Buti na lang at naabutan ko pang bukas ang mall matapos ko tumakas mula sa computer shop nila Renzo. Sabi ko na nga ba masama kutob ko sa mga kalaban ko, kaya buti na lang at wala akong nilabas na pera.
RIP Renzo.
Buti na lang at may araw pa, kaya makakaabot pa ako sa mall. Yes! Makakabili pa ako ng alay para sa aking diyosang ina at sana maging sapat ito para hindi lumagutok ang aking pwet bago matulog.
Kung kaya nagsimula na akong maglakad palayo sa computer shop. Naguumpisa naring magdilim kaya nagbukas narin ang mga street lights. Shit, kailangan ko na magmadali.
Minsan nasabi ng nanay ko na parang ako laging nasa ulap kapag naglalakad, lalo na kapag mag-isa lang ako, and for the most part, tama siya. Kapag hindi ko kasama ang aking kumag na kaibigan, madalas tumatakbo ang mga isip ko sa mga bagay-bagay.
Kung nagenroll ako sa ISCP, sigurado akong ang recommended course sakin is BS in Psychology Major in Overthinking.
Which reminds me, it's really ironic na ang isang fictional school ay may mas magandang website design compared sa mga totoong schools. Loud and proud Aspin!
"Baby, baby, you're my sun and moon..." Hindi ko mapigilang mapakanta sa ISCP Hymn. Tangina talaga, I sunk too low at napa-LSS na ako sa isang Tick Tack song! Kill me!
Wala na, finish na. Isa na akong legitimate normie.
...
...
Fuck!
Sumipa ako sa pinakamalapit na poste sa inis. Syempre hindi ako si Popeye kaya hindi naman siya nabali. In fact, pagkasipa ko, tumama sya sa may bandang dulo ng kuko ko, kaya pakiramdam ko halos bumaon sya paloob.
"PUTAAA!" Napangiwi ako, hindi dahil sa shabu, pero dahil sa sakit na naramdaman ko. Pati ba sa pagsipa bobo ko parin?
Napaupo ako habang kinakapa ko sa sapatos kung buo pa sila. So far hindi ko naman nararamdamang dumugo kaya safe pa ako. Reminder: Huwag susubukan, nakamamatay.
Hindi rin naman masyado ako nagtagal bago ako nakabalik sa pagtayo. Naririnig ko na ang mga kampana ng simbahan, senyales na malapit na mag alas-sais ng gabi. Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kahit paika-ika maglakad, binilisan ko ang pagkilos ng mga paa ko.
Mga ilang minuto din makalipas at nakarating ako sa mall. Medyo maalinsangan ang panahon kaya kinilig ako sa tuwa nang maramdaman ko ang haplos ng malamig na hangin mula sa aircon.
THANK YOU, CIVILIZATION!
Sumakay ako sa escalator at bumaba patungo sa isang tindahan ng tinapay. Alam ko na napaka-burgis ko para bumili ng ensaymada dito kaysa sa may bakery sa tapat ng palengke sa amin, pero special occasion ito. Favorite ito ng nanay ko.
Mas pipiliin ko mawalan ng pera kesa mawalan ng pakiramdam ang aking wetpaks.
Pagkababa ko sa basement level, bigla ko naalala ang isang maliit na ala-ala:
...
...
...
Doon pala nagtatrabaho si Jamiel.
Shet. Tignan ko muna kung naka-shift parin siya dito. Pagod na ako kakausap sa kanya buong araw. She's the last thing that I want to meet before the day ends. Kaya, dahan-dahan ako naglakad habang nakayuko.
...
Okay, pinagtitinginan lang ako ng mga tao, pero hindi pa nila tinatawag yung guard, so okay pa ako.
Pagdating sa salamin na pader, sinubukan ko sumilip sa loob. Nilagay ko ang kamay ko sa salamin at pinorma ko na parang binoculars bago ilagay ang mukha ko sa ibabaw.
"Teka, bakit unti-unting lumalabo yung nakikita ko? Ang galing ng security feature ng tindahang ito. Ano kaya tinatago nila sa likod?" Bumulong ako sa sarili ko. Mas naging curious ako. Feeling ko ako na si James Bond.
Let the sky fall, when it crumbles. We will stand tall...
Trivia: Sabi ng isang app sa social media, ang pinaka-look a like kong Hollywood actor ay si Daniel Craig. Kaya kung kailangan nyo ng stunt double in the future, pwede niyo tawagan ang PR team ko. Thank you.
"Hininga mo yun gago. Nagtu-toothbrush ka ba?" Meanwhile, biglang may sumagot sa akin. Ay wow, kailan pa naging palasagot si Mr. Q?
"Ulol, tandaan mo ako ang bida sa palabas na ito. Remember my name: Bond. James Bond." Bumulong ako pabalik habang hindi lumilingon. Kumuha ako ng tissue sa bulsa ko at pinahid ko sa nagfo-fog na part. Pagkatapos, nilagay ko ang ginamit na tissue sa ibabaw ng bibig ko.
Oh diba, napakacreative ko?
Sinubukan ko sumilip ulit pero hindi ko parin nakikita yung kutong nag-anyong taong iyon. Kahit na medyo kumaunti na yung mamimili sa loob.
"... Q, Target is still not within the area. Hindi ko pa nakikita si Jamiel Han. Nasaan kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatutok sa loob.
"... JM."
"It's Bond. Kita mong nakaundercover ako."
...
...
"... JM, as much as I want to see you embarrass yourself in public, pero tinatakot mo yung mga customer namin. Tingin sa likod." Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon ko lang napagtanto: Bakit nga ba parang babae yung boses na bumubulong sa akin?
"Wala naman akong ginagawang masam-" Paglingon ko, ang una kong napansin ay ang mala-buwaya niyang ngiti.
...
...
...
Mission failed. We'll get them next time.
In all her glory, nakangising tumitig si Jamiel sa akin. "So bakit ka na naman nangii-stalk sa akin? May pagnanasa ka na naman sa akin?"
"In your dreams. Ayoko makasalubong ka. Pagod na ako makita ka." Mainit kong binitaw sa kanya.
"Aww, lagi mo akong naiisip? Ang creepy, pero medyo sweet." Tumatawang balik niya sa mga sinabi ko. Tumapat siya sa pasukan sa bakery at tinuro papasok "Pumasok ka na bago ka pagkamalang sindikato ng security dito."
Fuck, kahit anong sabihin ko may rebut siya. Wala na akong nagawa kundi bumuntong-hininga at tumuloy.
Napapalibutan ako ng iba't-ibang uri ng tinapay sa bawat shelf. Of course, ano pa ba ang ineexpect ko dito, pero hindi ko maitatanggi na base sa aroma na nilalabas ng kanilang produkto, ay mukha at amoy masarap naman talaga ang binebenta nila.
Nasa gilid ng tindahan ang cashier, kung saan isang maliit na babae ang nagma-manage nito. "Good evening sir! Bagong luto lang itong mga monay. Bili na kayo."
Hindi ko mapigilang maging curious kasi medyo bilog yung hubog ng mukha niya. Ang kanyang distinctive trait is yung malaking lunal sa kanyang labi sa taas. Kaya lumapit ako at bumulong "Jamiel, bakit parang raisin bread yung nasa cashier niyo?"
"Gago, boss ko yang dino-dog show mo." Bigla niya akong binatukan ng malakas. "Ikaw, bakit mukha kang toasted bread?"
"Heto naman hindi mabiro. Tangina ansakit!"
"Talk shit ka kasi. May bibilhin ka ba dito o gusto mo lang talaga ako makita?"
"For your information, oo may bibilhin ako. Hindi araw-araw ikaw sentro ng buhay ko no."
"... So ibig sabihin may isang araw na ako iniisip mo."
"Oo, kung paano kita paluluhain sa mga kalokohan mo."
"Ooh, kinky."
...
...
Hindi na ako sumagot pa at tumuloy na ako sa pagpili ng kailangan kong ensaymada, habang tumatawa ang kuto ng malakas. Minsan, dapat mag-ingat ako sa mga sinasabi ko eh.
Alright, baby gloves are now off. Kung gusto mo maggaguhan, then I'll bring it to you!
Nang umabot ako sa tapat ng shelf puno ng ensaymada, kumuha ako sa may pinakadulo, dahil naniniwala ako sa pamahiin na ang mga bagong luto na pinakamatagal masira ay lagi sa likod.
Uyy, napakalambot ng ensaymada. bili ako ng anim para baon ko rin bukas.
Nang lumingon ako, napansin ko na wala na sa tabi ko si Jamiel at busy na siya umalalay sa ibang mga customer, kaya for now safe ako.
Dapat bilisan ko na bago niya ako mahanap ulit. Dala-dala ang ensaymada, dumiretso na ako sa counter para bayaran.
"120.00 yung total. I receive 200.00." Sabi ng cashier bago buksan ang register. Matapos iabot sa akin ang sukli, bigla siyang nagsalita habang nilalagay ang tinapay sa loob ng kahon "Kaibigan mo pala yang si Jamiel."
"... Uhh, kakilala ko lang po sa school." Napakamot na lang ako sa ulo sa sinabi ni ate. There are so many words that I want to describe her and 'Friend' is not one of them, for sure. Better if I played it safe.
"Ay talaga? Ngayon ko lang nakitang ganun yun ever since nagumpisa magtrabaho dito." Nakahalumbaba siya matapos iabot yung kahon ng ensaymada sa akin.
Sinundan ko yung tingin niya at nakita ko si Jamiel ulit, busy parin kausap ang mga customer at ang mga nagwi-window shopping sa kanila. Nagpatuloy ang may-ari ng tindahan "Madalas tahimik lang yan mula umpisa hanggang dulo, kahit sa mga kakilala niya, pero pagdating sayo, angsaya niya for some reason."
Oo, masaya siyang pinagti-tripan ako.
"... Ganun po ba?" Honestly, hindi ko alam kung paano ko sasagot doon, kaya wala akong ginawa kundi tumuloy lang sa panonood sa kanya.
Maybe it is the atmosphere.
Maybe it is because I am dead tired.
Maybe I am really going crazy with everything that has happened.
Pero noong pinapanood ko siya ulit, there are things that I haven't usually noticed that starts to bloom right in front of my eyes. Sa ngayon, may tinutulungan siyang ale na medyo nahihirapan kunin yung tinapay sa isang sulok. Siyempre since siya ang pinakamalapit, dali-dali niya naman tinulungan siya.
"Manang, heto po." Inabot ni Jamiel yung tinapay sa matandang babae.
Naging malaki ang ngiting binigay ng matanda kaya inangat niya ang kanyang kamay at nilagay ito sa bunbunan niya "Napakabait mo talaga mija. For sure proud sayo ang mga magulang mo at nagtatrabaho ka na kahit ang bata mo pa!"
And for a moment, hindi siya umimik. Siguro nagmamalik-mata lang ako nung napansin ko na lumaki ng kaunti yung mata niya. Pagod lang ito.
Pero hindi ko mawari na totoo yung ngiti ni Jamiel para kay lola. Kung ganyan yung pinakita niya sa school, for sure maraming mababaliw sa kanya.
Hah, pero reality is oftentimes disappointing. Kailangan ko na rin bumalik sa bahay.
"... Osya. Thank you po. Aalis na-" Babati na sana ako paalis nang biglang may narinig akong sigaw. Paglingon ko, may nakita akong isang babaeng naka-shades ang biglang pumasok.
Maraming porselanas sa kanyang leeg at may malaking sumbrero, lumakad siya na feeling important papasok. Siguro kaya naka-shades siya kasi may komang sa mata niya.
"Asan yung... Ayun ka!" Dumiretso siya kay Jamiel at nagsimulang magalburuto "Walanghiya kang babae ka, hindi mo ba naiintindihan na kailangan ko ng gluten-free na tinapay? Nakakaintindi ka ba ng Tagalog?"
"Pasensya na po per-" For the first time, nakita ko si Jamiel na nanliliit doon sa nangagalaiting Gremlin. On one part, dapat matuwa ako kasi she's getting what she deserves. Buti nga sa'yo! Nakahanap ka rin ng katapat mo.
Pero noong hinagisan siya ng tinapay na inisip ko ay maling nabigay sa kanya, instead na matuwa, parang mayroong mali.
"Bobita! Wala kang kwentang tao! Tama nga yung sinabi nila sayo! Kaya hanggang ngayon tumatakbo ka parin. Nakakahiya ka!"
Ang kilala niyang terror ng DAKHS ay matapang, walang inaatrasang laban. Kahit pa principal pa ang kaharap niya ay nakabungisngis pa siya. Ang natatanging babae sa tala ng buhay ko na deep down ay nirerespeto ko ay hindi itong nasa harapan ko ngayon.
May mali sa nakikita ko.
Hindi ko alam kung anong mga sumunod na pangyayari. Nakita ko lang na handang batuhin nung Gremlin yung pamaypay sa mukha ni Jamiel.
Nagkusang gumalaw yung katawan ko.
"Kahit kailan talaga napakabobo mo. Kaya kahit si Ri-"
"Tama na po yan, madam. Medyo nakakaabala na po kayo sa mga tao dito."
"At sino ka naman para makialam dito aber? Hindi mo ba ako kilala?" Tumaas ang kilay ng babae sa akin. Akala nya naman tatalab yan sa akin. Halatang pininta na lang yan.
Okay, game time. Nagkaroon ako ng saglit na deja vu dahil for sure mapapaaway na naman ako sa loob ng mall, pero for some reason, I'm more than okay with what I will say next. This bitch deserve it.
...
...
"Ay oo, nakilala kita. Ikaw po yung nasa 'Gremlins' na movie diba? Kumakain po kasi kayo after midnight kaya ganyan ka."
...
...
...
Teka, bakit parang naramdaman ko umiikot yung buong mundo?
...
Ah, oo nga pala, nasampal na naman ako. Pangalawang beses na ito ah. Lagot na naman ako kay Ma nito. Doblehin ko na yung bibilhin kong ensaymada para sure.
WORTH. IT.
"Walang hiya ka! Hayop! Sino ka bang hampaslupa para pagsabihan ako ng ganyan!?"
Tanginaaaa! Ansakiiiiiit! Parang mabubunot yung buong bunbunan ko sa sabunot mooooooo! Bigla naman rumesponde yung mga tao sa paligid namin para paghiwalayin kami. Ilang minuto din ang nagtagal bago nyang tuluyang binitawan yung buhok ko.
GAGO TALAGA! PASALAMAT KA MATANDA KA NA AT BABAE KA!
"Humanda kang hayop ka!" Dumuro siya ng isang beses sa akin bago napansin na palapit na ang security, kaya nagumpisa siya maglakad ng padabog palabas.
"Okay ka lang ba mijo?" Inalalayan ako ng cashier patayo habang inaayos ang gusot na damit ko. Ngayon medyo nagsisi ako na tinawag siyang raisin bread.
"Okay lang po. Salamat." Buti na lang hindi napipi yung tinapay. Naririnig ko na bumubulong yung mga tao sa paligid pero right now, wala na akong pake.
Lumingon ako and for some reason, tahimik lang si Jamiel. Now, usually, I prided myself that I can read her emotions clearly, especially kapag alam kong tinatamaan na naman siya ng katamaran, dahil usually ako ang naggiging biktima.
Pero yung mukha niya ngayon ay napakastraight. Pwede na isabak sa World Poker Tour.
Yun din siguro yung napansin ng may-ari ng tindahan kaya tinapik niya ang balikat ng babae at sinabi "Jamiel, magbreak ka muna. Kaya ko ayusin itong lahat sa tindahan. Magpahinga ka muna."
Tungo lang ang nakuha niyang sagot mula sa kanya.
"Pasensya ka na mijo ah. Napaaway ka pa. Pero in fairness napakasweet mo. Plus pogi points yan para kay Jamiel." Siniko ng cashier yung tagiliran ko habang naglalaro ang kanyang kilay.
"Joker karin po ah. Anyway, pwede nyo din ako kunin as bouncer dito." Natatawa kong sagot pabalik.
"Hindi ito club boy, pero naghahanap din ako ng stockman."
"Pagiisipan ko pa yan." Tinaas ko na ang kamay ko at bumatid na ako sa kanila "Osya, mauuna na po ako. Thank you!"
Hindi na ako lumingon pabalik nang nagumpisa na akong maglakad palabas. I think that is a job well done, kahit nagpagod lang ako para sa kutong tulad ni Jamiel.
...
...
Now that I think about it, hindi ba siya yung laging dahilan bakit sumakit katawan ko? Bakit nga ba ako sumugod sa gitna nilang dalawa. Clearly, I don't like her, pero for some reason, mali yung nakikita ko, kaya I stepped into action.
Pero is that really all there is to it?
Yan ang hindi ko sure.
Bakit nga ba ako sumali sa away na clearly I am not part of?
Bakit bigla akong kumilos nang napansin kong may mali sa kanya?
"JM!"
Bakit nakatatak na yata yung boses niya sa utak ko?
"... JM!"
At bakit parang lumilinaw yung pagsigaw niya? Nababaliw na ba ako?
"JM! HOY BINGI!" Nang naramdaman ko ang isang kamay na humatak sa akin patalikod, tsaka ko naintindihan na may tumatawag talaga sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Jamiel, halos hinihingal.
Matapos manumbalik sa normal ang paghinga niya, inangat niya ang paper bag na dala niya at dinugtong "May pinapabigay si boss sayo. Sorry niya yun kasi nasaktan ka pa."
"Hala, nakakahiya. Nag-abala pa siya."
"Pabebe ka pa. Kunin mo na." Tinulak niya yung paper bag sa dibdib ko.
Tinignan ko yung inabot niyang pasalubong bago ibaling ko yung mata ko sa kanya, Medyo disheveled ang kanyang buhok, at may marka ng pawis sa kanyang noo at mukha. Pero it was on this moment where i became really aware of her.
Para bang may bagong tuklas akong kweba na hindi pa naeexplore. This is not how I remember who Jamiel is, and a part of me is actually curious.
At medyo kakaiba ang nararamdaman ko. This is really weird, kaya I tried to crack a joke.
"Sus, baka mamaya ikaw lang talaga yung nagbigay. Baka nahulog ka na sa akin."
At para siyang bumbilya nang ngumiti siya. Usually I find it irritating kapag ngumingiti siya. Well judging by what I am seeing...
...
Same parin, pero right now there's a hint of sincerity behind the mischievous grin at hindi ko alam kung ngayon lang ito or it has been there for a while. "That's my line. Gusto mo yata maka-iskor sa akin kaya nagpaka-knight in shining armor ka."
And for the first time, tumawa ako kasabay niya.
And also for the first time, hindi ako nairita sa tawa niya.
"Whatever. Pasabi na lang thank you sa libre."
...
"... Sige, ingat ka." Matagal din inintay ko bago siya makasalita. Hindi ko alam kung bakit pero parang may hinahanap siya, pero sumuko din afterwards. Meron ba siyang gustong sabihin? May hinihintay ba siya sa akin?
Honestly hindi ko alam.
"... Uh, mauuna na ako." At dahil doon, tumalikod na ako sa kanya para makauwi na. Pero bago pa ako makatapak, narinig ko siyang bumulong.
"Thank you... For saving me again. I mean it."
Nakita ko si Jamiel Han, nakaextend ang kanyang kamay, hawak ang isang papel na tinupi para magmukhang ibon. Origami ang tawag dito if I remember correctly. Nasa kulay ng red at white, at obvious na hindi pantay yung pagkakatupi.
Halatang ginawa niya ito ng madalian.
Isang pirasong papel, and yet for some reason nang kinuha ko parang napakabigat dalhin. As if may nakapaloob na bagay na hindi ko dapat maliitin.
"Anything for you. Basta kapag kailangan mo ng pantaboy sa mga tyanak na babae, you can count on me."
Hindi na ako pinigilan pa nang magumpisa ako maglakad palayo ng mall, dala-dala ang ensaymada at ang origami na inabot sa akin.
I cannot believe dumating din ang araw na may nagawang mabuti ang isang Jamiel Han para sa akin. SA AKIN! Totoo nga yung quote na nabasa ko sa internet na 'Reality is stranger than fiction.'
Pagkauwi ko, inabot ko ang pasalubong ko sa aking inang mahal. Buti na lang at kumalma na siya kaya tuwang-tuwa siya nang iabot ko ang ensaymada. Naligo ako ng maigi this time bago nagpalit ng damit at humiga.
Napakaraming nangyari ngayong araw, at ang gusto ko lang mangyari ay mahiga at matulog ng mapayapa.
Good night world!
...
...
...
Pero napaisip ako sa sinabi niya.
...
...
...
What did she mean by again?