Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 15 - 13. What are the 4 Mysteries of the Rosary?

Chapter 15 - 13. What are the 4 Mysteries of the Rosary?

"First basic rule for subject-verb agreement, you use a singular verb if the subject is singular. When it is plural, you use a plural verb. This is the easiest rule since all we need to make sure is to have both subject and verbs are consistent. Here's an example." Nagsulat si Ma'am Krystel Aquino sa blackboard habang nageexplain sa topic.

As you can see, we're back to regular programming matapos simutin ni Jamiel ang wallet ko matapos bilhin lahat ng gusto niya sa coop. Holy, para siyang bloated na garapata na nakita sa isang malnourished na Aspin.

Tangina, bibili pa sana ako ng skin mamaya!

Moving on, taimtim na nakikinig ang buong klase habang patuloy nagdidiscuss ang aming guro. She has a very strong command on her voice. Naguumapaw siya sa confidence since English has always been her forte. Kung may magsasabing balik-bayan si ma'am from the States, I will most definitely believe it.

....

...

...

That and also she's a total bombshell. Long straight black hair na hanggang sa kanyang lower back, tapos may katangkaran din ang height. Never ko naappreciate yung uniform nila until I met her. Look at her waist! My God!

Salamat DepEd! For once, nakagawa kayo ng maganda.

"My dog runs around the house. On this sentence, the verb runs is in its singular form because it is referring to the subject dog. Simple right?" Nagdrawing ng bilog si Krystel sa salita na hina-highlight niya bago nagsalita.

"Yes, ma'am." Lahat kami ay sumagot.

"Alright, can anyone give me another example?" Sinusuri ng teacher namin ang buong klase para magtawag ng isang volunteer, pero walang nagtataas ng kamay.

Come on, this is your chance guys! Kung gusto mo magpa-impress sa kanya, ito na ang pagkakataon natin. Tinignan ko ang mga kaklase ko na tila tumiklop at umiwas ng tingin. Kanina lang naglalagablab mga titig niyo, hoy!

...

...

"Walang volunteer? Sige, let me get something." Nang wala pa ring nagtataas ng kamay, pumunta siya sa kanyang bag sa lamesa at may kinuha.

Now, I'll give you five seconds for you to guess ano kaya ang ilalabas ni ma'am mula sa kanyang mahiwagang bag. Ang makakahula ng tama ay magkakaroon ng prize sa akin! Handa na ba ang lahat?

Ready.... Go!

5...

4...

3...

2...

1...

Times up!

"So let's put your knowledge to the test and make this our graded recitation!" Naging matingkad ang kanyang ngiti, pero for some reason hindi pareho ang nararamdaman namin lahat. Dahil hawak-hawak niya ngayon sa kanyang kamay ang kinakatakutan namin lahat.

Ito ay... ang index cards.

...

Oh my ghad! Kailangan ko na makaisip ng maisasagot ng mabilis! Sinasalansan na ni Ma'am Krystel ang mga card na hawak niya.

Fuck, sana hindi ako matawag muna!

...

"Okay let's start with... Renzo Cerillo."

YES! THANK YOU SO MUCH!

Nakahinga din ako ng maluwag dahil hindi ako ang unang alay sa araw na ito. Pagtingin ko sa aking kaibigan, para siyang aso na biglang binusinaan ng dumaang kotse. Naawa ako ng kaunti sa kanya, pero kahit siya wala pa naiisip na sentence.

Sorry brad, pero hindi kita matutulungan ngayon.

"Y-Yes, ma'am. Ah, yung example po is ano po... Ah, eh..." Unti-unting tumayo si Renzo habang nauutal sa mga sinasabi niya. Hmm, so ganito pala itsura ko kanina nung kay Alex.

"It's okay Renzo. I know you can give me an example." Ngumiti ang aming teacher sa kanya habang lumapit ng kaunti sa kanya.

"Ah, uh ma'am, yung example ko po ay kwan, yung ano po... Ay, sorry po ma'am I spoke Tagalog." Halos mamutla siya sa kaba na nararamdaman niya ngayon, to the point na I also start to worry about him for a bit.

Buti na lang hindi tulad ni Ma'am Krystel ang mga terror na teacher ng paaralang ito dahil sa isang saglit, nasa harapan na niya si Renzo, nilagay ang kamay sa balikat niya, at nagsalita sa kanyang mahinahon na boses:

"Don't worry Renzo. Don't mind the class. You can focus only with me, and tell me how you understand this lesson."

At parang isang switch sa loob niya, bigla siyang tumingin sa kanya. Tumigil yung panginginig niya, tila parang may narealize siya na nagpabago sa buhay niya. Huminga siya ng malalim at pumikit, bago niya nabitawan ang nasa isip niya.

...

...

...

"My teacher looks beautiful today."

...

...

...

Naexperience niyo na ba dati na may panahon na sobrang tahimik na minsan nagriring yung tenga mo? Naramdaman ko siya one time noong nasa probinsya kami ng buong pamilya. Pagdating ng mga 10 PM, wala ka na maririnig kahit hayop sa rest house namin.

And to tell you the truth, medyo nakakabingi at nakakabaliw yung experience na yun.

Why am I asking this? Kasi ganitong'ganito yung nararamdaman ko ngayon. Kahit hininga ng katabi ko hindi ko marinig.

KASI SA LAHAT NG PWEDENG EXAMPLE, YAN PA YUNG NASABI NI RENZO!

"... Ah, ay, ma'am, sorry hindi ko po sadya-" Nanumbalik yung pagnginig ng aking kaibigan nang marealize niya yung nasabi niya at sinubukan niyang humingi ng patawad.

Pero instead of being offended, napatawa lang ng malakas si Ma'am Krystel. Matapos niyang ilabas ang kanyang tawa, tinapik niya ng mahina ang balikat niya at nagcomment "Honestly, yan yung naeexpect kong answer from you Renzo. But then again, that's one good example. Thanks for the answer and the flattery."

With that, bumalik ang aming guro sa harap at sinulat ang halimbawa na binigay. Samantala, hindi nakapaniwala si Renzo na nakaligtas siya mula sa ineexpect niyang okray o parusa sa kanya kaya napaupo na lang siya ng tahimik.

Kung kanina awa ang nararamdaman namin, ngayon napupuno kami ng mangha at selos sa kanya!

Si Renzo lang ang nagpatawa kay Ma'am Krystel! And bilang spokesperson ng lahat ng kalalakihan ng III-Aluminum, ito ang saloobin namin.

THAT SHOULD HAVE BEEN ME! TANGINA BAKIT ANG SWERTE MO!?

"Alright, so for this one guys, who can provide to me the verb?" Matapos magsulat sa pisara, nagtanong siya ulit. At bago pa siya makapili sa kanyang class card, maraming kamay na ang nagsitaas ng kanilang mga kamay.

"Ma'am ako po!"

"Ma'am, me!"

"I have a better example po!"

Habang nagkukumahog sila sa pagsagot, binaling ko ang pansin ko sa katabi ko ngayon, kung saan parang hindi ko yata kayang tanggalin yung ngiti na nasa mga labi niya.

And I can't blame him. Sabi nga ni Janno Gibbs, siya na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo.

"Ngiting tagumpay tayo diyan ah."

"Nakita mo yun JM? Napatawa ko siya. AKO!" Puta, halos masilaw ako sa saya na naguumapaw sa mga mata niya.

"Well ikaw nga ang class comedian namin. That is to be expected." Napangiti na lang ako sa kanya dahil sobrang nakakahawa yung ngiti niya. Pero bilang isang tunay niyang kaibigan, I believe it is my duty to keep him grounded "Pero alam mo, si Ma'am ikakasa-"

"Alam mo JM, I think this is the first time I felt this. Maybe I like her."

...

...

...

Welp, mukhang tuluyan na nawala ang kanyang sanity.

"Renzo, I don't think that will work. Kasi meron na siyang-"

"No, don't say it. Alam ko yun, pero she's the only one who believed that I can say something na may sense. Karamihan sa mga teachers pinapa-squat ako." Pinutol niya ang aking sinabi at naglabas siya ng kanyang saloobin, at naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling.

Dahil nga class clown siya, madalas siyang pagalitan ng mga teacher. This is the first time he felt that he is being supported. And base sa kanyang tingin, I finally understood na he doesn't know how to cope with it.

Kaya for now, I decided to let him have this time muna. Hopefully this high will die out by tomorrow and babalik tayo sa regular schedule natin.

"Okay, I get it. Pero alam mo first time ko mamangha sayo Renzo."

At bago pa makasagot si Renzo, narinig namin ang tumataginting na ingay ng aming school bell. Kaya napatigil si Ma'am Krystel sa kanyang discussion at inannounce "Alright, we'll continue the discussion tomorrow! Remember to bring your reading journals so that we can start sharing. Thank you so much! Have a safe trip home. Cleaners stay."

And in an instant, tumayo ang buong klase at nagumpisa magayos ng gamit bago lumabas ng silid. Finally, maggiging payapa ang paguwi ko ngayon, all things considered!

"Tara, bilisan natin Renzo, may bagong labas na episode ngayon."

"Ay oo nga pala! Sige ayusin ko lang bag ko." Madali niyang naipasok ang notebook sa kanyang bag habang bitbit niya ang kanyang libro para itago sa cabinet na nakaassign para sa class namin.

"Boy, pasabay narin nung akin." Inabot ko ang aking kopya para maitago niya rin ito sa loob.

Chineck ko yung upuan ko kung may naiwan ako. Good, mukhang lahat naman natago ko na. Let's go! Excited na ako umuwi. Kaya nagmadali kami ni Renzo lumabas ng kwarto. Pero bago kami nakalagpas, biglang may sumigaw sa likod namin.

"LABASTIDA AT CERILLO! CLEANERS KAYO NGAYON, SAAN KAYO PUPUNTA?"

Paglingon namin dalawa, nasa harapan namin ang aming class president na nakacross ang mga kamay habang nakataas ang kanyang kilay.

Shet, nakalimutan ko pala Wednesday ngayon.

"Ah, JV may kukunin lang kami saglit." Sinubukan magpalusot ni Renzo, pero base sa kunot ng noo niya, feeling ko hindi naging masyadong effective.

"Ganun ba? Ibaba mo yung mga bag nyo tas pasabay din kunin yung mga walis at bunot sa may janitor room, okay?" Sarkastiko nitong sinabi sa amin. Fuck, kakalinis ko lang kanina sa SSG room tas maglilinis ulit ako ngayon sa classroom.

Mangangamoy akong floor wax nito!

Pero wala kami magagawa kasi kami ang nasa mali, kaya no choice kundi sundin ang utos niya. Kaya binaba namin ang mga bag sa pinakamalapit na upuan at kumuha ng walis tambo sa loob. Walang hiyang kamalasan naman nito!

"Bakit ang init lagi ng ulo ni JV?" Napabulong na lang si Renzo sa kanyang sarili habang inumpisang iurong ang mga upuan.

"Baka kasi hindi pa siya nadadalawan." Bumulong ako pabalik bago ngumisi.

Inaliw na lang namin ang mga sarili namin habang unti-unting nililinis ang silid. Medyo makintab pa ang sahig kaya hindi pa kailangan gamitin yung bunot, kaya punas na lang ng basahan ginawa namin,

Samantala, matapos magwalis, inayos naman ng mga kaklase kong mga cleaners din yung mga upuan pabalik sa dati nitong pwesto.

Sana man lang may bayad itong ginagawa ko! Isusumbong ko kayo sa DOLE! Bawal magtrabaho ng walang sahod!

"Bilisan niyo na para mailock ko na yung pinto." Nagsalita si Ma'am dela Torre mula sa pintuan, hawak ang malaking padlock.

"Yes po, ma'am." Sumagot si JV sa aming homeroom teacher bago humarap sa amin. "Bilisan na natin guys. Sino magtatapon nung trashbag?"

Naghahanap siya ng pwede magtapon pero walang gustong umako. Syempre, lahat kami gustong makauwi kaagad, kaya as much as possible, ayoko magdetour sa lalakarin ko.

Pero syempre, trip na trip ako ng mga bathala sa kalangitan kaya biglang nagturo si Ma'am dela Torre sa akin at sinabi "Ikaw na lang JM ang magtapon para matapos na ito. Bilisan mo na at kunin mo na yang trashbag."

Oh, come on! Akala ko maggiging safe ako ngayon!

...

...

...

Sigh, I should have expected this one. Actually, napansin ko na lang na parang lahat na lang ng kamalasan naeexperience ko. Step aside Mars, dahil ako na ang bagong Hari ng Sablay!

"Renzo padala na lang nung bag ko. Intayin mo na lang ako sa may gate." Inabot ko ang aking bag sa kanya bago kunin ang trash bag.

"Sige sige boy, hintayin kita doon."

Paghawak ko sa bag, halos magkalas mga buto ko sa bigat. Tangina, anong laman ng mga basuro niyo? Tumatae ba kayo ng bakal? Pwede na yata itong pang-practice para sa Olympics!

"The fuck, bakit ang bigat nito?" Umangal ako habang sinusubukan hilain ang bag.

"Wag ka na mag-inarte diyan JM at bilisan mo." Walang binigay na konsiderasyon ang aming guro sa akin at madali akong pinalabas ng kwarto.

Grabe naman kayo! Paano na lang kung umiyak ako dito?

Matapos palabasin ako sa kwarto, kinandado na rin ni ma'am yung pintuan habang nagsimula na akong maglakad papunta sa imbakan ng basura. Makinis pa naman ang sahig kaya madali ko siyang kaladkarin.

Ang kagandahan sa school namin ay wala kaming kahati na schedule. Sa lahat ng antas, naguumpisa kami ng alas-sais ng umaga at natatapos ng alas singko ng hapon.

At dahil dapit hapon na, halos wala na ring tao sa mga hallway at lakaran dito. Ang makikita mo na lang ay ang mga ilaw at ang mga custodian na tagapangalaga ng paaralan.

Naguumpisa na magdilim ang paligid kaya dapat bilisan ko na. Excited na ako manood!

Paglabas ko ng building, binaba ko muna yung trash bag at nagpahinga saglit. Wooh! Kaya pala walang may gustong kumuha nito. Akala ko tinatamad lang sila, pero napakabigat din pala nitong hayop na ito!

Sa isip ko, gustong-gusto ko na sipain ito, pero buti na lang at napigilan ko dahil for sure kakalat yung laman nito at wala akong extrang bag para paglagyan ulit ng kalat.

I am proud of my self-control.

...

...

...

Oh sige, dapat hindi na ako magreklamo at bilisan ko na lang, kung kaya hinawakan ko ulit ang nakataling parte ng bag at binitbit ulit.

Habang naglalakad sa aspalto, nakaramdam ako ng paninibago dahil ngayon ko lang ulit nakita ang buong school na ganitong katahimik. Para akong natransport sa ibang dimensyon. Isang lugar na feeling ko ako lang ang nagiisang tao sa mundo ng kababalaghan.

Now, I always love a good spook, at alam ko ang mga sabi-sabi na napapalibot sa eskwelahan ko. Come to think of it, parang lahat na lang na school dating morgue, o dating kuta ng mga Hapon o Espanyol dati.

Parang favorite talaga nila gawin sa school ang mga karumal-dumal nilang krimen.

Moving on, naging sikat ito na pasa-pasa mula sa mga senior students hanggang sa mga freshmen, kaya nabuo ang tinaguriang:

"The Four Legendary Mysteries of DAKHS"

And base sa naririnig ko sa nakasalubong kong mga first years, pinaguusapan na nila ang isa sa mga sikat na urban legend dito.

"Alam mo lately may naririnig sila ulit doon sa building malapit sa imbakan ng basura tuwing ganitong oras." batid ng isang lalaki sa grupo nila.

"Saan doon? Diba ginawa na nilang taguan ng mga sirang upuan at lamesa yung maliit na building na yun?" Tanong ng isang babae habang tinuturo yung sira-sirang building na pupuntahan ko ngayon.

"Oo, diba nga kwento ng mga senior years diyan daw nakatira yung multo ng isang nanay na namatay noong World War 2."

"Seryoso!? Nakakatakot naman. Doon pa naman kami madalas kasi malapit sa TLE room namin."

"Oo, totoo nga! Sabi ng kaibigan ko, naglilinis sila sa may Woodworking room nila ng bigla na lang may naririnig siyang may kumakanta. Nakakanginig daw yung boses, nakakaakit, pero wala daw siya makita sa labas."

"Sheeeesh! That's crazy, man."

Sa totoo lang, mas nanginig ako sa reaction nung huling narinig ko. Which reminds me, bakit ganyan usually magsalita yung mga nagpopodcast na lalaki sa Pilipinas? Yan ang crazy.

Hindi ko na rin narinig ang mga nasabi nila dahil nakalayo na sila, but I don't need to dahil I have already heard about that one. Kaya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang inaalala yung buong kwento.

Paano nga ulit yung umpisa nun?

...

...

...

Ah, oo. Naalala ko na.

Ang full story niyan ay noong paatras na ang mga Hapon sa Manila, mas lalo silang naging marahas sa mga nahuli nilang mga rebelde.

Isang araw, sinunog ang mga Pilipinong kawal sa ilalim ng kinatatayuan ng building. Nalaman nito ng nanay ng isang sundalo, kaya tinapon niya ang kanyang sarili sa apoy. At sa kanyang huling hininga, kinakantahan niya ang kanyang patay na anak.

...

...

If you are going to ask me, rest in peace mula doon sa mga nasawi sa digmaan, pero I don't think it was true. Feeling ko kinalat lang iyon ng mga guard para umiwas sila mag-cutting class kasi may butas sa may pader.

The very same hole na pinuslitan namin ni Jamiel noong unang araw, kaya there's no way I believe there's a-

Ili-ili tulog anay (Sleep for a while, little one)

Wala diri imong nanay (Your mother is not here)

...

...

...

Teka bakit parang umiihip yung hangin? Tangina napakalamig, parang lalagnatin yata ako. Kailangan ko lang naman ipasok itong trash bag sa imbakan tapos diretso nako sa gate.

Yeah, that's what I will do.

Wag ka papasindak, JM! You got this!

...

...

Kadto tienda bakal papay (She went to buy some bread)

Ili-ili tulog anay (Your mother is not here)

...

...

Habang papalapit ako sa basurahan, parang lumalakas yung naririnig kong kanta. Fucking hell, parang nagha-hallucinate na ako. Biglang umihip lalo yung hanging. Tanging yung boses at yung mga punong sumasayaw ang naririnig ko.

Shet, dapat hindi ko na tinandaan yung kwento! Tinatakot ko lang sarili ko!

...

...

Mata kana tabangan mo (You are awake, come and help)

Ikarga ang nakompra ko (Carry the things that I bought)

Kay bug-at man sing putos ko (Because it is really heavy)

Tabangan mo ako anay (Help me, little one)

...

...

TANGINAAAAAA! AYOKO NAAAAAAA!

Bigla kong hinagis yung trash bag sa buong makakaya ko. Dahil I am currently high on adrenaline, nagkaroon ako ng konting boost ng lakas. Kaya for a moment, lumipad sa ere yung trash bag na kanina nirereklamo ko na mabigat.

Hildilyn Diaz, ako na ang bago mong disipulo!

Pero syempre, gravity will always find a way to pull all things back to the ground, kaya hindi rin nagtagal at naglanding din ito sa loob.

BAAAAAAAAAMM!

Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak kasunod ng mga nabasag na mga bote at naputol na mga kahoy. Not only that, parang may sumisirit sa may bandang ibaba ng basurahan.

Tangina, napakabahoooooo!

Ayoko na talaga! Sa aking pagkataranta, tumakbo na ako agad palayo. Promise, magpe-pray na po talaga ako, just deliver me from evil, Lord! I'll be a changed man, Peksman! Walang hiya, nasaan na yung rosary ko? Teka...

...

...

Heto! HETO! SEE? Kabisado ko pa silang lahat! Joyful, Luminous, Sorrowful or Glorious Mysteries. See!? I've been good!

"I believe in God, the Father Almighty, Creator of Heaven and earth; and in Jesus Christ, His only Son, Our Lord-"

"Anong nangyaya-"

BAAAAANG! At may kasama pang foul!

Napatumba ako ng may maramdaman may tinamaan ako. Of course, medyo malakas yung tama and the one that I ran into is no slouch either, pero dahil nangingibabaw takot ko, hindi nareregister ng katawan ko yung sakit.

Gusto ko lang makalayo at manood ng anime!

Kaya pinilit kong makatayo. Pero bago ko makuha balanse ko, narinig kong nagsalita yung nasa harapan ko:

"... JM?"

Bigla kong inangat ang ulo ko nang narinig ko ang pangalan ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat, pero hindi kalauna'y napahinga din ako ng malalim dahil at least hindi talaga multo yung nakasalubong ko.

THANK GOD!

Pero wait lang, does that mean yung naririnig ko kanina...

"... Sandra? Ikaw ba yun kanina?"