After 84 years, natapos din ang unang araw ng eskwelahan.
Come to think about it, it took me 8 chapters bago ako nakauwi! Napakahaba naman ng setup na ito. Sadya bang napakarami kong bang monologue? Nababaliw na ba talaga ako? Kailangan ko na ba kunin yung loyalty card ni Jamiel at magpa-admit sa isang mental facility?
...
...
Pota, what even is reality?
"Tara na, JM." Niyaya ako ni Renzo na ngayo'y nakatayo sa harap ng gate. "Kakaupdate lang ng DoL. Nilabas na yung bagong character!"
Finally, some good fucking news! Feel ko naman deserve ko naman magrelax ng saglit, especially naalala ko yung nangyari kanina sa student council room. Kaya ngumiti ako at napasapak sa hangin sa taas "Let's goooo!"
Ever since elementary, lagi kong naiisip na laging may mini-fiesta tuwing lumalabas ako ng school. Nakahilera ang mga tindero't tindera ng mga binebenta nilang pagkain, laruan, at samu't-saring gamit.
Sa isang banda, puro mga kariton na nagluluto at naghahain ng mga pagkain na usually makikita mo sa kalsada. Nandoon ang fishball na natusta na sa sobrang tagal sa kawali, squidball na pasmado, calamares na puro harina kaysa sa pusit, hotdog na nangangasim at marami pang iba.
Ang personal favorite ko ay yung siomai rice na parang gawa sa cardboard yung balat.
"Kuya, bakit medyo maasim yung gulaman niyo?" Tanong ng isang lalaki habang nilaklak ang isang baso sa tabi niya.
"Ay puta, sawsawan ko ng mga sandok yan! Bakit mo ininom?" Biglang sumigaw yung tindero nang mapansin niyang nawawala yung baso na pinaglalagyan niya ng mga utensils para sa kanyang paresan.
"Parang ang tigas naman ng marshmallow nung scramble ko." Sinubukan nguyain ng isang estudyante. Yung tindero ngumiti lang pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang napansin, pero parang natanggal yung isang ngipin niya.
...
...
...
FUCK! Paano maerase yung naiisip ko?
"JM, nagugutom na ako. Bili muna ako nung ice cream." Tinuro ng kaibigan ko si manong sorbetero sa may kabilang dako.
"Bakit hindi ka na lang bumili dun kay Mang Waldo sa may computeran niyo?"
"Araw-araw na ako kumakain doon. Kailangan ko lang ng panghimagas muna."
Wala naman ako magawa kundi sundan siya sa gusto niya. In fairness din naman, masarap yung sorbetes ni manong. HIndi tulad ng iba na medyo mapakla, lasang-lasa ko yung sarap ng bawat flavor.
For example, yung cheese flavor, napakalinamnam nung lasa, muntik ko na siya gawing sauce para sa samgyupsal.
Habang naglalakad kami, nakita ko rin yung mga munting palaro na dati kinahuhumalingan ko noong nasa elementary. Tulad na lang nung pahula nung isang ale. Bibigyan ka ng isang pirasong papel at dapat mahulaan mo ng tama kung anong nakasulat doon. Usually yung makukulay na sisiw yung makukuha mo.
Bigla kong naalala si Rambo, yung kulay purple na sisiw na napanalunan ko. Kumuha ako ng lumang shoebox para gawing tahanan niya. Tuwang-tuwa pa naman ako at akala ko magkakaroon ako ng purple na manok.
Pero mukhang nagselos yung daga na nakatira sa mga dingding namin.
RIP, Rambo.
"Kuya, yung sa tinapay nga ho. Isa!" Binigay ni Renzo yung baryang hawak niya sa matandang lalaki. Tumungo ang sorbetero at naglabas siya ng plastik mula sa loob. Sumandok ng tig-tatatlong scoop mula sa tatlong flavors bago inabot kay Renzo.
"Ikaw mijo, anong gusto mo?" Baling niya sa akin.
"Ah, yung sa sugar cone na lang po."
Inabutan din ako ng aking biniling ice cream matapos ang ilang minuto. Pagkabayad ko, nagumpisa narin kami maglakad. Kaya minsan talaga nakakatakot dumaan sa gate ng school namin, lalo na kapag gusto mo makatipid.
Kailangan ko ipagkasya ang 50 pesos na baon ko, at gusto ko pa maglaro muna bago umuwi.
"Tara na Renzo! Baka maakit ka na naman at bumili pa ng kung anu-ano." Hinatak ko siya palayo at nagumpisa na kami maglakad.
Sumabay kami sa agos ng mga estudyante na naguumpisang maglakad pabalik sa kani-kanilang mga bahay. Dahil may kalayuan pa naman yung school namin, sumakay na kami sa isang nakaabang na jeep.
Umupo ako sa may bandang gitna habang si Renzo nasa dulo.
"Bayad po." Inextend ko ang aking kamay at nakisuyo sa estudyanteng nasa harap ko para iabot yung barya, pero hindi ako pinansin.
Ay wow, attitude ka? Hindi ko binaba yung kamay ko at sinubukang iharap ang kamay ko sa kanya. "Makikisuyo lang po ng bayad!"
...
...
At wala na naman siyang imik. Tangina, anong klaseng ugali yan?
"Kuya, SALOOOOO!" Bumwelo ako at sumigaw kay manong tsuper. Pero bago ko mabitawan, may isang kamay na biglang sumulpot.
"Ako na ang mag-aabot." Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Sandra. Himala, may kabaitan pa pala sa mundong ito! Isa kang anghel.
Binigay ko yung bayad ko sa kanya at agad-agad niya rin itong pinasa sa harapan. Wala siyang sinabi pa pero ramdam ko na nakatingin parin siya sa akin. Ang pinagkaiba lang ngayon is hindi siya naka Resting Bitch Face ngayon. Hindi na takot ang nararamdaman ko.
Now that I realize, I love the way her short hair cuts just right above her jawline. Kahit walang masyadong makeup, her cheeks are also more pronounced. She's breathtaking in all senses of the word, and yung taong yun ay nakafocus... sa akin?
...
Wait.
Ito na ba yun? Siya na ba kaya ang aking 'The One'?
Is this the start of my popular phase?
Girl, alam kong pogi ako, pero huwag ka masyado tumitig sa akin. I can give you my autographed picture if you-
"Na-buff yata si Ren-done ngayong patch." Pero syempre, umeepal na naman ang resident busangot sa buhay ko. Hindi mo ba nakikita na I am having a moment with Sandra?
"Pake ko dun? Hindi ko main yun. Bakit ang pangit lagi ng timing mo?"
"Anong pinagsasabi mo? Diba maglalaro nga tayo mamaya?"
"Oo, pero hindi ba obvious na busy ako?"
"Saan? Nakatunganga ka lang diyan?"
Renzo naman, why don't you help me out? Ito na yata yung chance na hinihiling ko buong buhay ko! Pagbigyan mo ako. Kala ko ba bro's tayo? "Hindi mo ba nakikita yun? Kanina niya pa ako tinitignan! Sa-"
"Para po." Tumayo si Sandra sa kanyang kinauupuan at walang pag-aalinlangang bumaba ng jeep. Ni isang lingon wala siyang binigay.
Nooooooooooo!
Yung Event kooooo! Namiss ko yung window of opportunity ko. Ano na ang gagawin ko?
"Yan tuloy. Nakatingin na siya sa akin eh!" Giniit ko sa kaibigan ko habang pinapanood ang likod niya.
"Si Sandra? Boy, alam kong tigang ka na, pero wala kang pag-asa doon." Tumatawang sagot ni Renzo sa akin.
Salamat sa suporta ah.
Pero wala na akong magagawa. Nakababa na siya, and I am far too tired to even lift my foot, kaya bumuntong-hininga na lang ako. Okay lang yan, may next chance pa naman ako. Kaklase ko naman siya. Slow and steady lang tayo.
Samantala, sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko narealize na yung jeepney driver ngayon, nagfeeling Takumi Fujiwara, kaya nagdrift siya sa pagliko.
"KUYA, SANDALI LAAAAANG!" Biglang umiyak yung katapat kong pasahero, pero hindi siya marinig dahil nagumpisa narin magpatugtog si kuya.
Bass boosted na remix ng mga lumang kanta. Budots version.
"WOOHOOOO!" Humiyaw si Renzo habang nakahawak sa bakal.
"PUTA, HINDI PA PREPARED YUNG LAST WILL KOOOOO!" Sumigaw din yung katabi niya habang nagdadasal sa kanyang rosary.
Dahil mabilis din ang pagpapatakbo ng aming ride, ilang minuto din at narating din namin ang paradahan ng jeep. Nanginginig parin ang mga tuhod dahil sa biglaang pa-rides.
Salamat sa libreng Space Shuttle, Eldar the Wizard. Bibisita na talaga ako sa theme park mo sa Laguna sa susunod na break.
"Paalala mo pala sa akin Renzo pagkatapos natin maglaro na dadaan ako sa mall mamaya." Payo ko habang nagumpisang maglakad.
"Bakit? Manchichiks ka na naman?" Birong tanong niya sa akin.
"Hindi. Bibili ako ng pasalubong kay Ma. May nagsumbong sa kanya kahapon. Kasalanan mo to!" Bigla kong naalala na si Renzo nga ang dahilan bakit ako lumapit sa mga babae kahapon. Dapat siya ang magbayad!
"At bakit ako? Hindi ko naman sinabing tawagin mo silang bangaw." Tumaas ang kilay ng kaibigan ko sa akin.
Again, bakit parang kasalanan ko? All I want is to complement them! Siguro kailangan nila ng mataas na IQ para magets nila that I want to tell them they're sweet. Hmp! Bahala na sila. It's their loss naman.
Pagtawid namin sa kabilang kalye, tanaw na namin yung computer shop nila Renzo. Amazon Internet Cafe ang nakalagay sa harapan ng shop, at sa tabi naman ay logo ng kilalang hotel sa lungsod.
Which reminds me, base sa comments ng ibang tao, neither clean nor good yung mga rooms nila. Medyo false marketing lang ang peg.
...
...
And for the record, hindi pa ako nakapasok doon! Wala akong mahanap na kasama magbible study para sa hotel na yun!
"Nay, nandito na kami ni JM. DoL lang kami saglit." Binaba ni Renzo ang bag niya sa may desk sa harapan, kung saan nakabantay ang kanyang mahal na ina.
"Hay nako. Akala ko ba mag-aaral ka na ng mabuti?" Nakapamewang na tanong ang kanyang nanay. Pasensya na po tita, hindi ko talaga kaya maging magandang ehemplo para sa anak mo. Usually ako pa ang kunsintidor.
"First day pa lang naman. Babawi ako next week!" At hindi na siya lumingon pabalik at umakyat na siya sa kwarto niya.
"Mana ka talaga sa batugang mong tatay." Bumuntong-hininga siya bago ngumiti sa akin. "JM, mamili ka na ng pwesto mo. Libre ko na yung isang oras mo."
Hindi ko sinasabi ito talaga yung dahilan bakit ko siya kaibigan, pero ang sinasabi ko lang is ito yung mga rare perks ko bilang malapit niyang kaibigan. Nagpasalamat ako sa kanyang nanay, nag-abot ako ng trenta pesos at umupo sa paborito kong pwesto.
Hindi na maaalis sa kultura ng kabataang Pilipino ang pagkakaroon ng komunidad. At ang computer shop ang tahanan nito.
Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Charles Babbage, isang Ingles na mathematician, nang naisipan niyang iimbento ang computer. Dalawa ang naging imbensyon nito na nagrevolutionize sa mundo.
Nauna ang Difference Engine, na kung saan kaya nito magcalculate mechanically, so hindi mo na kailangang mag-abacus o gamitin ang kamay. Pero ang mas na-amaze ako is siya rin ang gumawa ng maggiging precursor ng mga computer na ginagamit ngayon.
Ang Analytical Engine.
Noong panahon niya, marami ang nagdududa na pwede makacompute ng maraming function ang makina gamit ang Arithmetic Logic Unit, pero napatunayan ng kanyang anak na kaya ito. At ngayon, tinatamasa ko ang pagsisikap nila. Maraming salamat po!
"Renzo! JM! May mga dayo dito. Tara 5v5!" Bati ng isang tambay na regular sa shop na ito matapos magpakita si Renzo ulit, this time nakabihis na siya ng kanyang jersey at shorts.
"Tara! Singkwenta sa akin." Naglabas kaagad ng pera si Renzo habang nakangiti. Minsan talaga humahanga ako sa tapang niya, lalo na't malapit lang yung nanay niya.
"Pass muna ako. Wala pa akong pera." Alam ko nakakaenganyo yung chance na kumita, pero short pa ako sa datung. Kailangan ko pa magkumpisal at mag-alay ng sakripisyo.
"Ako na ang bahala sayo. Tara na kitain natin yung kalaban natin." Tinapik niya ang balikat ko at dinala ako kasama yung ibang mga tambay doon.
Sabi mo sagot mo ako ah. Sige, hindi ko naman pera yan eh.
"Pre, ito pala yung gusto makilaro sa atin."
Nang makita ko sila, parang biglang nakaramdam ako ng kilabot. Siguro dahil lang ito sa aircon, pero parang masama ang kutob ko sa kanila.
May mga sabi-sabi sa mga computer shop na makikilala mo kung halimaw ang isang tao base sa itsura nila. Lahat sila naka puruntung shorts, long sleeve na shirt, pati napakaraming baller sa bawat kamay nila.
Pero ang pinakasure ako ay yung mga napakahabang mga bangs at may kulay na buhok.
...
...
Puta, sila nga yung mga legendary players na lagi ko napapanood sa internet. Yung mga taong mas pinili maglaro kaysa mabuhay.
Tangina, bakit naririnig ko na yung lyrics ng isang kanta na lagi kong naririnig sa mga montages.
We are electric....
"Huy Renzo, sure na ba tayo dito?" Pabulong kong tanong kay Renzo. Tumawa lang siya at nilapag niya yung kamay niya sa balikat ko ulit.
"Mukhang mahihina naman sila. EZ Money ito." Nakangisi itong bumulong pabalik sa akin.
Alright, pera mo naman yan. Wala na akong magagawa kundi sumunod sa kanya. Nagusap sila sa setup ng kanilang pustahan. Bumalik na ako agad sa upuan ko para mabuksan ko na yung laro. Ilang minuto din ang tinagal bago nakabalik si Renzo sa tabi ko.
Isang MOBA yung Defense of Legends. May dalawang grupo na tig-lima. Ang pinakaobjective nito is dapat masira mo ang base ng kalaban. Pipili ka ng mga character, bibili ng mga gamit, at papatayin sila hanggang makuha mo yung base nila.
Simple, pero may sense ng strategy. Dipende sa gamit mong character at mga item na binili mo ang magdidikta kung sino panalo, kaya maraming pwedeng mangyari. Ito ang dahilan bakit kinakaadikan ito ng kabataan.
"Ako na yung mag-initiate satin. Mag-carry kana Renzo." Bulong ko sa kanya pagkaumpisa ng Pick Stage ng laro. Hindi sa pagmamayabang, pero ang playstyle ko ay pangbardagulan. Susugod ako sayo at gusto ko ihambalos ko ang makunat kong mukha sa mga kalaban.
Kaya ang main na character ko ay si Jeff Poy.
Samantala, si Renzo naman mahilig pumatay, mas focus sya sa carry position, kaya pinick niya si Ren-done, isang melee carry. Surprisingly maganda synergy namin, kaya madalas kami magrank ng sabay.
Matapos namin pumili, inobserbahan ko yung mga picks ng kakampi at kalaban namin.
"Hahaha, tignan mo yung kalaban natin sa lane. Kaya natin ibully yan. Malalambot." Natatawang comment ni Renzo.
"Basta ayusin mo boy." Sambit ko pabalik sa kanya. Hindi ko talaga maalis sa isipan ko yung kaba, pero siguro kaya naman namin tong dalawa. Tiwala lang sa sarili mong lakas, JM! Itayo ang bandila ng mga Labastida!
Arriba!
...
...
...
Nang magumpisa ang laro, bumili na kami agad ng mga starting items bago tumuloy sa mga lanes namin. Medyo maganda naman yung umpisa dahil aggressive yung playstyle namin. Nang makita ko na malayo yung carry ng kalaban sa kanyang support, sinunggaban namin ito agad.
"PUTANGINAMOOOOOO! GAGO WAG KA LAKWATSERA SA GUBAT NYOOO!" Humiyaw si Renzo ng malakas ng mapatay namin yung character. Syempre dahil balwarte niya yung compshop, malakas ang tawa ng mga nanonood sa amin.
Hindi umimik yung kalaban. Alright. Maganda ang umpisa namin. Focus lang at-
DOUBLE KILL!
Lumabas sa screen namin na namatay yung dalawa naming kakampi sa kabilang lane. Nagroam pala yung support nila at pinatay yung kakampi namin. Ngayon nasa kontrol nila yung objective na monster.
"Tanga mo naman, uso umilag!"
"Walang ping yung nasa baba! Kampante ang pota."
"Bobo, wala kang map awareness!"
Shit, nag-aaway na sila. Kailangan natin ng pagkakaisa, guys! Magsasama-sama na tayong babangon muli! Tinapik ko si Renzo at sinabi "Boy, tara help sa kabilang lane."
Tumungo siya at nagumpisa na kami magback sa base. At least may konting item na siya, hindi pa buo pero at least hindi puro health potion lang. Pumunta kami sa lane ng kakampi namin nang marinig namin ang announcer sa laro
TOWER HAS BEEN DESTROYED!
"HOY KAYONG DALAWA! ANONG GINAGAWA NIYO DITO? TOWER NIYO BOBO!"
"GAGO TINUTULUNGAN KA NA NGA EH!"
"HINIHINGI KO BA TULONG MO? MAGHAHATI PA TAYO SA EXP EH!"
"TANGINA NIYO BIBIGAT NIYO TALAGA"
Naririnig ko na ang tawa ng mga nanonood sa likod namin. Samantala, yung mga kalaban namin naman, naguumpisa na silang magingay. "MGA INTROBOYS ANG MGA INUTIL!" Kutya ng isang kalaban namin.
"ULUL! BUHAT KA LANG NG KAMPI MO!" Sumagot si Renzo.
"TARA 1v1 SA RIVER!"
At tumungo ang dalawang magkalaban sa ilog. Tangina natrigger na kaagad ang kumag. Isang item pa lang nabubuo mo after 10 minutes tas naghahamon ka na kaagad ng away?
Lumusob siya sa isang Raymond Bulalo. Puta, tatlo na item nito. Renzo, bumalik ka na. Hindi mo pa kaya kalabanin to! Magfocus ka muna sa pagfarm ng pera para makatapat ka. Late-game carry ka kaya wag ka magpadalos-dalos sa-
"PUTANGINA..."
...
...
"PUTANGINAMOOO..."
...
...
GODLIKE!
"PUTANGINAMOOOOOOOOOOO!" Biglang tumalon yung nakalaban ni Renzo sa upuan at tumakbo sa loob ng computer shop habang nakapakyu ang mga kamay niya! Sumabog sa hiyawan at kantyaw yung mga tao sa loob.
"Sabi ko na eh, dapat nagblink na siya nung una para iwas sa skill nya." Sabi ng isang tambay na nagside-by-side play siya sa analyst desk.
Puta, sabi ko na nga ba, Mga halimaw yung mga kalaban namin eh. Buti na lang talaga hindi ko pa pinusta yung pera ko. Parang gusto ko na talaga dumaan sa bakery bago umuwi. Bibilhan ko muna ng ensaymada si Ma.
"TANGINA, ETONG SAYO!" At sa isang iglap, nakita ko na may lumilipad na plastik na silya papunta sa kalaban.
...
...
Alright, bounce na ako. Sorry Renzo, pero kasalanan mo yan. Binalaan kita eh. You reap what you sow, ika nga.
Bili na nga lang ako ensaymada.