Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 19 - 17. Which beauty queen is known for 'tsunami walk' during Miss Universe?

Chapter 19 - 17. Which beauty queen is known for 'tsunami walk' during Miss Universe?

Buti na lang at nakapasok ako on time sa first period ko. Kinakapa ko pa yung bukol sa may leeg ko habang pumasok sa room, at tangina talaga nung hayop na babaeng yun, napakasakit!

Kakaunti na nga lang brain cells ko, babawasan mo pa dahil sa wrestling move mo?

Good thing at walang masyadong ganap sa first half ng araw. Puro lecture lang naman ang nangyari, so nothing noteworthy happened. It's just the tried and tested same old routine.

Makinig sa teacher, magtake down ng notes, maglaro ng tick-tack-toe sa Math notebook ko, lagyan ng bunot yung bag ni Renzo, rinse and repeat. Hindi ko namalayan na tapos na pala magdiscuss ni Ma'am dela Torre.

"Pwede na kayo humantong sa inyong susunod na subject. JV, pakibitbit yung mga kwaderno niyo sa aking silid." Batid ng aming homeroom teacher habang nililigpit niya ang kanyang gamit.

And of course, tumayo kaagad ang aming resident pulitiko kung sumipsip at ngumiti "Opo, ma'am!"

Kinuha niya ang mga notebook sa may harapan at sinimulang buhatin ito. Feeling ko, mas kailangan niya yata ng tulong sa pagbubuhat ng mga alipores niya sa leeg. Siguro batak na leeg ni ma'am sa dami ng perlas na nakalagay sa leeg niya.

Hildilyn Diaz who?

Nang nawala na sa room ang dalawa, nagumpisa na rin kami magligpit ng mga gamit bago tumungo sa susunod naming period.

"Tangina, ang sakit parin ng ulo ko." Napabulong ako sa sarili ko habang hinihimas ko ang parteng tumama sa semento. Is it me or parang mas lumalaki pa yung bukol?

Ano ako, si Shinichi Izumi? Migi, lumabas ka na diyan!

"Pre, tara na. May papagawa yata si sir sa atin sa CHS room." Batid sa akin ni Renzo habang kinukuha niya ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang upuan.

"Ano daw gagawin natin doon?" Tanong ko sa aking kaibigan.

"Sabi niya lilinisin daw natin mga chassis pati peripherals ng mga computer doon." Sagot niya sa akin.

Although mas maganda ang estado ng mga equipment ng school namin compared sa ibang public schools, hindi masyado nabibigyang focus yung TLE programs ng school board, especially with what happened doon sa CHS program.

Lahat ng People Power napagdaanan na ng mga PC doon. For sure yung iba galing sa COMELEC at NAMFREL noong snap elections mismo!

"Sige, sandali lang." Sinabi ko kay Renzo habang nililigpit ang mga libro na ginamit ko kanina at nilagay sa lob ng aking bag.

Tumayo ako at niyaya siyang lumabas ng room nang bigla kong marinig ang isang boses na tumatawag mula sa pintuan "JM, come with me. We have some things that we need to discuss."

Teka, bakit parang tumahimik yung mga tao sa room?

Paglingon ko, nagulat ako sa nakita ko. Sa mga nakalipas na araw, I half-expected makikita ko ang busangot na babae na iyon, and today's no different. Nasa harapan ko si Jamiel, who is already sporting a grin on her face. Pero for some reason, hindi niya pa ako kinakaladkad agad palabas.

And the main reason why is the person beside her.

Nakatayo si Armi sa tabi niya habang nakakrus ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib niya. Ah, kaya pala. Nandito pala ang Ice Witch.

"Uh, eh... uh..." Sinubukan ko magsalita, pero walang lumalabas sa bibig ko kundi ingay lang. And who wouldn't be? Kahit pare-parehas lang kami ng uniform, parang mas nae-elevate yung aura niya kumpara sa iba.

In fact, kung hindi ko lang siya kilala, hindi ko aakalaing estudyante pa lang siya. Parang laging sasabak sa Miss Philippines yung aura niya. Mula sa kanyang diretsong pagtindig hanggang sa maalong lakad, minsan naiisip ko kung kapatid niya ba dati si Shamcey Supsup.

Paano mo nagagawa yun? Mayroon ka bang make-up team na laging handa mag-retouch every 5 minutes? Sikretong demigod ka ba ni Aphrodite? Bakit hin-

"-di ka nagsasalita JM? Ano na?" Narinig ko ang tawag niya sa akin, and she's clearly displeased na hindi ako sumasagot sa kanya. Shet, kailangan ko talaga bawasan mga monologue ko sa utak. Halatang pinapahaba ko lang ito para mameet yung word count ng author eh.

"Ah, ano, Armi, wait lang po. Kunin ko na itong bag ko." Instinctively yumuko ako sa harap niya habang kinuha yung bag ko at sumunod sa kanya.

Agad agad akong lumabas ng kwarto at sumunod sa dalawang dalaga na nasa harapan ko. Habang papalayo, gusto kong matawa sa mga narinig ko sa mga kaklase ko, lalo na sa mga lalaki:

"Swerte ng kolokoy."

"Sanaol."

"It should've been me. Not him!"

To which I say: Oh you sweet young child.

Kasi right now, para akong presong naglalakad papunta sa silya elektrika na maggiging huling hantungan ko. On one hand, kasama ko ang nag-iisang tao na naging dahilan bakit nadurog ang puso ko, habang nasa kabila naman ang taong lagi ginagawang impyerno ang buhay ko.

Kaya hindi ko alam kung saan ako haharap sa dalawa. In the first place, bakit parang magkasama na kayong dalawa? Diba last time muntik na kayo magsabunutan? Una si Sandra tapos ngayon si Armi? Anong mahika ito?

"Tameme ka na naman dahil kasama mo si Armi?" Biglang lumapit si Jamiel sa akin at bumulong habang tinuturo ang likod ng SSG Secretary.

"Kakatapos lang natin with Sandra ah. Wala ka na ba bagong script?" Pinandilatan ko siya. Heto na naman kami. Ginawa na nga natin ito last chapter!

"Exactly! Kanina lang nilalandi mo si Sandy tapos ngayon babalik kay Armi. Casanova yarn?"

"Hay, here we go again. Insecure much?"

Imbes na mapanghinaan ng loob, tumawa lang si Jamiel sa akin. Feeling ko fan siya ng Ginebra dahil motto niya yata 'Never Say Die', lalo na kung tungkol ito sa akin.

Syempre, obligatory FUCK YOU JAMIEL HAN!

Nang lumingon si Armi sa amin, nahimasmasan na rin siya sa kakatawa at tumingin lang siya ng diretso, habang lumayo ng kaunti sa akin. Tumingin lang siya sa amin ng ilang segundo bago bumalik sa paglalakad.

"Alam mo, although iniisip ko siya na ang bitchesa ng taon, pero I gotta admit, she's really a bona-fide diva through and through." Nagsalita siya ulit sa akin matapos ang ilang sandali ng katahimikan.

"What do you mean?" Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Natural lang sa kanya ang paggiging boss bitch. Tignan mo sa lakad pa lang parang rumarampa sa Paris. Wavy." Paliwanag ni Jamiel habang ngumuso paharap.

And of course I instantly understood what she meant. Ngayon, inaamin kong isa akong lalaki na nasa kalagitnaan ng pagbibinata, so syempre may malalim akong appreciation pagdating sa kagandahan ng kabilang kasarian.

Kaya hindi mo ako masisisi kung kusang lumalakbay ang mga mata ko sa bawat pagakyat at baba ng magkabilang gilid ng kanyang bewang.

Up, down, up, down, up, down, up... Shamcey, yung kapatid mo oh.

"Wavy, diba?" Pinaalon din ni Jamiel ang kanyang kilay katulad ng paglakad ng nasa harap namin habang inulit ang sinabi niya sa akin.

"Ah, eh, oo. Hindi nga alon lang, parang tsunami pa nga eh." Nasabi ko bigla sa kanya without even filtering myself. Fucking hell! Hindi na naman gumagana yung utak ko.

Pero imbes na okray na naman yung narinig ko sa kanya, tinungo niya yung ulo at nag-agree sa sinabi ko "Right? Feeling ko sasali siya sa pageant pagtungtong niya ng 18."

...

...

...

Huh, pwede ka rin pala maging normal na tao Jamiel.

"I can definitely see that." Sumagot ako sa kanya pabalik.

"True, sa kanya na ang likod, pero malaki kumpyansa ko na mas maganda yung future ko." Ngumisi si Jamiel habang mahinang tinapik niya ang ibabaw ng kanyang dibdib. I am proud to say na it only took me 10 seconds bago nagsink-in yung implication niya.

Now, I still hate her guts, mind you, pero kahit ako hindi mapigilang mapatingin sa kanya, habang nagrereplay yung sinabi niya sa utak ko. There's no way. There's no fucking way that she's that-

WHAT THE...

BAKIT NAPALALAKI NG TINATAAS AT BINABABA NG KWINTAS NIYA KAPAG HUMIHINGA?

Objectively speaking, kung irarank ko si Jamiel from all the girls, ilalagay ko siya on the lean side. Hindi naman siya payatot na mukhang ginutom ng ilang araw, pero she's pretty athletic so may laman parin siya.

It was only at this moment na narealize ko na may tinatagong kamandag ang kutong ito. Magbigay ka naman ng chance para sa iba!

"See something you like?" Bumulong siya sa tenga ko bago pa ako makareact.

"H-Huwag kang patawa. Tinitignan ko lang kung totoo yung sinasabi mo." Sinubukan kong magpalusot sa kanya, pero parang walang epek dahil lumaki lang ang ngiti niya sa akin.

"At ano ang hatol ng hukom?" Tinanong niya ako and I swear parang honey yung boses na ginamit niya. Napakalagkit na halos hindi na ako makawala.

"Ah, eh, ano... Ah-" Hindi ako makaiwas ng tingin sa kanya dahil salamat sa nasabi niya, puro future na naiisip ko. Tangina, parang sa sobrang future, parang nakikita ko na yung katapusan ng buong universe.

Someone, help me! Help!

"Imbes na maglandian kayo diyan, bakit hindi nyo na lang bilisan maglakad? Malapit na tayo sa SSG Room. Maglampungan na lang kayo pagkatapos nito."

Lumingon kaming dalawa at nakita si Armi na pinandidilatan kami habang nakalagay ang mga kamay sa gilid ng kanyang balakang. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil niligtas mo ako mula sa mahika ni Jamiel, o matakot dahil sa nanlalamig mong tingin.

Something tells me na hindi ito yung usual na bitch mode she normally use.

"Hah!? Hindi ko naman nilalan-" Gusto ko sana magpaliwanag pero nawala na parang nyebe sa tag-init nang napansin ko mas nanliit ang mga mata niya sa galit.

"Wala akong pakialam kung anong gusto nyong gawin sa isa't isa. Bilisan niyo na lang." Matapos sabihin ang gusto niyang iparating, bumalik ulit siya sa paglalakad at hindi na bumaling patalikod muli.

Jeez, chill lang tayo. Ika nga ng isang sikat na lalaki sa internet 'Why you hafta be mad? Is just game.' Kaya kahit anong ganda mo, natatakot karamihan sayo eh.

"Feeling ko talaga araw-araw siyang may dalaw kaya laging galit yan." Sa sobrang absorbed ko sa mga naiisip ko, hindi ko napansin na lumapit sa akin si Jamiel at nagcomment.

Tangina mo talaga! Hindi ko alam kung mababaw lang kaligayahan ko, pero natawa ako sa naimagine ko dahil sa sinabi niya. Buti na lang at wala akong iniinom na tubig dahil for sure baka nabulyaw ko yun sa kanya. Actually... Sana pala umiinom ako ngayon.

"Ang gago mo talaga, Jamiel. Parang ikaw laging may saltik."

"Damn right I do." Pagmamalaki ng babae sa akin, with matching pose pa. Boy, dapat dinedeny mo na baliw ka, hindi inaaccept! "Or baka menopausal na siya. Maramdamin daw ang babae kapag ganyan."

"Yes, kasi menopause starts at 18, diba?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"You never know! Baka tama nga hula ko noong una ko siyang nakita na babae siyang Squidward." Dugtong niya habang nagumpisa kami maglakad muli

Napailing na lang ako sa kalokohan niya, pero for some reason, hindi nawala yung ngiti na unti-unting tumatatak sa mukha ko. Gotta give her credit, malaki ang future niya sa Zirkoh oh Klownz. Kapag hindi ako yung laging target niya, she's naturally funny.

...

...

...

Wow. this is the first time I thought of something nice about her. Nananaginip parin ba ako?

"Anyway, I am not sure kung anong nangyari, pero parang napakaintense ng usapan niyo ni Armi. So seryoso talaga yung sinabi kong type mo siya?" Nagtanong siya sa akin out of the blue habang tinitignan kung paano ako magrereact.

It has been a while since naungkat ang nakaraan ko, especially with Mee- I mean Armi, kaya siguro namanhid ako, pero the sting is still there. Bakit kasi ngayon ka nagdecide na maging napakaperceptive sa mga bagay bagay?

"No comment." Sumagot ako as short and quick as possible habang nagiisip ng ibang topic na pwede gamitin.

"Napakashowbiz mo naman. Pero kapag ganyan ka magdeny, for sure ibig sabihin may semblance of truth sa sinabi ko." Pinoint out ni Jamiel.

"Ikaw na bahala magisip niyan. Let your imagination run wild." You know what, I give up. Bahala ka na kung anong gusto mong isipin sa akin.

Hindi naman kami masyadong natagalan pa bago nakaabot sa SSG room. Pagpasok namin, bumungad agad sa amin ang nakangiting presidente namin, na nasa harapan ng kanyang laptop habang may isang malaking tumpok ng mga papel sa gilid niya.

Wow, sure ka bang SSG president ka pa rin ba? Para akong pumasok sa city hall. Teka, bakit may mga permit na pinipirmahan ka?

"Morning guys!" Bati ni Alex sa amin.

"Good morning po. Magbabayad lang po ng sedula." Tungo ko sa kanya habang nag-abot ng barya mula sa bulsa ko.

Natawa lang si Alex sa akin at sumagot "Kahit kailan mahilig ka talaga magpatawa. Puntahan niyo na si Armi, may agenda pa kayo doon."

"Hoy, JM. Wag mo istorbohin si Alex. Pumunta ka dito." Speaking of, narinig ko ang nanguutos na boses ng Secretary.

Actually, ngayon napaisip narin ako kung tama nga si Jamiel.

Pumunta ako sa kabilang sulok ng SSG room, kung saan nakalagay ang lamesa ni Armi. Kumpara kay Alexander, mas maraming mga papel ang nakapatong dito, hindi pa kasama ang kanyang computer at mga kahon na puno ng mga materials tulad ng cartolina, manila paper, chinese paper, permanent marker, ink, glue gun, lumang achievement test paper, at iba pa.

National Bookstore yarn, Armi?

"Sensya na, medyo makalat yung sa side ko. Kakarating lang ng mga materials mula sa mga teachers." Humingi ng tawad si Armi bago huminga ng malalim. "Anyway, kamusta naman yung sa proposal niyo? Sabi niyo paplantsahin niyo na yung details this week, correct?"

"Yes, that is the plan." Sumagot si Jamiel sa kanya.

"Good. Please pasend nung framework bukas, okay lang? Kasi kailangan ko na idagdag doon sa deck and para marun-down ko na with Alex." Nagtanong si Armi habang tinuturo si Alex, na hindi maalis ang mata sa mga papel na nirereview niya.

All right! Serious mode on muna tayo for today's video.

"It's alright with me, pero paano ba yung prescribed format natin?" Tanong ko habang nilabas ang aking pocket notebook.

May tinype si Armi mula sa kanyang keyboard bago iharap yung monitor sa amin. Nakita namin yung ginagawa niyang proposal deck. Although may mga nakasulat na sa ilang slides, halata na may malaking blanko sa gitna ng presentation, which is my guess is yung sa proposal namin.

"Letter. Justified Type. Single Space. 1.5 Indention. Arial 12. Tapos ganito yung hinahanap ng PTA Assembly..." Binigay ni Armi ang mga kinakailangan niya na format para sa amin.

Nilista ko isa-isa yung specifications na binibigkas niya habang tumutungo ang ulo ko sa bawat salita.

Hindi na bago sa akin ang gumawa ng mga official documents. Kapag summer at gusto kong kumita, tumutulong ako sa nanay ko magcompose ng mga letters at emails kapalit ng panglaro ko sa computer shop.

Ngayon napaisip ako kung nababarat ako kasi kahit benefits wala ako, pero hindi na ako umangal kasi baka yantok na ung ipasahod sa akin sa susunod.

"May framework na kami sa Project Description pati Purpose." Nabanggit ko sa kanya kahit sa totoo lang wala pa ako nagagawa. Madali lang naman kung urban gardening lang gagawin ko. Kokopyahin ko na lang yung ginawa ko kay Ma.

"Good, pero kung may technical terms kayong gagamitin, gumawa na rin kayo ng Terms para maintindihan or magfootnotes kayo." Comment ni Armi habang nagsisimulang magtype ulit sa kanyang keyboard.

"Okay, tapos pwede ko muna i-skip yung Proposed Budget kasi manggagaling na ito kay Lorenzo, tama?" Pinaclarify ko sa kanya kung ano yung mga pwede ipangmadalian muna since content ng project yung hinahanap sa amin.

"Pwede ka gumawa ng estimate. Basta i-base na lang yung costing sa presyo sa merkado." Sumagot ang SSG Secretary.

"Sige, projected cost lang basta i-highlight ko lang yung Work Plan pati yung Project Monitoring."

"Yes, yan yung pinakakailangan namin from you guys."

"Gotcha. Doable naman. Pwede namin kausapin si Sir K ngayon para mafinalize na namin."

Tinungo niya lang ang ulo nya in agreement habang nagsusulat pa ako ng agenda pati talking points na gagamitin ko mamaya sa Food Tech at Agriculture Departments. Now things are definitely rolling! Things are now at peace...

Oo nga pala, napakatahimik naman ngayon. Nasaan si Jamiel?

...

...

...

Ah, natutulog pala sa upuan. I guess formal meetings ang mortal niyang kaaway. Alam ko na ang kahinaan mo!

"Any clarification you want to run with me?" Tanong ni Armi sa akin habang hindi umaalis ang tingin sa kanyang monitor.

"Wala naman. Goods na ako."

"Okay, pwede na kayo pumunta kay Sir K." Pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Armi ito, parang nagala-Lazarus si Jamiel at nabuhay mula sa kanyang pagkakahimlay. Wow, may himala!

"Finally! Tara na JM! Lumabas na tayo." With that, kinuha niya ang braso ko at dali dali na kaming lumabas. "Hindi ko talaga trip yung mga boring na meeting. Dapat ikaw na bahala dun habang ako yung nasa labas gumagawa."

"Hoy, ganyan ba dapat ang SSG Vice President?" Pinaalala ko sa kanya na porket tingin ko sa kanya ay ipis, dapat role model siya dahil sa katungkulan niya, pero syempre magaling mag-selective listening ang kupal kaya dire-diretso lang siya.

At sa puntong ito, hindi ko napansin na sa loob pala ng SSG room, nakatingin pa rin sa akin ng mataimtim si Armi. Wala na siyang nasabi pang iba.

Pero feeling ko may gusto pa siyang idagdag, pero kung ano iyon, wala na akong idea.