Chereads / I Hate You Miss Vice President! / Chapter 9 - 7. Which animals seem to have the greatest rivalry?

Chapter 9 - 7. Which animals seem to have the greatest rivalry?

Okay, I have a confession to make.

...

...

...

Ngayon lang ako nakabalik sa wisyo ko, at sinasabi ko na sa inyo, gusto ko na magpalamon sa lupa dahil sa kalokohan ko. What the fuck am I even thinking, nung sinabi ko yun kay Jamiel?

Why have you forsaken me, Milo?

Gago, ayoko na pumunta sa guidance office mamaya. For sure mangaasar na naman yung kutong yun magkataong makita niya lang ako. Magpaalam kaya ako mamaya na inatake ako ng LBM kaya hindi ako makakasipot?

"Ano nahimasmasan ka na?" Tanong ni Renzo sa akin.

"Hindi pa. Kausap ko pa yung mga readers ko sa loob ng utak ko." Sagot ko habang umiiling ulo ko na parang bobble head sa ibabaw ng jeep.

Wala rin naman halos tinuro mga teacher ngayon since first day pa lang naman, kaya hindi kailangang bigay-todo ka kaagad. Tulad ng ginagawa ng aming butihing Entrepreneurship teacher, si Ma'am Beverly Yu.

Isa rin itong maalamat na guro, pero hindi siya tulad nila Ma'am Asuncion o Miss Joven. Siya ang matuturing kong teacher na sinasabuhay niya lahat ng tinuturo niya.

"Heto bumili narin kayo dito ng pre-loved na damit. Isang beses lang sinuot ng anak ko, kaya alam kong maayos pa." Biglang bunot niya sa malaking bayong habang binabalandra niya yung binebenta niyang mga gamit.

Kilala siya sa kanyang kasabihan niyang 'Work smart, not hard', kung kaya lagi siyang may bitbit na gamit na ibebenta niya sa mga estudyante at kapwa guro niya.

"Beh, feel ko bagay talaga itong dress na'to. Mine mo na to." Nilapit niya sa isang babae sa harap niya ang damit na inaalok nito.

Well, akala ko nung una parang kurtina sa bahay namin sa laki, pero syempre hindi na ako magsasalita at baka ma-choke slam lang ako ng teacher ko sa lamesa. Kaya stay quiet lang ako habang pinapanood ko kinakalkal ng ibang estudyante ang bayong ni maam.

"Ma'am, parang hindi yata kasya sakin ito?"

"Kasyang kasya yan mija. Lagyan mo lng ng perdible."

"Ma'am, magkano itong lotion?"

"Ma'am, magkano itong laruan? Bigay ko sana sa kapatid ko itong parang itlog na may remo-"

At sa isang iglap, parang simbilis ni Flash kung makatakbo at hinablot ang kulay pink na bagay na hawak ng isa kong kaklase bago pa siya magkamalay sa kung anong hawak niya. Akala niya siguro hindi napansin ng lahat yung pagtago niya.

Pero hindi eepek yan sa akin. Dahil ako ay may tinatagong Sharingan, kaya kahit brand pa ng kanyang laruan nakita ko din.

"Ay, hindi yan kasama sa items. Teka, bakit nga ba nandito gamit ng kapatid ko?"

...

...

...

Suuuuuuuuure.

Hindi rin naman nagtagal bago pa tumunog ang school bell. Niligpit kaagad ni Maam Beverly ang mga gamit niya, na parang sanay na sanay magbalot kapag nakatunog na may rumorondang MMDA o pulis, at inannounce:

"Okay class, you can proceed na sa mga elective classes niyo. Tandaan nyo sa Wednesday, magdala ng calculator."

"Yes ma'am!" Sabay kami sumagot bago kami lumabas sa aming silid.

Ang isang magandang rason bakit pinipili ng mga tao magenroll sa paaralang ito ay dahil may emphasis na binibigay sa mga electives. Dual-diploma ang makukuha mo once you graduate. Yung isa as a general high school, the other for the vocational program.

Kung kaya't simula 2nd year mo pa lang, pinapapili ka na which elective would you choose.

And syempre, knowing me, mas pinili ko ang Computer Hardware Servicing.

Why? Dahil walang Software na ino-offer sa school namin. Ever since nagkaroon ng issue na ginagawang computer shop lang yung dating ICT room, pinatanggal na ang elective na yun at pinalitan ng CHS.

"Tara na JM! Akyat na tayo sa CHS." Yaya ni Renzo sa akin habang dala-dala niya ang bag niya.

"Negative, man. Kailangan ako sa SSG." Sagot ko sa kanya.

"Ge, bounce na ako." Sambit niya bago siya lumundag palayo sa akin. Boy, hindi mo kailangang magbounce ng literal! Pwede ba umakto ka na parang normal na tao for at least 5 seconds?

Muntanga ang hayop.

Anyway, kailangan kong magmadali at alas-dos na ng hapon. Kung kaya't kinuha ko yung backpack ko at lumabas sa silid. As usual, tirik ang araw kaya mainit ang lugar. Halos pwede ka na magluto sa bubungan sa sobrang init.

Hindi naman masyadong malayo ang kailangan kong lakarin, total halos nasa gilid lang yung TLE building namin. Mas malalawak yung mga room dito para magkasya yung mga makinarya na ginagamit ng ibang elective.

Tulad na lang nitong Automotive class.

"Miss, magpapa-oil change ka ba?" Yaya ng isang estudyante habang kinakalikot ang isang lumang engine na nakadisplay.

"Hayop ka talaga, diba may jowa ka?" Sagot naman ng babae sabay sampal sa pisngi.

At biglang umikot ang mundo ng kumag, mainly dahil sa lakas ng sampal ni ate girl mo. Ayan ang mangyayari sa mga haliparot tulad mo. Magbigay ka naman ng chance para sa aming mga single.

Meanwhile, may umaalingasaw ang ingay mula sa Food Servicing Room. Rinig ko ang tunog ng mga kawali't kaldero, pero ang kakaiba lang talaga ay may naririnig din akong mga sigaw.

"Kahit kailan, may topak ka talaga! Anong hinithit mo at yun ang ginawa mo?" Angal ng isang babae na may suot na hairnet at apron na may drawing ng mga mukha ng mga babae.

Gusto ko yung design at kulay, pero napansin ko puro mga nakadila yung mga mukha at naglalaway. Parang hindi safe para gawing design sa isang nagluluto, I think.

"Uy, sikat kaya yun sa Malaysia! Binigyan ko lang ng Filipino twist!" Daing ng isang tao na namumukhaan ko kahapon sa SSG. Naalala ko siya si Kris, yung Junior Marshall.

"Naglagay na ako ng cheese at giniling! Bakit mo pa hinaluan ng powdered Milo yung fries natin?" Pinamukha ng babaeng kausap ni Kris sa lahat at nakita ko ang isang bagay na winiwish kong kalimutan kaagad.

Sinong nasa tamang pag-iisip ang magbubudbod ng Milo? Alam kong masarap siya, pero please Kris, hindi lahat nasasagot niyan.

"Para lang maging mas malinamnam?"

"Pwes, kainin mo ito!"

Hindi ko na kailangan magtagal pa para malaman kung anong mangyayari. Binilisan ko na lang maglakad, at inignore ko ang kumakalampag na plastic na pinggan.

Ilang minuto din ang tinagal bago ko narating ang SSG room. Bumungad kaagad sa akin ang nakakasilaw na ngiti ng aming presidente. "Good morning JM! Maupo ka muna. May candy din dito sa bowl."

At sa isang iglap, biglang gumaan kaagad ang pakiramdam ko. Siguro ganito ang pakiramdam kapag kaharap mo ang isang anghel tulad ni Alex. Parang passively tumataas IQ at EQ ko kapag malapit ako sa kanya.

Magsimula kaya ako magdala ng twalya at itry pumunas sa paa niya. I can make a religion out of this!

"Salamat, Alex. Kanina ka pa dito?" Tanong ko habang tinatanggal yung balat ng menthol candy na kinuha ko.

"Oo eh. Prine-prepare ko yung Power Point para sa PTA." Bumuntong-hininga ang lalaki habang pinakita niya sa akin ang kanyang laptop.

Looking at it, I can definitely say may kaalaman siya with the program. Simple pero malinis ang pagkakagawa. Siguro pwede ko iedit yung formatting niya, epsecially dun sa opening slide, pero everything is all good.

I don't mean to brag, pero isa sa 8 Super Skills ko ang paggawa ng maayos na presentation. Kaya nga kinuha ako as Assistant Secretary.

"Ah, akala ko yung Secretary na gagawa diyan?"

"Alam kong kaya naman ito ni Armi, pero mas gusto ko sana malagay lahat ng gusto ko makita sa proposal. I'll have her take notes sa meeting." While waving his hands, sinagot ni Alex yung tanong ko bago bumalik sa pagedit ng kanyang project.

Tumungo lang ako. Ayoko na abalahin pa siya, kaya binaling ko na ang pansin ko sa kwarto. Nasa isang maliit na gusali lang ang SSG room, sa ibabaw ng Office of the Vice-Principal. Napupuno ito ng mga papel at folders ng nakaraang administrasyon. Sa ibabaw naman nakadisplay yung samu't-saring certificates na ginawad sa nakalipas na dekada.

May tatlong office tables sa bandang kaliwa habang may isang mahabang lamesa sa gitna. May projector sa gitna nito. Siguro dahil dalawa pa lang kami dito kaya mukha siyang maluwag.

At dahil dito, mas naging aware ako kung gaano kamangha si Alex. Rinig ko na malaki ang pinagbago niya simula noong pumasok sya dito, at maraming nai-inspire na maging tulad niya. At habang pinapanood ko siya, kahit ako parang napupuno ng determinasyon.

I feel like I can do anything!

"Good morning, Alex!" Of course, yung peaceful life ko ay mababasag ulit nang narinig ko ang boses ni Jamiel mula sa pintuan. Ngumiti ang aming pangulo at kinaway ang kanyang kamay.

Fuck. Ayoko pa muna siya makita. Not now.

Pero syempre, iba ang plano ng tadhana. Nang magsalubong ang mga tingin namin, may saglit na pagkagulat, pero hindi rin nagtagal at nakita ko nanaman ang mala-demonyong ngiti nito "JM, my home boy! Nandito ka na pala."

"Bahala ka diyan. Istorbo ka kahit kailan."

"Sa inyo ni Alex? Ay, hindi ako informed. Kakaamin mo lang sa akin kaninang recess tapos gusto mo pala lalaki. I'm hurt. Pinaasa mo ako."

Ghh, talagang ginamit mo pa yung nangyari kanina.

"Umasa ka pala? Akala ko ba maninigas muna impyerno bago ka mainlove sa akin?"

"Dapat hindi mo nilalaro ang puso ng isang babae. Paano ka makakahanap ng jowa niyan?" Malagkit na ngiti ang pinapakita ng kutong babae na ito. No, hindi kaya masalba ng Milo ang galit na nararamdaman ko.

"For sure darating din ang taong nararapat sa akin. Hindi ko kailangan tulong mo." Dumila ako sa kanya habang tumawa lang si Jamiel.

Which reminds me, may napanood akong documentary noong summer vacation habang naghihintay ng queue sa nilalaro ko. Lahat tayo mula sa ipis na gumagapang sa banyo nyo tuwing hating-gabi, hanggang sa aso na hinahalikan natin, not knowing kinain niya yung poopoo niya kanina, ay may role with nature.

We have what we call an ecosystem.

Naisip ko one time kung maggiging hayop yung mga kakilala ko, what will they be. Si Renzo for sure maggiging sloth yun. Napakatamad on almost all fields. Si Alex naman, I think about dolphins. Intelligent, empathetic, and an absolute joy to watch habang nagtatrabaho.

Ako? I think I'll be a lion. King of the jungle. May pride parin ako when it comes to my skills. Siguro ang pinagkaiba ko lang sa isang totoong leon ay wala akong harem.

...

Again, I am working on it! Wag ka mag-alala Simba, magkakaroon din ako ng sarili kong Nala!

And that leads me back to Jamiel. Gusto ko siya ihalintulad sa isang kabute, pero lately naiisip ko na para siyang hyena instead. Equally dangerous, pero may sense of unexpectedness. Hindi mo alam kung anong nangyayari sa kokote ng babaeng ito, until it is too late.

Which is funny kasi lions and hyenas share the same prey, kaya usually sila ang magkakatunggali. And right now, neither of us is going down without a fight.

"Hindi ako aware na close pala kayong dalawa." Comment ng SSG President habang pinapanood kami ng may maliit na ngiti.

"Alex, hindi rin ako aware na comedian ka rin pala. Me? Close sa kanya?" Banat ko habang tinuro ang babaeng patuloy parin ang pagtawa sa sinabi ni Alex.

"You wish you're close to me!" Nakangising sagot ni Jamiel.

"Sorry Alex! Nalate kami saglit kasi nilinis pa namin yung ginawa ni Kris sa TLE niya." Biglang may isang boses ang nagsalita mula sa pintuan. Lumingon kami at nakita ko si Kei at ang buong SSG team.

"Okay lang. Pasok na kayo para makapagumpisa na tayo." Bati ng pangulo sa grupo. Mabilis naman sila pumasok at nakahanap ng libreng upuan habang binigay ni Alex ang laptop kay Armi bago nagpatuloy "Alright guys, narinig nyo naman kay Sir Dom yung upcoming PTA meeting. So, I need proposals from you guys."

At isa-isa sila nagshare ng kanilang mga naiisip na pwede idagdag para sa school. Honestly, feel ko na lahat ng needs ng mga estudyante ay nabibigay na, so usually superficial na lang ang kailangan.

For once, pinagmamalaki ko na kahit na technically isa itong public school, maayos ang mga CR namin. Naalala ko pa noong elementary kahit nagka-LBM ako biglang uurong noong una akong tumapak sa CR namin.

"Let's have the suggestion box open again for the meantime. Pwede tayo magcanvass from students what needs to be done." Suggestion ni Ariel sa grupo.

"Yeah, we have that one set up. I believe idedesign na lang nila Marvin bukas." Tumungo ang tatlong Marshalls sa explanation ni Alex. "What we need right now is proposals na pwede natin ipresent next week. What can you suggest?"

"How about palakihin yung space for co-op?" Sabi ni Loise habang may nirereview na papel. Siguro yun yata yung final list of CAT & COCC Officers na hinihingi niya kanina.

Hmm... Not bad. Ayoko maulit yung nangyari kaninang lunch time. Hindi dapat parang daan patungong Calvary ang school canteen.

"Well... I definitely agree, pero I think medyo malayo na sa scope ng PTA yan." Nagfeedback si Armi habang tine-take note niya ang mga suggestions from the team. And as much as I want for this to happen, I have to agree with her. Feel ko more with DepEd na dapat yun.

Shit, siguro maggiging araw-araw na panata ko na talaga pumila para sa Milo.

...

...

...

"Siguro all we can suggest right now would be more on the beautification of the school grounds. For example, yung mga plantbox let's have flowers that are endemic to the Philippines." And for the first time, may naintindihan ako sa sinabi ni Jamiel. In fact, I can definitely see that as something plausible para sa PTA Assembly.

Teka, talaga bang tama yung narinig at nakita ko o nagmamalik mata ako?

Nakita kong tumutungo ang mga ulo ng mga kasamahan namin. And for some reason I want to challenge that smile. Lumalabas na naman ang paggiging lion ko. It is almost like she's encroaching my territory.

Hindi ba dapat ako yung magsuggest dahil ako yung talagang nanalo? Napasali lang naman si Jamiel dahil biglang nawala yung dapat na Vice President.

Let me show you how it's done.

"Personally, I think flowers is a no-brainer. Every year naman tayo may ganyang drive. What I can suggest is on top of the plant project, we can also consider painting of mural sa mga school walls. Let's have the city painters do their jobs." Counter-suggestion ko sa grupo habang naka-cross yung kamay ko. How's that?

"Actually, murals are pretty common, too. Pero sige I'll humor you. If you want to have your paintings to have impact, involve the student body. Since maggo-golden year na ang DAKHS, why not assign each section a part of the wall to paint on? Mas tipid pa, mas personal din for everyone."

...

...

Shit, tama din siya, pero it's over my dead body bago ko aminin iyan. Besides, may bala pa rin naman akong panangga sa kanya.

"Sure, kung students mismo magpipinta, it will have a personal touch, pero what I am aiming right now is efficiency. The reason why I suggest yung city painters is because it would be coinciding yung repainting ng covered court. It hits two birds with one stone. Understandable naman if you have oversight on this one."

Nakita kong kumunot ang noo ni Jamiel bago nag-rebut "Puro efficiency, pero walang puso! We can definitely have the repainting done by us, parang Brigada Eskwela lang. Ang mahirap kasi puro ka numero, kaya hindi mo tine-take account yung bigger picture."

"What are you even saying? Kakasabi lang ni Sir Dom it should be within the capabilities ng PTA yung proposal. Since planado narin yung repainting, why not combine two jobs into one? Gusto mo kasi puro engrande pero walang plano on how to see things through!"

"And that's why your suggestions are always boring! Why don't you leave the goal setting and major changes with me?" Tumataas na ang boses ni Jamiel.

"And you don't think ahead. Why don't you leave the micromanagement of this beautification project with me, then!?" Hindi ko namalayan na sumasabay na rin pala ang emosyon ko sa aming sagutan.

...

...

...

Ay tae, hindi lang pala kami nag-iisa sa kwarto.

Tahimik lang ang buong SSG team, maliban kay Alex, na pilit pinigilan ang kanyang ngiti na sumabog sa tawa. Si Armi naman, medyo nastress dahil halos hindi na niya nasabayan yung palitan namin ng salita.

"It looks like we have a team here! I'll leave the planning of the beautification project with you two. Basta run the plan with Lorenzo at Kei para we keep it within budget. I'll give you up until next week pa naman."

Matapos magsalita ni Alex, nagtinginan kaming dalawa.

...

...

...

OH WHAT THE FUUUUUU-