habang patuloy niya akong ginigisa, naghihintay ng sagot mula sa akin. Siguro kung nasa katinuan ako, mapapaisip din ako sa mala-agresibong mga tanong.
Pero gago, ang sakit na talaga. Nandidilim na ang paningin ko sa madalas na paalala ni Jamiel sa nakaraan ko. Hindi na nga ako makaisip ng banat eh.
"Bahala ka na diyan!" Bigla na lang ako napasigaw sabay padabog akong lumakad. Gusto ko na lumayo sa nakakairitang tawa ng SSG Vice President. Hindi worth mainis, at kailangan ko ng isang magandang distraction.
Baka maghalo ang balat sa tinalupan kapag kinain na ako ng tuluyan ng emosyon ko.
"Hahaha, huwag kang tumakbo JM! Huwag mo i-deny ang nararamdaman mooooo!" Kahit na may kalayuan sa pagitan namin, kasinglinaw pa ng kinabukasan ko yung boses niya. Napapikit na ako sa inis. Isa lang ang masasabi ko diyan:
HINDI AKO TUMATAKBO SA KATOTOHANAN! TANGGAP KO NA KAYA. HANDA NA AKONG HUMARAP SA KINABUKASAN KO. MAKAKAHANAP TALAGA AKO NG JOWA! KAPAG NANGYARI YUN, WHO YOU KAYONG LAHAT, LALO KA NANG KAPU-
"Kuya JM, Sandali lang! May ba-" May isang maliit na boses akong narinig sa harapan ko ang nagpabalik sakin sa realidad, pero huli na ang lahat.
BANG!
...
...
...
Napasalampak ako sa sahig nang tumama ako sa isang tao. Narinig ko ang tili ng maliit na boses sa gulat, pero bago ko pa mapansin kung sino ang may ari noon, naramdaman ko ang isang mabigat at bakal na bagay ang nag-impact sakto sa mukha ko.
ARAY KOOOOOOO! TANGINA, ANG SAKIT!
"Kuya JM! Pasensya ka na po! BIgla ka na lang tumakbo sa pintuan. Hindi ka namin nakita ni Marvin." May dalawang maliliit na kamay ang humaplos sa braso ko at tinulungan akong makatayo.
"Pasensya na JM, hindi kita nakita." May lalaking boses na rin ang sumunod din sa pagtulong.
Pagkatayo ko at pagtingin sa mga tumulong, nakikita ko ang mga nag-aalalang mukha nila Rachel at Marvin, ang Senior at Sophomore Marshalls. Si Rachel ay halos maluha sa takot habang sinisiguradong maayos ang damit ko. Samantala, kinuha ni Marvin ang bakal na box na dala-dala niya kanina mula sa lapag.
"Sorry talaga, Kuya JM. Mapapatawad mo po ba kami?" Naiiyak na humingi ng patawad si Rachel habang nakahawak ang kanyang magkabilang kamay,.
Alam ko naman hindi niya talaga sadya na humarang sa daanan ko, kaya madali ko siyang mapapatawad, pero habang pinagmamasdan ko ang Sophomore Marshall, bakit parang naninikip yung dibdib ko?
Bakit parang napupuno ng bulaklak yung paningin ko?
At bakit kamukha niya talaga yung alaga kong hamster noong elementary pa ako lalo na ngayon at bumibilog ng natural ang kanyang mata?
"... Okay lang yun. Kasalanan ko rin kasi tumakbo ako. Kaya pinapatawad kita, Rambo." Ngumiti ako sa kanya at pinatong ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang buhok. Ahh, pakiramdam ko na gumagaan na kaagad ang loob ko.
Isa kang national treasure. Gaya nga ng sabi sa isang sikat na 4X Strategy game:
PLEDGE TO PROTECT!
"Salamat po Kuya JM. Hehehe... Teka, sino po si Rambo?" Namula ang mga pisngini Rachel at natawa ng mahinhin bago napansin na may mali sa sinabi ko, pero hindi na ako masyado nagtagal pa. Pumasok na ako sa loob, feeling refreshed as ever.
Salamat talaga, Rambo. Habang buhay kita ipagtatanggol!
"Hi cutie! Bakit ka nakaharang sa pintuan? Inaantay mo ba ako?" Narinig ko ang malakas na boses ni Jamiel at ang hiyaw ng second year marshall. On the second thought, bukas na ako magsisimulang ipagtanggol ka, prinsesa.
Papahinga muna ako mula sa dragon na may hawak sayo ngayon.
Pagpasok ko ng kwarto, ang bumungad sa akin ay ang halos magulong itsura ng mga miyembro ng Supreme Student Government. Samu't-saring mga papel, gamit, at art paraphernalia ang nakakalat sa bawat lamesa nito.
Alam kong kilala ang paaralan nito dahil sa SSG, pero simula noon hanggang ngayon, manghang-mangha ako sa sigla nito. Ramdam na ramdam ko yung pagpupursigi ng mga tao sa loob.
Actually, kung ikukumpara, para akong nakapasok sa isang colony ng mga langgam. Punong-puno ng sigla.
Una kong natanaw ang SSG Treasurer, Assistant Treasurer at Auditor na halos maging kuba mula sa kinauupuan nila. Maraming papel ang nakakalat sa paligid nila habang halos hindi mabitawan ang calculator mula sa kamay nila.
"... Lorenzo, sure ba itong mga cost sa canvass niyo kahapon? Hindi ko kasi matugma sa proposed budget ng PTA eh." Kumunot ang noo ni Ariel habang mabilis na pinipindot ang mga numbero sa kanyang calculator.
"Yeah, it's like real legit na. Kei and I made punta sa marketplace to check the pricing. Hindi ba keri ng PTA funds?" Sumagot ang resident conyo na si Lorenzo habang binbasa ang dalawang brochure ng sabay. Boy, may naiitntindihan ka pa ba diyan?
"Oo, ano ba yung parang mali sa audit?" Tumayo mula sa upuan niya si Kei at pumunta sa tabi ng Auditor para tumulong. Total parang busy ang Treasurer, kaya bilang Assistant niya, siya na ang kumusang lumapit.
"Tignan mo kasi itong Expenses line natin. Hindi tumutugma sa initial draft. Hindi feasible yung..." Ito na ang huli kong narinig mula sa 'business unit' ng SSG. For sure lilipad lang ang utak ko kapag nakinig pa ako sa kanila, kaya binaling ko na lang yung atensyon ko sa iba.
Magdadasal na lang ako para sa kanila. Latom.
Samantala, pagtingin ko sa kabilang dako ng silid, napansin ko ang SSG Business Manager at Sergeant-at-Arms na abala sa paggupit sa mga papel.
"I'm soooo duling na with cutting these papers." Ngumawa si Erika at binaba ang gunting mula sa kamay niya.
"Hindi pa tayo tapos eh. Kinuha na nila Marvin yung suggestion box, kaya dapat handa na rin yung mga forms." Sumagot si Loisa habang patuloy ang paggupit nito.
"But there's to many naaaaa... Anong oras ba break?"
Narinig kong bumuntong-hininga si Loisa mula sa angal ng kasama niya. Alam niyang nuknukan ng arte si Erika, kaya inaasahan niya na hindi siya madalas nagtatagal sa isang task.
Dahil dito, napatingin siya sa orasan at sumagot "O sige na nga. Pahinga tayo saglit."
"Yehey!"
Parang si Lazarus ang Business Manager nang biglang nabuhay muli at halos mapatalon sa tuwa. Pagkatayo, pumunta siya sa lamesa ng Treasurer at nagyaya "Lorenzooo! Let's take our lunch na! I'm so gutoms na."
"Loisa! Nandito na yung metal box mula sa storeroom. Tignan mo o may logo pa ng NAMFREL." Buti na lang at lumapit agad si Marvin sa Sergeant-at-arms para samahan siya, na muntik na pumutok ang ugat sa noo sa inis sa kasama niya kanina.
"Marvin! Tulungan mo nga muna ako dito. Si Erika kasi ambagal maggupit." Inalok kaagad ni Loisa ang gunting na iniwan ng Business Manager kay Marvin.
"Haha, sige, sige. Ako na bahala dito." Hindi nagalinlangan na tanggapin ng Senior Marshall ang alok at naupo sa tabi niya.
Right, ito nga ang naiimagine ko nang una akong pumasok sa konsehong ito, hindi ang magbabysit ng unggoy na Jamiel na yun. Siguro nga magumpisa na rin ako sa pagfinalize ng draft ko. Punta na-
"JM! Dito ka muna sa amin. May kailangan akong sabihin sayo." May isang boses ang tumawag mula sa gilid ko. Pagkalingon ko, halos masilaw ako nang makita ko ang malaking ngiti ni Alexander sa akin habang nasa tabi niya ang kanyang Secretary.
Ayun! Tawag ako ni Bossing! Handa na akong magtrabaho. Kung kaya't dali-dali naman ako pumunta sa kanya at maupo sa bakanteng upuan sa tapat niya.
"Good morning, bossing! Sino target natin ngayon?" Sumaludo ako sa kanya ng tuwid. Umani naman ako ng tawa mula sa Presidente habang facepalm naman ang inabot ko kay Armi.
"Lagi kang masayahin, JM. I like that. Anyway..." Nagkomento si Alex bago niya hinarap ang laptop na gamit niya sa amin. "Natapos ko na yung framework ng presentation natin for next next week. I believe na you are able to get the approvals para sa urban gardening project niyo, correct?"
"Yes po. Nakuha ko na po yung approval. They are waiting for the final draft para pirmahan nila." Tumungo ang ulo ko bilang sagot ko sa tanong niya.
"Good, good. Kailangan natin mafinalize yung draft by Monday para magawan na ng costing nila Lorenzo ito. As it is, nagkakaroon sila sa ibang proposal, kaya mas maigi kung matapos niyo na by weekend then send it to me."
"Alex, alam kong you have prior engagement sa weekend. Kung gusto mo ako na ang maghandle-" Nagsalita si Armi mula sa tabi ko sa kanyang mungkahi, pero inangat agad ng SSG President ang kanyang kamay.
"Salamat sa concern mo, Armi. Pero this is easy naman." Ngumiti lang ito pabalik sa kanya. Tumaas ang kilay ko dahil usually kilala si Armi bilang 'Ice Queen' ng DAKHS. Ang tanging emosyon ang sinusuot niya sa kanyang mukha ay ang tanyag na Resting Bitch Face.
Pero sa pagkakataong ito, ngayon ko lang nakita ang halo-halong emosyon sa napakakinis niyang mukha.
...
...
FUCK! HIndi pa nga talaga ako nakakaget-over no?
"Anyway, may meeting pa ako with Sir Dom and the Principal about sa upcoming events na nakaplano for First Quarter. Mauuna na ako." Habang niligpit ang kanyang mga gamit, bumati na si Alex sa aming dalawa.
Nang lumabas ng room si Alexander, napaisip ulit ako sa gagawin ko sa susunod na mga araw. For sure wala akong mahihita kay Jamiel, na mukhang busy na nilalampong ang maliit na Sophomore Marshall, kaya labas na agad siya sa usapan.
Hmm...
...
Okay, since may weekend pa naman ako bago ang pasahan, kaya ko siguro matapos yun by Sunday. May laro kami ni Renzo ng Sabado kaya hindi ako pwede. Sana may bagong game mode yung DoL para maiba naman. Alam kong may cham-
"-mo talaga. Ano tuluyan ka na bang nabingi?" Nang nawala yung naiisip ko, napansin ko na nakasimangot sa akin ang bitchesang prinsesa ng paaralan. Shet, galit na naman ito sa akin. Patay na naman ako.
Bakit parang wala akong nagawang tama sa kanya?
"H-Huh?"
"Anong hina-huh mo? Kakasabi ko lang na huwag mo na pahirapan si Alex sayo. Marami na siyang kailangan asikasuhin bilang Pangulo. Huwag ka nang dumagdag pa." Nakakrus na ang mga kamay niya sa may dibdib niya habang pinagsasabihan ako.
Alam mo, kung ako yung langgam, ang kaharap ko ngayon ay ang queen ant, na handang kainin ang ulo ko kung ninanais niya! Shet, ito na ba ang katapusan ko?
...
...
...
Okay, deep breaths. Kapag nasa harapan ka ng isang reyna tulad niya, isa lang ang dapat kong gawin.
"Sorry po, ma'am. Pangako ko pong hindi ako maggiging pabigat sa team!" Yumuko ako ng malalim na parang isang magsasaka na nasa harapan ng isang emperador, at humingi ng dispensa.
Masusunod po, Kamahalan.
"Ayan ka na naman. Puro ka kalokohan." Bumugtong-hininga na lang siya sa akin. Alam kong naiinis pa rin siya sa akin, pero at least hindi na nanlilisik ang mga mata niya. In my book, that is a win!
Pagbaling ko ng tingin pabalik sa kanya, napansin ko na parang naging malayo ang tingin ni Armi. Para bang may ginugunita siyang ala-ala, pero at the same time, natatakot siya sa naiisip niya.
...
...
...
This is the first time that I was able to be this close to her ever since umamin ako sa kanya. At sa isang iglap, parang naalala ko ang nakaraan, kung saan ang Secretary sa harap ko ang tanging tao na naniwala sa akin.
Matagal siyang malamig sa karamihan, pero hindi nawala ang kabaitan at pagaalala nito, lalo na sa mga taong malapit sa kanya.
Ito din ang dahilan bakit ako nahulog sa kanya.
At kahit na ramdam ko pa rin ang sakit sa kanyang malamig na pagtanggi, sa kailaliman ng busilak na puso ko, may konting aruga pa akong nararamdaman, kung kaya't tinaas ko ang kamay ko nagsalita "A-Armi, alam kong hindi naging maganda ang huling paguusap natin, pero gusto ko-"
"May gagawin ka ba ngayong Sabado?"
Nagulat ako nang biglang nanumbalik ang kanyang matigas na expression sa kanyang mukha. Huh, bakit niya natanong? "Uh, wala naman masyado. Maglalaro lang kami ni-"
Sasabihin ko sana na may plano na akong nakalatag pero hindi ko inaasahan ang mga susunod na salitang binitawan niya.
...
...
...
"Good. Magkita tayong dalawa ng Sabado sa may mall. Ayusin mo yung damit mo. May gagawin tayo."
...
...
...
...
...
...
Huh?