Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 8 - 6. What is a chocolate-flavored malted powder product produced by Nestlé?

Chapter 8 - 6. What is a chocolate-flavored malted powder product produced by Nestlé?

HELL YEAH! IT'S LUNCH TIME MY DUDES!

Sigurado naman ako na ito ang number 1 favorite subject ng mga estudyante kapag tinanong mo sila, at hindi ako naiiba doon. Kanina pa ako nagugutom at feeling ko malapit na ako mahimatay.

Kung kaya dali-dali ko nilabas yung baunan ko mula sa bag ko. Buti nadala ko pa ito bago ako kumaripas kanina sa bahay.

"Ano baon mo JM?" Tanong ni Renzo sa tabi ko.

"Ha?"

"Ha?"

"Hatdog." Akala mo nakakalimutan ko na yung ginawa mo sa akin kanina. Bahala ka diyan. Bleh!

Tumawa lang si Renzo sa akin. Pagkabukas ko ng baunan ko, kitang-kita ko na ang nagpapawis kong hotdog sa ibabaw ng pinkish na kanin. Buti na lang hindi yung cheap na hotdog yung binibili ni Ma sa palengke, kaya medyo mapula parin naman siya.

I'll rate it as B-tier na baon.

In my opinion, may mga tier ang pagkain na pwede ibaon sa school. Hindi naman lahat kasi may insulated bag o may lutuan, kaya specific na pagkain lang ang pwede mo ilagay sa inyong Tupperware.

SPAM parin ang nangunguna sa listahan ko. Walang hiya lang dahil napakamahal.

Pinanood ko ang klase at pinakinggan kung anong ulam nila.

"Pahiram muna ng takip ng baunan mo. Thank you!" Humarap pabalik si Renzo at kinuha niya yung takip ko bago pa ako makasagot. Ang kapal naman ng mukha ng buraot na to!

Maya-maya, lumapit siya sa isang lalaki sa may Row 1 at tinanong niya "Wow, dami namang pagkain. Pahingi naman ng konting kanin. Pahingi na rin ng konting adobo."

Hmm, adobo is versatile kasi. Kahit hindi siya bagong luto, masarap pa rin. It depends kung paano siya niluto, though. Kung ito yung medyo malapot na sarsa at yung nagmamantika, pwede siyang A-tier kaso ang downside niya lang is masebo yung lalagyan.

Kung katulad ito sa co-op/canteen na adobong pinangat... as in pinangatlong init, hard F ito.

"Uy bes, may birthday yata sa inyo eh. Pahinging shanghai."

Okay, I'll admit masarap ang shanghai, and S tier siya kapag sa handaan. Pero kapag binaon kasi mas malaki ang chance na mangasim kaya at best A tier siya sa akin.

Pero siguro pwede naman ako makipagbarter sa kanya ng ulam.

Hmm...

"Mukhang ganado magluto sa inyo ah. Pa-topping nga ng sarsa ng bistek mo?"

"Uyy, may cake! Pahingi konti."

...

...

...

Tanginang kaibigan to. Ginawang buffet yung mga kaklase. Mahiya ka naman!

Minsan naiisip ko paano kita naging kaibigan, pero knowing me, for sure mas may saltik ako sa kanya paminsan-minsan.

Hayaan ko na siya. Buti na lang takip lang hiniram niya sa akin. Balik na lang ako sa pagkain ko. Dahil hindi ko masyado napalamig yung hotdog, medyo nagpawis ito sa baunan. Buti na lang hindi nasira kaagad yung kanin.

Tara, let's eat!

...

Yung hotdog buti na lang hindi hilaw sa loob. Thank you ma at inaalagaan mo parin ako kahit minsan nagiging pasaway ako sayo! Babawi talaga ako sayo pagkauwi ko.

"Ayan na pala yung inorder natin sa HappyBubuyog!" Narinig kong bati ni JV sa mga kasama niya. Eh di kayo na ang mga burgis na naghahari-harian sa mga baon namin!

For sure burger steak lang yan!

"OMG, finally! Tara samahan na kita." Bati ng isang babae sa tabi niya at sabay silang lumabas ng silid.

Habang sila ay excited sa kanilang kakainin, nakita ko naman na luhaan ang isang lalaki sa gilid ko. "Puta, natapon baon kooooo!"

"Hala ka! Ano ba yang baon mo?" Tanong ng katabi niya.

"Noodles."

"Yung nasa cup?"

"Hindi, yung nasa pakete. Plinastik lang ng nanay ko pagkatapos lutuin."

Sabay nilabas niya ang isang plastik ng kanyang baon. Halos hindi ko na makita yung noodles, siguro nadurog na habang nasa loob ng bag niya.

Boy, check mo na kung nanay mo ba talaga yan.

Sinong mapagmahal na ina ang magpapabaon sa kanyang high school na anak ng noodles na nakaplastic? Kahit anong galit ng nanay ko, never ko pa naexperience magbaon ng ganyan.

...

...

Ma, wag ka magka-idea!

At dahil doon, inubos ko kaagad ang baon ko. Sabagay, nagutom ako sa lahat ng nangyari kanina, kaya hindi naman mahirap simutin ang bawat butil at piraso ng pagkain ko. Pagkalapag ko ng lalagyan ko, sabay umupo sa tabi ko si Renzo, dala-dala niya ang takip.

"Salamat pre. Haaaayy sarap talaga ng buhay!" Banat niya habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Talagang tumikim ka sa bawat baon nila no?"

"Nakalimutan ko baon ko sa bahay eh. Heto yung takip." Tumawa si Renzo bago iabot ang plastik sa aking kamay. Dali-dali ko naman nilagay yun sa taas ng baunan at nilagay sa loob ng bag ko.

Ayoko maulit yung huling beses na naiwan ko ang baunan ko sa school.

Minsan naisip ko kung anong meron sa Tupperware na parang lahat ng nanay napakapossessive doon. Para bang yung buong pagkatao nila nakalagay sa mga lalagyan na yun, na kapag nawala parang nagta-transform na parang mga halimaw.

Pero bago pa ako malunod nanaman sa mga palaisipan ko, nauuhaw ako. Gusto ko ng panghimagas.

Kaya tumingin ako kay Renzo at niyaya "Boy, tara sa co-op. Bili lang ako ng inumin."

"Sige sige, tara!" Tumungo siya at kumuha ng barya mula sa harapan ng bag niya bago kami lumabas ng kwarto.

Sumambulat kaagad sa amin yung tirik ng araw paglabas ng building. Puta, napakainit talaga sa Pilipinas! Buti na lang may bubong yung lakaran papunta sa iba't ibang building ng paaralan. Sa kabuuan, may 6 na gusali na specifically para sa mga classroom. At ang nakakatuwa dito is yung mga building ay nakapangalan sa mga kongresista at konsehal ng lungsod.

Parang pera nila yung ginamit. Walastik!

Yung building namin ay matatagpuan sa pinakakanlurang bahagi ng eskwelahan. Medyo malapit sa compost pit at sa imbakan ng basura, kaya amoy na amoy namin kapag Tuesday kapag mangongolekta na yung trak sa amin.

Samantala, yung co-op namin ay matatagpuan sa kabilang dako, lagpas sa TLE building namin. May malawak na aspalto sa harapan nito at pagkatapos nito ay isang covered court kung saan kami pumipila tuwing flag ceremony.

Yung parehong flag ceremony na nalate ako. Kainis!

"Tignan mo doon, JM. Naguumpisa na pala sila." Biglang may tinuro si Renzo sa isang grupo ng estudyante na nakatayo sa gitna.

Sumunod ang tingin ko at bigla ko nakilala ang isang babae na kabilang dito. May mga seniors na nakaupo sa parang hagdan paakyat sa covered court, maliban sa isa. Yung mga estudyante na nakita kong mga kasamahan ko sa baitang, nakapila ng pantay sa ilalim ng naglalagablab na araw.

Hindi ba si Sandra yun?

"Tunton sa kanan... NA!" Biglang sumigaw ang lalaki sa harap nila at sa isang iglap, tumaas ang kanilang kanilang kamay at mabilis silang humanay isa't isa, hanggang sa magpantay silang lahat.

Matapos ang ilang saglit, sumigaw ulit siya ng "Da... RAP!"

Bumaba din ang kanilang kamay, mga ulo nakafocus lang diretso.

Hindi ko alam kung bakit, pero habang naglalakad kami, parang nawawala yung mga tao sa paligid at nakatutok lang talaga ako kay Sandra. Mas naging cool siya para sa akin na parang walang imik habang naguumpisa sila ng drill exercises para sa mga COCC candidates.

Feel ko parang mas lalaki pa siya kaysa sa akin!

Noong bata ako minsan naisip ko maging sundalo, pero nang pumasok ako sa high school at nakita ko kung anong ginagawa nila, parang naisip ko na it is really not for me.

Masyado akong tamad para sumali sa ganyan.

Which is why saludo ako sa mga nagtitiis at nagsusumikap para maging future CAT officers. At base naman sa itsura ni Sandra, na kahit mukhang mangangain parin siya ng tao, ay walang halong inis ang nakapinta sa kanya.

Talagang ineenjoy niya ang ginagawa niya.

"Bing'to..."

"Bing'lo..."

"Bing'syam..."

"Wam'pu... Ako ang huling number, sir!"

"Mabuti. Harap sa likod, RAP!... Break!" Sumigaw ang kanilang CO at matapos tumalikod, nagpahinga ng kaunti ang mga COCC candidates habang nakatayo. At base sa tagatak ng pawis na kanilang pinapawi, parang kayang pumuno ng isang pitsel kapag pinagsama-sama mo ito.

Meanwhile, nakangiti ang lalaking kanina pa nagbibigay ng utos at sinabi "20 kayong mga candidates sa taon niyo. Ngayon pa lang pag-isipan niyo na kung sigurado na kayo dahil hindi ito para sa mahihina ang puso at sa mga balat sibuyas. Maliwanag ba tayo?"

"Kalmahan mo lang Yel, kakaumpisa pa lang natin oh." Natatawang sigaw ng isang babae na nakaupo. Tumawa lang lalaki na si Ariel Oriano at sumagot "Ano ka ba, Celine? Kailangan alam nila kung anong pinapasok nila sa umpisa pa lang."

Kilala si Ariel bilang anak ng isang hepe ng pulisya. Samantala, si Celine Sanchez anak ng isang admiral. Coincidentally, gusto nilang sumunod sa yapak ng kanilang tatay at mga ninuno nila.

Noong una, iniisip ko kaagad na isa sila sa mga spoiled brat na puro kagaguhan lang ang inaatupag, but I was strangely surprised na napakadisiplinado nila in and out of school. Hindi sila yung unang kakausap sayo, but he still respects people. especially kapag pareho kayo ng point of view.

They take their role as the top CAT officers seriously. Kaya ganyan din sila kagigil with the current candidates.

"Atten.. TION! Harap sa likod, RAP!"

Wala silang sinayang na panahon at bumalik ang kanilang focus sa kanilang senior CAT officer. Yung kilos nila para silang iisang isip lang, pero stragely, mas naging aware ako kay Sandra. Napaka-graceful. Kung hindi lang parehong kaliwa paa ko baka nagbalak ako sumali.

Hayy, mas nangingibabaw talaga yung katamaran ko.

...

...

...

"Baka matunaw yan. Wag mo masyado titigan." May isang boses na biglang bumulong sa kaliwa kong tenga. Para akong tipaklong sa taas ng talon ko habang naririnig ko na naman ang tawa ng taong gusto ko iwasan.

"Tangina naman Renzo, wag ka manggulat!" Sigaw ko habang ang kamay ko nasa ibabaw ng tenga parin dahil sa kiliti.

"Tinatawag kasi kita pero hindi ka sumasagot. Sino ba yung bet mo diyan?" Sumilip siya mula sa balikat ko at tumingin din pabalik sa nakagrupong mga candidates.

"Wala nga! Pumunta na lang tayo sa co-op!" Hinatak ko siya papunta sa aming pakay na lugar habang tumatawa siya.

...

...

...

Hindi naman kami nagtagal bago namin narating ang coop.

Pagdating namin sa maliit na building, as usual, jam-packed ang lugar. Minsan napapaisip ako kung paano nagkakasya ang mga estudyante sa aming canteen. Halos sinlaki lang siya ng dalawang classroom, pero halos 200 kaya nito pagsabay-sabayin.

May theory ako na mayroong wormhole sa loob ng co-op na kaya magaccomodate ng maraming tao.

Kaya sa pintuan pa lang, daig mo pa ang MRT sa pagsiksikan. Tangina talaga!

"Kuya pabili nga ng value meal!"

"Ate, yung chicharong makunat nga po! Tatlo!"

"Kuya pabili ng Haw flakes."

Medyo limited lang yung pwede mo kainin sa amin. Yung value meal, usually laging ulam yung pritong leeg ng manok na malnourished or adobo na good for 1 week. Pero kapag sinipag si Kuya Ron, ang school cook, gagawa siya ng burger steak o nilaga.

Pero yung sipag niya nakaschedule na once a month, parang ako.

Samantala sa tabi niya naman si Ate Rose na parang may sari-sari store. Puno ng chichirya at candy ang makikita mo sa harap. Nagbebenta din siya ng mga school supplies tulad ng ballpen, lapis, quiz booklet, kahit mga lumang test answer keys!

Quiet lang kayo sa huling part ah.

"JM, dito ka na sumiksik." Kinuha niya yung kamay ko at tinangay ako malapit sa pwesto niya. Parang nararamdaman ko na na maggiging mandirigma ang aura ko mamaya. Walang hiya, hindi ko pa nadala yung pabango ko!

Pero alang-alang naman ito sa aking paboritong inumin sa school.

For sure naman maraming kabataan din ang naadik sa Milo. Naalala ko dati kahit yung powder pinapapak ko pa dati. Yung tamis kasi parang chocolate narin talaga. Masarap siyang panulak sa kahit na anong pagkain.

Si Renzo naman sinahog niya sa kanin. As in sa NFA Rice.

"Kuya Mond! Dalawang Milo nga, LARGE!" Sumigaw ako habang winagayway ko yung singkwenta pesos kong hawak sa taas. Dalawa na bibilhin ko para yung isa, iinumin ko, tapos yung isa ilalagay ko sa lalagyan ko ng tubig.

Ang problema nga lang, maraming tao sa co-op kaya hindi ako marinig. Daig pa namin yung lata ng sardinas sa pagiging siksik.

Ganito pala ang pakiramdam ng mga deboto sa Quiapo.

Pero hindi din naman ako nag-iisang gustong umorder. Marami sa harap at likod ko ang gusto uminom, at sila rin ang sumisigaw ng kanilang order. Syempre, hindi tayo magpapatalo, kung kaya sinubukan ko makalapit.

"Kuya, isang Milo nga po!"

"Kuya Mond, isang bottled water."

"Kuya MOND! ICED TEA NGAAAA!"

"Viva! Viva! Viva!"

"Tangina, SINO NANGBATO NG BASAHAN SA LAMESAAAA!"

Alam nyo yung pakiramdam na nasa bangka ka tapos malalaki yung alon na sinasalubong mo? Ganyan yung nangyayari sa akin. Except, instead na tubig, mga nagsisiksikang katawan at pawis yung humahambalos sa mukha ko.

Pinipilit kong makaabante, pero patuloy parin akong umaatras

Gusto ko lang naman uminom ng matamis na inumin!

Kailangan ko ba magprusisyon? Gusto ko na sumuko. Nanghihina na ako!

At sa gitna ng nandidilim kong paningin, biglang may malamig na bagay ang biglang dumampi sa kamay ko. Pinilit ko buksan ang mga mata ko, nilalaban ang pakiramdam na mahihimatay ako at para akong nakaharap sa isang anghel.

"Pogi, heto na yung hinihintay mo." Malumanay na sinabi ni Kuya Mond sa akin.

And at that moment, feeling ko parang kaharap ko na ang Maykapal. Siguro dahil mahaba at curly yung buhok niya at medyo mahaba ang bigote niya, pero para akong si Maria na nalaman ang Magandang Balita niya.

Muntik na ako mapaluhod sa tuwa.

"Ito na ang Milo mo. Humayo ka na, JM." Bati ni Kuya Mond matapos makuha ang singkwenta ko at nagpatuloy sa trabaho niya. Hindi ko alam kung papaano, pero nakalabas ako ng canteen ng matiwasay, at walang tapon sa dalawa kong baso.

May nangyaring himalaaaaaaa!

Totoo ang balita! May pag-asa pa tayo sa ating mga buhay!

Napaluhod na lang ako sa aspalto at halos maluha dahil ako mismo ang naging saksi. Samantala, nagulat si Renzo sa ginawa ko at tinanong "Hala ka, JM, anong nangyari sayo? Tinamad na ako bumili kaya lumabas ako."

"Kapatid na Renzo, hindi pa huli ang lahat. Magbalik-loob ka na." Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Nababaliw ka na ba? Anong pinagsasabi mo?" Tinulungan niya ako tumayo habang nag-aalala sa pag-iisip ko. Aking kaibigan, hindi mo naiintindihan. Mas klaro na ang pagiisip ko ngayon. Isa ako sa mga naligtas ngayong araw.

Siguro nasa emotional high lang ako, pero I don't care. Ganito pala pakiramdam ng taong tinalo ang energy gap.

Salamat James Reid!

"Yun, JM! Buti nakita kita. Bilhan mo nga ako ng Mi - Huh? Anong ginagawa mo diyan?" Napatingin ako at nagulat ng makita ko si Jamiel na papunta sa akin. At sa isang iglap, may napansin akong kakaiba.

Usually, kukulo dugo ko kaagad kapag nakita siya, pero ngayon, sobrang galak ang naguumapaw sa akin. Siguro nasa sugar high kaya tinapik ko ng mahina ang kanyang balikat at sinabing "Kapatid na Jamiel. Ito ang mabibigay ko sayo kapalit sa chocolate kanina."

"Kahit galing naman kay sir yun. Sus kunwari ka pa. So ano ito? Aamin ka na gusto mo ako no?" Nakangising tanong ng babae sa akin.

Hah, I'm a changed man. Well, at least habang sabog pa ang pakiramdam ko, kaya bigla kong sinambit sa kanya:

"Oo, gusto nga kita."

"Sabi na - HAH?" For the first time, parang naubusan ng salita si Jamiel habang inabutan ko siya ng Milo. Siguro nga Milo ang kasagutan para sa world peace. Kung kahit ako naguumapaw sa tuwa, what more para sa iba.

"Gusto kita na sumama sa lakbayin ko para ikalat sa mundo na may pag-asa pa sa pamamagitan ng inuming ito!"

...

...

...

"... Huh?"

"Teka paano naman ako?" Hirit ni Renzo sa akin.

Pero hindi ko na pinansin, dahil naguumpisa na akong maglakad. Baka ito na nga ang umpisa ng aking lakbayin.

Milo ang sagot para sa ating mga dasal. At lahat sabay-sabay tayo magsabi ng...

...

...

Amen.